VI: The Nightmare

2375 Words
Habang naghihintay ng hapunan ay narito lang ako sa sala habang prenteng nakaupo sa harap ng TV dito sa malambot naming sofa. Siyempre sa mga ganitong oras, news ang pinapanood namin. May pakialam din naman ako sa nangyayari sa paligid kahit papaano. Napabalikwas ako nang ipinakita sa balita ang sunod-sunod na kaso ng mga bangkay na natatagpuang lapnos na ang buong katawan at punit-punit ang suot na damit. Walang kahit anong ebidensya o bakas ng kung sino mang salarin ang may gawa ng mga ito. Bigla ko tuloy naalala si Jerome at ang pagsugpo niya sa mga tinatawag na unholy creatures— mga taong naging halimaw matapos saniban ng Unholy Spirits. Sigurado akong mga unholy creatures sila. Gaya na lamang ng nangyari kina Kevin, Sarrah, at Ms. Vasquez. At walang kahit sinong may ideya sa mga pangyayaring 'yon. Naisip ko tuloy, si Jerome lang kaya ang gumagawa ng mga 'yan o may iba pang mga pagala-gala sa paligid na tulad din niya? At natataon lang na siya ang palagi kong nakikita? "Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon," biglang sabi ni Mom sabay upo niya sa tabi ko. "May bigla na lang nangyayari na ganyan tapos walang traces kung sino ang may gawa kaya nahihirapan ang kapulisan na hulihin ang salarin. Napakasama talaga ng kung sino mang may gawa niyan. Hindi siya tao," sabi niya nang may panggigigil. "Hindi yata talaga siya tao." "May sinasabi ka ba, anak?" tanong ni Mom. "Ah, wala po," sagot ko. Parang hindi naman talaga tao si Jerome. Kasi 'di ba? May tao bang may gano'ng klaseng kapangyarihan? Kumirot bigla ang puso ko nang maalala ko ýong sinabi niya sa'kin– na baka hindi raw talaga ako tao dahil daw sa kakayahan kong makagalaw sa loob ng void at makakita ng unholy spirits. "Pero paano niyo po nasabi na hindi tao ang may gawa niyan?" usisa ko. Umayos ng upo si Mom sa tabi ko bago magsalita, "Sino bang matinong tao ang gagawa ng ganyang klaseng bagay? Ito-t*****e mo hanggang sa mamatay tapos iiwanan mo lang kung saan ýong bangkay? Right? It's not a human anymore. It's a devil's work," paliwanag ni Mom at halata mo ang galit sa pananalita niya.  Akala ng lahat, mga t-in-orture sila hanggang mamatay dahil sa hitsura ng mga bangkay nila. Napaisip tuloy ako kung paano nagagawa ng mga gaya ni Jerome ang pumatay ng mga halimaw na alam nilang naging tao rin naman? Nakakaramdam din ba sila ng awa matapos nilang patayin ang mga Unholy Creature na ýon? Pero sa mukha naman ni Jerome, mukhang sanay na siya sa gano'ng gawain. "As far as I remember, ganyan din ang nangyari kina Sarrah at Kevin, right?"  Nabigla ako sa naging tanong ni Mom. Hindi ako nakaimik kaya napatango na lamang ako bilang sagot. "Oh, I'm sorry, sweetie. Pasensya ka na sa sinabi ni Mommy, ha? Hindi ko sinasadyang ipaalala. Sorry talaga," sabi niya habang hinahagod ang likod ko. "It's okay, Mom," sabi ko nang may pilit na ngiti.  "Excuse me lang, ha? Ihahanda ko na ang dinner natin. Mayamaya lang nandito na ang Daddy mo," sambit niya tapos ay umalis na siya para pumunta sa kusina. Si Kevin at Sarrah. Kapwa sila biktima no'ng mga kakaiba at nakakatakot na nilalang na tinatawag na Unholy Spirit. Hanggang kalian kaya sila kailangang mambibiktima ng mga tao? Saan galing ang mga Unholy Spirit na ýon at bakit nila ýon ginagawa? Napatingin ako sa family picture namin na nakasabit sa pader sa bandang kaliwa ko. Kitang-kita ro'n ang masasaya naming mga mukha at ang pagiging kuntento sa buhay na mayroon kami ngayon. Wala na naman talaga akong mahihiling pa sa buhay ko. Basta masaya at kumpleto ang pamilya ko, ayos na sa akin 'yon. Ayaw kong madamay sila sa kung anong natuklasan kong nakakatakot na kababalaghan sa paligid. Ayaw kong mawala sila sa'kin lalo na sa ganoong paraan. Hindi ko matatanggap. Narinig ko na lamang na bumukas ang pintuan namin kaya't napalingon ako sa gawing 'yon. "Dad!" masiglang bati ko sa kanya. Siya pala ang dumating. Mabuti naman. Agad naman siyang sinalubong ni Mom at binigyan ng halik sa pisngi. Tahimik lamang si Dad na parang baliwala kami sa kanya. Kaya naman nagtaka kami ni Mom at nagtinginan. "Honey? Okay ka lang ba, ha?" pag-aalala ni Mom kay Dad. Nakayuko lang ang ulo ni Dad at hindi pa rin siya umiimik. Nakakapagtaka. Bakit parang ang weird niya yata ngayon? "Dad?" tawag ko. "Hon–"  Halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla na lang niyang sakalin niya si Mommy! "Dad! Mom!" pagtataranta ko. Napatayo na ako sa kinauupuan ko at akmang lalapitan sila. "Aika!" Napahinto ako nang sigawan ako ni Mom. "Diyan ka lang. Huwag kang lalapit. A-ako na lang muna ang bahala dito," sambit niya nang may ipit na boses dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Dad. "A-Armando. Ano bang...nangyayari sa'yo?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Mom kay Dad habang pilit nitong tinititigan ito sa mata. Parang dinudurog nang pino ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. At ang mas masakit pa, wala akong kahit anong magawa! Nanginig ang buong katawan ko at nangilabot ang buong sistema ko. Napayakap na lang tuloy ako sa sarili ko habang hinahayaang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. "Huwag mong sabihing si Dad ay..." Umalingawngaw naman ang boses ko sa bawat sulok ng bahay namin nang marinig ko ang malakas na pagdaing ni Mom dahil sa paghigpit ni Dad ng sakal sa kanya. "Mommy!" sigaw ko tapos ay napahagulgol na ako ng malakas na parang isang paslit. Nagtaas-baba ang dibdib ko at hinahabol ang aking paghinga. Naninikip na rin ang puso ko ngayon dahil sa kirot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Binalot na ng takot ang buong pagkatao ko pero sa kabilang banda ay kinamuhian ko rin ang sarili ko ngayon dahil wala akong magawa kung hindi ang tumunganga rito at panoorin ang mga nangyayari.  Bigla ko tuloy sinabunutan at sinampal ko ang sarili ko dahil sa sobrang inis. "A-Aika..."  Napatingin ako kay Mom nang tawagin niya ang pangalan ko. "Stop it, honey. Don't do that. Don't hurt yourself," sambit niya habang may mga luhang dumadaloy mula sa mga mata niya. "Mommy..." Lalong lumala ang pagkirot ng puso ko nang marinig ko ang boses niya dahil ramdam ko mula ro'n ang sakit at hirap na nararamdaman niya ngayon.  "I love you..." sambit niya nang walang boses na lalong nakapagpahagulgol sa akin. Halos malaglag ang panga ko nang makita kong lalo pang hinigpitan ni Dad ang pagkakasakal niya kay Mom hanggang sa ibuka nito ang bibig niya.  Umalingawngaw sa paligid ang boses ko nang tawagin ko si Mommy. Halos maputla na ang mukha at labi ni Mom. Halos puti na rin ang mga mata niya. Mayamaya'y ibinuka ni Dad ang bibig niya sa tapat ng bibig ni Mom at nakita kong may kulay puting usok na hinihigop si Dad mula kay Mom. Sandali lang at pagkatapos ay parang basura lamang na itinapon ni Dad si Mom. Tumilapon ang walang malay na katawan ni Mom sa harap ko. Parang huminto ang mundo ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Lalong nanginig ang buong katawan ko at ramdam na ramdam ko ito hanggang sa kaibutura ng pagkatao ko. Wala na akong nagawa. Ni nakaimik pa. Tulala lang ako sa walang buhay na katawan ni Mom na nakabulagta sa harapan ko ngayon.  Dahan-dahan akong umupo at hinawakan ang kamay ni Mom. Malamig na ito at maputla na rin. Nanikip naman ang dibdib ko na para bang may napakabigat na bagay na nakadagan dito. Biglang sumagi sa isip ko ang mga ngiti ni Mom. At lahat ng alaala namin na para bang isang panaginip. "We're always here for you, at ikaw lang ang baby namin kahit tumanda ka pa." Nakatulala lang ako sa walang buhay na katawan ni Mom. Blangko ang isipan at mabigat ang pakiramdam. Nakatitig lang ako sa mga luha kong pumapatak sa kamay ni Mom na hawak-hawak ko. Ramdam ko namang papalapit na si Dad na may sanib na ng unholy spirit at unti-unti na rin siyang nagpapalit ng anyo sa pagiging Unholy Creature. Pero wala na akong pakialam. Hindi ako natitinag sa puwesto ko. Bahala na kung anong mangyari sa'kin dito ngayon. Tuluyan na akong napaupo sa sahig habang tulala pa rin sa kawalan. Biglang nanumbalik ang lahat ng alaala ko mula pagkabata. Lahat ng mga alaala ko kasama sila. Masasayang alaala. Mapa-ordinaryong araw man o may okasyon. Tuwing birthday ko, Pasko, at Bagong Taon. Kung gaano kami kasaya na magkakasama bilang isang kumpletong pamilya. Dumaan ang lahat ng alaalang ýon sa isip ko na parang isang panaginip— isang magandang panaginip. Napangiti na lamang ako nang mapait habang may mga luhang dumadaloy sa aking mukha. Dahil ngayon, wala na ang pamilyang pinakamamahal ko. Ang dahilan kung bakit masaya at kuntento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Ramdam ko nang huminto sa harap ko si Dad at alam kong hindi siya maaawa sa akin. Dahil hindi na si Daddy 'yan. Isa na siyang Unholy Creature ngayon. Isang nakakatakot na nilalang na walang pinipiling kahit sino na patayin. Alam kong papatayin na rin niya 'ko na gaya ng ginawa niya kay Mom. Pero ayos lang sa'kin. Wala na akong pakialam. Tutal nawala na sila pareho sa'kin. Mas mabuti nang mawala na rin ako. Walang saysay na rin ang lahat kung mabubuhay pa ako. Para saan pa?  Bigla na lang akong may narinig na sumabog. Pero baliwala pa rin 'yon sa'kin. Hindi pa rin ako natitinag sa puwesto ko. "Ano pang ginagawa mo rito?!" Ang boses na 'yon. Pamilyar sa'kin kung sino 'yon. Dahan-dahan akong tumingala para makita kung sinong nagsalita. At kahit nanlalabo ang paningin ko dahil hilam na sa luha ang mga mata ko, nakilala ko pa rin ang naaaninag kong nakatayo sa harapan ko. "Jerome..." Saka ko lang napansin na nag-iba na naman ang kulay ng paligid. Kulay indigo na naman ito dahil sa void na inilagay ni Jerome. At nakita ko ang daddy ko na nakabulagta sa kabilang pader na halos mawasak na dahil siguro sa pagsabog. Nakita naming dahan-dahan na itong bumabangon na mukhang mabilis na naka-recover mula sa atake ni Jerome. At sa isang iglap ay bumuga ito ng kulay itim na apoy papunta sa direksyon namin. Mabuti na lamang at mas mabilis kumilos si Jerome dahil itinulak niya 'ko para makailag kaya't nakadapa siya ngayon sa ibabaw ko. Tumama ang apoy sa pader na ikinaguho nito. Agad namang tumayo si Jerome. Iniunat niya ang kanyang isang braso paharap tapos ilang sandali lang ay nagliwanag ang kamay niya. "Corinnaya's Scythe." Pagkabigkas niya no'n, may kulay lila na liwanag na lumitaw sa kanyang kamay tapos ay naghugis ito na isang malaking kalawit na parang kay Kamatayan. Mayamaya'y nawala na ang liwanag at nakita na ang tunay na kabuuan nito. Isang gawa sa pilak na may kulay itim din na higanteng kalawit na mukha talagang napakahirap hawakan o buhatin ngunit para kay Jerome ay napakadali lang. "Bilisan mo. Umalis ka na dito," utos niya sa'kin. "Ayaw ko," pagtutol ko. Napalingon siya sa'kin at halata ang pagkayamot sa kanyang mukha. "Ayaw kong umalis. Ayaw kong iwanan ang mga magulang ko!" Nakita kong bahagyang nabigla si Jerome sa sinabi ko. Pagkatapos ay lumingon na siyang muli sa kalaban. "Kung gano'n diyan ka muna," maawtoridad niyang sabi. Bumuga ng itim na apoy ang halimaw nang sunod-sunod ngunit walang kahirap-hirap itong naiilagan ni Jerome at patuloy lang siya sa mabilis na pagtakbo papalapit dito. Tumalon ng mataas si Jerome na halos nasa kisame na siya. "Flame of Raging Hell." Pagkabigkas niya no'n ay nabalot ng mga bolang apoy na kulay lila ang paligid ng halimaw. Pagkatapos ay iwinasiwas niya ang kanyang kalawit at ang napakaraming bolang apoy na 'yon ay biglang nagtipon sa buong katawan ng kalaban sabay sumabog ito nang malakas na parang may sumabog na bomba. Sa lakas ng pagsabog ay halos napatakip na ako ng mukha ko at nabalot ng makapal na usok ang paligid. Ilang sandali ang nakalipas ay nawala na rin ang usok. Halos hindi ko naman makilala ang bahay namin dahil sa naging hitsura nito pagkatapos ng pag-atake. Sira-sira ang mga pader at wasak-wasak ang mga gamit namin at nagkalat ang mga ito sa paligid. Halos matulala ako sa mga nakikita ko. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat. Tapos ay nakita ko ang family picture namin. Nilapitan ko ito at pilit na dinampot gamit ang mga nanginginig kong mga kamay, kahit pa wasak-wasak na ito. Naramdaman ko naman ang muling pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Ibinaba ko ang family picture at agad na pinuntahan ang walang buhay na katawan ni Daddy. Bumalik na ulit sa normal ang katawan niya matapos siyang matalo ni Jerome. At gano'n din ang sinapit niya— lapnos ang buong katawan at punit-punit ang suot na damit. Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras nang makita ko ang bangkay ng daddy ko. Lumuhod ako sa tabi niya at dahan-dahang inilapat ang kamay ko sa ulo niya. Marahan kong hinagod ang kanyang buhok. "Dad..." Biglang gumuhit sa isip ko ang mga ngiti ni Dad. 'Yong mga yakap niya sa'kin na nagbibigay init at sigla sa puso ko. At 'yong pagpaparamdam niya sa'kin kung gaano siya ka-proud na anak niya ako. Naalala ko rin 'yong mga pangako niya sa'kin gaya ng ibibili niya ako ng pink gown sa 18th birthday ko, magta-travel kami sa United Kingdom kapag naka-graduate ako ng college. At 'yong pangarap niya na gusto niya akong makitang ikasal at siya mismo ang maghatid sa'kin sa altar. Paano na ang mga 'yon kung wala ka na, Dad? Hinahapo na ako kaiiyak. Kahit naninikip na ang dibdib ko ay patuloy pa rin ako sa paghibi. Dahan-dahan kong inabot ang kamay ni Dad at hinawakan ito nang mahigpit. You'll always be my little princess, Aika. Iyan ang palagi mong sinasabi sa'kin.  "You'll always be my first love, Dad..." Pagbigkas ko no'n ay pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. Ramdam ko pa rin na hanggang ngayon ay nasa likod ko lang si Jerome. Mayamaya ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at dahan-dahang nilapat ang isang kamay niya sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD