Kararating lang ni Mr. Smith dito sa study area galing sa kuwarto ni Jerome kasama ang university doctor.
"Kumusta? Ano pong findings ng doctor kay Jerome?" usisa ni Gunner.
"Well, Mr. Hamilton's vitals are normal. Nothing new or even changed. Except for one thing," sambit ng university doctor na si Mr. Davies na isang avian.
"Ano naman po 'yon?" tanong namin.
Tatlong araw na kasing nagkukulong si Jerome sa kuwarto niya sa student dorm. Masama raw ang pakiramdam niya. Nag-aalala kami kaya nagsabi na kami kay Mr. Smith at tinawag niya ang university doctor para ma-checkup si Jerome.
"His heart was now beating. So, it means he has pulse now. His vitals, immunity, abilities, and strength never changed. But, expect that now his heart is beating, he will now learn how to show more emotions like everyone normally do," sambit ni Dr. Davies.
Nagtinginan kaming lima rito na tila nagtataka sa narinig namin. Lalo na ako. Dahil base sa pagkakatanda ko, sabi ni Jerome wala siyang puso. Paanong nangyari 'yon?
"Okay. Vampires are naturally born with what they call 'frozen heart'. Their hearts are not really beating. Unless, they have drank a blood of a creature that was still alive," paliwanag naman ni Mr. Smith.
"Kaninong dugo ang nainom ni Hamilton?" tanong ni Dr. Davies.
"Sa akin po," sagot ko.
"Oh. Well, miss. You've just made a vampire's frozen heart alive," sambit ni Dr. Davies.
"Oh paano, Jonathan. Mauna na 'ko," paalam ni Dr. Davies bago ito tuluyang umalis.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Literal na pinatibok ko ang puso niya dahil lang sa dugo ko. Pero ang pinagtataka ko, sabi ni Jerome noong nakaraan ay wala raw siyang puso.
Ano naman kayang magiging reaksyon ni Jerome? Magagalit kaya siya sa'kin?
Naalala ko tuloy 'yong reaksyon niya nang sabihin ko sa kanya na pinainom ko siya ng dugo ko. Kinabahan tuloy ako.
"Hala, Aika. Lagot ka. Huwag kang magpapakita kay Jerome. Baka kasi..." sambit ni Ryker na may halong pananakot tapos ay nilapitan pa niya ako.
"Magalit siya sa'yo at tuluyan niyang ubusin ang dugo mo at kainin ang mga lamang-loob mo!" patuloy niya.
Napayakap ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng pangingilabot.
"A-ayaw ko! Ayaw kong mamatay sa gano'ng paraan!" sambit ko.
"Ano ka ba, Ryker! Huwag mong takutin si Aika!" saway naman sa kanya ni Xavier.
Nilapitan ako ni Xavier at tinapik ang balikat ko.
"Huwag kang maniwala diyan kay Ryker. Niloloko ka lang niyan. Hindi 'yon kayang gawin ni Jerome," pag-comfort naman sa'kin ni Xavier.
"Sure ka ba diyan?" tanong ko.
"Uhm..." Iyon lang ang nasabi ni Xavier. Kaya naman pinandilatan ko siya ng mata.
"Xavier naman eh!" reklamo ko.
"Tama na 'yan. Aika, you're going to meet your swordsmanship instructor today. Anytime today darating dito si Mr. Friedrich. Siya ang magiging instructor mo. Okay?" sambit naman ni Mr. Smith.
"Okay, Sir," sagot ko.
Pagkatapos ay umalis na si Mr. Smith.
---
Lumabas na ako ng kuwarto ko para bumalik ng study hall. Baka kasi dumating na si Mr. Friedrich.
Pagbaba ko naman ng hagdan ay nagulat ako nang makasalubong ko si Jerome. Nakatitig lang siya sa'kin at hindi ko mawari ang iniisip niya dahil walang emosyon ang mukha niya.
Bigla tuloy gumapang ang kaba sa dibdib ko lalo na nang maalala ko ang mga pinagsasabi sa'kin ni Ryker kanina.
Lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko nang makita kong maglakad si Jerome papalapit sa'kin. Napalunok ako at nakaramdam ako ng panginginig. Napaatras na lang ako hanggang sa mapahinto ako dahil pader na pala 'yong nasa likod ko.
Nang malapit na siya sa'kin ay huminto na rin siya sa paglalakad. Hindi naman ako makatingin sa kanya sa takot kaya't ang paningin ko ay lagi lang nasa sahig.
Natatakot ako na hindi maintindihan. Baka nga nagalit siya dahil pinatibok ko ang frozen heart niya.
Napansin ko namang dahan-dahang umaangat ang isa niyang kamay kaya't lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. Diyos ko, sana may tumulong sa'kin kung sakali man.
Napapikit na lang ako habang naghihintay kung anong mangyayari.
Pero ilang sandali lang ay may naramdaman akong humawak sa pisngi ko. Nagtaka ako kaya't dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Napataas ang kilay ko nang makita kong kamay niya pala 'yong nakahawak sa pisngi ko. At wala mang emosyon ang mukha niya, ngunit kalmado ang mga mata niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Humupa nang kaunti ang kaba ko kasi parang hindi na takot ang nararamdaman ko ngayon.
Nabigla naman ako nang ihawak na rin niya 'yong isa niyang kamay sa kabilang pisngi ko.
"B-bakit?" tanong ko.
"Hindi na malamig ang mga kamay ko, 'di ba?" tanong niya bigla.
Pinakiramdaman ko naman ang mga kamay niya at hinawakan ko na rin ang mga ito.
"Oo nga, ano? Hindi na sila kasinglamig ng yelo," sambit ko.
Napatingin ulit ako sa mga mata niya. Para ngang may nag-iba. Dati kasi parang walang buhay ang mga mata niya.
"Aika!"
Nang marinig naming may tumawag sa'kin ay bigla kong tinulak ang mga kamay niya para bitiwan ang mukha ko.
"Ikaw pala, Xavier," sambit ko.
"Oh, Jerome. Okay ka na ba?" tanong naman nito nang makita niya si Jerome.
"Ah, oo. Okay na naman ako," sagot ni Jerome.
"Mabuti naman kung gano'n," sambit naman ni Xavier tapos ay tumingin siya sa'kin.
"Aika, nandiyan na pala si Mr. Friedrich. Hinihintay ka na niya sa study area."
"Ah. Okay sige," sagot ko.
"Mr. Friedrich?" usisa ni Jerome.
"Oo. Siya ang swordsmanship instructor ni Aika na kinuha ni Mr. Smith para turuan siyang gamitin ang Hades Sword," sagot ni Xavier.
Tumango lang si Jerome bilang sagot. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming nagpunta ng study area.
Pagdating naman namin sa study hall ay naroon ang iba pa naming kaklase at may napansin kaming isang lalaki na nakaupo ro'n.
Naka-trench coat siya na itim, naka-pants na itim at boots na itim. Maganda ang pangangatawan nito, maputi ang kutis niya, naka-man bun ang hanggang balikat nitong buhok na kulay brown. May patulis itong mga tenga. Kulay blue naman ang mga singkit nitong mata at matangos ang ilong.
May kaguwapuhan ang lalaki sa madaling salita. At mukhang kasing-edad lang ito ni Mr. Smith.
"Excuse me. Kayo po ba si Mr. Friedrich?" tanong ko sa lalaki.
Tumayo ito at lumapit sa'kin. Matangkad din naman ito.
"Ako nga, Miss Aikaterina Cervantes. Nice to meet you," sambit niya.
Nagulat naman ako nang bigla niyang kunin ang isa kong kamay at hinalikan ito. Nagkatinginan naman kaming magkaklase na tila hindi makapaniwala sa inasal niya.
"Nang sabihin ni Jonathan na isang binibini ang tuturuan ko ay pumayag ako kaagad," sambit nito sabay tawa nang kaunti.
"So, magsimula na tayo. Nasaan ang training area niyo?" tanong ni Mr. Friedrich.
"Sumunod po kayo sa'kin," sambit naman ni Gunner.
Pagkatapos ay naunang maglakad si Gunner at siya namang sunod namin ni Mr. Friedrich.
---
Matapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa training area. Sa amin din pala ang training area na 'to. Sariling amin. Nasa likod lang ito ng classroom dome namin at ilang metro ang layo mula doon.
Doble ang laki nito mula sa classroom dome namin at open ang kisame nito. Walang laman sa loob kundi isang malawak na arena.
"Dahil first day mo ngayon, basics lang muna ang ituturo ko sa'yo. Okay?" sambit ni Mr. Friedrich.
Tumango lang ako bilang sagot.
Nang mapatingin naman ako sa entrance ay napataas ang kilay ko nang makita kong nakatambay ro'n si Jerome na mukhang papanoorin kami. Nakatayo lang siya sa tabi ng entrance habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.
Napakunot ang noo ko, "Anong ginagawa niya rito?" bulong ko.
"Aika, ilabas mo na ang artillery mo," utos ni Mr. Friedrich.
Iniunat ko ang braso ko paharap at binuka ang palad ko.
"Hades Sword." Tapos ay lumiwanag nang kulay white ang kamay ko bago lumitaw ang espada.
"Ngayon, hawakan mo 'yan ng pareho mong kamay. Higpitan mo ang grip," utos ni Mr. Friedrich tapos ay ginawa ko nga ito.
"Ganito po ba?" tanong ko.
Nilapitan niya ako at pumunta siya sa likod ko. Inayos niya kung gaano dapat kataas at kalayo ang espada mula sa'kin.
Naiilang naman ako kasi masyado siyang malapit sa'kin. Parang kulang na lang yakapin na niya ako sa sobrang lapit niya.
"Tapos dapat nandito ang kaliwa mong paa," sambit niya tapos ay hinawakan niya ang hita ko para i-adjust ito.
Nakakailang pero hinayaan ko na lang kasi baka gano'n talaga.
"Then pagsusugod ka na, i-forward mo 'yong kanan mong paa," sambit pa niya sabay hawak naman sa kanan kong hita.
Naiilang talaga ako sa mga paghawak niya sa'kin. Hindi ko alam kung ako lang o ano. Ayaw ko na lang isipin. Gusto kong mag-concentrate sa lessons ko para makatulong na ako sa mga kaklase ko.
"At kung halimbawa na aatake ka na," sambit niya ulit. Lalo akong kinilabutan nang hawakan niya ako bigla sa bewang ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa braso ko.
"Strike. Keep your guards up," dagdag pa niya.
Halos mapalundag ako sa gulat nang maramdaman kong ibaba niya sa bandang hita ko 'yong kamay niyang nakahawak sa bewang ko.
"Relax, Aika," bulong nito sa'kin.
Halos nanigas yata ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang mga kamay ko at nanginig din ang katawan ko.
Pagkatapos ay narinig kong dumaing sa sakit si Mr. Friedrich kaya't napalingon ako sa kanya.
Nandilat naman ang mga mata ko nang makita kong hawak ni Jerome ang kamay nito na tila pinipilipit.
"Jerome..." bulong ko. Naramdaman ko naman na parang mamasa-masa ang mga mata ko at agad kong pinahid ang mga ito.
"Aray ko! What the hell are you doing?!" galit sa sambit ni Mr. Friedrich kay Jerome na pinipilipit ang kamay niya.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan. Mr. Friedrich?" seryosong sambit naman ni Jerome.
Suminghal si Mr. Friedrich, "What are you talking about? Hindi mo ba nakikita? Tinuturuan ko si Aika ng tamang porma sa paghawak ng espada."
"Ah talaga? Kanina pa kita pinapanood. Kasama ba sa lessons mo ang hipuan ang estudyante mo?" sambit ni Jerome.
Nandilat naman ang mga mata ni Mr. Friedrich. Seryoso lang na nakatingin si Jerome kay Mr. Friedrich at napasigaw naman ito nang pilipitin lalo ni Jerome ang kamay nito.
"Tama na! Masakit na!" reklamo ni Mr. Friedrich.
Itinulak ni Jerome si Mr. Friedrich. Napalakas yata ang tulak niya rito kaya't napasadad ito sa lupa.
"Huwag na po kayong mag-abala pang bumalik dito para magturo, sir," seryosong sabi ni Jerome na may pagka-sarcastic ang dating.
Sinamaan siya ng tingin ni Mr. Friedrich at agad itong tumayo. Tapos ay padabog itong naglakad palabas ng training area.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"Ah, oo," sagot ko.
"Bumalik na tayo sa study area," sambit ni Jerome tapos ay nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako.
---
"m******s pala 'yong teacher na 'yon!" inis na sambit ni Gunner.
"Oo nga. Akala ko si Ryker na ang pinakamanyakis na nakilala ko," sambit ni Xavier.
"Gago ka talaga, 'no?" sambit naman ni Ryker sabay batok nito kay Xavier. Napangiwi naman si Xavier habang hinihimas ang likod ng ulo niya.
Nakain kami ngayon ng meryenda sa study area. Waffle pancakes at fresh fruit juice.
"Pero mabuti na lang nando'n si Jerome," sambit naman ni Klein.
"Oo nga. Salamat ulit," sambit ko naman.
Katabi ko siya ngayon sa sofa. Nakakapagtaka. Madalas kasi na nakaupo siya malayo sa'kin dahil ayaw niya sa'kin.
"Ano nga pa lang ginagawa mo ro'n?" usisa naman ni Xavier.
"Oo nga. Bakit mo sila sinundan do'n?" usisa naman ni Gunner.
"Nakakapagtaka na mula nang lumabas ka sa kuwarto mo, naging mabait ka yata kay Aika?" pagtataka naman ni Ryker.
Napahinto sa pagkain si Jerome at nagulat kami nang bigla niyang ibaba ang tinidor niya. Tahimik lang kaming lahat na nakatingin sa kanya at hinihintay siyang sumagot.
Nagulat ako nang tumingin siya sa'kin ng may seryosong mukha.
"Makinig ka sa'kin, Aikaterina Cervantes," sambit niya.
"Isang pagkakamali talaga na pinainom mo sa'kin ang dugo mo," patuloy niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman no'ng apat.
Bumuntonghininga si Jerome at tinatamad na sumandal siya sa sofa.
"Ang vampire na katulad ko ay natural na pinapatay ang kahit sino bago ubusin ang dugo ng biktima namin saka kakainin ang mga lamang-loob nila," sambit niya.
Nandilat naman ang mga mata namin sabay lunok dahil sa sinabi niya.
"Dahil may isang bagay kaming pinakainiiwasan. Iyon ay ang magkaro'n ng tinatawag na blood contract sa biktima namin."
"Blood contract?" tanong naming lima.
"Oo. Nangyayari 'yon kapag buhay pa 'yong nilalang na ininuman namin ng dugo. Nagiging familiar kami no'ng nilalang na 'yon at sila ang master namin."
Nabigla kami sa sinabing 'yon ni Jerome.
"So, dahil nga ininom mo ang dugo ni Aika nang hindi siya pinapatay, nagkaroon kayo ng blood contract. At ibig sabihin no'n ay..." sambit ni Gunner tapos at tumingin siya kay Jerome.
"Alipin ka na ni Aika?" tanong niya.
Napapikit si Jerome sabay buntonghininga nang malalim.
Nandilat ang mga mata ko sabay nganga. Hindi kami makapaniwalang lahat dito.
"May paraan ba para mapawalang-bisa 'yong blood contract na 'yon?" tanong ko.
Seryoso namang tumingin sa'kin si Jerome.
"Dalawa ang paraan. Una, mamamatay tayo pareho. Pangalawa, mamamatay ang isa sa'ting dalawa," sagot niya.
Napanganga naman ako sa naging sagot niya.
"Ibig sabihin, lifetime commitment pala 'yang blood contract na 'yan," sambit ni Gunner.
Bumuntonghininga si Jerome, "Gano'n na nga."
Pinag-ekis ni Jerome ang mga braso niya at sinandal niya ang ulo niya sa sofa sabay pikit ng mga mata niya.
"Bilang ako ang familiar mo, pagsisilbihan at poprotektahan kita habang nabubuhay ako. At hindi ko magagawang pagtangkaan ng masama ang buhay mo dahil tatraydurin lang ako ng katawan ko," sambit niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Huminga siya nang malalim, "Kapag ginawa ko 'yon, mamamatay ako sa cardiac arrest. Sa ganoong paraan ako tatraydurin ng katawan ko."
"Grabe. Nakakagulat itong revelation mo na may ganyan pa lang bagay sa lahi niyo," sambit ni Gunner na hindi pa rin makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Jerome.
"Naisip ko lang. Sana may mga vampire lady pang nag-e-exist ngayon. 'Yong sexy at maganda. Tapos ipapainom ko rin sa kanya ang dugo ko para magkaroon kami ng blood contract. Tapos susundin niya ang lahat ng gusto ko. Tapos-"
Naputol ang pagpapantasya ni Ryker nang bigla siyang hampasin ni Xavier ng throw pillow sa ulo.
"Sorry pero malabo 'yang malaswang fantasy mo, Ryker dahil si Jerome na lang ang natitirang vampire sa lahi niya," sambit ni Xavier.
Napakamot naman sa batok si Ryker.
Nahihirapan pa ring mag-sink in ang mga bagay na 'yon sa utak ko. Blood contract. Familiar.
Napakamot ako sa ulo ko. Feeling ko maloloka ako ngayon.