SINABIHAN ako ni Rafe na magpaalam na kay Angeline na mauuna na ako. Ayoko rin sanang iwanan si Angeline ngunit nang sabihin ni Raffaele na baka madamay pa ito kung makikita kami na magkasama, nakumbinsi niya na ako. Pumasok ako sa loob ng isang sasakyan. Hindi ito parte ng mga sasakyan na ginagamit ni Yvo kaya hindi ko nakilala. “Hello?” sagot ni Angeline nang tawagan ko siya. “Angeline, nasaan ka na? Nahanap mo na iyong susi?” Iniisip ko pa rin kung anong magandang sabihin sa kanya dahil wala akong maisip na idadahilan ko. “Oo, ito at kasama ako ng guard sa Lost and Found. Pabalik na rin ako maya-maya.” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig iyon. Agad kong sinabi sa kanya na mauuna na akong umuwi. “Hindi na kita mahihinntay. Nagkaroon kasi ng emergency kaya kailangan ko nang umu