XXIII: Trust No One

2202 Words
"At para sa huling parte ng exam. Klein Schneider ng Section X laban kay Darius Brookes ng Class 3-C!" Pagsabi no'n ni Ms. Merlot ay umakyat na ng arena si Darius. Samantalang si Klein naman ay tumayo na sa kinauupuan niya para bumaba sa arena. "Si Darius ay isang Sobek." Napatingin ako kay Gunner nang bigla siyang magsalita. "Sobek?" tanong ko. "Ang Sobek ay isang half human, half crocodile creature. Pansin mo 'yong balat niya? May kaliskis na parang sa buwaya, 'di ba? Tapos may crocodile tail din siya," paliwanag ni Gunner habang nakatingin kami sa makakalaban ni Klein. Pansin ko nga. Tao naman ang features niya. Mula sa buhok niyang kulay itim, 'yong mukha niya, at buong katawan niya hanggang paa. Pero 'yong balat niya, may mga kaliskis na parang crocodile skin. Mayroong gano'n sa gilid ng mukha niya hanggang leeg. 'Yong mga mata niya ay kulay yellow na parang mata talaga ng isang buwaya. May mga pangil siya at matutulis na kuko at meron nga siyang crocodile tail. Natahimik muli ang buong coliseum at ramdam na naman namin ang nabubuong tension sa pagitan ng maglalaban. "Schneider versus Brookes, simulan na!" Pagkasabi no'n ni Ms. Merlot ay bumaba na siya ng arena at bumalik sa kinauupuan niya. Nakita naming may biglang lumitaw na divine weapon sa kamay ni Darius. "Hindi ba flail ang tawag sa weapon na 'yon ni Darius?" tanong ko bigla. "Tama, Aika," sagot naman ni Xavier. "Aba. May natututunan ka talaga sa studies natin, ah?" pabirong sabi naman ni Gunner. Natawa naman ako, "Oo naman." Ang flail ay isang weapon na parang latigo siya na gawa sa kadena tapos sa dulo nito, may malaking bola ng bakal na may spikes. "Njord's Scepter." Pagkabanggit no'n ni Klein ay may kulay green na liwanag na lumitaw sa kanyang kamay at pagkatapos no'n ay lumitaw ang kanyang divine artillery. Nagulat kaming lahat at pigil-hininga nang mabilis na sumugod sa isa't isa sina Klein at Darius. Parang kidlat sa bilis ang dalawa kaya naman ang iba sa'min ay napatayo na lang at napanganga. Winasiwas ni Darius ang flail niya sa paanan ni Klein. Pero mabilis niya itong naiwasan habang naka-tumbling sa ere at nang nasa likod na siya ni Darius ay tinutok niya ang dulo ng scepter sa likod. At mayamaya lang ay tumalsik na parang bulalakaw si Darius at sumubsob siya sa lupa habang nakakaladkad. Lalong napalaglag-panga kaming lahat na nanonood sa mangha dahil sa pinamalas ni Klein. "Hinay-hinay lang, Klein. Baka mapatay mo 'yan," pag-aalala ni Ryker. "Alam ni Klein ang ginagawa niya." Napatingin kaming lahat sa biglang nagsalita. "Jerome," sabay-sabay naming sabi. "Gising ka na pala," sambit ko. "Sino bang hindi magigising sa ingay niyo?" seryoso naman niyang sabi. "Tama si Jerome. Alam ni Klein ang ginagawa niya. Kaya huwag na tayong mag-alala," sabad naman ni Gunner. Tumayo naman kaagad si Darius at nang humarap siya kung nasaan si Klein ay agad niyang winasiwas ulit 'yong flail niya. Nag-e-extend pala ang divine artillery niya kaya't naaabot nito si Klein kung nasaan man siya. Pero mas mabilis si Klein. Naiiwasan niya kaagad ang mga pag-atake ni Darius. Itinukod ni Klein ang scepter niya sa lupa at agad itong naglabas ng matutulis at malalaking yelo mula sa lupa hanggang makarating ito kay Darius. Nakaiwas naman siya pero tinamaan pa rin ito. May mga galos ang braso at binti niya dahil napunit ang ibang bahagi ng uniform niya. Inihampas ni Darius ang flail niya sa mga tipak ng yelo na ginawa ni Klein at nadurog ang mga ito. Tumakbo siya papalapit kay Klein sabay hampas muli ng kanyang flail. Nakatayo lamang do'n si Klein at nang maabot na siya ng dulo ng flail ay iniharang niya ang dulo ng kanyang scepter. Naging yelo ang buong flail ni Darius at unti-unti itong nawasak. Natulala na lamang si Darius sa kinatatayuan niya at mukhang hindi siya makapaniwala sa nangyari. Naglakad naman papalapit sa kanya si Klein at itinutok sa kanya ang dulo ng kanyang scepter. "Game over," saad ni Klein. Natahimik ang lahat nang biglang yumuko ang ulo ni Darius. At bakas din ang pagtataka sa mukha ni Klein. "Mag-iingat ka, Klein!" sigaw bigla ni Xavier. At nang mapatingin dito si Klein ay bigla na lang siyang tumalsik at napasadsad sa lupa. Nagulat kaming lahat nang dahil do'n at halos hindi namin nasundan ang pangyayari dahil sa sobrang bilis. Pagbangon ni Klein ay nakita naming may mga galos ang katawan niya. Pati na rin mga braso at binti niya dahil punit-punit din ang uniform niya. "Anong nangyari?" tanong ko. Hindi ko na rin kasi gaanong nasundan pa ang nangyari dahil sa bilis. "Crocodile scales. Nagiging matatalim na blades ang kaliskis ng isang Sobek. At ang delikado pa rito, may toxic poison ang mga 'to," paliwanag ni Xavier. Bigla naman kaming nag-alala para kay Klein nang sandaling iyon. Napansin na rin namin ang dahan-dahang panghihina ni Klein. Hindi na siya makagalaw nang maayos nang hindi nakatukod ang scepter niya sa lupa. "Teka, puwede ba 'yan? Baka...kung mapaano si Klein. Alam niyo na..." pag-aalala ko. "May antidote naman para diyan. Puwede siyang gamutin once na matapos ang laban nila," sagot naman ni Ryker. Nandilat ang mga mata namin nang makitang susugod na naman ni Darius kay Klein. "Katapusan mo na, Section X student!" sigaw ni Darius at bubuwelo na siya ng talon para umatake kay Klein na nakatayo lang doon at mukhang nanghihina na. Pero nang malapit na si Darius kay Klein ay bigla itong natigilan. Pagkatapos ay unti-unting nagyeyelo ang kanyang katawan mula paa. "A-Anong nangyayari?!" natatarantang tanong ni Darius habang pinagmamasdan niya ang yelong unti-unting bumabalot sa katawan niya. Hindi na nakagalaw pa si Darius mula sa puwesto niya hangga't sa nabalot na ng yelo ang buong katawan niya maliban lang sa ulo niya. Pagkatapos no'n ay pigil-hininga kaming lahat dito sa coliseum habang nagbibilang si Ms. Merlot. "One! Tapos na ang laban! At ang nanalo, si Klein Schneider ng Section X! Congratulations!" pahayag na 'yon ni Ms. Merlot. At kasunod no'n ang maingay na hiyawan at palakpakan na bumalot sa paligid. Pagkatapos naman ng announcement ay naglaho na ang yelong bumalot kay Darius at napaupo na lang siya sa lupa. Bakas sa kanyang mukha ang lugmok dahil sa pagkatalo niya. Samantalang si Klein naman ay mukhang nanghina na nang tuluyan kaya't hindi na siya makatayo at makakilos nang maayos nang walang alalay ng kanyang scepter. "Pupuntahan ko si Klein. Dadalhin ko siya sa university hospital. Kayo na muna rito," sambit ni Gunner tapos ay agad siyang bumaba sa arena para lapitan ni Klein. Pagkatapos ay inalalayan niya si Klein maglakad palabas ng coliseum. "Okay! Lunch break muna tayo! Let's get back after one hour para ituloy ang battle exams!" announcement ni Ms. Merlot. Pagkatapos no'n ay nagkanya-kanyang tayuan ang mga estudyante sa coliseum para lumabas. "Ano ba 'yan. Inabutan pa tayo ng lunch break," reklamo ni Ryker. "Okay lang 'yan. Isa pa, gutom na rin ako," saad naman ni Xavier. "Grabe. 'Di ba ikaw ang umubos ng baon ni Klein?" Hindi naman makapaniwala si Ryker. Pero hindi na umimik pa si Xavier. Tumawa lang ito bilang tugon. Tapos ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng coliseum. --- Paglabas namin sa likod ng coliseum ay bumungad sa amin ang maraming stalls na para bang may mini festival. "Wow..." mangha kong sambit habang ginagala ang paningin ko. Habang naglalakad kami ay napapalingon ako sa lahat ng stalls na madaanan namin. Karamihan ay stalls ng pagkain pero ang ilan ay mga kagamitan gaya ng souvenir items. "Mukhang hindi mga estudyante ang mga nagbabantay sa stalls," sambit ko. "Oo. Mga teachers sila. Iyan muna ang ginagawa nila habang walang klase," sagot naman ni Ryker. Tumango-tango naman ako, "Ah kaya pala." "Guys, kakain muna ako ro'n!" sambit naman bigla ni Xavier. Tumingin kami sa kanya at may tinuturo nga siyang isang stall na nagtitinda ng ramen. "Okay, sige," tugon naman namin ni Ryker. "Magkita na lang tayo mamaya!" paalam sa'min ni Xavier bago siya tuluyang tumakbo papunta sa ramen stall. Pagkatapos ay naglakad-lakad kami ulit. Ilang sandali naman ay napansin kong napahinto si Ryker kaya't huminto rin ako sa paglalakad. "Hi, miss!" bati ni Ryker bigla sa dalawang babae na nakasalubong niya. Masaya rin siyang binati no'ng dalawang estudyanteng babae. "Puwede ba akong sumama sa inyo?" alok ni Ryker sa mga babae na mukhang nagpapa-cute. "Sure!" pagpayag naman ng mga babae. Bakas naman ang sobrang tuwa sa mukha ni Ryker tapos ay inakbayan niya ang dalawang babae at tuluyan na ngang sumama sa kanila. Napailing na lang ako sa nangyaring 'yon. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang mapansin kong wala si Jerome. "Hala, nasaan naman ang isang 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Napakamot naman ako sa batok ko. Kanina pa ba siya nawawala? Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Baka sakaling makita ko siya. Isa pa, medyo marami-rami ang mga nilalang rito kaya mahihirapan ako nang kaunti na hanapin siya. "Bakit naman kasi bigla siyang nawawala?" sambit ko pa. Sa paglalakad ko pa ay sa wakas, natanaw ko na rin siya. Lalapit na sana ako pero napatigil ako nang mapansin kong may kausap pala si Jerome. Lalo na akong hindi lumapit nang makita kong babae 'yong kausap niya. Tapos parang ang seryoso pa nila habang nag-uusap. Pakiramdam ko parang bumigat ang mga paa ko. Kaya naman dahan-dahan akong umatras at naglakad na lang papalayo nang mag-isa. Lakad lang ako nang lakad sa pagitan ng mga nilalang dito pero parang lumulutang ang isip ko. Napabuntonghininga na lang tuloy ako nang malalim. "Aika!" Natinag ako nang biglang may tumawag sa'kin. Kaya naman napatingin ako sa gawing 'yon. "Peter?" Kumaway siya sa'kin at napansin kong nasa isang drinks stall siya. Si Peter, 'yong gnome student na niligtas ni Jerome mula sa mga bully. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. "Hello, Aika!" masayang bati niya sa'kin. "Teka, bakit ka may stall?" usisa ko. "Excused ako mula sa battle exams," sagot naman niya. Napataas ang kilay ko, "Talaga? Bakit?" "Mahina kasi ang resistance at stamina ng katawan ko. Kaya binigyan ako ng excuse letter para hindi ko na kailangang makilahok sa battle exams," paliwanag niya. "Ah, puwede pala 'yon?" "Oo naman. Basta meron kang medical certificate patunay na may problema sa katawan mo kaya hindi ka puwede sa mga ganyang event," paliwanag niya ulit. Tumango-tango ako, "Hmm, okay. So, anong tinda mo? Drinks?" "Oo. Nagtitinda na lang ako ng drinks para naman may magawa ako. Ang boring naman kasi kung manonood lang ako sa loob." "Gusto mo ba?" alok niya sa'kin. "Pili ka lang ng flavor na gusto mo. Libre na para sa'yo," sambit pa niya. Napangiti ako, "Talaga?" "Oo! Pili ka lang diyan. May orange, mango, apple, grapes, at melon. Pili ka lang," alok niya. "Sige. 'Yong melon na lang," sagot ko. "Okay. Isang melon drink para sa'yo." Pagkatapos ay kumuha siya ng plastic cup na medium size at nagsalin do'n. "Bakit nga pala mag-isa ka? Nasaan ang mga kasama mo?" tanong niya bigla. "Ah...eh may kanya-kanya silang business ngayon. Alam mo na?" sagot ko nang may kasamang tawa nang pagak. "Gano'n ba? Kahit si Hamilton?" "Oo..." Napangiwi tuloy ako nang maalala ko 'yong nakita ko kanina. "Oh heto," sambit ni Peter sabay abot sa'kin ng melon drink matapos niyang takpan ito at tusukan ng straw. "Ooh, salamat dito ha?" sambit ko naman pagkaabot ko nito. "Walang anuman. Good luck sa battle exams!" Ningitian ko lang siya bago ako umalis. Habang naglalakad ako ay tiningnan ko muna ito mula sa baso at inalog nang kaunti. May mga yelo ito sa ilalim. Pagkatapos ay hinalo ko ito nang kaunti gamit ang straw. Iinom na sana ako pero biglang may humaklot ng drinks ko mula sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatingin ako sa nag-snatch ng inumin ko. "Jerome?" Hawak-hawak niya 'yong inumin ko habang seryosong nakatingin sa'kin. Kita mo 'to. Biglang nawawala, tapos bigla na lang din susulpot. "Bakit mo kinuha sa'kin 'yan?" inis kong tanong. Tinanggal niya ang takip ng cup ng inumin ko. Tiningnan niya muna ito saglit bago itapon. Hindi naman ako makapaniwala sa ginawa niyang 'yon. "Hoy, bakit mo tinapon?" tanong ko. "May potion ang inumin na 'yon," sagot ni Jerome. "Potion? Paano mo naman nalaman?" "Limang beses na mas matalas ang pang-amoy ko kaysa sa ibang nilalang dito. Kaya alam ko." Oo nga pala. Isa nga pala 'yon sa mga natural ability niya bilang isang vampire. "Pero...bakit naman 'yon gagawin ni Peter?" pagtataka ko. "Annual battle exams ngayon. Hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa iba lalo na kung hindi mo naman lubusang kilala. Kaya kang ipahamak ng ibang estudyante, huwag ka lang makapasa," paliwanag ni Jerome. "Hindi ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Peter. Saka sabi niya excuse daw siya sa battle exams." "At naniwala ka naman? Bakit? Kilala mo ba siya nang lubusan? Kung iniisip mong hindi niya 'yon magagawa dahil tinulungan mo siya ng isang beses, nagkakamali ka. Hindi 'yon gano'n, Aika." Unti-unting nag-sink in sa'kin lahat ng sinabi ni Jerome. Tama siya. Hindi dapat ako magtiwala nang ganoon kadali sa lugar na 'to. "Bumalik na tayo sa loob ng coliseum," sambit ni Jerome. Nabigla ako nang hablutin niya ang pulsuhan ko tapos ay nauna siyang maglakad habang nasa likuran lang niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD