Nandito ako ngayon sa Earth, partikular sa lugar kung saan ako lumaki. Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa park na malapit sa elementary school na pinasukan ko dati.
I'm wearing a pink one-piece dress na hanggang tuhod ang haba at may maiksing manggas na pinaresan ko ng white flat shoes. At nagdala rin ako ng purse bag kung saan nakalagay ang wallet at ID ko.
Hindi ako naka-uniform dahil hindi naman ako sasabak sa isang mission. Besides, mag-isa lang ako.
Nag-leave muna ako sa school for this day lang. Isa pa, maayos naman ang pinapamalas ko sa training namin ni Jerome nitong mga nagdaang linggo.
Pero syempre bago ako pumunta rito, nag-submit muna ako kay Mr. Smith ng excuse letter. Kumain muna ako ng almusal na hinanda ni Gunner bago ako tuluyang pumunta rito.
Pinapanood ko 'yong mga batang naglalabasan sa school nila kasama ang parents nila. Mukhang kakain sila ng lunch sa labas. Tanghalian na rin naman kasi.
Kahit nakangiti ako, may kirot at bigat naman akong nararamdaman sa puso ko ngayon.
Naiinggit kasi ako sa kanila. Dahil gaya nila, sana...sana kasama ko pa rin sina Mommy at Daddy ngayon.
Napabuntonghininga na lang ako nang malalim sabay tingin sa mga paa ko.
Mayamaya ay tumayo na rin ako. Sinulyapan ko muna sa huling pagkakataon ang dati kong elementary school bago ako tuluyang naglakad paalis.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Basta pakiramdam ko gusto ko munang mag-isa at maglibot-libot kung saan.
Sa paglalakad ko ay nadaanan ko ang isang restaurant na kung saan kami palaging dinadala ni Daddy noon. Huminto ako sa tapat nito at sandaling tinitigan.
Tutal nagugutom na rin naman ako, makakain na kaya muna. Hindi naman ganoon kamahal ang resto na 'to. Pero favorite namin dito ng parents ko dahil marami silang magagandang memories dito.
Dito raw sinagot ni Mommy si Daddy noong nililigawan pa niya ito. Tapos dito din sila noon madalas mag-date bago sila magpakasal.
Pagpasok ko ay agad akong naghanap ng bakanteng seat. Napili kong umupo sa favorite spot namin. 'Yong table sa tabi ng glass wall.
Mayamaya lang ay may lumapit sa'king waiter.
"May I take your order now, Ma'am?" tanong nito sa'kin.
"Yes," sagot ko sabay abot nito sa'kin no'ng menu book.
"One order of beef broccoli, cookies and cream ice cream, and raspberry iced tea."
Pagkatapos ay inulit 'yon ng waiter sa'kin para i-confirm kung tama ang orders. At nang okay na ay umalis na ang waiter para mai-serve na ang order ko.
Itinukod ko ang mga siko ko sa mesa at ipinatong ang baba ko sa mga kamay ko sabay tingin ko sa katabi kong glass wall.
Dito sa restaurant na 'to kami napunta kapag namamasyal kami, o kaya kapag may happenings sa buhay namin noon na worth celebrating like noong naka-five stars ako sa Math noong Kinder. Kapag may nape-perfect akong exams, kapag mas mataas sa target sales ang company ni Daddy, at tuwing birthday ni Mommy.
Namalayan ko na lang na may luha nang umagos sa pisngi ko. Agad ko naman itong pinahid gamit ang mga kamay ko.
"Here's your order, ma'am." Napatingin ako sa waiter nang magsalita ito.
At isa-isa nga itong ni-serve sa'kin ng waiter.
"Enjoy your meal," sambit nito.
"Thanks," sambit ko sabay ngiti bago ito tuluyang umalis.
Tiningnan ko isa-isa ang mga pagkaing in-order ko. 'Yong beef broccoli talaga nila ang favorite ko rito. Gustong-gusto ko ang pagkakaluto nila. Napaka-tender pa ng beef na ginagamit nila.
At 'yong cookies and cream ice cream naman ay ang favorite dessert ni Mommy, samantalang 'yong raspberry iced tea naman ang favorite drink ni Daddy.
Napangiti ako nang mapait sabay buntonghininga nang malalim bago simulan ang pagkain.
---
Pagkatapos ko sa restaurant ay naglakad-lakad ako ulit. Hanggang sa napansin kong napadaan ako sa dating high school na pinapasukan ko.
Napahinto ako sa paglalakad at sinilayan ito sandali. Sabi ng marami, at isa na ro'n ang parents ko, high school daw ang pinakamasaya at unforgettable phase ng buhay mo.
Masaya? Oo. Pero noong umpisa lang. Dahil nang nasa grade ten na ako, biglang nagkandagulo ang lahat. Kaya yes, unforgettable nga. In a bad way.
Napabuntonghininga na lang ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad.
Sa ilang minutong paglalakad ay napahinto naman ako sa tapat ng isang dress shop. Shop ito ng mga dress and suits for formal events.
At napansin kong isa pa rin sa mga display nila ay 'yong baby pink na gown na pinangako sa'kin ni Daddy noon na bibilhin daw niya para sa eighteenth birthday ko for debut.
Pero ngayon, wala nang bibili ng gown na 'yan para sa'kin. Wala na si Daddy. Kaya wala nang debut na mangyayari.
Naramdaman ko na lang na parang may bumara sa dibdib at lalamunan ko. Nahirapan akong huminga kaya napahawak ako sa dibdib ko. Namalayan ko na lang na umaagos na ang mga luha sa pisngi ko.
Miss na kita, Daddy. Sobra.
Sabay pinahid ko na ang mga luha sa pisngi ko gamit ang mga kamay ko. Pero bigla kong naalala na may dala pala akong panyo.
Kinuha ko 'yon sa loob ng purse bag ko na kulay puti. Naalala ko bigla. Panyo nga pala ito ni Jerome. Bale, dalawang panyo na niya ang na sa'kin. 'Yong isang tinali niya sa sugat ko dati, at 'yong binigay niya sa'kin pamunas ng pawis ko.
Nilalabhan ko lang ang mga 'yon pero nakakalimutan kong isauli. Baka isipin niyang iniipon ko lang mga panyo niya at wala akong balak isauli.
Natawa tuloy ako sa isip ko. Pagkatapos ay nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Habang naglalakad naman ako, naisip kong bumili muna ng pasalubong para sa boys. Ano kayang puwede?
Bibili muna ako ng para sa kanila bago ako pumunta sa huling pupuntahan ko at umuwi sa Underworld.
May nadaanan kong isang convenience store. Pagpasok ko, pumili ako sa mga candy at chocolate na tinda ro'n. at napili ko ang isang fun size M&M pack. Matapos ko 'yong bayaran sa counter ay lumabas na ako.
Hmm. Eto para kay Xavier dahil mahilig siya sa matamis. Mayamaya ay napadaan ako sa isang supermarket. Pumasok ako ro'n dahil baka may makita akong puwedeng bilhin. Kumuha muna ako ng basket bago lumibot.
Sa paglilibot ko ay nakita ko ang coffee section. Naalala ko bigla na mahilig sa kape si Klein. Tiningnan ko ang mga kape na nasa stock.
Teka, ano bang klaseng kape ang iniinom ni Klein? Sa pagkakaalam ko, brewed coffee ang iniinom no'n at hindi instant. Kinuha ko na lang 'yong isang garapon ng coffee ground.
Nilagay ko 'yon sa basket ko at nag-ikot ako ulit. Sa may bandang dulo ay kitchen wares at nahagip ng mata ko ang isang apron set. 'Yong apron may kasama ng pares ng potholder. Kinuha ko 'yong kulay blue. Para ito kay Gunner. Para kasing paulit-ulit lang 'yong apron na gamit niya.
Binili ko naman ng isang men's cologne si Ryker. 'Yong fresh lang ang amoy. Para magamit niya sa pangchi-chics niya. Natawa tuloy ako.
Habang papunta sa counter ay ni-check ko muna isa-isa ang laman ng basket ko. Meron na para kay Xavier, kay Gunner, Klein, at Ryker.
Teka sandali. Wala pa para kay Jerome.
Napaisip tuloy ako. Ano nga bang gusto ng isang 'yon?
---
At sa wakas, nakarating na ako sa huli kong pupuntahan.
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng puntod ng parents ko. Nagsindi ako ng dalawang kandila at itinirik ko 'yon sa ibabaw ng lapida nila. Magkasama silang nakalibing sa iisang puntod.
"Mommy, Daddy. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw. Busy kasi eh."
Natigilan ako bigla. Parang nalunok ko ang sarili kong dila at bumara 'yon sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Umiinit na rin ang mga mata ko.
Mayamaya lang ay tuluyan na ring kumawala ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. Patuloy lang ang pag-agos ng mga ito sa aking pisngi habang naninikip ang dibdib ko.
Sobrang miss na miss ko na kayo. Lalo na ngayong araw na 'to.
"Happy birthday to me..." bulong ko.
Oo, ngayon ang seventeenth birthday ko. At ito ang unang birthday ko na nag-iisa ako. At parang pinipiga ang puso ko habang naiisip ko na hindi ko na kayo kasama ngayon at kahit kailan.
---
Pagpasok ko sa greenhouse dome ay dumeretso na ako sa study area para ibigay sa kanila ang mga dala ko.
Pero nagtaka ako nang wala kong makitang kahit sino rito.
"Gunner?" tawag ko. Tapos ay luminga-linga ako habang nililibot ang paningin ko.
"Klein?"
Wala pa rin?
"Xavier? Ryker?"
Wala pa ring sumasagot.
"Jerome?"
Kahit isa sa mga tinawag ko, walang sumagot o dumating. Sayang naman. Bukas ko na lang siguro ibibigay ang mga 'to. Baka busy pa sila sa pagpa-patrol sa buong campus.
Lalakad na sana ako paalis nang may bigla akong narinig.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you..."
Nang lumingon ako sa gawi kung saan ang papuntang kusina ay lumabas do'n ang limang lalaki habang nakanta ng Happy Birthday at may dala-dalang round cake na pink si Gunner.
"Happy birthday, Aika!" bati nila sa'kin sabay palakpak.
Natigilan at natulala naman ako rito sa kinatatayuan ko. Nilapitan nila ako at inilapit sa'kin ang cake na may kandila sa ibabaw.
"Ganito mag-celebrate ng birthday ang mga mortal, 'di ba? Mag-wish ka na," sambit ni Gunner.
Hindi pa rin ako makapaniwala kaya't napatango na lang ako sabay pikit. Sandali lang ay minulat ko ulit ang mga mata ko at hinipan ang kandila sa ibabaw ng cake tapos ay pumalakpak sila.
Ibinaba ni Gunner ang cake sa mesa, "May iba pang pagkain do'n sa loob ng kusina. Ihahain ko lang. Tulungan mo 'ko, Jerome."
Tila nabigla naman si Jerome kaya't napataas siya ng kilay, "Ha?"
"Anong ha? Ikaw nakaisip nito, 'di ba?" natatawang sambit ni Gunner.
Nandilat naman ang mga mata ko sabay tingin kay Jerome. Umiwas naman siya ng tingin sa'kin.
"Oo na. Tutulungan na kita," sambit ni Jerome sabay hila kay Gunner papuntang kusina.
"Teka, ano ba 'yang mga dala mo, Aika?" usisa ni Ryker.
Napansin niya 'yong dala kong plastic bag.
"Ah eto ba? Pinamili ko 'to kanina sa supermarket para sa inyo. Para may maibigay ako sa inyo pag-uwi ko," sagot ko.
Pagkatapos ay inilabas ko isa-isa ang mga laman nito.
"Heto. Chocolate para sa'yo, Xavier," sambit ko sabay abot sa kanya nito.
"Salamat, Aika!"
"Heto naman. Para sa'yo, Ryker," sambit ko sabay abot sa kanya no'ng cologne.
"Cologne? Bakit? Nababahuan ka ba sa'kin?" tanong ni Ryker habang inaamoy ang sarili niya.
Natawa naman ako, "Hindi! Ano ka ba? Chics magnet cologne 'yan. Mas attractive para sa mga babae ang ganyang amoy."
"Wow. Gano'n ba?" Pagkatapos ay tinanggal ni Ryker ang takip nito at inamoy.
"Aba oo nga ano? Mas mabango 'to kaysa sa gamit ko ngayon. Salamat ha?" sambit ni Ryker.
Nilabas ko naman ang garapon ng kape, "Heto para sana sa'yo, Klein. Hindi ko alam kung anong brand ba ng kape ang gusto mo," sambit ko sabay abot nito kay Klein.
Sinipat ni Klein ang garapon ng kape, "Hindi talaga ako nagkakape na galing sa Earth."
Napataas ang kilay ko, "Ah gano'n ba. Pasensya na."
"Pero sige. Susubukan ko 'to," nakangiti niyang sabi.
Ngumiti rin ako kay Klein sabay tango.
"Teka, paano niyo nalamang birthday ko?" usisa ko.
"Si Jerome ang may sabi," sagot ni Xavier.
Napataas ang kilay ko, "Si Jerome?"
"Oo. Bigla niyang sinabi out of the blue habang nag-aaral kaming lahat dito kanina," sambit ni Ryker.
"Tapos ang seryoso pa ng pagkakasabi niya," natatawang sambit naman ni Xavier.
"Paano niya kaya nalaman?" pagtataka ko.
"Baka kay Mr. Smith. Sinabi niya kay Jerome na excuse ka sa araw na 'to dahil birthday mo," sambit ni Klein.
Tumango-tango naman ako. Sa bagay, oo nga naman. Sabay dating naman nina Gunner at Jerome galing kusina.
"Pizza at hash browns?" tanong ko. May dala si Gunner na isang malaking tray ng pizza at si Jerome naman ay isang basket ng hash browns at nilapag nila ang mga 'to sa mesa.
"Oo. Pero may pasta pa ro'n sa loob. Kukunin ko pa," sambit ni Gunner. Napansin naman niya bigla ang mga hawak nina Klein.
"Teka, saan galing 'yang mga hawak niyo?" usisa ni Gunner.
"Ah. Bigay sa'min ni Aika. Pasalubong niya galing Earth," sagot ni Klein.
"Talaga? Meron din ba ako?" tanong ni Gunner.
"Ah oo. Heto oh," sambit ko sabay kuha sa plastic bag no'ng apron at inabot ko kay Gunner.
"Napansin ko kasi na parang dadalawa lang ang gamit mo. Kaya naisip kitang bilhan," sambit ko.
"Aba, ayos 'to ah. Oo, dalawa lang ang gamit ko. Pinagsasalitan ko lang kapag nilabhan 'yong isa. Salamat dito ah?" sambit ni Gunner.
"Ikaw 'yong may birthday pero ikaw ang nagbigay sa'min," sambit ni Xavier.
"Ayos lang naman. Walang kaso sa'kin 'yon," sambit ko.
"At na-appreciate ko rin nang sobra itong surprise niyo sa'kin. Maraming salamat," sambit ko sabay ngiti. At pakiramdam ko parang maiiyak ako sa tuwa.
"Teka, walang para kay Jerome?" tanong bigla ni Ryker.
Nagtahimik kaming lahat at nagkatinginan. Pagkatapos ay tumingin kaming lahat kay Jerome. Napangiwi siya sabay iwas ng tingin.
---
Paakyat na sana ako sa kuwarto ko nang mapansin ko si Jerome na nakatayo sa balcony na katapat ng kuwarto niya.
Nakapatong ang mga braso niya sa railings at nakatingala na naman siya sa madilim na langit na puro bituin.
"Jerome!" tawag ko sa kanya. Nilingon niya lang ako saglit bago niya ibalik ang atensyon niya sa langit.
"Bakit?" tanong niya.
May kinuha ako sa purse bag ko at inabot ko ito sa kanya.
"Para sa'yo," sambit ko.
Lumingon siya sa'kin na bakas ang pagtataka. Pero inabot niya rin ang manipis na box na kulay itim. Pagkatapos ay binuksan niya ito.
"Panyo?" tanong niya.
Tumango naman ako, "Uhm. Hindi ko kasi alam kung ano bang gusto mo. Pero gusto kitang bigyan ng kahit ano."
Ang laman no'ng box ay dalawang panyo. Isang blue at isang brown na pareho ring checkered. Nabili ko 'yon sa isang department store na nadaanan ko kanina.
"Isipin mo na lang na kapalit 'yan no'ng mga panyo mo na nakakalimutan ko nang ibalik sa'yo," sambit ko sabay ngiti nang pilit.
"Sige akyat na 'ko. Good night," sambit ko bago ako tuluyang umalis.
Bago ako tuluyang umakyat ng hagdan ay naisip kong silayan siya ulit.
At hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero...
Nakita kong nakangiti siya.