ALAM MO iyong nakakatakot? Iyong ang payapa ng buhay mo na minsan ay napapatanong ka kung may kapalit ba ang saya at kapayapaan na nararamdaman mo. Nang inaakala ko na may pinaplanong hindi maganda si Emilio Bianchi, wala naman siyang ginawa. Hanggang sa umuwi nga si Yvo galing Russia ay wala, eh. Kinakabahan ako, because something feels off. Akala mo, something unexpected is brewing in the background. Masaya kaming dalawa ni Yvo. Hirap pa rin siyang mag-express minsan ng nararamdaman niya pero kahit papaano ay nagagawa niya naman. Napagtanto ko that it will take him some time to adjust sa buhay na may girlfriend. Wala rin akong masyadong balita sa The Outfit. Simula nang tanggihan din pala ni Yvo ang offer na kasal ng mga ito, hindi naman sila nanggulo. Nakakapanibago. Nasanay ako n