Halos manigas na kami sa kinatatayuan namin habang nakatulala sa grupo ng Unholy na paparating.
Pero nagulat kami nang may marinig kaming pagsabog doon sa mga Unholy na para bang may umaatake sa kanila at nag-usok din ang paligid doon. May nakikita rin kaming mga flash ng liwanag na kulay pula at purple.
"Sa tingin ko sina Gunner at Jerome 'yon," sambit bigla ni Klein.
"Kung hindi natin makita ang exit sa labyrinth na 'to, wasakin na lang natin," sambit naman ni Xavier.
Kahit hindi na maigalaw ni Xavier ang isa niyang braso dahil sa sugat nito, itinaas na lang niya ang isa niyang braso na may hawak ng Nerthus Warhammer.
"Crash of Earth Bound!" sigaw niya sambay hampas ng kanyang artillery sa lupa na nagdulot ng kaunting pagyanig.
Nadurog bigla ang lupa mula sa pinukpok ng artillery, hanggang sa mga pader papunta sa grupo ng Unholy na papunta sa'min ngayon. Nawasak lahat ng pader at ito ang ginawa naming parang shortcut papunta ro'n.
Tumakbo na kaming lahat do'n sa nahawan na daan na gawa ni Xavier. At habang tumatakbo kami ay napansin ko ang patuloy na pag-agos ng dugo sa kanyang braso. Nag-alala naman ako kaya't huminto muna ako at tinawag ko siya.
"Xavier."
Huminto naman siya at nilingon ako.
"Oh, bakit?" tanong niya.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang braso niyang may sugat at dahan-dahan kong binalot dito ang panyong hawak ko.
"Ayan. Kahit papaano maiibsan niyan ang pag-agos ng dugo. Mapoprotektahan pa nito ang sugat mo," sambit ko nang matapos ko itong balutin ng panyo.
"S-Salamat," tugon niya. Nang tingnan ko naman si Xavier ay napansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha.
"Sumunod na tayo," aya ko sa kanya.
"S-Sige."
Pagkatapos ay tumakbo na kaming muli kasunod nila.
---
"Dancing Blades of Hell," banggit ni Jerome sabay wasiwas ng kanyang Corinnaya's Scythe. Pagkatapos ay naglabas ito ng mga hugis arkong blades na nagliliwanag ng kulay purple.
Lahat ng blades na 'yon ay tumama sa mga binti ng Unholy at nagdulot din ng mga pagsabog kada matatamaan sila nito.
Tinutukan naman sila ni Ryker ng Aelous' Bow and arrow niya.
"Storm of Lightning!" banggit niya sabay pakawala ng mga arrows niya. Pinatamaan niya ang mga ito sa dibdib at nakukuryente ang mga ito.
"Meteor Bullets!" banggit naman ni Gunner sabay paulan ng mga bala sa Unholy at kada matatamaan ito ay nagdudulot ng pagsabog.
Lahat kami rito ay tumatakbo sa mga pagitan at paligid ng mga Unholy na 'to. Hindi kami puwedeng basta huminto sa paggalaw dahil baka madampot nila kami.
Limang naglalakihan na Unholy ang naririto ngayon. At napapansin naming mas makunat ang mga 'to kaysa sa mga nauna.
Kada matutumba kasi sila, agad silang makakabangon na para bang walang nangyayari.
Isa pa, napapagod na rin kami. Hindi kasi kami puwedeng huminto bigla. Hinihingal na nga ako ngayon at tumatagaktak na ang pawis ko. At pansin ko rin na ganoon din sila.
"Parang walang nangyayari," sambit bigla ni Klein.
"Pansin ko rin," sambit naman ni Gunner.
"Pero anong nang gagawin natin? Pagod na ako," reklamo naman ni Ryker.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko. Halata na nga sa mga mukha nila ang pagod. Dagdag pa na nasugatan si Xavier.
"May naisip na ako."
Natuon ang atensyon namin kay Klein.
"Gumawa tayo ng combination attacks. Isisigaw ko na lang ang pangalan niyo at atakeng gagamitin niyo. Maliwanag—"
Bigla kaming binato ng bolang apoy na itim ng isang Unholy kaya't sumabog ito na nagdulot ng pagtalsik naming lahat.
Sumadsad ako sa lupa nang tumalsik ako. Inubo rin ako dahil sa nalanghap kong usok mula rito. Kahit nananakit na ang buong katawan ko ay kinaya ko pa ring bumangon.
Nakita ko ring nakatayo pa ulit ang mga kasama ko hawak ang kanilang mga artillery.
"Ngayon na, Jerome at Ryker!"
Pagkasigaw no'n ni Klein ay tumakbo na nang matulin ang dalawa papunta sa mga Unholy at pinorma ang kanilang mga artillery para sa isang pag-atake.
"Flame of Raging Hell," banggit ni Jerome.
"Strike of Lightning!" banggit naman ni Ryker.
Pagkatapos ay sabay nilang isinagawa ang pag-atake. Nagsanib ang kanilang skill, at nakabuo ito ng isang bola ng apoy na na nababalutan ng kidlat. Pagkatapos ay tumama ito sa isang Unholy.
Nagdulot ito ng isang malakas na pagsabog na halos nabutas ang katawan ng Unholy.
Nagulat at namangha kami sa nakita naming resulta ng combination attack na 'yon.
"Ipagpatuloy lang natin!" sambit ni Klein. Pagkatapos ay tumango kaming lahat bilang tugon.
"Xavier at Gunner, kayo naman!"
"Crash of Earth Bound!" pagkabanggit no'n ni Xavier ay hinampas niya ang kanyang Nerthus Warhammer sa lupa at nagkaroon ito ng bitak hanggang do'n sa isang Unholy at inipit ito ng dalawang nag-umpugang bato.
"Strike of Blazing Bullets!" banggit ni Gunner sabay tutok ng kanyang dalawang pares ng Grannus' Golden Guns at naglabas ito ng tag-isang gintong bullet na nababalutan ng apoy.
Pareho itong tumama sa dalawang nag-umpugang bato at nagdulot ito ng pag-apoy ng dalawang bato na siyang sumunog sa Unholy na nakaipit sa pagitan nito.
"Sikapin niyong tipunin silang lahat sa gitna!" utos pa ni Klein.
"Aika, makinig ka sa'kin. Sa'yo manggagaling ang huling atake," sambit naman sa'kin ni Klein. Tumango lang ako bilang sagot.
Habang busy silang nagsasagawa ng mga combination attacks, kasama lang ako ni Klein na tumatakbo sa paligid para obserbahan ang lahat at umatake pag kinakailangan.
Mayamaya lang ay naipon na nilang lahat ang mga Unholy sa gitna. Mga buhay pa ngunit mga nanghihina na rin.
"Glacial Mage; Glacier Blades," banggit ni Gunner sabay paulan sa mga Unholy ng mga ice daggers. Sumaksak ang mga 'yon sa lahat ng Unholy na nagtipon sa gitna.
"Glacial Mage; Wonder Ice."
Pagbanggit naman niya no'n at tinuon niya ang kanyang Njord's Sceptre sa lupa at nagliwanag ang mga ice daggers na nakabaon sa mga Unholy.
Mayamaya lang ay unti-unti silang nabalutan ng yelo. Para silang nakulong sa loob ng isang iceberg.
"Ngayon na, Aika," utos sa'kin ni Klein.
Hawak ang Hades Sword ay tumakbo na ako papunta sa mga Unholy na nakulong sa loob ng yelo. At nang malapit na ako ay tinukod ko ang espada ko sa lupa at bumuwelo ng talon mula sa pagtuon ko sa dulo ng grip nito.
Nang makatalon ako ay agad kong hinablot ang espada ko at pinorma sa ere. Hinawakan ko ang grip nito gamit ang dalawa kong kamay. At nang mag-landing ako sa tuktok ng yelo ay sinaksak ko rito ang espada ko.
Pagbaon ng espada ay biglang may nakasisilaw na liwanag na lumabas mula rito. Pagkatapos ay sumabog nang malakas ang sinasak ko na naging dahilan ng pagtalsik ko.
Parang bumagal ang ikot ng mundo habang nandito ako sa ere matapos kong tumalsik. Wala rin akong makitang kahit ano sa paligid dahil sa sobrang liwanag. Hindi ko tuloy makita ang mga kasama ko kung ano nang nangyari sa kanila.
---
"Nagawa niyong wasakin ang aking void."
Biglang dumilat ang mga mata ko at nakita kong nasa isang lugar kami na nababalutan ng dilim. Nang igala ko ang paningin ko ay nandito't kasama ko na rin ang mga kaklase ko.
At kaharap namin si Ernesh. Iba na ang hitsura niya ngayon kaysa kanina. Hanggang balikat ang buhok niyang bahagyang kulot at kulay itim ito na may highlights na puti. Kanina nama'y maiksi lang ang kanyang buhok na kulay itim.
Iba na rin ang kulay ng kanyang mga mata. Kulay neon green na ang mga ito. May mga pangil na rin siya at mahahabang kuko.
At napansin ko rin ang hawak niyang porcelain jar na may mga ukit na ginto.
"Ito ang hinahanap niyo, 'di ba?" tanong nito habang hinahaplos ang hawak nitong jar.
Hawak nga namin ang mga artillery namin pero wala pa rin kaming magawa. Ramdam ang mabigat na tensyon sa buong paligid. Gusto naming makuha ang spellbound artifact na 'yon mula sa kanya ngunit paano?
"Ano nang gagawin natin? Paano natin 'yon makukuha mula sa kanya?" tanong ni Ryker.
Bigla naman akong nakaramdam na parang may yumanig sa loob ng katawan ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng adrenaline sa mga ugat ko.
"Hindi natin siya puwedeng atakihin dahil baka madamay 'yong artifact," sambit naman ni Xavier. Halata ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.
Tila naman natigilan ako at nabingi nang sandali nang mapatingin ako sa artifact na hawak ni Ernesh. Para bang may sinasabi ang isip ko tungkol dito.
"Hindi 'yan ang tunay na artifact, hindi ba?"
Nabigla silang lahat sa naging tanong ko kaya't nakuha ko ang kanilang atensyon.
Ngumisi si Ernesh, "At ano namang pinagsasasabi mo ha?"
Pinorma ko ang espada ko sa harap, "Divine Edge."
Pagwasiwas ko ay naglabas ito ng mga tulos na nagliliwanag ng kulay puti. At nang mapunta ang lahat ng 'yon kay Ernesh ay tinamaan ang artifact na hawak niya at nabasag.
Napanganga ang lahat nang dahil do'n.
"Pangahas ka!"
Lalapitan na sana ako ni Ernesh nang mapahinto ito dahil biglang humarang si Jerome sa pagitan namin.
"Teka, paano mo nalaman na hindi 'yon ang tunay?" usisa bigla ni Ryker.
Natahimik ako sandali bago sumagot, "Hindi ko nararamdaman ang spell na nilagay ni Persephone mula ro'n."
Nabigla silang lahat dahil sa naging sagot ko. Lalo na si Ernesh.
"Mukhang hindi ka isang karaniwang night-crawler," sambit niya sabay biglang sugod ni Ernesh.
Ngunit mabilis din si Jerome. Naharangan na siya kaagad nito at ang kamay ni Jerome ay nasa leeg na ni Ernesh.
Lalo pang hinigpitan ni Jerome ang pagkakasakal niya sa leeg nito na halos bumaon na ang mga kuko nito sa leeg ni Ernesh.
Si Ernesh naman ay mukhang nahihirapang huminga at kumilos. Pilit siyang nanlalaban pero mukhang malakas masyado ang pagkakahawak ni Jerome sa kanyang leeg.
Pero mayamaya'y humagalpak bigla ng tawa si Ernesh. Pagkatapos ay naging usok ito at naglaho na lang ito bigla sa kawalan.
Matapos din maglaho ni Ernesh ay bumalik na rin sa dati ang paligid. Nandito na ulit kami sa antique shop kung saan kami huling dinala ni Ernesh.
Nagsimula namang maghalughog ang mga kasamahan ko sa paligid upang hanapin ang porcelain jar na spellbound artifact ni Persephone.
Napatingin naman ako sa isang shelf na katabi ko sa kaliwa at parang may nararamdaman akong malakas na presensya mula ro'n.
Pinuntahan ko 'yon kaagad at kinuha ko 'yong isang itim na kahon na nakalagay sa pinakailalim na parte ng shelf.
Nang mapansin ako ng mga kasama ko ay huminto na sila sa paghahanap at nagsilapitan sa'kin.
Pilit ko namang binubuksan ang kahon pero ayaw niyang mabuksan. Sinipat ko naman ito at wala akong nakitang keyhole o padlock. Ni hindi nga rin ito sealed. Para bang nakadikit na ang takip ng kahon.
"Paano kaya 'to? Ayaw mabuksan," sambit ko.
"Baka kailangan nating sirain 'yong kahon?" tanong naman ni Ryker.
Nagtinginan naman kaming lahat.
"Subukan natin. Ako na mauuna," suhestyon ni Klein.
Inilapag ko ang kahon sa sahig. Pagkatapos ay tinapat ni Klein ang artillery niya sa kahon.
"Glacial Mage; Glacier Blades," pagbanggit niya. Tapos ay may mga ice daggers na naglabasan at tumama sa kahon pero walang nangyari. Nalaglag lang ang mga ito sa sahig.
Nagulat naman kaming lahat dahil do'n.
"Hindi tumalab? Anong klaseng kahon 'yan?" pagtataka naman ni Ryker.
"Subukan mo kaya gamit ang Hades Sword mo, Aika? Tutal ikaw naman nakakita niyan," mungkahi naman ni Xavier.
Nilapitan ko ang kahon at itinapat dito ang espada ko. At nang sinaksak ko ang takip nito ay bigla itong nagkaroon ng c***k. Nag-c***k na ito hanggang sa tuluyan nang masira ang buong kahon.
Natigilan kami dahil sa gulat at mangha. Nagkatinginan kaming lahat nang makita namin ang porcelain jar.
Dahan-dahan naman akong yumuko upang damputin ito. Isang talampakan lang naman ang laki ng jar. At nang sandaling mabuhat ko na ito ay nagulat ako nang biglang may nag-flash na kung ano sa isip ko.
---
Nakabalik na kami sa aming cabin. Gabi na rin at ang lahat ay nagpapahinga na sa kani-kanilang higaan. Hindi pa naman sila mga tulog. Mga nakahiga lang o nakaupo dahil naghihintay kaming maluto ang hapunan.
Mayamaya naman ay narinig naming may kumatok. Natahimik kaming lahat at napatingin sa pinto. Tumayo naman si Klein at pumunta sa pinto. Binuksan niya 'yon para makita kung sino 'yon.
"Mr. Smith."
Nabigla kami nang marinig naming binanggit 'yon ni Klein.
"Hello, students!" bati niya sa'min matapos siyang papasukin ni Klein.
"Oh, Mr. Smith. Ano pong ginagawa niyo rito?" usisa ni Ryker.
"Well, nabalitaan ko mula sa alaga kong strix na si Kairo na nakuha niyo na ang unang spellbound artifact at nandito ako upang kunin iyon at dalhin sa university," sagot ni Mr. Smith.
"Ayun po 'yong artifact," sambit ni Klein sabay turo no'ng artifact na nakapatong sa mesa na nakabalot sa kulay green na tela.
Nilapitan 'yon ni Mr. Smith at tinanggal 'yong telang nakabalot dito. Pagkatapos ay sinipat niya ito at hinaplos. Tiningnan din niya ang ilalim ng jar.
"Eto nga 'yon. Nakita ko na 'yong Greek alphabet na tatak," sambit ni Mr. Smith.
"Aika."
Napatingin ako nang tawagin niya 'ko.
"Ano po 'yon?" tanong ko.
"Sigurado akong nahawakan mo na 'to. May nakita ka na bang clue?" usisa ni Mr. Smith.
Tumango ako, "Nakita ko sa isip ko ang image ng isang syudad na gawa sa yelo."
"Ah, Ground Ekaton ang tinutukoy nito," tugon ni Mr. Smith.
"Ibig sabihin, doon namin makikita ang susunod na artifact," sabad naman ni Ryker.
"You're right."
"Mr. Smith."
"Oh, Klein."
"'Yong nakalaban namin kanina ay isang Olympian Unholy. Sila 'yong tinatawag niyong Specialized Unholy," kuwento ni Klein.
Nandilat naman ang mga mata ni Mr. Smith. Parang namutla rin siya bigla.
"Pinakawalan na naman sila ni Hera," sambit ni Mr. Smith.
"Isa lang ang ibig sabihin nito. Alam na nilang buhay na naman si Melinoe. At plano rin nilang hanapin ang anak ni Persephone gamit ang mga spellbound artifact para matunton siya at patayin," dagdag pa niya.
"Kaya magdoble-ingat na kayo ngayon. Maliwanag ba?" bilin niya sa'min.
"Kailangan tayo ang unang makahanap kay Melinoe, kung hindi tapos na ang lahat para sa Underworld," dagdag-bilin pa ni Mr. Smith.