PARA AKONG lumulutang simula kanina nang mabasa ko ang comment niya. Sa sobrang taranta ko pa at takot na may makakita ng comment ni Yvo, tinanggal ko ang post ko. Bakit ko inalis? Gusto kong sapuin ang aking noo pero ayoko namang mahalata ni Yvo ang pagkataranta ko sa ginawa niya. What’s with him and his possessiveness? Alam ko na possessive siya noon pero not to this extent. Kulang na lamang ay ipagsigawan niya ang salitang mine. My face heated up again when I remember his comment. Mukhang tatatak na sa isipan ko ang mga salitang iyon ngayon. Pumasok na kami sa venue. Dahil sa nangyari kanina, nakalimutan ko tuloy ang kaba ko rito sa event na ito. Hinawakan ni Yvo ang kamay ko at inilagay iyon sa may braso niya. Napatitig ako sa kamay ko na ngayon ay nasa braso nito. Mabilis na nama