"So, one on one discussion muna tayo today."
Panimula ni Gunner. Kaming dalawa lang dito sa Section X study area. Nakaupo ako sa couch na kaharap siya. Tapos ay may ilang books na nasa table namin.
"Ano namang idi-discuss mo sa'kin?" tanong ko.
"Well, tungkol ito sa history ng Unholy spirits. Para may idea ka tungkol sa mga kalaban natin at kung gaano na namin sila katagal na pinupuksa."
Bumuntonghininga siya, "Si Jerome dapat ang gumagawa nito dahil siya ang tandem mo. Pero sa huli, sa'kin pa rin ang bagsak. Hay nako."
Natawa ako nang kaunti, "Okay lang 'yan, Gunner. Isa pa..."
Umiwas ako ng tingin, "Tingin ko, hindi siya capable para mag-discuss. You know? 'Yong personality niya." Tapos tumawa ako nang pilit.
Napakamot siya sa batok, "Sa bagay, may point ka. Parang ikamamatay ni Jerome ang pagsasalita."
'Yong apat na lalaki ang umangat sa Earth para gumawa ng mission. Habang kami rito ni Gunner ay may one-on-one discussion base na rin sa utos ni Mr. Smith.
Nagsimula na siyang magbuklat-buklat ng mga reference sa table.
"Okay, simulan natin sa..."
"Heto," sambit niya sabay may kinuha siyang book. Isang lumang book na may makapal na cover na gawa sa tela na kulay red at may kakapalan.
"History of Unholy Spirits' Origin." Pagkatapos ay binuklat na niya 'yong book.
"Ang unholy spirits ay nagsimula bilang isang sumpa o curse. Sumpa siya sa sanlibutan na magpapahirap sa lahat ng klase ng nilalang dito sa mundo," panimula niya.
"Nagsimula ang lahat a thousand years ago. At sa loob ng ilang siglong pag-aaral, may nabuong tatlong theories kung paano o saan nagsimula ang mga unholy."
"First theory. Unholy spirits ay mga mapaminsalang nilalang na ginawa ni Cronus. Si Cronus ay isa sa twelve Titans of Olympus at ang ama nina Zeus, Poseidon, at Hades. Nagpadala siya ng gano'ng klaseng nilalang sa bawat panig ng mundo para iparating ang paghihiganti niya sa mga anak niya na mga nagrebelde against him."
"Si Zeus and diyos ng kidlat at ng Olympus. Si Poseidon ang diyos ng karagatan, at si Hades naman ang diyos ng Underworld," paliwanag pa niya.
Napaawang naman ang bibig ko, "So, totoo pala ang gods and goddesses sa mythology?"
Ngumiti si Gunner, "What do you think?"
Nandilat ang mga mata ko, "Wow. I thought mythology lang sila kagaya ng pinag-aralan namin sa school noon. Wow."
"Second theory. Si Tartarus."
"Sino naman 'yon?" tanong ko.
"Si Tartarus ang tinaguriang punisher dito sa Underworld. Or in other words, siya 'yong tinatawag na 'Satanas' ng mga tagalupa."
Nandilat ang mga mata ko, "Ow. Tartarus pala siya rito sa Underworld."
"Yep. Sa kanya napupunta ang mga sinful and vengeful spirits ng mga namatay na tagalupa. Ayon sa theory, gusto ni Tartarus na mag-take over sa trono ni Hades bilang diyos ng Underworld kaya 'yong mga vengeful spirits ay ginagawa niyang Unholy spirits para guluhin ang balance ng mundo."
"Balance?"
"Pero itong second theory ang may pinakamahinang ebidensya. Kasi halos wala namang ibang patunay or supporting details sa theory na 'to bukod sa egoistic na nilalang itong si Tartarus at totoo ngang one time, nabanggit niya na pangarap niyang maging diyos ng Underworld. Bukod do'n, wala na."
"At sa third theory naman, may kinalaman sa mga diyosang sina Hera, Persephone, at Melinoe. Si Hera ang diyosa ng kasal at asawa ni Zeus. Si Persephone ay diyosa ng tagsibol at asawa ni Hades. At si Melinoe naman ay diyosa ng witchcraft at anak ni Persephone. At ang theory na 'to ang pinakamalapit sa katotohanan."
"Anong meron sa kanila?" usisa ko.
"Hindi gaya ng ibang diyos tulad nina Zeus at Poseidon, iisang babae lang ang bumihag sa puso ng aming diyos na si Hades. At iyon ay si Persephone. Pagkatapos ay nagkaroon sila ng dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. Okay naman ang lahat hanggang isang araw..."
Nakatingin lang ako kay Gunner habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Nakarating kay Hera na nagkaroon ng relasyon sina Zeus at Persephone."
Napataas ang kilay ko, "Ha?"
"Kilala si Hera bilang asawa ni Zeus na napakaselosa. At hinala niya, ang bunga ng naging relasyon nina Zeus at Persephone ay si Melinoe. Pero nanindigan si Persephone na anak niya ito kay Hades. Iyon nga lang, aminado rin si Persephone na nagkaroon sila ng relasyon ni Zeus. Pero giit din niya, nagkaroon sila ng relasyon ni Zeus bago pa niya nakilala si Hades."
"Pero ayaw maniwala ni Hera dahil nabulag na rin siya ng selos kaya ginawa niya ang Unholy Army para sugurin at sirain ang buong Underworld bilang ganti kay Persephone. Ginawa niya rin itong distraction para kay Hades para hindi ito makialam sa plano nitong patayin si Melinoe."
"Napatay ba ni Hera si Melinoe?" tanong ko.
"Hmm. Actually, walang nakakaalam. Kasi ang pagkakasulat sa theory, nailigtas ni Persephone si Melinoe mula kay Hera. Dinala niya si Melinoe sa kung saan para mailigtas ito. Pero may nakasulat din na patay na si Melinoe at may mga ilang ebidensya rin na sumusuporta rito."
"Pero ang siguradong bagay lang sa lahat, napuksa ni Hades at ng kanyang army ang mga Unholy na nananakop dito sa Underworld noon."
"Tapos si Persephone naman ay nilagyan ng barrier ang buong Underworld para hindi na ito gambalain pa ng Unholy spirits. Kaso sa kasamaang palad, nawala nga ang mga Unholy rito pero napadpad naman sila sa Earth at doon sila naghahasik ng lagim."
"At ayon sa research, temporary lang pala ang barrier na nailagay ni Persephone. Mas makapangyarihan kasi si Hera kaysa sa kanya kaya iyon na lang ang nagawa niya para makaligtas sa kanyang galit."
"At dito na nga pumasok ang Underworld Agency. Nagsimula ito centuries ago pa. Hanggang sa naitayo ang school na ito na tinawag na Underworld University para magtipon ang iba't ibang klase ng night-crawlers. At sanayin kaming iligtas o ipagtanggol ang sanlibutan mula sa mga Unholy."
"Base rin sa mga nagdaang research, may tatlong stages ang Unholy. Unholy ang basic form nila. At kaming mga hunter student ang kumakalaban sa kanila. Moderate form nila ang Chaos. Kapag marami na silang na-consume na kaluluwa, tumataas ang level nila hanggang sa maabot nila ang final form-ang Doom."
"College students ng university na 'to ang kumkalaban sa mga Chaos. Tapos ang mga elders naman gaya ng faculties at ang Underworld agents ang kumakalaban sa mga Doom na gaya na lang ni Mr. Smith."
"Hmm...gano'n pala 'yon," sambit ko.
Pagkatapos ay bigla akong napaisip. Kung iisiping mabuti, nagsimula ang lahat sa isang matinding selos at hinala. Matindi pala talaga magalit ang mga diyos. Damay-damay lahat.
"Naisip ko lang. Ano kayang magiging ambag o tulong ko sa inyo if ever sa mga mission? Wala akong powers or armas na gaya ng ginagamit niyo. Divine artillery ang tawag do'n kung hindi ako nagkakamali," sambit ko.
Natawa nang kaunti si Gunner, "Oo, tama ka. And don't worry, one of these days papipiliin ka na ni Mr. Smith ng weapon na gagamitin mo."
Napataas ang kilay ko, "Talaga? Magkakaroon din ako ng weapon na gaya ng lahat ng students dito?"
"Oo naman. Required 'yon."
"Wait, may tanong ako," sambit ko.
"Ano 'yon?"
"Ano 'yong sinasabi mong balance kanina?"
"Ah, the spiritual balance. 'Yon ang—"
Natigilan kami ni Gunner dahil bigla na lang yumanig ang paligid. Nagulat kami at nagkatinginan. Umuuga pati ang chandelier sa kisame at ang mesa at mga upuan namin.
"A-anong nangyayari, Gunner? May lindol ba?" tanong ko. Pinilipit kong kumalma sa kinauupuan ko pero natatakot talaga ako.
"Hindi ko alam. Pero tingin ko, hindi 'to lindol," sagot niya.
Palakas nang palakas ang pagyanig at napapasigaw na ako sa takot.
"Relax lang, Aika," sambit ni Gunner.
Nagulat kami nang bigla kaming may narinig na humuhugong na parang alarm siren.
"Gunner, ano 'yon? Bakit may natunog na alarm siren?" taranta kong tanong.
"This is not a drill. This is an emergency. Underworld University is now under attack. I repeat, Underworld University is now under attack by an army of Unholy spirits. Hunter students, prepare for attack."
'Yon ang narinig naming announcement mula sa labas. Nagkatinginan kami ni Gunner na parang nagtataka na sa mga nangyayari.
"s**t. Heto na nga bang sinasabi ko. Unholy Invasion, huh?" sambit ni Gunner tapos ay tumingin siya sa'kin.
"Aika."
"H-Ha?"
"Kaya mong tawagan si Jerome, 'di ba?" tanong niya.
"Oo. Dahil do'n sa hikaw na binigay niya sa'kin."
"Tawagan mo siya. Sabihin mo 'yong sitwasyon ngayon. Bilis!"
"O-Okay." Tapos ay kinuha ko ito sa bulsa ng coat ko at sinuot 'yong silver crescent moon na hikaw na bigay sa'kin ni Jerome at lagi lang itong nakatago sa bulsa ko.
"Lalabas na ako. Kailangan ako sa battlefield," sambit niya.
"Grannus Golden Guns," maotoridad niyang sabi.
Tapos ay nagliwanag ng kulay red ang mga kamay niya at may lumitaw dito na mga revolver g*n na kulay gold.
"Dito ka lang!" bilin niya bago siya kumaripas ng takbo palabas ng greenhouse dome namin.
Patuloy pa rin sa pagyanig ang paligid at natataranta pa rin ako. Sana maging okay lang si Gunner.
"Hello, Jerome. Naririnig mo ba ako?"
"Oo. Bakit?" sagot niya sa kabilang linya.
"Kasi, ano...may emergency dito sa university at kailangan ng tulong niyo."
"Anong emergency?"
"Inaatake ng Unholy army ang buong university!"
Natahimik sandali si Jerome sa kabilang linya. Tapos ay nagsalita siya ulit.
"Sige. Papunta na kami."
Lumilindol pa rin pero humina na ang pagyanig. Naisip kong lumabas ng greenhouse dome para silipin kung anong sitwasyon sa labas.
Tumakbo ako papuntang pinto at lumabas. Lumabas din ako ng gate at tinakbo ang pathway hangga't makarating ako ng main campus sa central area ng school.
Napapikit ang mga mata ko nang salubungin ako ng malakas na hangin at nililipad nito ang buhok at palda ko. Makulimlim din masyado ang langit. At nakita ko rin ang dagsaang Unholy spirits!
"Ang dami nila!" Siguro mga nasa less than hundreds sila.
Mga daang metrong laki na mga halimaw na mukhang anino na may mga matang lumiliwanag ng kulay pula, at may mga matutulis na mga pangil at kuko.
Sa sobrang laki nila, parang insekto lang para sa kanila ang hunter students. Pero lahat ng estudyante rito sa university ay nakikipaglaban ngayon sa mga halimaw na 'yon.
Nagulat naman ako nang maramdaman kong may malalaking yabag na papalapit sa'kin. Umakyat ang kaba at kilabot sa dibdib ko kaya halos hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Paglingon ko ay halos lumuwa ang mga mata ko at sandaling nanikip ang dibdib ko sa nakita ko.
Isang Unholy spirit. Pakiramdam ko, may mga gumagapang sa loob ng sikmura ko. Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko, at nanginginig ang buong katawan ko.
Nakatitig lang ako sa halimaw na papalapit sa'kin. Bigla namang nanumbalik sa alaala ko ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko noon sa lupa.
Nag-flashback lahat nang 'yon sa isip ko na parang isang masamang panaginip. Hindi na ako nakagalaw, ni nakaimik pa dahil dito. Tuluyan na akong nilamon ng labis na takot na nanuot sa buong sistema ko.
Biglang winasiwas ng halimaw ang mahahaba niyang braso sa direksyon ko. Nakagawa ito ng malakas na puwersa kung saan nagliparan lahat ng bagay— mga bato, kahoy, at puno papunta sa direksyon ko.
Tinamaan ako ng ilang bato na lumipad. Tinamaan din ako ng ilang kahoy na siyang nagpasakit nang sobra sa buong katawan ko. Dagdag pa na tumalsik din ako at nabunggo nang malakas ang likod ko sa isang malaking puno.
Napadaing ako nang malakas dahil do'n. Lumagpak ako sa lupa at kumikirot ang buong katawan ko. Napansin ko rin na may mga sugat, galos at pasa na ako sa buong katawan dahil sa mga nagliparang bagay kanina.
May naramdaman naman akong basa at mainit sa bandang braso ko. At nandilat ang mga mata ko nang makita kong may pahabang sugat ako sa braso at may dugo na umaagos mula rito.
Dinampian ko ito ng nangangatal kong kamay at naramdaman ko na lang na may luhang umagos sa pisngi ko.
Nakahiga lang ako sa lupa at hindi makakilos dahil sa sobrang sakit ng katawan. Pakiramdam ko pag gumalaw ako, may butong mababali sa'kin. Hindi na ako makagalaw kaya wala na akong magawa kundi ang panoorin ang halimaw na 'yon na naglalakad papalapit sa'kin.
Napasabunot ako sa d**o. Kaya ko gumawa ng void, pero wala naman akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko.
Pero sa bagay, ayos lang naman siguro kung mamatay na ko rito. Bigla ko kasing naalala 'yong sinabi sa'kin ng pinsan ko na dapat sumunod na lang ako sa mga magulang ko dahil wala na rin namang saysay kung nabubuhay pa ako ngayon.
Napapikit na lang ako sabay may umagos na luha mula sa mga mata ko.
Mayamaya naman ay parang may dumaang hangin at namalayan ko na lang na may buhat-buhat na sa'kin.
"Bakit nandito ka sa labas?" inis na tanong nito sa'kin.
Dinala niya ako sa isang tabi kung saan nasa pagitan kami ng mga puno at halaman.
"Jerome..."
Napatingin siya sa sugat ko at napailing. Dumukot siya sa bulsa niya at paghugot niya ay isang puting panyo. Tinupi niya 'yon pahaba at tinali sa sugat ko para maibsan ang pagdudugo.
"Jerome!"
Si Xavier naman 'yon, tapos ay tumakbo siya papalapit sa'min.
"Hala, anong nangyari kay Aika?" pag-aalala niya nang makita niya 'yong sugat ko.
"Inatake siya ng Unholy," sagot ni Jerome.
"Xavier," tawag sa kaniya nito.
"Oh?"
"Ipasok mo si Aika sa dome. Dalhin mo siya sa ligtas na lugar. Pagkatapos, bumalik ka rito," utos ni Jerome kay Xavier.
"Okay sige," sagot naman ni Xavier.
Pagkatapos ay inakay na ako ni Xavier dahan-dahan papunta sa greenhouse dome. Pagkatapos, si Jerome naman ay nagmadali nang pumunta sa central area para tumulong.
Nang nasa loob na kami ay dahan-dahan akong iniupo ni Xavier sa couch.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa labas, Aika?" usisa ni Xavier na may halong pag-aalala.
"Curious kasi ako kung paanong gagawin ng university sa pag-atake ng mga Unholy. Kaya ayan," sagot ko sabay tawa nang pagak.
Napailing si Xavier, "Ikaw talaga. Alam mo naman na hindi mo pa kaya makipaglaban sa ngayon, pero ginawa mo pa rin. Hindi rin matigas ulo mo, ano?" sermon naman niya sabay tawa nang kaunti.
Natawa rin ako, "Hindi ko rin alam. Pero kanina kasi no'ng nakita ko 'yong Unholy, nag-flashback sa isip ko lahat ng nangyari sa'kin noon sa lupa. Tapos naisip ko, ayos lang kung mamatay na ko ngayon."
"Aika naman..."
"Nawala na sa'kin ang lahat. Kaya bakit pa ako matatakot?" patuloy ko.
"Aika...huwag ka namang ganyan. Isipin mo na lang na second chance mo sa buhay ang pagkakapadpad mo rito. Kaya, huwag mong sayangin ang second chance na 'to sa buhay. Okay?" sambit ni Xavier tapos ay tinapik niya ang balikat ko.
"O pa'no. Dito ka muna ha? Tutulong muna ako ro'n sa labas," paalam niya. Ningitian ako ni Xavier bago siya tuluyang lumabas do'n.
Napatingin ako sa sugat kong binalot ni Jerome ng puting panyo.
"Second chance, huh?"