V: The Mystery Within

2178 Words
Nakatayo sina Mom and Dad sa harap ko at nakangiti sila pareho sa'kin. Lalapitan ko na sana sila nang biglang may sumaksak sa kanila mula sa likod! Parang bumagal ang takbo ng oras habang titig na titig ako kanila na dahan-dahang tumutumba. At nang nakabulagta na sila sa lupa ay umagos ang maraming dugo mula sa kanilang katawan. Agad silang binawian ng buhay. Pinagpawisan ako nang malamig at butil-butil. Nagtaas-baba ang dibdib ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa bigat ng dibdib ko. Napatingin naman ako sa sumaksak sa mga magulang ko. At halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita ko na 'yon 'yong nakakatakot na bagay na nakita ko noon sa school!  Isang Unholy Spirit... Agad akong napabalikwas. Umupo ako dahan-dahan dahil parang hinahabol ko ang hininga ko at ang bilis pa ng pintig ng puso ko habang pinagpapawisan din nang malamig. "Ang samang panaginip naman no'n," bulong ko sa sarili ko sabay hilamos ko ng mga palad ko. Tumayo na ako at nagpunta ng banyo para maghilamos. Nang matapos ko naman ang morning rituals ko ay bumaba ako sa sala para makapag-almusal. Hanggang makaupo ako sa puwesto ko sa dining table ay tulala pa rin ako dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang napaginipan kong 'yon. "Honey, what's wrong?" tanong sa'kin ni Mom. Siguro napansin niya ang pagkabalisa ko. "Nothing. I just had a bad dream," sagot ko sabay tingin sa plato ko matapos itong lagyan ni Mom ng bacon and egg. "Dream? What dream?" usisa ni Mom. Huminga muna ako nang malalim, "That I'm going to lose the both of you, Mom and Dad." Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay tumingin silang muli sa'kin. "Sweetheart, that's only a dream, okay? Hindi naman dahil napaginipan mo, e mangyayari talaga. Besides, kabaligtaran nga raw ng dreams ang reality, right? So you don't have to worry that much, okay?" sambit ni Dad sabay ngiti. "Your dad was right, sweetie. Bakit naman kami mawawala sa'yo? We're always here for you, at ikaw lang ang baby namin kahit tumanda ka pa," malambing na tugon sa'kin ni Mom. Napangiti na rin ako kahit kaunti dahil panatag na 'ko kahit papaano. Hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko. Mawala na ang lahat 'wag lang ang parents ko. Mahal na mahal ko sila. "Oh! I have an idea!" sambit bigla ni Mom na halata mo ang excitement. "Let's have a family bonding this weekend," dagdag niya. "Sure. Saan ba?" usisa ni Dad. "I don't know. But anywhere is fine, right?" sambit ni Mom. Napangiti na lang kami ni Dad at sabay napatango. I feel excited to our family date. I'm really counting on it. --- Nakatayo kami ngayon ni Mica dito habang nakasandal sa tabi ng railings ng balcony ng school building dito sa second floor. Mataas-taas na rin naman dito kaya may kalakasan ang simoy ng hangin at tanaw pa ang bundok na mula sa kalayuan. Napabuntonghininga ako nang malalim, "I really miss Sarrah so much," sambit ko. "Yeah. Me too," tugon naman ni Mica. "Sa mga oras na 'to, dapat kasama natin siyang kumakain at nagkukuwentuhan," sambit ko sabay ngiti nang mapait. "Saka si Kevin..." dagdag ko pa tapos ay bigla na lang may tumulong luha sa aking pisngi sabay hikbi. "Sshh, tama na," sambit ni Mica sabay hagod niya sa likod ko upang pakalmahin ako. "Kasama ko dapat siya rito ngayon. Kakamustahin namin ang isa't isa, tapos magkukuwentuhan kami. Tapos lalambingin niya 'ko..." sambit ko pa habang nakangiti nang mapait at patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Patuloy naman si Mica sa paghagod sa likod ko. "Pero ngayon..." sambit ko pa habang patuloy sa pagpunas sa mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Mayamaya nama'y tumahan din ako nang may makita akong hindi inaasahan sa ibaba. Nakatitig lang ako sa kanya dahil takang-taka ako kung anong ginagawa niya dito sa school namin? Nakatayo lamang siya roon, nakatagilid siya mula sa'kin pero kilala ko ang mukhang 'yon kahit pa bahagya itong natatakluban ng kanyang hood, idagdag mo pa ang bangs niya. "Jerome?" bulong ko. "Ano 'yon, Aika?" usisa niya pero hindi ko siya sinasagot at patuloy lang akong nakatitig sa lalaking nakaitim na hoodie.  "Hmm?" narinig kong imik ni Mica tapos ay pinagsalin-salin niya ang tingin niya sa'kin at sa lalaking nakaitim na hoodie. "Nakatingin ka ba ro'n sa lalaking nakaitim na hoodie na nakatayo ro'n?" Bigla akong napatingin kay Mica dahil sa tanong niya, "H-ha?" "Siya ang tinitingnan mo, 'di ba?" tanong niya sabay turo niya kay Jerome doon sa baba gamit ang nguso niya. "H-hindi ah. Bakit ko naman siya titingnan?" pagtanggi ko. Mayamaya'y tumingin siya sa gawi ko na ikinabigla ko naman. "Nakatingin siya rito. Kilala mo ba siya, Aika?" usisa pa ni Mica. "Hindi. Hindi ko siya kilala," pagtanggi ko pa. "Feeling ko bagong estudyante siya rito," sambit niya.  Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nagkibit-balikat lang ako. "Ang cute niya." "Ha?" tanong ko para kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko. "Ang cute no'ng lalaking nakaitim na hoodie. Kung kakawayan ko kaya siya, papansinin niya 'ko?" sambit ni Mica na parang kinikilig pa. Napataas ang mga kilay ko. Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Pinaikot ko ang mga mata ko sa kawalan sabay palumbaba, "Sus. Ang sungit kaya niyan," bulong ko. "Ano 'yon?" "W-wala. Ang sabi ko bahala ka, malay mo," palusot ko. Kakaway na sana si Mica nang umalis naman si Jerome. "Ay, umalis na siya. Sayang naman," panghihinayang niya. Bakit kaya nandito ang lalaking 'yon? 'Di kaya may natunugan siyang unholy spirit dito? ---- Nang mag-uwian na ay sabay kaming naglakad ni Mica papalabas ng classroom. Napansin ko naman ang panay paglinga niya sa paligid habang naglalakad kami. Dahil curious ako at nagtataka na rin, hindi ko na napigilan na tanungin siya. "Huy, Mica." Agad naman niya akong nilingon, "Bakit?" "Bakit palinga-linga ka diyan? May hinahanap ka ba?" usisa ko.  "Hinahanap ko kasi ýong lalaking naka-black hoodie. Baka sakaling makita ko siya ulit." Napataas naman ang kilay ko sa naging sagot ni Mica. "Seryoso ka ba diyan?" tanong ko. Pagkatapos ay panay ang kuwentuhan namin hanggang sa makalabas na kami nang tuluyan sa school. Inamin nga sa'kin ni Mica na na-cute-an nga siya kay Jerome kaya niya hinahanap.  Pagkatapos ay pumunta kami sa pinakamalapit na waiting shed at doon naupo hanggang sa dumating na ang kanyang sundo. Ako na lamang mag-isa sa isang waiting shed dito sa tapat ng isang bookstore na hindi naman kalayuan sa school. Hinihintay ko rin ang sundo ko na si Mang Ben. Ilang sandali naman ay may natanaw akong naglalakad at mukhang papunta siya rito. Tinitigan ko pa itong mabuti dahil mukhang pamilyar ito sa akin. "Ah, si Miss Vasquez lang pala."  Teacher ko siya sa Science. May pagka-istrikto ang isang 'yan. Matandang dalaga kasi. Inobserbahan ko pa siyang mabuti dahil parang may napansin akong kakaiba. Parang pasuray-suray kasi ang lakad niya na akala mo'y lasing. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya kasi nawiwirdohan talaga ako kung bakit gano'n ang kinikilos niya. Halos lumuwa naman ang mata ko nang bigla akong may nakitang pinaghalong itim at pulang aura kay Ma'am. Napako na ang mga nandidilat kong mga mata sa kanya at dito na 'ko sinimulang kilabutan. Mayamaya'y may isang estudyanteng lalaki ang lumapit sa kanya. Walang katao-tao sa paligid kaya't wala ring pakundangang sinakal ng guro ang estudyante at itinapat niya ang kanyang nakabukang bibig sa bibig nito. Mukhang hindi na nakasigaw ýong lalaki dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ni Ms. Vasquez. Pagkatapos ay may nakita kong may kulay puting usok na hinihigop si Ma'am mula do'n sa estudyante! Napatakip na lamang ako ng bibig at pinagpawisan na 'ko ng malamig at butil-butil. Pakiramdam ko huminto ang takbo ng oras at ýong malalakas na pintig ng puso ko na lang ang naririnig ko sa mga oras na 'to. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ngayon sa takot nang makita ko pang ibinalibag na lamang niya sa kalsada ang walang buhay na katawan. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nakaramdam ako ng panghihina ng katawan matapos magbago ni Ms. Vasquez sa pagiging halimaw matapos niyang mahigop ang puting usok na ýon mula sa estudyante kanina. Halos naestatwa na rin ako rito sa puwesto ko kaya't hindi ako makagalaw kahit pa nakikita ko nang papunta siya rito!  Habang pinapanood ko siyang maglakad papalapit dito ay wala akong magawang kahit ano at sobrang nadidismaya ako sa sarili ko dahil do'n. Dahil ni sumigaw man lang ng tulong ay hindi ko magawa. Parang namanhid ang lalamunan ko at nawalan ng boses dahil sa labis na takot. Napasandal na lang ako sa pader na nasa likod ko nang ilang metro na lang ang layo niya mula sa'kin. Pero mayamaya lang ay napansin kong nag-iba na naman ang kulay ng paligid. "Void?" banggit ko sa sarili ko. Napaawang naman ang bibig ko at bahagyang nabawasan ang takot at pangamba na nararamdaman ko nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nito. At mayamaya nga lang ay may biglang bumulusok na kulay lila na apoy papunta sa halimaw tapos ay tumilapon ito nang malayo. Kasunod ng pagsabog na ýon ay may isang lalaking lumitaw mula sa kawalan.  "Jerome!" tawag ko sa kanya nang makita kong siya ýon. Tumayo muli ang halimaw na mukhang mabilis lang na naka-recover mula sa atake na ýon at sinugod nito agad si Jerome. "Dancing Blades of Hell!" sigaw naman niya sabay wasiwas ng kanyang higanteng kalawit papunta sa halimaw. May mga lumiliwanag at malalaking hugis arkong mga blades ang bumulusok papunta sa halimaw na siyang naghati-hati sa katawan sabay sumabog ito. Matapos ng pagsabog ay tumambad ang walang buhay na katawan ni Ms. Vasquez. Punit-punit ang damit na suot at puno ng paso ang buong katawan. Kasabay din nito ang paglaho ng void. Natulala na lang ako dahil sa nangyari. Alam kong nakakita na ako ng ganito dahil kay Kevin pero nahihirapan pa rin akong isaksak ang lahat ng ito sa utak ko. Paalis na sana si Jerome nang pigilan ko siya. "Sandali lang!" Mabuti naman at huminto siya. "Mga nakalutang na anino. Malaki sila, lumiliwanag at nanlilisik ang kulay pula nilang mga mata, mahaba ang kanilang mga braso, gayon din ang kanilang mga daliri, at matutulis na kuko," sambit ko. Mukhang nakuha ng sinabi ko ang kanyang interes kaya't lumingon siya't hinarap niya 'ko. "'Yon ang isang unholy spirit, 'di ba?" tanong ko sa kanya habang pinagkikiskis ang mga nanlalamig kong mga palad. Nakakunot-noo siyang nakatingin sa'kin nang seryoso. "Paano mo nalaman?" tanong niya. "Nakikita ko sila. Nakikita ko sila, Jerome!" sagot ko naman sabay ikom ng mga malamig at naninginig kong mga kamay. Isang katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Mayamaya lang ay nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa'kin habang seryoso pa ring nakatingin sa mga mata ko. "Nakakagalaw ka sa loob ng void. Tapos ngayon, nakakakita ka ng Unholy Spirit? Sabihin mo, sino ka ba talaga?" seryoso niyang tanong. Napataas ang mga kilay ko sa naging tanong sa'kin ni Jerome. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko kaya't nanatili lang akong walang imik habang nakatitig sa kanya. ---- Dumating si Mang Ben ilang sandali matapos umalis ni Jerome. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Mom na naghahain ng meryenda sa dining table. "Oh honey, mabuti't narito ka na. Tamang-tama, naghanda ako ng makakain. I'm sure gutom at pagod ka na from school. Halika," aya sa'kin ni Mom. Inilapag ko muna ang gamit ko sa sala tapos ay lumapit na 'ko sa dining table at naupo sa tabi ni Mom. "O bakit? What's wrong, baby? Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mom. Napansin niya sigurong matamlay lang akong nakatitig sa hinain niyang clubhouse sandwich at iced tea. "No, Mom. Hindi po sa gano'n. May gusto lang po kasi akong malaman," sambit ko. "Tungkol saan?" Bigla akong kinabahan at nag-alinlangan sa itatanong ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Mom sa itatanong ko sa kanya. Pero hindi naman matahimik ang isip ko kaya itatanong ko na rin.  Tiningnan ko si Mom sa mga mata niya, "Anak niyo po ba talaga ako?" tanong ko. Napakunot ng noo ni Mommy. Marahil nagtataka siya sa tanong ko. "Of course, hija! Tunay na anak ka namin ng dad mo. Ano bang klaseng tanong 'yan?" sambit ni Mom habang hinahagod ang buhok ko. "Wala naman po. Naisip ko lang," matamlay kong sagot. "At bakit mo naman naisip 'yan, ha? Alam mo anak, kung ampon ka man namin, sinabi na namin dapat sa'yo noong una pa lang. But not. 'Cause you're our daughter. Our blood runs through your veins. So, 'wag kang mag-isip ng ganyan, okay?" sambit ni Mom. Tapos ay niyakap niya 'ko. Sabi kasi ni Jerome sa'kin kanina bago siya tuluyang umalis, ang isang karaniwang mortal ay hindi dapat nakakagalaw sa loob ng void, at lalong hindi dapat nakakakita ng unholy spirits. Tao naman ang parents ko, 'di ba? Tunay na anak nila ako kaya't tao rin ako. Pero bakit? Lalo tuloy akong naguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD