HINDI AKO nagsalita. Dala na rin siguro ng pagkabigla dahil never ko namang inisip na makikita kong pupuntahan ako ni Yvo at magtitiyaga sa labas ng apartment para lamang makausap ako…at hindi lang basta usap. “Tell me, Chiara, anong gusto mong gawin ko para bumalik ka?” Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita muli si Yvo. Napalunok ako at sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Pagod na akong kumapit sa maliit na pag-asa na binibigay niya sa akin para lamang durugin ako pagkatapos. Kaya nga nagdesisyon na ako ngayon na kung hindi kayang ibalik ni Yvo sa akin ang nararamdaman ko, mas mabuti na lang na lumayo. I am actually doing both of us a favor for distancing myself. “Hindi mo kayang ibigay sa akin kung anong gusto ko, Yvo.” Umiling ako sa kanya