XVII: Who Am I?

2058 Words
Winasiwas ko ang espada nang may buong puwersa at nahati ang wooden dummy na nasa harap ko. Sunod ko namang tinamaan ang nasa gilid ko pagkatapos ay ang iba pang mga wooden dummy na nakapalibot sa'kin. Pawis na pawis na ako at hinahapo pa nang kaunti dahil ilang oras na rin itong pinapagawa sa'kin ni Jerome. At eto lang din ang pinapagawa niya sa'kin sa loob ng dalawang linggong pagsasanay. "Humuhusay ka na at mukhang tumitibay na rin ang stamina mo," sambit ni Jerome habang nakatayo siya ro'n sa isang tabi habang pinapanood ang ginagawa ko. Pagkatapos ay naglakad siya papalapit sa'kin nang ibaba ko ang espadang hawak ko. "Mabilis ang improvement mo para sa isang tao," sambit niya muli. Nabigla ako nang kaunti sa sinabi niya at napatingin ako sa mga palad ko. "Sa tingin mo...hindi talaga ako tao?" tanong ko. Natahimik siya sandali bago magsalita, "Ang mga tao, napupunta lang dito sa Underworld kapag patay na sila. Dahil ang lugar na 'to ay hindi nakikita ng buhay na tao." "Hindi naman ako patay, hindi ba?" usisa ko. Iniangat niya ang kamay niya at dinikit ang dulo ng hintuturo niya sa noo ko. "Hindi," sagot ni Jerome pagkatapos ay ibinaba na niya ang kamay niya. "Isa pa kung patay ka na, ihahatid ka ng spirit guardians para makatawid sa Six Rivers of Oceanus papunta sa Three Judges of Underworld at doon ka huhusgahan kung saan ka mapupunta. Kung sa Paradise of Heaven ba, o sa Sea of Flames ni Tartarus." "Pero hindi. Nandito ka sa Elysium kasama namin," dagdag pa niya. "Elysium?" tanong ko. "Oo. Ang Underworld ay nahahati sa tatlong malalaking lupain—ang Elysium, Lugentes, at Asphodel. At bawat city sa tatlong lupain na 'yan ay tinatawag na Ground. At ang Underworld University ay nasa Ground Midén," paliwanag ni Jerome. Tumango-tango naman ako bilang tugon. "Pero kung hindi talaga ako tao, ano kaya ako? Kasi normal naman ang histura ko pero ba't gano'n?" tanong ko. "Sa bagay. Nakakapagtaka nga naman na ang isang mortal ay may mga ilang kakayahan na gaya sa mga katulad namin. Isa pa..." Pagkatapos ay lumapit pa siya sa'kin nang kaunti na ikinagulat ko nang bahagya. "Sa loob ng higit two hundred years na pamamalagi ko sa mundo, ngayon lang ako nakatagpo ng nilalang na may dugong amoy cherry blossom," patuloy niya. "Ch-cherry blossom?" pagtataka ko. Tumango lang siya bilang sagot. Bigla namang sumagi sa alaala ko 'yong araw na hinablot niya 'yong braso kong may sugat at nabanggit nga niya ang cherry blossom nang amuyin niya 'to. "Bakit kaya gano'n?" tanong ko.  Inilagay ko ang mga kamay ko sa ulo ko sabay g**o sa buhok ko, "Naguguluhan na ako!" Bigla naman kaming natigilan nang um-echo sa paligid ang pagkalam ng sikmura ko. Napayuko tuloy ako sa hiya. "Sorry. Lunch break na kasi," sambit ko sabay tawa nang pilit. "Puwede bang kumain muna?" tanong ko kay Jerome habang nakangiti nang pilit. "Sige. Bumalik ka na sa study hall," sagot niya. "Teka, hindi tayo sabay babalik?" tanong ko. "Hindi. May gagawin pa ako rito. May mga aayusin ako," sagot niya. "Okay," sagot ko. "Bumalik ka rito after one hour," bilin naman niya. "Okay po." Pagkatapos ay umalis na ako at iniwan ko na ro'n si Jerome. --- Pagdating ko naman sa study hall ay nadatnan ko na ro'n ang iba naming kasamahan na kumakain na ng tanghalian sa dining area at agad akong umupo sa isang bakanteng puwesto ro'n. "Oh, Aika. Bakit ikaw lang? Nasaan si Jerome?" tanong ni Xavier. "Nagpaiwan siya ro'n eh. May aayusin pa raw siya," sagot ko habang nakuha ng pagkain at sinasalin ang mga 'yon sa plato ko.  Beef steak at kanin ang pagkain namin ngayon. "Aba, ayos ah. Kina-career talaga ni Instructor Hamilton ang pagte-train sa'yo," sambit ni Ryker sabay tawa. "Malamang. Lagot siya kay Mr. Smith kapag nag-fail siya bilang trainer ni Aika," sambit ni Xavier. Habang kumakain ay napaisip naman ako tungkol sa tunay kong pagkatao. Kung pagbabasehan ang signs of abilities ko na gaya sa isang night-crawler, hindi nga ako tao. Pero noong tinanong ko naman si Mommy kung anak ba niya talaga ako, oo ang naging sagot niya at mukhang sure na sure naman siya. Ayaw ko namang isipin na nagsinungaling lang sa'kin noon si Mommy. Ano kayang puwede kong gawin? Para malaman ko kung galing ba talaga ako kay Mommy o ampon lang niya ako at pinalabas lang niyang tunay niya akong anak. Ilang sandali lang ay may naisip na ako, "Aha! Alam ko na." Napansin ko namang napatingin silang lahat sa'kin na tila nagtataka. Nakaramdam tuloy ako nang kaunting hiya kaya't ngumiti na lang ako nang pilit. "Anong alam mo na, Aika?" usisa ni Xavier. "Ah, wala. Wala naman," sagot ko sabay iling. Tapos ay uminom ako ng tubig. "Siya nga pala. Nasaan na ba si Jerome? Hindi man lang ba siya kakain?" pag-aalala ni Gunner. Wala namang sumagot sa'min. "Aika," tawag sa'kin ni Gunner kaya't napatingin ako sa kanya. "Tawagin mo nga si Jerome. Sabihin mo kumain muna siya rito bago siya magpatuloy sa mga ginagawa niya," sambit ni Gunner. Tumango ako, "Okay." Dahil tapos na naman akong kumain, tumayo na ako para balikan si Jerome sa training area.  --- "Jerome?" Tawag ko sa kanya pagpasok ko sa training area at nililibot ang paningin ko. "Jerome?" tawag ko pa sa kanya. Pero walang sumasagot. Nakapagtataka. Akala ko ba may aayusin siya rito? Bakit wala naman siya? "Jerome?" tawag ko pa. Napakamot ako sa batok ko. Nasaan kaya 'yon? Nang wala talaga akong Jerome na nakita sa loob ng training area ay lumabas ako at naglakad-lakad sa paligid.  Mayamaya lang ay napahinto ako nang matanaw ko siyang nakahiga sa ilalim ng isang puno. Pagkatapos ay dahan-dahan akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay huminto ako sa tabihan niya. Pagkatapos ay yumuko ako nang kaunti para silipin ang mukha niya. "Jerome?" Naku, mukhang natutulog yata. Natawa ako nang kaunti at umupo ako sa tabi niya. "Kita mo 'to. Akala ko ako lang ang napapagod sa training na 'to. Siya rin pala." Sinilip ko pa nang kaunti ang mukha niya. Mukhang mahimbing ang tulog niya. Parang nakakahiyang gisingin.  Sa bagay, madaling araw siya gumigising. Pagkatapos gabi na rin kami natatapos dito. Tatlong linggo na rin kaming ganito. Napakamot muna ako sa batok ko at huminga nang malalim. Pagkatapos ay hinawakan ko siya sa braso. "Jerome, gising," sambit ko habang niyuyugyog ang braso niya. "Jerome, gumising ka muna," sambit ko pa. Mukhang ayaw pa niyang magising. Pero nang ugain ko ulit ang balikat niya ay bumalikawas na rin siya at umungol nang bahagya. "Gumising ka muna diyan," sambit ko pa. Nakita kong dumilat na siya pero namumungay pa ang mga 'to. Tapos ay tumingin siya sa'kin. "Bakit?" tanong niya. "Tawag ka ni Gunner. Pumunta ka raw muna sa dome para kumain," sagot ko. Dahan-dahang umangat si Jerome para umupo. Pagkatapos ay hinimas niya ang batok niya at pinaling-paling ang ulo niya para palagutokin nang kaunti ang leeg niya. "Hindi ba sabi mo may aayusin ka pa kaya ka nagpaiwan?" usisa ko. "Oo. Tapos na," sagot niya. "Nakatulog ka sa pagod, ano?" tanong ko. "Hindi ako pagod." "Weh." Nilaliman niya ako nang tingin. Pero hindi ako natakot. Bagkus ay natawa ako nang kaunti. "Oo na. Sige na. Hindi na kung hindi. Pumunta ka na sa dome at kumain ka muna. Hintayin na lang kita rito," sambit ko. Tumayo si Jerome at nagpagpag ng likuran. "Magpalit ka ng damit." Napataas ang kilay ko sa utos niya, "Ha?" "Palitan mo 'yang uniform mo ng t-shirt, jogging pants, at rubber shoes. Kailangan 'yon mamaya. Pagkatapos, bumalik ka rito," utos pa niya. "Oh. Okay," sagot ko kahit nagtataka pa ako. --- Nagmadali na akong bumalik ng training area matapos kong magbihis sa dorm ko. Naka-white shirt ako, jogging pants na itim, at rubber shoes na white and blue. Pinuyod ko na rin ang buhok ko pataas. Pagpasok ko naman sa training area ay nadatnan ko na ro'n si Jerome. "Ready na ako," sambit ko. Tumango lang siya bilang sagot. Mayamaya'y inangat niya ang isa niyang kamay at pinitk ang mga daliri niya. Pagkatapos no'n ay biglang dumagundong ang mga pader ng training area na siyang kinagulat ko at may mga naglabasang mga maiikili at pahabang hugis cylinder na gawa sa semento. "A-Ano 'yang mga 'yan?" pagtataka ko habang ginagala ang paningin ko sa buong pader ng training area na may lumitaw na mga climbing hold. "Magpa-practice kang lumipad," sagot niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata, "Ha?" "Nakita mo naman siguro kung gaano katataas ang mga Unholy. Para silang higante, 'di ba? Kailangan mong magsanay na tumalon at tumakbo nang ganyan kataas," paliwanag ni Jerome. Nanlulumo akong nakatingin sa mga ito, "Huh?" "Simulan mo na," sambit niya. Pinandilatan ko siya ng mata, "Ha?" "P-pero paano..." usal ko. Mayamaya'y pumitik na naman siya at biglang may nahulog na kung ano sa harap namin galing taas. "Sa ngayon, gagamit ka muna ng harness," sambit ni Jerome. "Harness?" Iyon 'yong nahulog sa tapat namin. Nang tumingala ako ay may wires na pinagkakabitan 'yong harness. Para siyang harness na ginagamit sa mga zip line.  "Isuot mo na 'yan. Tapos magsimula ka na," utos naman ni Jerome. Isinuot ko na 'yong harness na parang nagsuot ako ng backpack. Tapos may support din siya sa ibaba ko. Parang naguluhan naman ako nang makita ko ang mga lock ng harness. "Uhm, paano nga ba ikabit ang mga 'to?" bulong ko sa sarili ko habang kinakalikot ang lock ng harness. Ang dami kasing lock nito. Nagulat ako nang lumapit naman sa'kin si Jerome at hinawakan niya 'yong isang lock at kinabit niya 'yon. Gano'n din ang ginawa niya sa iba pang lock sa harness na nasa balikat, katawan, sa bewang at sa hita. Habang kinakabit naman niya ang mga lock ng harness ko ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa mukha niya kahit anong iwas ko ng tingin. Sa sobrang lapit niya sa'kin, naiilang ako na hindi maintindihan. Tila bumigat din ang paghinga ko at pakiramdam ko may kumikiliti sa loob ng sikmura ko. "Ayos na," sambit ni Jerome pagkatapos ay lumayo na siya sa'kin. Tumango lang ako at tumalikod sa kanya. Huminga ako nang malalim sabay tapik nang marahan sa dibdib ko. Pagkatapos ay lumakad na ako papunta sa pader na may mga climbing hold. Pero aapakan ko lang ang mga 'yan paakyat at hindi ko puwedeng hawakan. Sa una ay dahan-dahan lang akong humahakbang sa mga cylindrical climbing hold na 'yon. Nadudulas-dulas pa ako. At kapag nadudulas at nadadapa ako, kumakapit lang ako sa ibang climbing hold tapos ay tatayo akong muli at lalakad. Paulit-ulit lang na gano'n ang ginagawa ko. Napapadaing din ako sa sakit sa tuwing nadadapa ako dahil tumatama sa climbing hold ang mga tuhod, hita't binti ko.  "Kapag nasanay ka nang maglakad diyan, subukan mo namang tumakbo," utos ni Jerome mula ro'n sa ibaba. Napabuntonghininga naman ako nang malalim.  Lumipas pa ang ilang oras at panay ganito lang ang ginagawa ko. May mga pagkakataon na minsan na lang ako madulas at madapa. Pagkatapos ay nababalanse ko na ang sarili ko para hindi ako tuluyang madapa. Panay ganito lang ang ginagawa ko hanggang sa lumubog na ang araw. Mayamaya'y narinig kong pumalakpak si Jerome nang dalawang beses. "Sapat na 'yan para sa araw na 'to." Pagkasabi niya no'n at agad na akong bumaba. Pagkatapos at pinagtatanggal ko na ang mga lock ng harness ko at hinubad iyon. Bumuntonghininga ako nang malalim at may ingay.  "Hay salamat," sambit ko. "Bumalik na tayo sa mga dorm natin. Bukas ulit," sambit ni Jerome. Maglalakad na sana siya palayo nang tawagin ko siya, "Sandali, Jerome." Huminto naman siya at tumingin sa'kin. "Ano kasi..." sambit ko sabay pinagkiskis ko ang mga palad ko. "Naisip ko na...gusto ko sanang i-check kung anak ba talaga ako nina Mommy at Daddy o ampon lang ba talaga nila ako. Kaya naman..." Nakatingin lang siya sa'kin na tila hinihintay na tapusin ko ang sinasabi ko. "Tataas ako sa Earth at babalikan ko 'yong bahay namin. Kukunin ko 'yong birth records ko para i-trace kung saan ako pinanganak ni Mommy para ma-confirm ko kung pinanganak niya ba talaga ako," patuloy ko. Nakatingin lang ako kay Jerome habang naghihintay ng sasabihin niya. Habang siya naman ay nakatingin lang din sa'kin at napansin ko ang pagkunot ng noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD