“Good morning po, mommy, daddy, Asher and kuya Adam!” nakangiting bati ko sa kanila nang makita silang nakaupo na sa dining namin. Napalingon ako sa paligid. “Si Lolo po, mom?” pagtatanong ko nang tumabi ako kay kuya Adam.
“Maagang umalis. Sinundo ng lolo Ray mo rito, mukhang may business na binubuo muli sila,” sagot ni mommy sa akin habang sinusubuan si Asher.
Napatango na lamang ako sa kanya. “Ay, sayang po hindi ko naabutan sina lolo at lolo Ray,” saad ko at sumandok na ako ng breakfast ko.
“Paano mo maaabutan sila kung ang bagal mong kumilos?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Adam. “Dad, si kuya Adam inaaway na naman ako! Kahapon pa siya ganyan,” ani ko at tinuro si kuya Adam na nakangisi sa akin.
Gustong-gusto niyang makita akong naiinis talaga.
“Adam!” madiin na tawag ni mommy sa pangalan ni kuya Adam kaya napangisi ako.
“Bleeh, buti nga,” mahinang sabi ko sa kanya.
“Mallory, gusto mo ba talaga ang sinabi ng lolo mo sa iyo kahapon?” Nawala ang ngiti ko nang sa akin nabaling ang usapan.
Napatingin ako kay mommy dahil sa tanong niyang iyon. “Um, opo, mommy. A-ayaw niyo po ba? S-saka po matagal na po iyong promise nila na dapat kina tito Jerry and tito Raffy pa pala pero parehong panganay na lalaki ang anak nila. Saka po, mommy, at least kilala po natin ang mapapangasawa ko, right?” mahinahon na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang paghinto sa pagsubo ni daddy sa kanyang kutsara at napatingin siya sa akin. Si mommy naman ay nakatingin sa akin at si kuya Adam ay parang walang naririnig ngayon.
“I know, sweetheart, but are you sure sa decision mo? Ayokong magkaroon ka ng pagsisisi sa huli. Ayokong masaktan ka,” saad ni mommy sa akin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa kanyang sinabi. “Opo, mommy, desidido na po ako. At saka po, ipapakilala pa lang naman po ako kay kuya Rey sa mismong 10th birthday ko po, ʼdi ba po?”
Tinanguan niya ako. “Yes, Mallory, sa mismong 18th birthday mo pa ang totoong engagement niyong dalawa.”
Ngumiti ako sa sinabi ni mommy. “May ilang taon pa po ako para makapag-isip if i-pu-push ko po itong engagement na ito sa pagitan namin until mag-18th birthday po ako. Kaya huwag po muna kayong mag-alala, mommy.”
Nagulat ako nang hawakan ni daddy ang aking kaliwang kamay. “Hindi namin hahayaang masaktan ka, Mallory. Nag-iisang anak na babae ka namin. Kaya gagawin namin ang lahat para sa kasiyahan mo,” saad niya kaya lalong lumaki ang aking ngiti.
Sobrang mahal ako ng family ko. Kaya hindi ko sila bibiguin sa pagkakataon na ito.
Natapos na rin kaming kumain. Nauna na akong naglakad palabas ng dining hall namin. Bitbit ko ang aking lunch box papunta sa kotse namin, si kuya Sid ang driver namin ni kuya Adam, siya ang naghahatid sa amin sa school.
Sumakay na ako sa kotse namin, hinihintay ko na lamang ay si kuya Adam dahil nasa iisang school lang naman kami pumapasok. Ako na grade 5 at si kuya Adam na nasa 3rd year high school na. Ganoʼn ang agwat naming dalawa at pareho kaming accelerated dahil matalino kaming dalawa, except kay Via na grade 4 pa lamang.
Speaking of Via, mabuti na lamang ay hindi siya sasabay ngayon sa amin. Hindi ko talaga siya makasundo, maarte kasi siya kaysa sa akin at ayaw sa kanya ni Rain, hindi sila magkasundong dalawa.
Speaking of Rain, sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa engagement ko with her kuya Rey. Paniguradong matutulungan niya ako about kay kuya Rey. Si kuya Adam kasi ay walang ambag.
Napaayos ako nang pagkakaupo nang bumukas na ang pinto sa backseat, nakita ko ang pagpasok ni kuya Adam. Dalawa ang bag na dala niya.
Para saan kaya ang isa?
“Kuya Adam, bakit po dalawa ang bag mo ngayon?” takang tanong ko sa kanya.
“May practice kami,” tipid niyang sagot sa akin at tumingin na sa bintana.
Napanguso ako sa kanyang sinabi. Ang tipid niyang sumagot talaga. Kinakabahan ako na baka matulad sa kanya si Asher paglaki, matipid sumagot.
Hinayaan ko na lamang din siya at ako ay tumingin din sa kabilang bintana. Iniisip ko ang sinabi ni mommy at ni daddy kanina. Hahayaan nila ako sa gusto ko, na ma-engage ako kay kuya Rey. Hindi ko tuloy naitago ang aking ngiti habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Papunta na kami sa school ngayon at kating-kati na akong sabihin kay Rain ang tungkol sa nalaman ko kahapon kay lolo.
Paniguradong magugulat siya sa sasabihin ko mamaya.
“Hehe...” Hindi ko mapigilang tumawa nang mahina dahil doon.
“Hey, Mallory, bakit ka kinikilig?”
Nawala ang tuwa sa mukha ko nang marinig ang seryosong boses ni kuya Adam. Napangusong tumingin ako sa kanya. “Huh? K-kinikilig? Sino kinikilig?” takang tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. “Ikaw,” saad niya kasabay ang pagturo niya sa akin kaya napalunok ako dahil doon.
“Kinikilig? Tumawa lang ako, kinikilig na agad? Hindi ba pʼwedeng may naisip lang akong joke para kina Rain and Asta mamaya. Judger ka, kuya Adam!” sabi ko sa kanya at pilit kong pina-se-seryoso ang aking boses.
“Yes, kinikilig ang tawa na iyon. Kinikilig ka ba dahil hahayaan ka nila mom about sa engagement na iyon, ha?” seryosong sabi niya sa akin.
“Kuya Sid, narinig niyo po, ha? Inaaway ako ni kuya Adam. Isumbong niyo po kay Lolo, ha?”
“Copy po, Miss Mallory.” Napangiti ako nang sumagot si kuya Sid sa sinabi ko.
Nakita ko ang takot sa mukha ni kuya Adam dahil sa sinabi ko. “Tinatanong lang kita. Tsk, hibdi na kita kakausapin.” Napangisi ako sinabi niyang iyon.
Takot talaga siya kay Lolo. Baka kasi wala siyang manahin, ano!
“Pero, huwag ka pa rin kiligin dʼyan, Mallory. Hindi mo pa nakikilala nang lubusan si Rey.”
Nawala ng pagkangisi ko dahil sa sinabi ni kuya Adam sa akin. Oo, nga naman. Bawal pa tayong kiligin lalo naʼt hindi ko alam kung gusto niya rin ma-engage sa akin.
Bakit ko ba nakalimutan niyon?
Nakarating na rin kami sa school at bumaba na kaming dalawa ni kuya Adam. Iniwan namin si kuya Sid sa may parking lot. Babalikan na lamang niya kami mamaya, parehong alas-dos ng hapon ang uwian namin ni kuya Adam.
“Mallory, dito na ako. Dumiretso sa classroom, okay?” malakas na sabi ni kuya Adam sa akin.
“Oo naman po,” sagot ko sa kanya at lumakad papunta sa building namin. Magkaiba ang building namin sa kanila.
“Good morning, Mallory! Rise and shine sabi ng haring araw!” malakas na sabi ni Rain sa akin nang makapasok ako sa aming classroom.
Napangiti ako sa kanya at umupo sa table ko. “Ang hyper mo agad, Rain. Good morning,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Of course, Monday kaya need natin na mataas na energy from the sun!”
Napatingin ako sa tabing upuan ni Rain, bakante pa iyon. “Wala pa si Asta?”
“Always late naman iyon kapag Monday, Mallory. Ano pa bang bago. How about sa pinsan mong maarte? Sumabay ba sa inyo?” pagtatanong niya at umupo sa tabi ko.
Umiling ako sa kanya. “Hindi, eh. Nagulat nga rin kami ni kuya Adam. Baka siguro hinatid ni tito Jerry ngayong umaga.”
Nakita ko ang pagkibit-balikat niya sa akin. “Who knows, Mallory. Ayoko sa pinsan mo!” madiin niyang sabi sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
“By the way, um, may sasabihin ako sa iyo, Rain... Huwag ka lang maingay, ha?” bulong na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rain. Napaupo siya nang maayos at tinignan ako. “A-anong sasabihin mo sa akin, Mallory?” Hinawakan pa niya ang aking kanang kamay.
“Um, a-ano s-sinabi lang sa akin ito kahapon, Rain... N-naka-engage ako kay kuya Rey mo,” bulong ko sa kanya.
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. “Oh my gosh! Enga—” Tinakpan ko ang bibig ni Rain dahil sisigaw na dapat siya.
“Ssshh... Baka marinig ka ng mga classmate natin, Rain. Dapat walang makaalam muna,” madiin na sabi ko sa kanya at pinandilatan siya ng mga mata ko. Tumango siya sa akin. “Bibitawan ko na ang bibig mo, okay? Huwag kang sisigaw, ha?” sabi ko sa kanya.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at hinawakan niya ang aking kamay. “Really? Sino nagsabi sa iyo?” tanong niya sa akin.
“S-si Lolo kahapon,” sagot ko sa kanya.
“Oh my gosh! Really? Magiging sister in law kita, Mallory!” manghang sabi niya at napatingin sa may harapan. “Gagawin ko ang lahat para magustuhan ka ni kuya Rey, okay? Ako ang gagawa ng move para magka-develop-an kayong dalawa!” saad niya at malakas na tumawa.
Napansin ko ang ibang classmates namin na nakatingin sa akin. “E-enough na, Rain, n-nakatingin na ang ibang classmates natin sa atin,” awat ko sa kanya.
Tinignan niya ang classmates naming nakatingin sa amin at sinamaan niya ang tingin ng mga iyon. “Donʼt mind them, Mallory! Inggit lang sila dahil masaya ako!” nakangiting sabi niya sa akin. “Ako pa lang ba nakaaalam nito?” Tumango ako sa kanyang tanong. Lalong lumaki ang ngiti niya. “Naka-engage ka sa kuya ko. Kaya magiging sister in law tayong dalawa!” kinikilig niya sabi.
Paulit-ulit na lamang siya.
Napatingin ako sa best friend kong si Rain na masayang-masaya, babae siya ganyan lamang ang name niya dahil gusto ng mommy niya na maikli ang name.
“Kinakabahan nga ako, Rain. Sa tenth birthday ko ay uuwi ang kuya mo from Canada. Never pa kami nagkikita, paano na lang kung ayaw niya sa akin? Tapos, patigilin niya ang engagement na ito,” nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Mas matanda sa amin ni Rain ang kuya niya, alam ko 16 years old na si kuya Rey.
Umiling siya sa akin. “Uy, hindi mangyayari iyon, Mallory! Kung ayaw ni kuya Rey, ako na lang!” malakas niyang sabi sa akin.
“Babae ka kaya,” sabi ko sa kanya.
“Kung ʼdi lang ako babae, ako na lang papalit sa kanya! Saka, ang bait mo kaya kahit iyong name mo pangmataray! Mabait, matalino, maasikaso at higit sa lahat madasalin ka. Pʼwera roon sa pinsan mong si Via. Laging papansin.” Nakita ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata sa akin. “Kaya huwag kang mag-alala, okay? Ako ang gagawa ng paraan para magustuhan ka ni kuya Rey... Anyway, alam na ba ng pinsan mo ang tungkol dito?”
Napakiling ang aking leeg pakaliwa. “Um, hindi ko alam kung alam niya ang tungkol dito. Wala siya kahapon nang sabihin ni Lolo ang tungkol sa pagka-engage ko kuya Rey. Hindi ko rin alam kung sinabi na ba nina tito Jerry and tita Victoria ang tungkol dito kay Via,” sagot ko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya. “Dama kong alam na niya, Mallory. Kaya kailangan nating mag-ingat sa kanya. Ang laki pa man din ng inggit ng gaga mong pinsan na iyon. Kaya dapat lumaban tayo nang patago para hindi niya malaman kung anong binabalak natin. Kung ano pa man ang mayroʼn ka, gusto niya mayroʼn din siya. Kaya panigurado akong may gagawin siya ngayon. Watch and learn, Via, kaya ka namin patumbahin.”
Natakot ako sa sinabi ni Rain. Para siyang matanda na magsalita. Saan kaya niya naririnig ang mga ganoʼng salita?
“Kaya dapat laba—”
“Good morning, Rain and Mallory!”
Naputol ang sasabihin ni Rain nang makita na namin si Asta. “Mamaya na lang tayo mag-usap, nandito na ang late lagi,” nakangising sabi ni Rain at pinalo niya sa braso si Asta.
Sadista rin talaga siya kay Asta, ano?