KABANATA 2

2785 Words
"SHE'S ACTING WEIRD," iyon na lang ang nasabi ni Calvin nang makaupo sa harap ng kaibigan niyang si Jerico. Kakapasok lang niya sa opisina niya ngayon. Kakatapos lang din niyang makipag-meeting sa magiging business partner niya. He owned the Vasquez Furniture. Ibinigay ang negosyong iyon nang namayapa na niyang ama. He gave that, so that he will live by his own... by his own sweat. Hindi pa naman ganoon kasikat at kalaki ang negosyo, but he will do his best just to make it bigger and well-known in the country. "What do you mean, Calvin? Hazel is acting weird?" mayamaya pa'y sabi ni Jerico. He sighed. "Hindi ko alam, bro. I-I'm just being paranoid dahil sa kinikilos niya. Parang hindi siya itong dating Hazel na kilala ko," naiiling niyang sagot saka hinubad ang relo at ipinatong sa lamesa kung saan nakadantay ang mga braso niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin. But his wife— Hazel is acting very weird. Hazel is nice when she went back. Iba ito sa dati nitong ugali though they are sweet noong magkilala pa lang sila. Tapos doon sa sagot nito sa tanong niya kung saan ba siya nanggaling. She answered, she went in a family reunion. Doon na siya nawirduhan sa asawa. Ayaw ns ayaw nito sa mga reunion lalo na ang family reunion. She would definitely stay inside the house than join in a reunion. Hazel hates that kind of thing. Then she said there are no signals on the moutain. Isa pa iyon, hindi niya nakitang nagka-interes ito sa ganoong bagay. Does his wife changed? "That's true, napa-paranoid ka lang. Miss mo lang ang asawa mo kaya ka ganiyan. Ilang buwan ba namang nawala, e." Jerico laughed. "Tinanong mo ba iyong sinabi ko sa iyo nitong nakaraan?" tanong nito kapagkuwan. Umiling siya. "Not yet," tipid niyang sagot dito. "Bakit naman? You should ask Hazel." Napapikit siya. Hindi niya kayang tanungin ang asawa niya kung may iba ba itong lalaki. That's what Jerico suggested to him. Hazel won't cheat on him. She promised him. They promised to each other that they won't make any hurtful moment such as cheating right in front of the altar. Hindi magagawa iyon ni Hazel, na lokohin siya. "She won't do that to me. Hindi ako lolokohin ng asawa ko, Jerico. Three years na kaming kasal, okay?" "That was just a suggestion, bro. It's up to you kung tatanungin mo siya o hindi. At kung ako ang nasa posisyon mo, I would definitely ask my wife why did she leave me without any letter or what. Hindi lang iyon, didiretsuhin ko na siya. I will ask her if she has a new one. I don't want to play with fire, Calvin... ayaw kong maging uto-uto," sabi nito saka tumayo na at inayos ang medyo nagusot na t-shirt. "Sige na, uuwi na ako. Opst, I forgot. My birthday tomorrow, ha? Pumunta kayo ng asawa mo," anito pa. Tumango lang siya kaya naman nagpatiuna na ang kaibigan niya. Nang makalabas ito sa hindi naman niya kalakihang opisina, sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa kaniyang bibig at kinuha ang kaniyang cellphone na nasa bulsa. He went in the contact list and find Hazel's number. When he found it, he dialed it. Idinikit niya ang cellphone sa kaniyang tainga. Ring nang ring lang iyon. At dahil sa iritasyon, pinatay niya. Bakit hindi iyon sinasagot ni Hazel? Nasa hospital ba ito ngayon? Is she busy? Sighed. Napailing siya at nagkukumahog na lumabas ng opisina niya para umuwi sa bahay nila. He might be wrong, mali sana ang iniisip niya. NANG MAKABABA, KAAGAD na hinanap ng mga mata niya ang kusina. Kaagad na nilakad ni Faith ang direksyon noon nang makita niya. Mabuti na lang at nakalayo siya kay Miel dahil baka tanungin pa siga nito ng kung ano-ano. Baka mamaya niyan ay wala na siyang maisagot at mapaghinalaan na siyang nagpapanggap lamang siya. Hindi niya iyon hahayaang mangyari... hinding-hindi. Nang makapasok sa loob ng kusina, kaagad niyang tinungo ang lamesang may mga pagkain. Nanubig ang bagang niya dahil doon. Lalo pa siyang nagutom. Kaya naman nang makaupo siya, walang pag-aalinalangan niyang dinampot ang kutsara at nagsimula nang kumain. May bilin sa kaniya si Hazel, at iyon ay dapat hinay-hinay lang sa pagkain at hindi dapat marami. Sa sandaling iyon, wala na siyang isinaisip. Wala namang tao kaya kung paano talaga siya kumain, gagawin niya dahil doon siya mas sanay. Hindi niya namalayan na naubos na niya ang kanin sa plato niya. Wala ng kanin sa lamesa. Napailing siya at hinanap ang kaldero. Pero imbis na iyon ang makita, nakita niya ang isang rice cooker. Nilapitan niya iyon at binuksan. Pero bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala iyong laman. Gutom pa siya, gusto niya pang kumain. Naiinis niyang inilapag ang plato sa tabi ng rice cooker at sumandal sa counter. Bakit naman walang kanin? Hindi pa sapat ang nasa plato niya kanina. Wala pa ngang ilang minuto'y ubos na niya. Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin mula sa bibig dahil sa iritasyon. "May problema po ba, Madame Hazel?" Napabaling siya sa nagsalita. At nakita niya si Manang Doris na kakapasok lang sa kusina at may dala itong basong walang laman. "Manang Doris, bakit wala na pong kanin?" tanong niya pero hindi niya pinahalatang naiinis siya. "P-Po, Madame?" Kumunot ang noo ng matanda. "Sabi ko po, bakit wala ng kanin?" ulit niya. "Ubos na po ba iyong nasa plato niyo?" tanong ng matanda. "Kanina pa, Manang Doris." Lumabas na ang pagkainis niya. Lalo pa siyang nagutom. "Madame, naalala niyo po ba iyong sinabi niyo sa akin? Na kaunting kanin lang ang ilagay sa plato niyo. Ayan po ang bilin niyo sa akin, e," nangingiting tanong ng matanda. Napalunok siya. Saka lamang niya napagtanto na nagpapanggap nga pala siya. Nakakalimutan niyang may ginagaya nga pala siya. Nakakainis. Nabubusog ba si Hazel? Kulang pa ang isang plato sa kaniya. Baka rito siya mamatay dahil sa gutom. "Manang Doris, alam mo bang nagbabago ang desisyon ng isang tao? If yes, I'm one of them." Nagsalita siya sa boses ni Hazel— boses na boses talaga. Nagkataon namang magkaparehas sila ng boses kaya hindi na siya nahihirapanan. "Ah, o-opo, Madame. Magpapaluto po ba kayo ng kanin sa akin?" tanong nito kapagkuwan. "Huwag na, Manang Doris. Ipagtimpla mo ba lang ako ng kape," utos niya. Kaagad namang nangunot ang matanda nang matapos siyang magsalita. Inalam niya ang dahilan noon at kaagad naman niyang napagtanto. May nakalimutan na naman siya, hindi nga pala nainom ng kape si Hazel. Patay na! "Toto—" "Huwag na pala. Nagkamali lang ako." Umirap siya kahit labag sa kalooban niya. Never siyang umirap sa mga matatanda. "Magsaing ka na lang. Lalabas muna ako, call me if luto na ang kanin, okay?" "Sige po, Madame..." Tumango lang siya at pa-sexy-ng lumabas ng kusina. Nang makalabas si Faith ay sakto namang nakita niya si Calvin na patungo sa kaniya. She smiled and continue walking. "Bakit nandito ka kaagad, Calvin?" tanong niya rito nang magharap silang dalawa. "I'm worried about you, honey. Why did you not answering my calls? Is there any problem?" tanong nito kapagkuwa'y sinapo ang pisngi niya. Napalunok siya. Guwapo talaga itong si Calvin. Ang tanga lang ni Hazel, sinayang ang lalaking halos perpekto na. Hindi niya alam ang magiging reaksyon niya dahil sa sinabi nito. Nag-aalala ito sa kaniya. Pero ano iyong sinabi nitong hindi raw niya sinasagot ang tawag nito? Nasa bulsa niya ang kaniyang cellphone, she didn't even heard anything from her phone. Peste! Si Hazel nga pala ang tinawagan nito— ang tunay na Hazel. "Ano kasi..." Sinapo niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. "Nagpalit na ako ng sim kaya baka hindi ko nasagot ang tawag mo. I'm sorry, don't worry, ilalagay ko sa phone mo ang number ko. And to ask your question, no, I don't have problem," nangingiti niyang sabi rito saka hinalikan ang mapupula nitong mga labi. Kailangan niyang gawin ito... kailangan niyang magpakatatag. Kung ano ang napag-usapan nila ni Hazel, gagawin niya. Lahat, gagawin niya. "But your number is ringing, honey. It's impossible. You said nagpalit ka ng sim, it should be no respond, not even ringing. Nagsasabi ka ba ng totoo, Hazel?" Binitawan nito ang pisngi nito at pinakatitigan siya. Palpak. Wala na siyang ibang maisip. Nakakinis naman kasi si Hazel. Bakit naman kasi hindi ibinigay nito sa kaniya ang sim nito para siya ang matawagan ni Calvin at hindi ito— hindi ang totoo nitong asawa. Wala na siyang maisip na idadahilan. "Kakapalit ko lang kasi kanina." She smiled. "Kanina? Nasaan ang phone mo?" "N-Nasa bulsa ko. B-Bakit?" Kinabahan siya. "Can I borrow it for a minute?" tanong nito. "S-Sure." Ngumiti muli siya kahit na kinakabahan at kinuha ang cellphone sa bulsa niya saka inabot iyon kay Calvin. Kaagad naman nito iyong kinuha. Kapagkuwan ay kinuha ni Calvin ang sariling cellphone sa bulsa at ipinagtabi iyon. Nahinuha na kaagad niya ang mangyayari. Gaga kasi si Hazel. Hindi ba nito alam na mangyayari ang ganitong senaryo? Nakakaaduwa. Baka hindi na magtagal itong pagpapanggap niya. Baka mabuko kaagad siya. Nakamasid lang siya sa cellphone ni Calvin hanggang sa puntahan nito ang contact list at nakita niyang pinindot ang numero ni Hazel doon. Lalo pa siyang kinabahan. Walang nangyari sa cellphone niya, nanatili iyong patay. Ang kay Calvin naman ay ring nang ring lang. Wala na, buko na sila. "I called your number and it's ringing. Bakit walang natatanggap itong phone mo?" Nag-angat si Calvin ng mukha sa kaniya. Inagaw niya ang cellphone niya at mabilis na itinago sa bulsa. "Ano kasi, Calvin... ano..." Hindi niya alam ang sasabihin niya. Umatras ang dila niya at mukhang nalunok niya pa. "Anong ano, Hazel? It's just a simple question." Ibinalik ni Calvin ang sariling cellphone sa bulsa kapagkuwan ay pumamulsa. "Are you cheating on me, Hazel?" seryoso't walang pagdadalawang isip nitong tanong. Dahil sa gulat, nasampal niya ito. "Anong sinasabi mo, Calvin? Bakit ganiyan ang mindset mo, ha? I already told you, I changed my sim, okay? Hindi kita niloloko. I never cheat on you!" Masama niya itong tiningnan dahil sa sobrang inis. What he asked was wrong for her. Very wrong, not acceptable! "Did you slap me, Hazel?" mahinahong tanong ni Calvin habang bahagyang lumaki ang mga mata. Gustong saktan ni Faith ang kaniyang sarili. Bakit sa lahat, bakit ang pagpapanggap ang nakalimutan niya? Sinabi sa kaniya ni Hazel na hindi raw nito sinasaktan si Calvin. Gusto niyang humingi ng pasensya sa lalaki pero rumihistro iyong sinabi sa kaniya ni Hazel. Hindi ito humihingi ng pasensya kahit ito ang may kasalanan. God, sunod-sunod ang pagkakamaling nagawa niya. Hindi nita intensyong saktan si Calvin. Dahil lang sa inis at sa tinanong nito. "Hindi ko sinasadya," may katarayan niyang sabi. "Hindi kita niloloko, Calvin. Nagpalit talaga ako ng—" putol niyang sabi nang sumingit ito. "Hindi ako naniniwala!" madiin nitong sabi. "Okay, fine." Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig. "My phone was snatched," pagsisinungaling niya. Wala na siyang choice, iyon lang ang naisio niyang dahilan dito. "Are you telling the truth?" Huminahon ang boses nito. "Oo, Calvin. I am telling t—" putol na naman niyang sabi nang bigla siya nitong yakapin. Wala siyang magawa kundi ang yakapin ito pabalik. Hanggang sa lumipas ang ilang segundo, humiwalay sa kaniya si Calvin na may pag-aalala sa mukha. "Nasaktan ka ba? Do you have injuries? Nagpagamot ka na ba, huh?" sunod-sunod nitong tanong "Hindi ako nasaktan, Calvin. I'm fine," nakangiting wika niya. "Thank God!" Muli siya nitong niyakap at kalaunan ay humiwalay din. "Are you sure that you are okay?" "You don't need to worry, Calvin. I'm fine. Huwag mo na akong pag-isipan na niloloko kita. Hindi ko iyon gagawin sa iyo, okay? I love you, Calvin." Sinapo niya ang pisngi nito at bahagyang nakiliti ang palad niya dahil sa kakaahit lang nitong bigote. "I love you too, Hazel," ani Calvin at malamyos na idinikikit ang mga labi sa kaniya. Napapikit na lang siya hanggang sa humiwalay ang lalaki. "Where are you going?" tanong nito kapagkuwan. "S-Sa garden, magpapahangin lang." "Okay, I have to go back in the company. I will continue to work. Bye, I love you." Muli nitong hinalikan ang labi niya at umalis din. Tiningnan lang niya ang papalayong bulto ni Calvin at nang makalabas ito ng bahay, sumunod siya para tumungo ng garden. Nang makaupo siya sa bench na nakaharap sa mga orkidyas at bulaklak, napangiti siya. She loves this kind of view. She loves flowers especially orchids. May mga orkidyas siya roon sa dati niyang tinitirahan, baka patay na ang mga iyon dahil napabayaan ng mga ito. Mayamaya pa ay bigla na lang siyang natigilan nang biglang mag-ingay ang cellphone niya. Kaagad niya iyong hinugot sa kaniyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Hazel. Kaagad niya iyong sinagot. "Hello," aniya. "So, did you explain?" may katarayang tanong nito. Kaagad niya itong naintindihan. "Oo, at mukhang naniwala naman siya. Sinabi ko na nanakawan ako. Bakit ba kasi hindi mo ibinigay sa akin iyang sim mo? Mabuti na lang at nakaisip agad ako ng dahilan kay Calvin," may kainisan niyang wika saka dumikuwatro. "Excuse me, Faith. At bakit ko naman ibibigay itong sim ko sa iyo? No way, I won't. Ngayong nakapagpaliwanag ka na kay Calvin, is there any problem?" "Wala na... wala ng problema." Umirap siya. "That's good to hear. Nga pala, may party bukas na dadaluhan si Calvin at kasama ka. Yes, kasama ka. Huwag kang matakot, it's just a party." "Ano?" Bigla siyang kinabahan sa narinig. May pupuntahan silang party? At kailangan ay nandoon siya? Diyos ko, magiging mahirap muli ang trabaho niya. Hindi talaga ito madali. Hinihiling niyang sana'y bumuka ang lupa sa kinauupuan niya at lamunin siya. Paano kung mabuko siya? Nakakainis si Hazel. Bakit ba kailangan pa nitong gawin ito? Hindi ba sabihin mismo kay Calvin na hindi niya ito mahal. "Anong ano, Faith? You chose that, right? You're there, and you are not allowed to back out, okay? The party will happen tomorrow night. And I know, Calvin will ask you what you are going to wear for the party. Answer him, you want a red gown with diamonds on it. Got me, Faith?" Tumango siya. "Oo," tipid niyang sagot. "That's good. And then, ang party na iyon ay birthday ng kaibigan ni Calvin. It's Jerico. Jerico, Jerico, Jerico. Did you hear it right, b***h?" tanong niya. Muli siyang napairap. "Oo, huwag mo akong tawaging b***h dahil hindi ako ganoon. Ikaw ang b***h," nakangiwi niyang anas. "I don't care." Rinig niyang nagpakawala ng hangin ito mula sa bibig. "Be nice at Jerico. Hug him if you see him, okay? May asawa na iyon, si Dasha. Pansin mo siya, if she asks you to drink, uminom ka. Makipagkuwentuhan ka sa kaniya at huwag kang tahimik lang diyan. I know you kept what I said in your mind, did you, Faith?" "Oo, itinatak ko ang lahat ng mga sinabi mo sa akin, Hazel. Pero parang hindi ko kayang uminom, e. H-Hindi kasi ako nainom ng alak. P-Paano iyan?" Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakatikim ng alak. Hindi nga niya alam kung ano ang lasa noon, e. Ang alam lang niya ay mapait at mainit iyon kaya hinding-hindi siya sumubok na uminom ng kahit na anong alak. Sana naman ay hindi siya yayain ni Dasha na uminom. "Ano ka, tanga, Faith?" singhal ni Hazel. "Don't be stupid! Iba ako sa iyo, okay? We're not same. We're different. Uminom ka, hindi puwedeng hindi. Be nice. Be the center of attention tomorrow. Huwag kang aalis sa tabi ni Calvin. Just cage your arm on him. Naintindihan mo ba ako, Faith? For the last time!" Naipaggitgit niya ang mga ngipin niya at binuka ang bibig saka sinagot ang talandi. "Oo na, oo na po, kamahalan!" may kalakasan niyang sabi at hindi na alintana kung may makarinig man sa kaniya. "That's good. By the way, I have a handbag in my cabinet. It's LV. Be the center of attraction tomorrow. Remember that, Faith!" Si Hazel at pinatay na ang tawag. Nasapo na lang niya ang noo niya dahil doon. Bukas, bukas ay pagbubutihan niya ang pagpapanggap niya. Ginusto niya ito at kailangan niyang gawin ng hindi labag sa kaniyang kalooban. "Sinong kausap mo, honey?" Napatayo siya at hinarap ang nagsalita. Nakita niya si Calvin na dangkal lang ang layo sa kaniya at pinapagitnaan sila ng bench na inupuan niya kanina. Nakakunot ang noo nito habang nakapamulsa. Muli na naman siyang kinabahan. Narinig kaya nito ang pag-uusap nila ni Hazel? Diyos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD