VIII: The Real Beginning

2607 Words
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad naman akong bumalikwas at nilibot ang paningin ko sa aking paligid. Nandito pa rin ako sa waiting shed sa labas ng subdivision namin. Pero nag-iisa na lang ako. Parang kagabi lang, kasama ko rito si Jerome.  Anong oras kaya siya umalis? Tapos ay napatingin ako sa katawan ko nang may napansin akong kung ano. Napataas ang kilay ko nang makita kong isa itong itim na jacket. Pagkatapos ay agad ko itong kinuha. Umupo ako at ibinuka ang itim na jacket. Kung hindi ako nagkakamali...kay Jerome ang hoodie jacket na 'to. Bigla kong naisip na baka ikinumot niya sa akin ito kagabi. Napangiti tuloy ako nang hindi sinasadya habang tinitingnan ito. Nagpapasalamat ako sa naging tulong niya sa'kin kagabi. Kahit pa ang sungit at suplado ng dating niya. Napabuntonghininga naman ako nang malalim. Iniisip ko kung paano ko naman iraraos ang araw na ito. Saan ba ako pupunta? May pera akong kakaunti pero hanggang saan 'to makakarating? Hindi na ako puwedeng bumalik sa bahay dahil alam kong ipagtatabuyan lang ako ulit nina Tita Gretchen. Mga damit ko lang at school bag ang dala-dala ko ngayon. Hindi ko nadala ang phone ko dahil tinago 'yon ni Tita. Namasa-masa na naman ang mga mata ko at agad ko itong pinunasan gamit ang mga kamay ko. Tapos ay bumuntonghininga ulit ako nang malalim. "Saan naman ako pupunta nito ngayon?" tanong ko sa sarili ko. "Bahala na siguro," bulong ko sabay ngiti nang may pait. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng school bag ko. At doon ko tiningnan ang family picture namin. Wallet size copy ito ng picture na nandoon sa bahay. Hinaplos ko ang masasayang mukha nila sa larawang ito. Sa larawang ito kung saan masaya pa kaming magkakasama. Bigla kong niyakap ang picture nang mahigpit habang nakapikit para damahin sila kahit sa larawan lang. Miss na miss ko na sila, sobra. Ang luto ni Mommy, ang yakap ni Daddy, ang bonding namin bilang isang masayang pamilya— lahat 'yon. Nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na talaga sila. Palagi kong iniisip na sana masamang panaginip na lang ang lahat. Ilang sandali pa ay may bigla akong naisip. Alam ko na kung saan ako pupunta. Tama. Saan pa ba? Kung saan sila permenenteng namamahinga ngayon. Agad kong pinunansan ang basa kong mga mata. Tapos ay dinampot ang mga gamit ko para makaalis na ako. Nagtitipid ako kaya't maglalakad na lang ako. Mga trenta minutos ang layo nito mula rito. Nakakailang minutong lakad na ako sa tabing-kalsada. Umaga pa lang pero ramdam ko na 'yong init ng panahon. Hinihingal na kaagad ako at pinagpapawisan. Napahinto naman ako sa paglalakad nang may sasakyang tumigil sa tabi ko. Kulay itim ito at halatang mamahalin. Mayamaya'y may lumabas na isang lalaki na sa tingin ko'y mga nasa mid 30's ang edad. Sa tangkad niya ay napatingala tuloy ako sa kanya. Maputi rin ang kanyang balat, at matipuno ang pangangatawan. Mapanga man ang kanyang mukha pero bumagay naman ito sa kanya. Bilugan ang kanyang hazel brown na mga mata. Mataas ang tungkil ng kanyang ilong, at manipis ang kanyang labi.  Naka-brush up naman ang dark brown niyang buhok. Bumagay din sa kanya ang semi-formal attire na suot niya. Button down long sleeve na white at black pants. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakakunot-noo. Mukha siyang may lahing Western o isang Hollywood actor. "Aikaterina? Is that you?"  Nabigla ako sa naging tanong niya at saka lang ako natauhan. "Kilala niyo po ako?" pagtataka ko. "Of course! Don't you recognize me?" tanong ulit niya. Tinitigan ko pa siyang maigi pero hindi ko talaga maalala kung saan kami nagkakilala. "Okay. Kung hindi mo talaga ako maalala, I'll just let you know. I'm a good friend of your father. Remember no'ng Christmas party sa company ng Dad mo? Pinakilala ka niya sa'kin. Kayo ng Mom mo actually," paliwanag niya. Napaisip ako sandali para alalahanin 'yong sandaling 'yon na tinutukoy niya.  "Ah...oo, tama. Naaalala ko na po. Kayo po si Mr. Smith, 'di ba?" sambit ko. "Yes, Jonathan Smith. So, what are you doing here? Bakit ang dami mong dala? Mukhang naglayas ka ah?" usisa niya sabay tawa nang bahagya. Napatingin ako sa malaking bag na hawak ko sa isang kamay at sa isang travel bag na hila-hila ng isang kamay ko. "Uhm, ano po kasi..." Hinihintay niya akong sumagot pero nag-aalinlangan akong magsabi. "I heard about what happened to your parents." Nabigla ako sa sinabi niyang 'yon kaya't hindi ako nakaimik. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ko. "I'm sorry for what happened to them. Condolence," sambit pa niya at ramdam ko ang simpatya sa kanyang pananalita. Pagkatapos ay tumikhim siya, "So, who's your guardian?" tanong niya. "Uhm, si Tita Gretchen po. Kapatid ni Dad," sagot ko. "Halika, sumakay ka sa kotse ko. Iuuwi kita sa inyo," aya niya sa'kin. "Naku, huwag na po, Mr. Smith!" pagtanggi ko. "But why?" tanong niya. Natigilan na naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko kaya umiwas din ako ng tingin. Sasabihin ko ba sa kanya na pinalayas ako ng tita ko at maldita kong pinsan? Ilang sandali naman ang lumipas ay may napansin akong kakaiba sa paligid. At halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla kong nakita na nagbago na naman ang kulay ng kapaligiran. Nilibot ko ang paninigin ko. Mukhang pamilyar ang nangyari sa paligid. Mukha itong... "Void?" bulong ko. Napanganga naman ako nang makitang nakakagalaw sa loob ng void si Mr. Smith. "M-Mr. Smith..." Naalala ko kasi bigla 'yong sinabi ni Jerome na hindi nakakagalaw sa loob ng void ang mga ordinaryong tao. Ipinasok niya ang mga kamay niya sa mga bulsa ng kanyang pantalon at seryosong tinitigan sa mga mata. "I made this void." Lalo kong ikinabigla ang sinabi niya. Ibig sabihin puwedeng katulad din siya ni Jerome? "So, tunay nga ang report na nakarating sa council na may isang mortal na nakakagalaw sa loob ng void. At ikaw 'yon, Aikaterina," sambit niya. Napakunot ang noo ko, "Report? Council?" Inilahad niya ang kamay niya, "Sumama ka sa'kin." Tumingin ako sa kamay niya, "Ha?" "Pinalayas ka ng mga tinuturin mong kamag-anak kaya't wala ka nang pupuntahan." Nabigla ako nang sabihin niya 'yon, "P-Paano niyo nalaman 'yon—" "Huwag kang mag-alala at matakot. Wala akong gagawing masama sa'yo o ano man. I'll keep you safe," pagkumbinsi pa niya sa'kin. Nakikita ko naman ang sinseridad sa kanyang mga mata. Pero syempre, nag-aalinlangan pa rin ako dahil hindi ko naman siya gaanong kilala. "Jerome told me about you. Kaya sinusundo kita ngayon." Nandilat ang mga mata ko, "Si Jerome? Magkakilala kayo?" Iniisip ko nang magkakilala sila dahil pareho silang kaya gumawa ng void. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Tumango siya, "Uhm-hmm." "P-pero, saan niyo naman ako dadalhin?" Humakbang si Mr. Smith papalapit sa'kin, "Sa ibang mundo kung saan ay magiging bago mong tahanan..." Marahang inilapat ni Mr. Smith ang dulo ng hintuturo niya sa noo ko pagkatapos ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Kasunod no'n ay biglang nagdilim ang lahat. ---- "Ms. Cervantes?" May naririnig akong boses ng isang babae. Pero bago sa pandinig ko ang boses na 'yon. "Ms. Aikaterina Cervantes?" Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. At tumambad sa harap ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ko kaya't halos napalundag ako sa puwesto ko dahil sa gulat. Pakiramdam ko nagising ang diwa ko dahil sa kakaiba niyang hitsura. "Huwag kang matakot, Ms. Cervantes." Pinilit kong huminahon at umupo ako nang maayos kahit gulong-g**o pa rin ang isip ko. "Hindi kita sasaktan," sambit pa niya nang may malumanay na tinig. Mayroon siyang mahaba at tuwid na buhok na kulay berde. Ganoon din ang bilugan niyang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Dahil sa kakaiba niyang hitsura ay dinaga ang dibdib ko sa kaba. Parang nanigas na ako sa kinauupuan ko ngayon.  Matangkad siya at balingkinitan ang pangangatawan. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang dilaw na bestidang hapit na hapit sa kanya. Mayroon din siyang matutulis na mga kuko na kapag ikinalmot sa'yo ay parang hiniwa ka ng kutsilyo. Higit sa lahat, meron siyang malaking pares ng mga pakpak na gaya ng sa ibon at kulay itim ang mga balahibo nito. Kung tutuusin, kahit kakaiba ang hitsura niya ay maganda pa rin ang mukha niya. Inilibot ko pa ang paningin ko sa silid kung nasaan ako ngayon. Napagtanto kong nakaupo ako sa isang malaki at malambot na sofa na kulay pula. "N-Nasaan ako? Saka, sino ka?" Sa wakas ay nakaimik din ako kahit pa ginagapang ng kaba ang dibdib ko. Hindi ako sinagot ng babae na taong ibon. Bagkus ay ngumiti lang siya sa akin. Napansin ko naman ang lugar kung nasaan ako. Ubod ng taas ang kisame nito at may maliliwanag na chandelier na nakabitin dito. Walang masyadong mga kagamitang makikita sa kabila ng kalawakan ng silid na ito. Isang center table na gawa sa kahoy kung nasaan nakatapat ang sofa na hinigaan ko at may iba pang mga malalambot at malalaking kulay pulang upuan. At ang silid ay napalilibutan ng mga libro. Halos mga libro na ang tumatakip sa mga dingding abot hanggang kisame. Para itong isang malaking library ng isang palasyo. Nang mapatingin ako sa harap ay nakita ko si Mr. Smith. Nakaupo sa isang malaking swivel chair habang nakatuon ang kanyang mga braso sa mesang katapat niya at nakatingin sa'kin. "Mabuti't gising ka na, Aika," sambit niya. "M-Mr. Smith. Nasaan po ba ako?" tanong ko. "Narito ka ngayon sa opisina ko," sagot niya. Ang huli kong natatandaan, magkausap lang kami kanina sa tabing-kalsada, tapos...parang nawalan na ako ng malay. "Halika rito, Aika. Lumapit ka," utos niya. Bahagya akong natinag at pinagsalin-salin ko ang tingin ko kay Mr. Smith at sa babaeng may pakpak. "Huwag kang mag-alala. Ligtas ka rito. Wala kaming balak na masama sa'yo," sambit pa niya. Kahit gulong-g**o pa ang isip ko at nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo at naglakad papalapit sa mesa ni Mr. Smith. "Maupo ka," sambit niya. At umupo nga ako sa upuang katapat lang niya. "By the way, she's Hilary, my secretary. As you can see, she's a harpy. And harpy is an avian lady," sambit ni Mr. Smith. Ningitian naman ako ni Hilary nang mapatingin ako sa kanya. Maganda ang kanyang ngiti kahit pa kakaiba siyang nilalang. Kaya naman naibsan ang kaba ko kahit papaano. Pero, hindi pa rin ako mapakali at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. "Let me introduce myself again. I'm Jonathan Smith, the chairman of Underworld University, High School Department. And I'm officially welcoming you here in the Underworld!" masiglang bati niya sa'kin "U-Underworld?"  Halos lumuwa ang mga mata ko nang sabihin niyang 'Underworld'. Pagkatapos ay kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Mr. Smith. Naghihintay din ako ng malinaw na paliwanag mula sa kanya kung nasaan ba talaga kami. "Yes. You're here, in the Underworld. Ang mundo kung saan nabubuhay ang mga 'kakaibang' nilalang na kinatatakutan ng mga mortal. Mga nilalang na akala ng mga mortal ay kathang-isip lamang na nakikita sa mga folklores, legends, and fairytales," sambit niya. Pagkatapos ay prente siyang sumandal sa swivel chair na inuupuan niya, "At tinatawag kaming night-crawlers." Natigilan ako at napaisip. May isang harpy ngayon sa harapan ko. Tapos, may nakikita akong mga nakakatakot na anino na tinatawag na unholy spirits. Higit sa lahat...isang nilalang na kinakalaban ang mga unholy spirits. Kaya posibleng totoo nga ang sinasabi niya. Napaisip ulit ako. Bigla kong naalala 'yong araw na napulot ko ang I.D. ni Jerome. "Teka, kung Underworld University ito, dito nag-aaral si Jerome?" tanong ko. "Of course! Mr. Jerome Hamilton is one of the students here in High School Department. He's one of my students, actually," sambit niya. Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko, "Wow..." "Siya ang nag-report sa'kin na may isang mortal daw siyang nakilala na nakakakita ng mga unholy spirits at nakakagalaw sa loob ng void. So, I became interested dahil first time in the history ito. At ang lalo pang nakapagpainteresante rito, I know you and your family. Kaya naman mas naging madali para sa'kin ang pasubaybayan ka," paliwanag niya. Nabigla naman ako sa narinig ko mula sa kanya. "Pinapasubaybayan? Bakit? Kanino? Kay Jerome ba? Kaya palagi kaming nagkikita?" usisa ko. Nabigla ako nang tumawa siya, "Of course not. Hindi si Jerome ang inutusan ko para gawin 'yon. He's a hunter and not a part of my surveillance team. Actually, wala siyang alam na pinapasubaybayan kita. Hindi niya alam," sagot niya. "Anyway, I was amazed. Palagi kayong nagkikita nang hindi sinasadya. Kapag nasa panganib ka, nandyan naman siya para tumulong. Lagi siyang naa-assign sa area kung saan ka nandoon. Don't you think it's destiny?" dagdag pa niya sabay tawa. Napalunok na lang ako sa sinabi niya. "Kaya po ba dinala niyo 'ko rito?" Tumango naman siya, "Yes. And I want you to be a part of this school. Gusto sana kitang i-enroll dito sa High School Department, of course. I will be the one who's responsible to you, for your guidance and protection. I will let you stay in the university dorm. Eto na ang magiging bagong tahanan mo, Aika. Hindi mo na kailangan pang magpalaboy-laboy sa mundo mo," paghikayat niya sa'kin. Tapos ay may iniabot sa'king papel si Hilary. Ipinatong niya ito mismo sa harap ko. Nang tininganan ko ito ay agad kong nakita ang 'Underworld University Enrollment Form' sa heading. "All you have to do is to fill-up that form, sign, and you're in! You don't have to be alone anymore, Aika," pagkumbinsi pa ni Mr. Smith. Patuloy lang akong nakatitig sa papel at ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang t***k ng puso ko, habang ang hawak akong ballpen ay nakatutok na ang dulo sa form. Alam ko namang hindi ko lubusang kilala ang mga nilalang na ito at hindi rin sila ordinaryo. Pero kung iisipin, may mapupuntahan pa ba 'ko? May aasahan pa ba 'ko? Hindi naman siguro masama kung gugustuhin kong magsimula ulit ng panibagong buhay sa ibang mundo. Sa ganitong paraan, mas madali kong malilimutan ang sakit na dulot ng mga pinagdaanan ko. Napapikit ako nang maalala ko bigla ang trahedyang sinapit ko sa buhay— ang pagkawala ng parents ko at ang pang-aalipin sa'kin ng kamag-anak ko. "Mr. Smith." "Hmm?" tanong niya sa'kin. "Kung hindi ako nagkakamali, dito galing sa school na 'to ang mga pumupuksa sa mga Unholy Spirit." "Yeah, you're right. That's the main goal of this school. To hunt Unholy Spirits and eliminate them." Sandali lang ay napagdesisyunan ko na ring pirmahan ang enrollment form. Nang matapos ako ay ibinigay ko na ito kay Mr. Smith. At nakita kong gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi. "Good decision, Aika!" masayang sambit niya. "Congratulations, Ms. Maria Aikaterina Cervantes! Now, I'm officially welcoming you to the Underworld University High School as one of our students!" Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Parang halu-halo ang lahat ng emosyon sa puso ko. Basta ang sigurado lang ay ang pinakadahilan ko kung bakit ako pumirma— para maging Unholy Spirit Hunter at maipaghiganti ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. At wala akong pakialam kung buhay ko man ang maging kapalit ng desisyon kong 'to.  "So, dahil estudyante ka na ng university, gusto ko sanang ipa-campus tour ka na ngayon," sambit bigla ni Mr. Smith. "Hilary, tawagin mo na ang sasama sa kanya," utos niya. Lumakad naman sa gawing pintuan si Hilary. At sa sandaling hinawakan niya ang busol ng pintuan para buksan ito ay para namang nagwawala ang puso ko sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD