XXVI: Love is War

2658 Words
Halata sa mukha ni Jerome na pinipigilan na lang niyang pumikit ang mga mata niya. Hindi na siya halos makaalis sa kinatatayuan niya dahil sa matinding pagkahilo. "Ano na, Jerome Hamilton? Kung ako sa'yo, hindi ko na pipigilan ang antok ko. Matulog ka na," panunuya ni Peter. "Aika, tama ba 'yong narinig ko kanina? Love potion 'yong naamoy ni Jerome kanina sa inumin mo?" usisa bigla ni Xavier. "Kung 'yon ang sinabi ni Jerome, malamang gano'n nga," sagot ko. "Kilala niyo ba 'yang Peter Peterson na 'yan?" tanong naman ni Ryker. "Oo. Nakilala namin siya ni Jerome noong nagpa-patrol kami sa campus. Niligtas namin siya sa mga bully." "Ah, kaya siguro nagkagusto siya sa'yo. Ganyan ang mga gnome na gaya niya, eh. Kapag natalo si Jerome dito, si Peterson ang magiging tandem mo. At magkakaroon nga naman siya ng chance na makasama ka," saad ni Ryker. Nakatayo lang do'n si Jerome habang nakakapit sa scythe niyang nakatukod sa lupa at nakayuko ang kanyang ulo. "Flame of Raging Hell." Biglang nagkaroon ng purple flames sa paligid ni Jerome na sa laki ay halos hindi na siya makita mula sa loob nito. Halos nagulat ang lahat ng nandito dahil do'n. Lalo na si Peter. Mayamaya lang ay lalong napanganga kaming lahat nang may biglang lumitaw sa ere na isang higanteng ulo ng dragon na gawa sa purple smoke na nagmula sa mga purple flames na nakapaligid kay Jerome. "Ano 'yan?" tanong ko na namamangha. "Huwag mong sabihing 'yan ang third skill ng Corinnaya's Scythe?" manghang sambit naman ni Ryker habang nakatingala rin. "Na-unlock na niya ang third skill," manghang sambit naman ni Xavier. "Third skill?" tanong ko. "Oo. Bawat Artillery of God ay may tig-apat na skills. At bago mo ma-unlock ang skills na 'yon, kailangan meron ka munang sapat na acquired mana," sagot ni Xavier. "Kaming lahat sa Section X, may tig-dalwang skills na kaming na-unlock. Pero si Jerome, ngayon lang niya na-unclock ang third skill ng divine artillery niya. Ibig sabihin, mataas talaga ang level ng acquired mana niya," segunda naman ni Ryker. "Ano ba 'yong acquired mana?" usisa ko. "May dalawang klase ng mana. Natural mana at acquired mana. Ang natural mana ay 'yong meron tayo since birth. Kaya meron kaming natural abilities bilang night-crawlers. Mas mataas na natural mana, mas malakas ang isang nilalang," paliwanag ni Ryker. "Habang ang acquired mana naman ay nakukuha kung gaano na karami ang unholy spirits na napatay mo," sabad naman ni Xavier. "Tama si Xavier, Aika. Pero sa tingin ko rin, mataas din ang natural mana ni Jerome kasi napansin kong malakas na siya kahit pa baguhan lang siya noon," sambit ni Ryker. Pagkatapos ay biglang naglaho ang purple flames na nakapaligid kanina kay Jerome. "Fang of Avenging Soul," maawtoridad na sambit ni Jerome. Tapos ang higanteng ulo ng dragon na nasa ere ay biglang sumugod kay Peter. Si Peter naman ay nagulat at natakot nang sobra kaya't napaupo na lang siya sa lupa habang natataranta. At dahil nga gawa lang sa purple smoke ang higanteng dragon head, tumagos lang ito kay Peter. Pero pagkatapos no'n ay biglang bumagsak sa lupa si Peter na parang hinang-hina. Nadurog din bigla ang kanyang divine artillery. "Sabi ko na nga ba!" manghang sambit nina Xavier at Ryker nang sabay. Ngayon, nilapitan ni Ms. Merlot si Peter na hindi na gumagalaw pero nakatulala lang sa kawalan habang nakatingin sa itaas. "Three, two, one. Hindi na nakabangon pa si Peterson. Kaya ang nagwagi ay si Jerome Hamilton ng Section X! Congratulations!" anunsyo ni Ms. Merlot. Pagkatapos ay may lumapit na parang school medic kay Peter at inalalayan siyang tumayo. May malay pa naman siya pero para siyang lantang gulay. Naglaho naman na parang bula ang higanteng dragon head, at kasabay no'n ay biglang bumagsak si Jerome sa lupa at nawalan ng malay. "Jerome!" pag-aalala naming tatlo. Kaya naman bumaba kaming tatlo kaagad papuntang arena at nilapitan si Jerome. Inalalayan kaagad siyang tumayo nina Ryker at Xavier. "Mukhang nawalan lang siya ng malay dahil gusto niyang tapusin nang mabilisan ang laban habang kaya pa niyang pigilan ang hilo at antok," sambit ni Xavier habang akay niya si Jerome. "Aika, ikaw muna rito. Babalikan ka namin agad. Dadalhin lang namin sa university hospital si Jerome," paalam naman ni Ryker na nakaalalay din kay Jerome. Tumango lang ako bilang tugon bago sila tuluyang umalis. "At ang susunod na maglalaban para sa final phase ng battle exams, Rose Thornton ng Class 1-E laban kay Aikaterina Cervantes ng Section X!" At dahil nasa arena na ako, umakyat na lang ang makakalaban kong si Rose Thornton at nagkasalubong ang mga paningin namin. Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa'kin. Halos magsingtangkad lang kami at medyo payat din ang kanyang katawan. Maputi rin ang balat niya at may mahaba siyang buhok na hanggang tuhod at kulay blonde. Kulay green naman ang singkit niyang mga mata. Sa pagtitig ko pa sa kanyang mabuti ay napagtanto kong pamilyar ang mukha niya. Napaisip tuloy ako kung saan ko nga ba siya nakita. Alam ko na! Siya 'yong babaeng kausap ni Jerome kaninang lunch break! Pero bakit sila nag-uusap no'n? Magkakilala ba sila? "Aika! Isang forest fairy ang makakalaban mo!" Napatingin ako sa sumigaw na 'yon. At nakita kong si Xavier 'yon. Nakabalik na sila ni Ryker galing university hospital. Kumusta na kaya si Jerome? "Tama ang kasama mo, Cervantes." Napatingin ako kay Rose nang magsalita siya. "Isa akong forest fairy mula sa mga enchanted forests ng Elysium," sambit pa niya. Kaya pala ang ganda niya. Isa siyang fairy. "Rose Thornton laban kay Aikaterina Cervantes, simulan na!" Pagkasabi no'n ni Ms. Merlot ay bumaba na kaagad siya ng arena. Sabay pinalabas naman ni Rose ang divine artillery niya—at isa itong battle axe. "Hades Sword," sambit ko pagkatapos ay lumitaw ang malaking espada sa kamay ko matapos ng isang puting liwanag. Mayamaya ay tumakbo na si Rose papalapit sa'kin. Kaya naman pumorma na ako para dumepensa. "Tatalunin kita para makasama ko si Jerome!" sambit niya sabay buwelo ng talon habang nakataas ang kanyang battle axe. Agad ko naman itong nasalag ng Hades Sword ko. Nakikipagbuno siya ngayon sa'kin gamit ang mga divine artillery namin. "Makasama si Jerome?" tanong ko. "Oo. Gusto ko siya. Matagal na," sagot naman ni Rose. Pagtulak ko naman sa kanya ay kaagad siyang lumayo sa'kin paatras. Ibig sabihin, puwedeng nagtapat siya kay Jerome kanina kaya sila magkausap? Itinaas niyang muli sa ere ang battle axe niya gamit ang parehong kamay. "Kaya naman...tatalunin kita makasama ko lang siya!" sigaw ni Rose sabay hampas niya ng battle axe sa lupa na nagdulot ng mahinang pagyanig. Nagkaroon ng bitak sa lupa papunta sa'kin at umangat ang naglalakihang bato sa paligid ko. Sa bilis ng pangyayari ay wala na akong nagawa nang rumagasa papunta sa'kin ang mga bato. At nang tamaan ako ng mga 'to ay tumalsik ako sa lupa at napahiga ako. Dumadaing ako sa sobrang sakit ng katawan dulot ng mga batong 'yon na kay lalaki at matitigas. Para bang binugbog ako ng limang tao. "Aika!" Narinig kong sigaw nina Ryker at Xavier. Kaya ko pa naman kaya dahan-dahan akong tumayo kaagad habang nakaalalay ang espada ko. Pero nang makatayo ako ay nakita kong tumatakbo na naman papalapit sa'kin si Rose. Kitang-kita ko talaga sa mukha niya ang sigasig na talunin ako sa laban na 'to. At nang makalapit siya ay agad niyang hinampas sa'kin ang battle axe niya pero agad ko rin itong nasalag ng Hades Sword ko. Nagpapalitan kami ngayon ng atake sa isa't isa gamit ang divine artillery namin. Nagkakalansingan ito dahil sa bigat ng pagbubuno at banggaan ng mga 'to. Ngunit nang mas pinalakas ni Rose ang puwersa ng paghampas niya ng kanyang battle axe ay na-out of balance ako kaya't pag-atras ko ay napaupo na naman ako sa lupa. Mukhang wala talagang inaaksayang oras si Rose kaya't inangat niya kaagad ang battle axe niya para ihampas sa'kin pero nakailag ako kaagad. Gumulong ako sa kabilang panig at kaagad akong tumayo kahit medyo nananakit ang buong katawan ko. Pumorma muli ako ng depensa dahil aatake na naman siya. Sa totoo lang, hindi ko pa gaanong alam ang skills ng Hades Sword. First skill pa lang ang alam ko dahil 'yon ang pinaka-basic. Itinaas ko ang Hades Sword sa ere para gamitin sa unang pagkakataon ang first skill nito. "Divine Edge!" Pagkatapos ay pahampas ko itong ibinaba. Naglabas ito ng parang dagger blades na nagliliwanag ng kulay puti at rumaragasa nang mabilis ang mga 'yon papunta sa gawi ni Rose! Itinaas ni Rose pantay sa kanyang katawan ang kanyang battle axe para protektahan ang sarili niya mula sa pag-atake ko. Paglampas naman sa kanya ng Divine Edge ay naglaho ang mga 'to. Pero mayamaya lang ay napansin kong napunit ang mga parte ng uniform niya na tinamaan ng mga 'to. Natamaan siya sa bandang mga braso at hita niya. At nagulat kami pareho nang makitang may dugo na lumabas sa mga hiwa na natamo niya. Gulat na gulat na tumingin sa'kin si Rose. Ngunit mayamaya ay napalitan ito nang galit. "Humanda ka sa'kin, Aikaterina!" galit na galit niyang sigaw. Pagwasiwas niya ng battle axe niya ay naging kadena ang kanina'y bakal na katawan ng kanyang divine artillery. Winasiwas niya ito papunta sa'kin at pumulupot ito sa buong katawan ko! Nabitiwan ko tuloy ang divine artillery ko kaya't naglaho na ito na parang bula. Nagsimula na ring sumakit ang katawan ko dahil sa kadenang nakapulupot sa'kin. At napalakas ang daing ko nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakapulupot nito sa'kin. Ang bigat nito dahil gawa ito sa bakal! Pakiramdam ko madudurog ang mga buto ko. "Unti-unti kong hihigpitan ang pagkakapulupot sa'yo ng chain axe ko hangga't sa ikaw na mismo ang magmakaawang sumuko," seryosong sabi ni Rose. Nararamdaman ko nga ang unti-unting paghigpit ng kanyang chain axe na ankabalot sa buong katawan ko. Ano nang gagawin ko? Matatawag ko ba ang divine artillery ko kahit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? "Aika!" sigaw muli nina Ryker at Xavier. Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Napadaing ako ulit nang lalo pang higpitan ni Rose ang kadena. "Ano na, Aikaterina? Sumuko ka na!" sambit niya. Ano nang gagawin ko? Dito na ba masasayang lahat ng pinaghirapan ko sa training? Biglang sumagi sa isip ko si Jerome. Naghirap din siya para i-train ako. At naalala ko rin 'yong sinabi niya sa'kin na ayaw na niya ng bagong tandem. Alam kong sinabi niya 'yon dahil ayaw na niyang makitungo pa sa iba o magkaroon ng panibagong pabigat sa buhay niya. Pero...ayaw ko ring sayangin ang effort niya para lang makalaban ako sa araw na 'to. Wala akong magawa sa puntong 'to. Kaya susubukan ko na lang kung puwede at kaya. "Hades Sword!" sigaw ko. Mayamaya lang ay biglang naputol ang kadena ng chain axe ni Rose. Nagkalasan tuloy ang mga kadenang nakapulupot sa'kin dahil naputol ito mula sa puno. Nakita ko ang Hades Sword ko na nakatusok sa lupa. Bigla kasi itong lumitaw kung saan at nahulog na parang bulalakaw sakto sa kadena kaya't naputol niya ito. Nilapitan ko ang Hades Sword ko at hinugot ko ito mula sa lupa at itinutok sa gawi ni Rose. Gulat na gulat naman siya na nakatingin sa'kin na mukhang hindi makapaniwala sa nangyari. Kahit ako nagulat din sa nangyari. Hindi ko alam na puwede pala 'yon. Ako naman ang tumakbo at sumugod kay Rose. Wala na siyang divine artillery kaya nang iawasiwas ko ang espada ko sa kanya ay agad din siyang tumilapon at natumba. Nakahiga na siya ngayon sa lupa at hindi gumagalaw na mukha ring tulala. Natahimik ang buong paligid. At mayamaya lang ay umakyat ng arena si Ms. Merlot para bilangan si Rose. "Three, two, one! Hindi na bumangon pa si Rose Thornton. Kaya naman ang nanalo sa paligsahang ito ay si Aikaterina Cervantes ng Section X!" Matapos niyang ianunsyo 'yon ay narinig ko ang masigabong palakpakan ng lahat ng nilalang na naririto. Napatulala na lang din ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko. Nanalo ako. "Aika!" Natauhan na lamang ako nang marinig ko ang pagtawag sa'kin nina Ryker at Xavier. At nakita kong tumatakbo sila papunta sa'kin. "Congratulations, Aika!" masayang bati nilang dalawa sa'kin. "Salamat," tugon ko naman. "Si Jerome. Puntahan na natin siya," sambit ko naman nang bigla kong maalala na nasa university hospital pala siya. Tinanguan ako ng dalawa tapos ay nagmadali na kaming tumakbo paalis. "At dito na nagtatapos ang annual battle exams ng Underworld University High School! Salamat sa inyong lahat at magandang gabi!" Iyon ang huli naming narinig mula kay Ms. Merlot bago kami tuluyang makalabas ng coliseum. May pahabol pa silang fireworks display. ---- Sinundan ko lang sina Ryker at Xavier dahil sila naman ang nakakaalam kung nasaang kuwarto ba naka-admit si Jerome. Nasa second floor na kami at pumasok kami sa room no. 129. Pagpasok namin ay napatingin sa'min ang mga nasa loob ng kuwarto. Nakita ko agad si Klein sa kabilang kama. May malay na siya at mukhang okay na. Nakaupo lang siya sa kama habang nakasandal sa headboard at may hawak na libro. Si Gunner naman ay nakaupo sa couch na nasa bandang paanan ni Klein, katabi ng pinto. "Aika. Kayo pala 'yan. Mabuti naman at tapos na kayo. Balita?" usisa kaagad sa'min ni Gunner. "Nanalo ako," balita ko sa kanya. "Aba, magaling! Congratulations!" masaya niyang bati sa'kin. "Si Jerome?" tanong ko. "Ah, nando'n siya sa kabilang kama," sagot ni Gunner. May nakaharang na kulay green na kurtina sa pagitan nina Klein at Jerome. Kaya naman agad kong pinuntahan si Jerome sa kabilang side. Mukhang sila lang ni Klein ang naka-admit sa kuwartong 'to. Pagdating ko naman do'n ay nadatnan ko sina Mr. Smith at Dr. Davies na nakatayo sa tabi ng kama ni Jerome at mukhang seryosong nag-uusap. "Ikaw pala, Aika. I heard that you won at the battle exams. Congratulations," bati sa'kin ni Mr. Smith. "Thank you po," tugon ko naman sabay ngiti nang tipid. Napatingin naman ako sa hospital bed kung nasaan si Jerome. Wala pa siyang malay at may nakasaksak na dextrose sa isang kamay niya. "Ano pong nangyari kay Jerome?" tanong ko. "Well, he's still under observation dahil hindi pa gaanong stable ang vitals niya," sagot ni Dr. Davies. "Bakit naman po?" usisa ko pa. Nag-aalala talaga ako para kay Jerome. Pakiramdam ko hindi ako mapakali. "That sleeping potion that he inhaled was actually poisonous. At wala pang antidote for that. Tanging si Peterson lang din ang makakagawa ng antidote para do'n. But the thing is..." paliwanag ni Dr. Davies. "Wala pa ring malay si Peterson. Nasa ibang kuwarto lang siya. At may possibility na baka magising pa siya after 24 hours. Kinain kasi ng third skill ni Jerome ang higit sa kalahati ng acquired mana niya," paliwanag naman ni Mr. Smith. "P-Paano na 'yan?" pag-aalala ko. Nagtinginan muna sina Mr. Smith at Dr. Davies. "Wala tayong ibang magagawa kundi ang umasa na magigising si Peterson bago mag twelve hours para makagawa siya ng antidote para rito. Or else..." sagot ni Dr. Davies. Pagkatapos ay bumuntonghininga siya bago magpatuloy. "Jerome will die after 12 hours." Natulala ako sa narinig ko. Pakiramdam ko, ayaw tanggapin ng utak at sistema ko 'yong sinabi nila. Nanghihina ang mga tuhod ko pero nakalakad pa ako papunta sa upuan na katabi ng kama ni Jerome. Umupo ako ro'n at pinagmasdan siya. "Maiwan ko muna kayo. Excuse me," paalam ni Dr. Davies bago siya umalis. Naramdaman ko namang tinapik ni Mr. Smith nang marahan ang balikat ko bago siya tuluyang umalis kasunod ni Dr. Davies. Dahan-dahan kong nilapat ang kamay ko sa isang kamay ni Jerome at hinawakan ito. "Ano bang puwede kong gawin para sa'yo?" bulong ko. Pakiramdam ko may kumikirot sa dibdib ko at bahagyang naninikip ito. Hindi naman puwedeng hintayin na lang namin na magising si Peter. Paano kung bukas pa siya magising? Paano na si Jerome?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD