"MAMÁ, ANO BA talaga ang nangyari? Bakit nangyari iyon kay Hazel? What did you do?" sunod-sunod na tanong ni Calvin sa kaniyang mamá habang nakatingin dito. Kasama niya ito sa kuwarto ni Hazel. Wala pa rin itong malay nang madala niya sa hospital. May bandage sa ulo nito dahil masyado raw malakas ang pagkakahampas nito sa kahoy na hagdanan. May kinakatakutan siya ngayon at iyon ay baka mawalan ito ng alaala. Habang dinadala niya ang asawa sa hospital, ayon kaagad ang naisip niya. Paano kung mawalan ito ng alaala? E 'di makakalimutan siya nito na hindi niya magugustuhan. Gusto niyang gumising si Hazel na kilala siya nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iyon nangyari kay Hazel. Kung sino ba talaga ang nagsimula. When he entered in their house, he saw his wife, lying on the floor.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books