XXX: Mirage

2575 Words
Napatayo ako sa kinauupuan ko kahit nangininginig na ang mga binti ko. Sobrang dilim ng paligid. Wala akong makitang kahit ano, kahit isang guhit ng liwanag wala. “Gunner? Ryker? Xavier? Klein? Jerome?” Isa-isa ko silang tinawag. Pero walang sumasagot. Nasaan na kaya sila? Wala akong hangin na maramdaman at ang tanging naririnig ko lang sa mga oras na ‘to ay ang t***k ng puso ko. Nasaan na kaya sila? Kahit nababalot ng takot ang puso ko ngayon, dahan-dahan akong humakbang. Kinakapa ko rin ang lahat ng madaanan ko pero wala rin akong makapa. Para bang wala na ako sa tren at napunta ako sa isang kawalan. Lakad lang ako nang lakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta dahil wala naman akong makita. Pinagkikiskis ko ang mga palad ko dahil nilalamig na ang mga ‘to. Bumibigat na rin ang paghinga ako pati ang pakiramdam ng ulo ko ay mabigat na rin. Sa kalalakad ko na hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal na naglalakad, naisip kong huminto muna. Nakakaramdam na rin ako ng pagod. Bigla ko namang naisip na nasa bulsa ko pala ‘yong kabiyak ng hikaw ni Jerome. Kinuha ko ‘yon sa bulsa ng coat ko at agad na sinuot. “Hello? Jerome?” Naghintay ako ng ilang sandali kung sasagot ba sa kabilang linya si Jerome. Lalong nanghina ang mga binti ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Kaya naman napaupo na lang ako sabay yuko ng ulo sa mga tuhod ko. “Aika.” Napaangat ako nang bigla kong marinig si Jerome na nagsalita sa kabilang linya. “Jerome! Nasaan ka?” tanong ko kaagad sa kanya. “Hindi ko alam. Wala akong makita o maramdaman na kahit sino sa paligid.” Nandilat ang mga mata ko, “Ibig sabihin nag-iisa ka lang din ngayon?” “Mukhang gano’n na nga.” “Pero isa lang ang alam ko. Nararamdaman ko ‘yong presence ng Unholy na nandito sa tren. Sa lakas ng presence niya, parang nakabalot ‘yon sa buong paligid.” Natahimik ako sandali bago magsalita, “Ano nang gagawin natin?” “Hindi ko pa alam. Basta kung nasaan ka man, mag-ingat ka palagi. Maging alerto ka sa paligid mo sa lahat ng oras,” bilin niya sa’kin. Dahan-dahan akong tumindig at tinawag ang divine artillery ko. “Hades’ Sword.” Pagkatapos ay lumitaw ito sa aking kamay matapos ng sandaling liwanag na kulay puti. At dahil may kinang naman na nagmumula sa espada ko ay ginawa ko itong parang torch at tinatapat ko ito sa lahat ng madaanan ko. Pero wala pa rin talaga akong makita. Para bang nilalamon lang ng kadiliman ang liwanag na nanggagaling sa espada. Naku, paano ba ‘to? Pinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad ko habang hawak ang espada sa bandang unahan ko. Habang naglalakad naman ay hindi ko pa rin maiwasang magpalinga-linga sa paligid kahit pa wala akong makita dahil sa dilim. Sabi ni Jerome, maging alerto sa paligid dahil ang Unholy ay puwedeng nasa paligid lang. “Aika?” Napahinto ako nang may biglang tumawag sa’kin. “Aika? Ikaw ba ‘yan?” Hindi ko makita ‘yong mismong nagsasalita pero pakiramdam ko nasa unahan ko lang siya. At pamilyar din sa’kin ang boses niya. “X-Xavier? Ikaw ba ‘yan?” “Oo, ako nga. Bakit gano’n? Naririnig kita, nararamdaman, at naaamoy pero hindi kita makita?” pagtataka ni Xavier. “Naririnig din kita pero hindi rin kita makita.” Nabigla naman ako nang kaunti nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. “Nahahawakan din kita. Pero bakit hindi kita makita?” pagtataka ni Xavier at ramdam ko ring malapit lang siya sa’kin. “Ramdam din kita pero hindi rin kita makita.” “Nararamdaman ko rin ang presence ng divine artillery mo.” “Ah oo. Hawak-hawak ko ngayon ang Hades Sword.” “Kaya pala. Hawak ko rin ang Nerthus Warhammer ko ngayon.” Hindi niya rin kita ang artillery ko kahit pa kumikinang na ito. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Xavier, “Kailangan nating hanapin ‘yong iba nating kasama. Baka sakaling may matuklasan tayo kung bakit nagkaganito ang paligid.” Naramdaman kong hinawakan ni Xavier ang kamay ko. “Halika na,” sambit niya. Tapos ay naglakad na kami nang magkasama. ---- Ilang minuto na rin kaming naglalakad ni Xavier nang tahimik sa gitna ng kadiliman. “Paano ba natin sila mahahanap nito?” tanong niya bigla. Hindi naman ako umiimik dahil wala rin akong maisasagot. “Pagod ka na ba, Aika?” “Hindi naman. Okay pa naman ako. Salamat.” “Gano’n ba. Basta kapag pagod ka na, magsabi ka lang. Hihinto tayo sandali para magpahinga. Pero sa ngayon, wala akong maramdamang presence ng kahit sino sa paligid natin.” Patuloy lang kami sa paglalakad habang hawak pa rin ni Xavier ang kamay ko. “Anong klaseng Unholy kaya ang nandito sa tren?” ani Xavier. Mayamaya’y may narinig kaming kumalabog. Halos mapatalon naman ako sa kinatatayuan ko dahil do’n. Para bang may humakbang na higante. Naramdaman kong huminto si Xavier kaya’t gano’n din ako. “Ano ‘yon?” tanong ko. “Diyan ka lang. Unholy ‘yan,” sagot naman ni Xavier. Wala kaming nakikitang kahit ano. Pero naramdaman namin ang bigat ng tensyon sa paligid dahil sa Unholy na ‘yon. Pigil-hininga lang ako rito sa kinatatayuan ko habang hawak pa rin ang artillery ko. Mayamaya lang ay naramdaman kong binitiwan na ako ni Xavier. “Papalapit na siya,” sambit niya. Napaiktad naman ako nang biglang kumlabog muli. Pero sa pagkakataong ‘to, mas malakas ito kaysa sa nauna. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang malalakas na kalabog na halos dumadagundong na ang paligid. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon. Gulong-g**o ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi kasi namin nakikita ang kalaban dahil sa matinding kadiliman na bumabalot sa paligid. “Ano nang gagawin natin, Xavier?” “Ang totoo niyan, hindi ko alam.” “Aika.” Nagulat naman ako nang marinig ko si Jerome na nagsalita sa kabilang linya. “Jerome.” “Ano nangyayari diyan sa inyo?” “M-May Unholy na papalapit sa’min ngayon…At hindi namin siya makita dahil sa sobrang dilim.” Naririnig pala niya ako mula sa kabila. Alam na niyang kasama ko ngayon si Xavier. Halos mapalundag ako nang marinig kong sumigaw si Xavier. “Xavier!” “Aika, anong nangyari?” tanong naman ni Jerome sa kabila. “S-Si Xavier. Biglang sumigaw tapos nawala…” Nandidilat ang mga mata ko habang ginagala ang tingin sa paligid kahit wala akong makita na kahit ano. May naririnig kasi akong kalabog na parang malapit lang sa puwesto ko. Nanginginig ang mga binti ko at nangingilabot ang aking katawan sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw para makaalis. Paano ba naman? Hindi ko makita ang kalaban tapos nawala rin si Xavier. Bigla na lang akong tumalsik sa ere nang may sumuntok sa’kin na malakas na hangin. Dahan-dahan akong napapikit nang bumagsak ako sa sahig. --- “Aika?” May pamilyar na boses ng babae ang tumatawag sa’kin. “Aika, wake up.” Malambing at malumanay ang boses na magaan sa pakiramdam pakinggan. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nasa ibang lugar ako. At pamilyar ang lugar na ito. Nag-isip pa ako sandali at nang may napagtanto ako ay bigla akong bumangon. Nilibot ko pa ang panigin ko at hindi nga ako nagkakamali. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko sa dati kong bahay! Anong nangyari? Kanina lang ako ay nasa… “Aika, sweetie.” Napalingon ako sa nagsalita. Titig na titig ako sa kanya at hindi ako makapaniwala. “M-Mom?” Nakangiti siya sa’kin pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama ko. “Sweetie, bumangon ka na. Ready na ang breakfast sa baba. Your dad is waiting.” Halos nanigas na ako sa puwesto ko. Nilibot ko ulit ang paningin ko at nandito nga ako ngayon sa kama ko sa dati naming bahay. “Mom? Ikaw ba talaga ‘yan?” Nangingilid ang mga luha ko at naninikip ang dibdib ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nandito ngayon si Mom sa harap ko at buhay na buhay. Tumawa siya nang kaunti, “What are you talking about? Of course, it’s me.” “Mom…” At hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Pagkatapos ay kumawala na ang mga luha sa aking mga mata. “Baby, what’s wrong? Binangungot ka siguro?” sambit niya sabay tapik nang marahan sa likod ko. “Mommy, I miss you…” sambit ko naman habang patuloy lang sa paghagulgol. “Baby, four hours ka pa lang natutulog. Miss mo na ako agad?” Humihibi pa rin ako at dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap ko kay Mom. Ngumiti siya sa’kin at pinahid ang mga luha ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kama at sabay na kaming bumaba sa sala para pumunta sa dining area. Pagdating naman namin ay nandoon na nga si Dad. “Good morning, honey,” bati sa’kin ni Dad nang may ngiti. “Dad…” Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap din siya. “Oh, what’s wrong?” “Hay nako, sweetheart. Ganyan din siya sa’kin nang magising siya. I think she had a bad dream,” sambit ni Mom. Humagulgol ako habang yakap-yakap si Dad at nakayupyop ako sa kanyang balikat. “Baby, it’s okay. It’s just a bad dream.” Pinatahan ako ni Dad habang tinatapik ang likod ko. Pagkatapos ay pinaupo na niya ako sa puwesto ko at kumain na kami ng almusal. Matapos kumain ay pinaakyat na ako ni Mom sa kuwarto ko para mag-ready pumasok sa school. Nakita kong nakahanda na ang school uniform ko na nakalatag sa kama ko. Tiningnan ko ang sarili ko at nakabihis ako ng pantulog. Ngayon ko lang ‘to napansin. Pero bakit gano’n? Nakasuot ako ng Underworld University high school uniform pero biglang ganito? Natinag ako nang may biglang kumatok. “Aika, are you ready na ba? Your dad is waiting. Ihahatid ka niya sa school.” Si Mom pala. “Okay!” sagot ko. Nagpalit na ako sa school uniform ko. Ang weird ng feeling habang tinitingnan ko ang kabuuan ko sa salamin. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko ay nagpaalam na ako kay Mom bago ako lumabas ng bahay. Paglabas ko naman ay naghihintay na sa tapat ang sasakyan ni Dad. Sumakay na lang ako pagkatapos ay umalis na kami. Tahimik lang kami sa biyahe. Ako naman ay nag-iisip dahil pakiramdam ko may mali rito. Ibig kong sabihin, masaya ako na makitang buhay ang parents ko pero may bumabagabag sa dibdib ko na kung ano. Ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan. “We’re here. See you later,” sambit ni Dad. Ningitian ko lang siya bago ako bumaba ng sasakyan. Agad naman siyang umalis pagbaba ko. Tinitigan ko muna ang dati kong school mula rito sa gate. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa loob. Ginagala ko ang paningin ko habang naglalakad papunta sa classroom ko. “Aika!” Napatingin ako sa tumawag sa’kin. Nakita kong si Mica ‘yon. At kasama niya si Sarrah. Hindi naman ako makapaniwala na buhay din siya. Nakangiti silang dalawa sa’kin habang nakatambay sila sa tapat ng classroom namin. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila. At nang makalapit na ako ay dinamba ko ng yakap si Sarrah. “Bestie…” sambit ko sabay yupyop sa balikat niya. “Oy, Aika. Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya sabay tawa nang pagak. Pagkatapos ay binitiwan ko siya, “Wala. Masaya lang ako na makita ka ulit.” Bakas ang pagtataka sa mukha ni Sarrah at napatingin siya kay Mica. “Hoy, Aika. Ano ba ‘yan? Si Sarrah lang ang miss mo? Paano naman ako—“ Bigla ko ring niyakap si Mica. Matagal na rin nang huli ko siyang makita. “Ang weird mo ngayon, Aika,” sambit ni Sarrah tapos ay tumawa sila ni Mica. “Babe.” Kumawala ako sa yakap ko kay Mica at tumingin sa lalaking nagsalita. “K-Kevin…” “Good morning,” bati niya sa’kin sabay lapit. Tapos ay niyakap niya ako. Pero bakit gano’n? Parang may mali? Pagkatapos ay kumawala siya sa pagkakayakap sa’kin. “Hey, babe. May problema ba? Bakit parang hindi ka masayang makita ako?” pagtataka ni Kevin sabay nguso at hawak sa isang kamay ko. “H-Hindi naman sa gano’n.” “Alam mo, Kevin? Ang weird ng girlfriend mong ‘yan ngayon. Hamak mo bigla kaming niyakap ni Sarrah na para bang ngayon lang kami nagkita-kita,” sabad bigla ni Mica sabay tawa nila ni Sarrah. “Is that so? Babe, you’re unfair. Bakit wala akong hug from you?” sambit ni Kevin na parang nagpapa-cute. Ngumiti ako nang pilit, “Hindi naman sa gano’n.” “Babe, you okay? Masama ba pakiramdam mo?” usisa pa ni Kevin. “Uhm, medyo masama nga pakiramdam ko.” Pagkatapos ay kinapa ni Kevin ang noo ko at ningitian niya ako. Alam kong boyfriend ko si Kevin. Pero bakit gano’n? Pakiramdam ko talaga may hindi tama rito. Pakiramdam ko rin na parang may mahalagang bagay ako na nakalimutan. “Excuse me. Punta lang ako sa CR,” paalam ko sa kanila. “Okay,” sagot naman nila. Pagkatapos ay nagpunta na ako sa CR. Hindi naman ito kalayuan mula sa puwesto namin. Pagpasok ko ay nagsara kaagad ako ng pinto at sumandal dito. Pakiramdam ko bumibigat ang ulo ko. Para bang may mahalagang bagay akong nakakalimutan. Pero pinipilit kong alalahanin at wala akong maalala na kahit ano. Tama, hindi naman siguro talaga mahalaga ‘yon. Sumasakit lang siguro ang ulo ko ngayon dahil kulang ako sa tulog. Tapos ang sama pa ng panaginip ko kanina na hindi ko na rin matandaan paggising ko. Bumuntonghininga ako nang malalim. Pagkatapos ay pumunta na ako sa lababo at naghugas ng kamay. Pagtingin ko sa salamin ay tiningnan kong mabuti ang mukha ko mula sa reflection no’n. Napakunot naman ang noo ko nang may nakita ako sa isa kong tenga. Hinawi ko ang buhok ko papuntang likod ng tenga para makita pa itong mabuti. “Hikaw?” Tiningnan ko ang isa kong tenga pero nagtaka ako nang makita kong wala itong hikaw. Nakapagtataka. Bakit ako magsusuot ng hikaw na walang kabiyak? At kung nahulog man ang kabiyak nito, wala akong matandaan na may hikaw akong ganito. Silver plated na hugis crescent moon. Kinapa ko ang hikaw at napadaing ako nang biglang may naramdaman akong tumibok sa utak ko at kumikirot ito. At habang kumikirot ito at tumitibok, may mga blurred images ng isang lalaki akong nakikita sa isip ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa’kin kaya’t napagpasyahan ko na lang na lumabas na ng banyo. Saka baka ma-late pa ako sa klase ko. Paglabas ko ng banyo ay nabigla ako nang may biglang humawak sa braso ko. Pagtingin ko ay isang lalaki na kulay silver ash ang buhok, pale white ang kutis, at pula ang mga mata. “Aika.” Titig na titig ako sa kanya dahil sa kakaiba niyang hitsura. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko pamilyar siya sa’kin. “Sa wakas, natagpuan din kita,” sambit niya. Napakunot ang noo ko, “Sino ka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD