IV: Identity & Premonition

1864 Words
Isang linggo na agad ang lumipas mula nang ilibing si Kevin. Naulila niya ang mga magulang niya at ang nag-iisa niyang kapatid na batang lalaki. Lubos silang nahihirapan sa pagkawala ni Kevin. Kahit sino naman ay mahihirapan talagang tanggapin ang mawalan ng mahal sa buhay. Naalala ko no'ng araw na 'yon, tumawag ako ng ambulansya. At nang nasa ospital na kami, tinawagan ko agad ang mama ni Kevin. Sinabi ko na lang na dapat ay magkikita kami sa lugar na 'yon at pagdating ko do'n ay nakita ko na lamang siyang gano'n. Oo nagsinungaling ako. Mabigat man sa loob, pero kailangan. Masisisi mo ba 'ko? Masasabi ko ba sa kanila ang tunay na nangyari? Malamang hindi sila maniniwala at baka masabihan lang akong baliw. Gabi na at narito ako ngayon sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng phone kahit ayaw ko pero kailangan dahil para maka-move on ako mula sa pagkawala niya, at ayaw ko ring burahin doon ang mga alaala namin ni Kevin tulad ng pictures at text messages. Itinago ko na lamang ito sa drawer ko. Pabagsak akong humiga sa malambot kong kama. At biglang sumagi sa isip ko 'yong lalaking naka-black hoodie at 'yong mga pinagsasabi niya sa'kin no'ng araw na 'yon. Unholy spirits and creatures? Napailing na lang ako. Teka sandali. Naalala ko bigla 'yong I.D. na napulot ko. Kaya naman agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Tapos ay kinuha ko iyon sa maliit na bulsa nito sa harap. Pagkakuha ko nito ay bumalik na 'kong muli sa pagkakahiga at tinitigan ang logo sa flip cover ng itim na card case na 'to. Tapos ay iniangat ko ang flip cover nito at tumabad sa'kin ang I.D. "Underworld University." Ang weird naman ng pangalan ng school nito. Underworld talaga? Legit ba 'to? May school ba talagang ganito? Baka naman may saltik lang 'yong may-ari ng school nito kaya ganito ang pinangalan niya? Sa kaliwang bahagi ng I.D. ay ang 2x2 sized I.D. picture ng may-ari. Kamukha siya ni black hoodie guy. Kamukhang-kamukha. Siya ba talaga 'to? Sa pagkakatanda ko kasi, itim naman ang buhok niya at grey ang mga mata niya. Pero dito sa picture, grey ang buhok niya at kulay pula ang mga mata niya. 'Di kaya kakambal niya 'to? Pero hindi rin. Kasi bakit naman niya dadalhin ang I.D. ng kakambal niya kung meron man? Ang weird talaga. Tinitigan ko pa itong mabuti. Mukhang siya nga ito. Hindi siya nakangiti sa picture at masasabi kong iisa lang sila no'ng misteryoso at masungit na lalaki kanina. "Last name, Hamilton." Napataas ang kilay ko dahil tunog-foreign ang apelyido niya. "First name, Jerome. Ah, Jerome Hamilton ang pangalan niya." ---- Nasa harap ako ngayon ng hapag-kainan pero parang lumilipad ang isip ko. Naaalala ko kasi si Kevin. Mula no'ng first meet namin, no'ng nag-confess siya sa'kin, noong niligawan niya 'ko hanggang sa maging officially in a relationship kami. Hanggang sa nangyari 'yong araw na 'yon. I saw him with his ex, nag-away kami, nag-sorry siya. Tapos... "Aika." Mapapaluha na naman sana ako nang bigla akong matauhan nang marinig ko ang pangalan ko. "Y-yes, Mom?" tugon ko kay Mommy. "Sweetheart, alam kong nahihirapan ka pa ring tanggapin ang pagkawala ni Kevin. Kaya nandito lang kami ng Daddy mo para sa'yo, okay?" malambing na sambit ni Mom habang hawak niya ang kamay ko. Kaya't kahit tipid ay ningitian ko pa rin siya. "Thanks, Mom." I'm really grateful having parents like them. I'm so lucky to have them. They are one of the reasons why I can still go on despite losing Kevin. ---- Nasa school na 'ko at naglalakad sa hallway papunta ng classroom ko. Pero napahinto ako nang may nakita akong kakaiba sa 'di kalayuan. Isang anino na nakalutang na may mahahabang braso at daliri na may matutulis na kuko. Kulay pula ang mga mata na lumiliwanag at may malapad na bibig na may matutulis at malalaking ngipin. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko at 'di ko maalis ang paningin ko sa nakikita ko. Nanginginig din ang mga binti ko at para bang nabibingi ako sa t***k ng puso ko. Napalunok na lamang ako habang titig na titig pa rin sa nakakatakot na bagay na ýon sa hindi kalayuan. Namamalik-mata ba 'ko? Nakatayo lang siya doon sa sulok at nakatingin din sa'kin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa takot. Halos mapalundag naman ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. "Oy, Aika." "M-Mica. Ikaw lang pala," sambit ko habang pilit na tinatago ang takot na nararamdaman ko. "Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit parang nakakita ka ng multo?" pagtataka niya. "Eh kasi..." Tapos ay lumingon ulit ako kung saan ko nakita 'yong kakaiba't nakakatakot na bagay. "Wala na siya..." bulong ko.  Napakunot naman ang noo ko nang makita kong wala na ang nakakatakot na bagay na ýon. Ano kaya 'yon? Sabay na kaming pumunta ni Mica sa klase. Pagbukas namin ng pinto ay nadatnan naming nagkukuwentuhan at nagsisipagdaldalan ang mga kaklase namin. Ngunit natahimik sila nang makita nila kaming pumasok na para bang may anghel na dumaan. Nagtaka kami ni Mica kung bakit mga tahimik silang nakatingin sa amin. "Uh, anong meron?" tanong ni Mica sa klase.  Nagtinginan naman ang mga kaklase namin matapos huminto sa pagbubulungan. "Hindi niyo pa alam?" tanong ng isa. "Magtatanong ba kami kung may alam kami? Duh?" mataray na tugon ni Mica. "'Yong kaibigan niyong si Sarrah Mallari," sagot naman ng isa. "Anong meron kay Sarrah?" usisa ko naman. "Patay na siya." Halos magpanting ang tenga namin ni Mica sa aming narinig. "What? You must be kidding. Anyway, that's not a good joke," tugon ni Mica. "Natagpuan siyang patay sa tapat ng school kani-kanina lang. Punit-punit ang damit niya at puro lapnos ang balat niya. Naroon ngayon ang adviser natin sa ospital kung saan siya sinugod," paliwanag ng isa. Halos manlambot ang tuhod namin at mapaupo sa aming narinig. Napasandal na lang kami pareho sa pader na katabi namin para lang hindi kami tuluyang matumba. Nahiharapan akong iproseso sa isip ko ang nalaman namin ngayon. Biglang bumigat ang dibdib ko at halos matulala. Ang hirap paniwalaan. Hindi maaari. Hindi 'to totoo. Mukhang sinapit ni Sarrah ang gaya ng sinapit ni Kevin. Bakit?... Bakit?! Napasinghap na lang ako at nang tiningnan ko ang phone ko ay nakita kong may limang miscalls ang mama ni Sarrah. At may mga text messages din ito na wala na ang anak niya. Nanginig at nanlamig ang mga kamay ko sa mga nabasa ko. Totoo nga. Wala na si Sarrah. Napayakap na lamang kami ni Mica sa isa't isa nang magsimula na kaming mapaluha. Nakayakap lang siya sa'kin nang mahigpit habang humahagulgol. At kahit nababasa na ng mga luha niya ang balikat ko ay wala na akong pakialam.  Habang ako naman ay hinahapo na rin sa pag-iyak habang hinahagod ang likod ni Mica. Hindi talaga kami makapaniwalang wala na ang bestfriend namin. Magkakaklase kami since Grade seven at doon din nagsimula ang pagkakaibigan namin. Si Sarrah ay isang mabuting kaibigan. Matalino siya at simpleng babae lang. Tahimik siya sa una pero pagnakilala mo na, hindi mo aakalaing may pagka-introvert siya. May pagkamakulit at madaldal rin kasi siya. Pero bakit kailangang si Sarrah pa? ---- Palubog na ang araw at naglalakad ako ngayon dito sa subdivision namin pauwi sa bahay. Galing ako sa libing ni Sarrah. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang panaginip pa rin ang lahat. Ah hindi. Isa 'tong bangungot. Tumingala ako sandali sa kulay orange na langit habang dinadama ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha at inililipad ang aking buhok. We will surely miss you and I will never forget you. I love you, my bestie. Hindi na ako nagpasundo kay Kuya Ben dahil mas gusto ko munang maglakad-lakad nang mag-isa. Isa pa, baka sakaling makita ko ulit siya. Si black hoodie guy. Gusto ko siyang makausap tungkol sa mga nangyayaring kababalaghan ngayon. Baka sakaling malinawan ako kahit papaano. Itinuon ko naman ang atensyon ko sa kalsada habang patuloy pa rin sa paglalakad. Ilang sandali pa, napahinto ako sa paglalakad nang may napansin akong kakaiba nang sandaling lumingon ako sa harapan.  Biglang lumitaw sa harap ko si black hoodie guy mula sa kawalan. Pero bumabagak siya mula sa itaas kaya't nakatingala lang ako habang nandidilat ang mga mata kong titig na titig sa kanya habang pabagsak siya rito sa lupa.  Parang automatic naman ang katawan ko na tumakbo papalapit sa kanya at sa kabutihang palad ay nasalo ko siya sa ulo nang malapit na itong tumamasa lupa. Kaya't nakaupo ako ngayon sa lupa at nasa kandungan ko ang ulo niya. Habang pinagmamasdan ko naman ang mukha niya ay napansin kong wala siyang malay. Kahit sobrang nagtataka ako sa nangyari ay inilapat ko pa rin ang kamay ko sa pisngi niya at tinapik-tapik ito. "J-Jerome?" tawag ko sa kanya. Kung siya nga ba talaga si Jerome.  Dahil ayaw naman niyang gumising, ni gumalaw man lang, inilagay ko ang dalawang daliri ko sa pulsuhan niya. Napakunot naman bigla ang noo ko nang maramdaman kong wala siyang pulso. Bakit gano'n?  Bahagya akong kinabahan kasi baka patay na rin siya. Kaya naman itinapat ko ang palad ko sa ilong niya. Humihinga naman siya at mukhang normal naman ang paghinga niya. "Jerome? Gumising ka, uy!" tawag ko ulit sa kanya sabay tapik ko sa pisngi niya. Mayamaya lamang ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya at narinig kong umungol siya nang mahina. Sa pagdilat ng mga mata niya'y nasilayan kong muli ang bilugan at kulay abo niyang mga mata. "Ikaw?" pagtataka niya. Tapos ay bumangon siya at nag-indian sit sa harap ko. "Anong ginagawa mo rito?" sabay naming tanong. Suminghap ako, "Dito ako nakatira. Eh ikaw? Bakit bigla ka na lang lumitaw sa harap ko nang walang malay?" usisa ko. "Galing ako sa void," sagot niya sabay himas sa batok niya. Void. Bigla ko tuloy naaalala ýong unang beses na narinig ko ang salitang ýon. Parang napunta kami sa ibang dimensyon dahil sa pagbabago ng kulay ng paligid. "Speaking of unholy. Jerome," sambit ko tapos ay tumingin siya sa'kin. "Ikaw ba ang pumatay kay Sarrah?" seryoso kong tanong sa kanya. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko kilala ang mga pinapatay ko. Wala akong Unholy na kinikilala," seryoso niyang tugon. "P-pero–"  Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Kaya naman ganoon din ang ginawa ko sabay pagpag sa likuran ko. "Isa pa, paano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtataka niya. So, siya pala talaga si Jerome Hamilton. Kinuha ko sa bag ko ang wallet ko kung nasaan ang I.D. niya. "Heto oh. Napulot ko," tugon ko sabay abot sa kanya ng ID. "Akin na," sambit naman niya sabay hablot niya nang marahas sa I.D. niya. Nabigla ako at hindi na nakaimik. Maraming gumugulo ngayon sa isipan ko dahil sa mga nangyari. Kaya naman marami rin akong katanungan at alam kong si Jerome lang din ang makakasagot ng mga ýon. Pero kahit gano'n, pakiramdam ko ngayon parang nalunok ko ang dila ko. Sa g**o kasi ng isip ko at sa dami ng tanong ko, hindi ko alam kung saan ba magsisimula.  Nanatili na lang akong nakatayo rito habang pinapanood siyang maglakad papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD