XXV: Freshmen's Final Phase Exam

2033 Words
Pigil-hininga kaming lahat na nandito habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Ryker habang nasa ilalim siya ng hypnosis ni Harley. Habang si Jerome naman ay hindi namin magising sa hindi malamang dahilan. Napanganga naman kami ni Xavier nang makita naming lumuhod si Ryker. "Hoy, Ryker!" sigaw ni Xavier. Kapag itinaas niya ang pareho niyang kamay, siguradong tapos na ang laban. "Ryker!" sigaw ko naman. Pero mukhang hindi talaga siya nakakarinig. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong coliseum habang nag-aabang kaming lahat sa susunod na mangyayari. Bigla namang yumuko ang ulo ni Ryker na para bang nawalan siya ng malay. Natuon ang atensyon naming lahat para malaman kung ano nang nangyayari sa arena. Mayamaya lang ay nagulat kami nang lumakas bigla ang ihip ng hangin. At nang bumalik ang atensyon namin kay Ryker ay nakita naming dahan-dahan siyang tumayo. Biglang humaba ang buhok ni Ryker hanggang gulugod. Tapos ay lalong lumaki ang siyam na buntot niya. Mas tumangkad pa siya nang kaunti at lumaki nang bahagya ang katawan niya. "Anong nangyayari kay Ryker?" tanong ko. Nang mapatingin naman ako kay Xavier ay tulalang-tulala siya sa nakikita. "Lumabas na ang isang katauhan ni Ryker." Pinandilatan ko siya ng mata, "Ha? Anong ibig mong sabihing isang katauhan ni Ryker?" At nang tumindig din ang mukha niya ay nakita naming parang nag-mature nang kaunti ang mukha ni Ryker. Nagmukha siyang kasing-edad ni Mr. Smith. "Siya si Fioletov. Siya ang parang alter ego ni Ryker. Pero ang totoo niyan, siya talaga ang ninuno ni Ryker na nakasanib lang sa loob ng katawan niya. Si Fioletov, the ancient demon fox," paliwanag ni Xavier. "Ano? Ibig sabihin, all this time may ibang katauhan si Ryker?" "Gano'n na nga. At lumalabas lang siya kapag nasa bingit ng panganib si Ryker." "Ikaw, babae," maangas na sambit ni Fioletov kay Harley. Halos nagulantang naman si Harley sa kinatatayuan niya. "Masyado kang pangahas upang gawin sa'kin ang hipnotismo na 'yan." Mukhang galit talaga si Fioletov kay Harley base sa mga nanlilisik nitong mga mata. Iniangat nito ang isa niyang kamay at tinapat sa gawi ni Harley. Isang malakas na hangin ang dumaan kay Harley at nagulat kaming lahat nang biglang nawasak ang divine artillery nito na hawak-hawak lamang niya. Nadurog ito nang pira-piraso. Dahan-dahan naman napaatras si Harley habang bakas ang takot sa kanyang mukha nang maglakad papalapit sa kanya si Fioletov. Iniangat muli ni Fioletov ang isa niyang kamay. At nagulat kami nang dahan-dahang lumutang at umangat mula sa lupa si Harley na nagpupumiglas habang nakahawak siya sa kanyang leeg. Tapos ay mukhang nahihirapan siyang huminga na para bang sinasakal siya! "Naku, hindi 'to maaari." Napatingin ako kay Xavier nang magsalita siya. "Baka mapatay ni Fioletov si Harley. Pag nagkataon, maki-kickout sa university si Ryker!" Nandilat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Xavier. Nataranta naman ako bigla dahil do'n. "Huwag mo siyang patayin!" sigaw ko. Nakuha ko naman ang atensyon ni Fioletov. "Kapag pinatay mo siya, matatanggal si Ryker dito sa university!" dagdag ko pa. Agad namang binaba ni Fioletov ang kamay niya kaya naman pabagsak na bumaba si Harley sa lupa. Hinahabol niya ang hininga niya na may kasamang pag-ubo habang nakaupo siya ro'n sa lupa. Umakyat naman bigla ng arena si Ms. Merlot at nagbilang. At natapos ang pagbilang niya ng tatlo nang hindi tumatayo si Harley. "Hindi na tumayo pa si Harley. Kaya ang dinedeklarang nanalo ay si—" Naputol ang pag-anunsyo ni Ms. Merlot nang biglang umalis si Fioletov ng arena at umakyat papunta rito sa puwesto namin. Nagulat naman ako nang makitang nakatayo na siya sa harap ko. "At dito na nagtatapos ang annual battle exams, Junior level. Dumako naman tayo sa huling bahagi ng exam. Battle exams ng Freshmen level!" anunsyo na 'yon ni Ms. Merlot. "B-Bakit?" tanong ko kay Fioletov habang seryoso siyang nakatitig sa'kin na para bang kinikilatis niyang mabuti ang hitsura ko. "Azalea?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko sa tinawag niya sa'kin, "Ha? Azalea?" Halos mapalundag ako sa gulat nang bigla niya kong hinawakan sa magkabilang balikat. "Azalea. Kay tagal kitang hinanap," sambit pa ni Fioletov. Naguguluhan naman ako sa mga pangyayari kaya natulala na lang ako at walang magawa. Mayamaya'y pumagitan sa'min si Xavier. "Hindi siya si Azalea," sambit niya. "Pero—!" Naputol bigla ang pagsasalita ni Fioletov nang bigla siyang mawalan ng malay. Agad naman siyang sinalo ni Xavier at inalalayan siyang iupo sa upuang katabi namin. "Sino si Azalea? Bakit niya ako tinawag na gano'n?" pagtataka ko. "Hindi ko rin alam. Itanong na lang natin kay Ryker paggising niya," sagot naman ni Xavier. Mayamaya lang ay bumalik na rin si Ryker sa dati niyang hitsura. Kasunod no'n ay unti-unti na niyang dinilat ang mga mata niya. "A-Ano nang nangyari?" tanong niya na tila naguguluhan pa. Nagpalinga-linga si Ryker sa paligid, "Bakit nandito na ako sa bleachers? Kalaban ko si Harley, 'di ba? Anong nangyari? Natalo ba—" "Ryker," tawag ni Xavier kaya naputol ang pagkataranta nito. "Nanalo ka sa laban. Pasalamat ka lumabas si Fioletov. Kung hindi baka natalo ka na sa laban dahil nasa ilalim ka ng hypnosis ni Harley," paliwanag nito. Napabuntonghininga nang malalim si Ryker sabay sapo sa noo. "May binanggit nga pala si Fielotov kanina na pangalang Azalea. Sino 'yon? At bakit tinawag niyang gano'n si Aika?" usisa naman bigla ni Xavier. "Azalea? Ah, oo. Si Azalea ay ang kanyang asawa. Kamukha siguro siya ni Aika kaya gano'n," sagot naman ni Ryker. Nagkatinginan naman kami ni Xavier habang nandidilat ang mga mata. Paano ako naging kamukha ng ninuno ni Ryker? "Freshmen na ang maglalaban. Tapos si Jerome tulog pa rin," sambit bigla ni Xavier kaya't napatingin kaming tatlo kay Jerome na mahimbing ngang natutulog sa kanyang upuan. "Subukan ulit natin siyang gisingin," ani ko. Pumayag naman sina Ryker at Xavier kaya't sabay-sabay naming ginigising si Jerome. --- Ongoing na ang battle exams ng freshmen pero natutulog pa rin si Jerome. Kahit anong gawin naming paggising sa kanya, wala pa ring talab. Nag-aalala na kaming lahat dito. "What's happening here?" Napatingala kami sa biglang nagsalita. "Mr. Smith," sabay-sabay naming sambit. Lumapit siya rito sa kinauupuan namin. "Sir, hindi magising si Jerome. Kapag hindi pa siya magising hanggang mamayang turn niya, hindi na siya makakalaban so automatic talo na siya," paliwanag ni Xavier. "Bakit naman kaya?" pagtataka ni Mr. Smith habang sinusuri si Jerome. Umupo si Mr. Smith pantay kay Jerome. Pagkatapos ay sinimulan niyang suriin ito. Ibinuka niya ang isang mata nito. Pati na rin ang bibig niya. Tapos ay ni-check din ang pulso nito. "May na-intake bang kung ano si Jerome bago siya matulog? Like, drinks o pagkain?" usisa sa amin ni Mr. Smith. "Hindi naman kumain si Jerome mula sa mga pagkaing dala namin," sagot ni Xavier. "Oo. Kasi natutulog lang din naman si Jerome kahit noong mga naunang year level pa lang 'yong naglalaban. Tapos nagising lang siya nang matapos si Gunner," paliwanag naman ni Ryker. "Well, that's weird. Kasi mukhang naka-intake siya ng sleeping potion," ani ni Mr. Smith. "Sleeping potion?" pagkabigla naming tatlo. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nina Xavier at Ryker. Habang ako naman ay napaisip. Naalala ko bigla 'yong fruit juice na bigay sa'kin ni Peter kanina. Pero hindi naman 'yon nainom ni Jerome. Paano 'yon mangyayari? At saka, bakit naman 'yon lalagyan ni Peter ng potion? "May antidote po ba para diyan?" tanong ko. "Meron pero...hindi aabot. Magigising siya after four hours pa." Napadilat ang mata naming tatlo, "Four hours?!" Tapos na ang battle exams no'n. "Base sa kulay ng lower lids niya, mukhang pangmatagalan ang epekto ng sleeping potion na na-intake niya," sambit ni Mr. Smith. "Para bang sinadya na patulugin siya para hindi siya makalaban," dagdag pa niya. "Paano na 'yan? Ano nang gagawin natin?" pag-aalala ni Ryker. Nataranta kaming lahat habang napapaisip kung anong puwedeng gawin para magising kaagad si Jerome. "At ang mga nagwagi sa semi-finals, Rose Thornton ng Class 1-E at Peter Peterson ng Class 1-A!" Napatingin kami sa arena nang marinig namin si Ms. Merlot na mag-announce. "Mr. Smith, kami na ni Jerome ang susunod!" taranta kong sabi. "Alam ko na, Aika," sambit ni Mr. Smith. "Bilang ikaw ang master ni Jerome, puwede nating subukan 'to kung gagana." "Ano naman po 'yon?" pagtataka ko. May kinuha si Mr. Smith na kung ano sa bulsa ng coat niya sa bandang dibdib at nakita kong ballpen pala 'yon. Nagulat naman ako nang biglang hablutin ni Mr. Smith ang kamay ko tapos ay bigla niyang tinusok ng ballpen ang hinlalaki ko. Napaiktad naman ako dahil masakit 'yon nang kaunti. Nang may lumabas na patak ng dugo mula rito ay agad niya 'yong tinapat sa ilong ni Jerome. Mayamaya'y napansin namin ang pagkunot ng mata niya. Nagulat naman kami nang biglang hinablot ni Jerome ang kamay ko at sinubo niya 'yong hinlalaki ko na may dugo! Pero hinila ko naman agad pabalik ang kamay ko sa gulat at takot ko. At nang mapagtanto niyang akin 'yon ay parang natigilan at nahimasmasan siya. "Jerome!" pag-aalala nina Ryker at Xavier. "Anong nangyari sa'yo? Bakit tulog na tulog ka?" usisa ni Ryker. Umayos ng upo si Jerome at napahawak siya sa noo niya. "''Yong drinks ni Aika. May naamoy akong kakaiba ro'n," sagot niya. Napataas naman ang kilay ko, "So, ibig sabihin galing nga ro'n 'yong sleeping potion." Napatingin naman kaming dalawa kay Peter na naroon sa arena. "At ang maglalaban sa final phase, Peter Peterson ng Class 1-A laban kay Jerome Hamilton ng Section X!" Tumayo si Jerome at bumaba papuntang arena. At nang magharap na silang dalawa ni Peter ay bumaba na si Ms. Merlot. "Peter Peterson laban kay Jerome Hamilton, simulan na!" "Sayang. Akala ko hindi ka na magigising," nakangising sambit ni Peter. Sumama lalo ang tingin ni Jerome kay Peter. Pagkatapos ay may lumitaw na dagger sa magkabilang kamay ni Peter. "Corinnaya's Scythe." Matapos sambitin 'yon ni Jerome ay may kulay purple na liwanag na lumitaw sa kamay niya sandali bago tuluyang lumabas ang artillery niya. "Alam kong hindi talaga sleeping potion ang nilagay mo ro'n. Pero gano'n ang epekto ng potion na 'yon sa ibang nilalang," sambit naman ni Jerome. Napakunot ang noo ko. Ano kayang ibig niyang sabihin do'n? "Flame of Raging Hell," banggit ni Jerome nang itutok niya ang kanyang artillery kay Peter. May bigla na lang may paikot na kulay purple na apoy ang pumaligid kay Peter pagkatapos ay sumabog ito na parang bomba na nagdulot ng makapal na usok. Nang tuluyang nawala ang usok ay nakita naming nakaluhod na sa lupa si Peter habang inuubo. Pagkatapos ay naglakad papalapit sa kanya si Jerome at halata ang gulat sa mukha ni Peter nang sandaling itutok nito sa kanyang leeg ang dulo ang scythe ni Jerome. "Love potion ang nilagay mo ro'n, tama ba?" seryosong tanong ni Jerome. Nandilat naman ang mga mata ko dahil do'n. Love potion? "Ginawa mo talaga ang potion na 'yon para lang sa kanya. At kapag may ibang nilalang na naka-intake no'n, magiging sleeping potion lang ang epekto nito. Makakatulog ka sa loob ng 24 hours," dagdag pa niya. Mukhang hindi makapaniwala si Peter sa mga pinagsasabi ni Jerome. Mayamaya'y niyuko nito ang kanyang ulo kaya't naghihintay lang kami ng susunod niyang gagawin. "Tama ka," sambit ni Peter. Inangat niya ulit ang kanyang ulo, "Dahil gusto ko si Aika!" May biglang ibinato si Peter kay Jerome pero agad naman niya itong nasalag gamit ang scythe. Ngunit nang malaglag ito sa lupa ay nakita naming isa itong maliit na botelya na may lamang kulay green na likido. Nabasag ito at natapon ang nasa loob. Tumayo naman si Peter, "Alam kong higit na mas matalas ng limang beses ang pang-amoy ng isang vampire na gaya mo kaysa sa ibang nilalang na gaya ko. Kaya ayan. Para sa'yo 'yan, Jerome Hamilton!" Biglang napatakip ng ilong si Jerome gamit ang isa niyang kamay. Para bang napakatapang ng amoy no'n para sa kanya. "Iyan. 'Yan ang tunay na sleeping potion. Matulog ka na, vampire." Napatukod bigla ni Jerome ang kanyang scythe sa lupa para alalayan siyang tumayo. Mukhang nanghihina na siya dahil sa pagkahilo. Mukhang nahihirapan na rin siyang huminga dahil pinagsasalitan niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at ilong. "Jerome!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD