“Hey, ano ba talaga pinag-uusapan niyo kanina, ha?”
Napatingin kami ni Rain kay Asta. Kanina pa siya tanong nang tanong about sa pinag-uusapan namin ni Rain kanina bago siya dumating.
“Wala nga, Asta. Girl's talk iyon!” malakas na sabi ni Rain sa kanya. Recess na namin kaya nakapag-kwentuhan na muli kami.
“Girlʼs talk? Sali ako? Friend niyo rin ako! Kunwari babae ako, kaya sabihin niyo na rin sa akin!” pagpupumilit niyang sabi sa amin ni Rain.
“Hala, sabi na nga lalaki rin ang hanap mo, eh! Asta, donʼt do this to us!” nagda-dramang sabi ni Rain sa kanya.
“Hindi ka matino kausap, Rain.” saad niya at humarap sa akin.
Tumingin siya sa akin habang nakalabas ang magkabilang dimples niya. Ang gwapo talaga ni Asta, isama mo pa super puti niya. May kamukha siyang artista na napapanood ko sa television, iyong naglalagay ng kamay malapit sa pisngi niya.
Kamukha niya iyon.
“Mallory, sabihin mo sa akin kung ano ang pinag-uusapan niyo ni Rain kanina? Best friend niyo rin naman ako!” malungkot niyang sabi sa akin. Hindi pa siya nakuntento dahil hinawakan pa niya ang kanang kamay ko kaya napahinto ako sa pagkain ko.
Napatingin ako kay Rain nang makita ko siyang umiiling. “Um, girlʼs talk iyon, Asta, kaya hindi pʼwedeng sabihin. At saka, hindi naman tungkol sa iyon, hindi ka namin bina-backstab, ha? Sa susunod na lamang ay sasabihin ko rin sa iyo sa ngayon ay secret muna,” paliwanag na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang mukha niyang lalong lumungkot. “Seryoso ka ba dʼyan, Mallory? Hindi ka ba naaawa sa mukha ko?”
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. “H-hindi—”
“Asta Montemayor, pinapatawag ka ni teacher!”
Nakarinig kami nang malakas na pagtawag kay Asta kaya napalingon kaming tatlo at nakita namin ang classmate namin. “Hinahanap ka ni teacher. May sasabihin yata sa iyo!” malakas pa niyang sabi.
Nakita namin ang pagkunot ng noo ni Asta. “Bye, Asta! Mukhang may ginawa ka na namang masama. Lagot ka! Bring parents ka na naman bukas!” pang-aasar pa ni Rain sa kanya.
“Bring parents? Wala akong ginagawang masama! Bakit naman kaya ako pinapatawag ni teacher? Siguro pipilitin na naman niya akong sumali sa basketball club dito! Grade 5 pa lang kaya ako!” angal niya sa amin pero lumakad din naman palabas.
“Aangal-angal pa siyang nalalaman, susunod din naman!” natatawang sabi ni Rain at nagulat akong kinain niya iyong baon ni Asta.
Napailing na lamang ako sa kanya. Bago ang bell para sa susunod na class ay bumalik na rin si Asta. Nakita namin ang mukha niyang masungit.
“Huy, anong mayroʼn? Anong sinabi ni teacher sa iyo?” pagtatanong ni Rain at siniko pa niya ang kaibigan namin.
“Basketball. Gusto akong kunin bilang varsity ng school. Hindi ako pumayag. Ayokong mapagod at ma-late ng uwi, ano! Pero, si mom, nilista ako!” saad niya sa amin at napaubob sa table niya. “Hindi porket naglalaro ako ng basketball sa bahay ay isasali na rin niya ako rito. Hindi ako katulad ni kuya Adam na superstar pagdating sa basketball. Kaya ayoko!”
Kuya Adam? Noong elementary pa lang siya ay always na nanalo ang school dahil sa kanya, pero ngayong 3rd years high school na siya ay na nanalo pa rin ang school pero hindi na elementary ang nire-representative niya kundi high school na. Nasa iisang school pa rin naman kami ni kuya Adam dahil elementary at high school sakop nito, pero pagdating sa mga award ay high school ang representative niya.
Then, simula naging high school si kuya Adam, hindi na nagiging champion ang elementary. Kaya sinabi nilang si kuya Adam lamang ang malakas sa basketball team. Dahil ngayong nasa high school na siya, always na rin nagcha-champion ang team nila since tumuntong siya sa high school.
Yabang.
“Okay lang niyan... Hindi mo talaga matatapatan si kuya Adam. Naiintindihan kita, Asta.”
Napangiwi ako sa sinabi ni Rain dahil imbis na pagaanin ang loob ay inasar pa niya. Iniisip ko rin kung pagdating ng kolehiyo si kuya Adam mag-ba-basketball pa rin kaya siya? Saang university kaya siya papasok, ano? Paniguradong pag-aagawan siya.
Naging mabilis ang Monday namin. Hindi namin napansing uwian na pala. Lumabas na kami ni Rain nang matapos kaming magsulat at iniwan si Asta sa classroom.
“Ang bagal talaga niyang magsulat.” Tumango ako kay Rain. Nauna kaming lumabas ni Rain kaysa kay Asta.
Naglalakad na kami papunta sa parking lot. “Ganoʼn naman talaga si Asta, Rain... Oh, nandito na ang sundo niya,” saad ko at tinuro ang kotse nilang puti sa tapat namin.
Nakita ko ang malaking ngisi niya. “Mukhang raratratin siya ng mommy niya today! Paniguradong sinabi na ni teacher ang nangyari kaninang pag-no niya na sumali sa varsity,” nakangising sabi niya sa akin.
Inaasahan na nga namin dahil sa pagdating ni Asta sa parking ay nagrereklamo na agad siya nang makita ang driver niya. “Mang Jano naman dapat late kayong dumating!” angal niya sa driver nila kaya natawa kami ni Rain sa asal niya.
“Bye, Asta! See you tomorrow na lang! Donʼt forget na uminom ng milk para lumaki ka sabi ni teacher!” sigaw ni Rain sa kanya.
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kamao sa amin. “Tatangkad ako! See you tomorrow, Mallory and Rain! Sabihin mo na rin sa akin bukas kung ano iyong pinag-usapan niyo! Bye!” malakas niyang sabi at pumasok na sa loob ng kotse nila.
Nagkatinginan kami ni Rain at naghagikhikan. “Sasabihin mo na ba sa kanya bukas?”
Umiling ako kay Rain. “Hindi pa. Hindi ko alam kung paano, eh. Alam mo namang si Asta, oa minsan!” sabi ko sa kanya.
Tumango-tango siya sa akin. “Totoo! Super OA ni Asta. Baka once na malaman niya iyon ay mag-hysterical siya at malaman pa nang buong estudyante rito sa buong school ang about sa engagement niyo ni kuya Rey. Kaya huwag na muna, Mallory.”
Tinanguan ko siya sa kanyang sinabi. Iyon din ang kinababahala ko.
“Oh! Mommy is here!” malakas na sabi ni Rain at nakita ko ang pagtayo niya sa bench na nandito sa may parking lot.
Napatayo rin ako nang makita ko ang paghinto ng kulay grey na sasakyan. Bumukas ang backseat at nakita naming lumabas si tita Richelle.
“Mommy, bakit nandito po kayo?” Tumakbo si Rain palapit sa mommy niya. Ako naman ay lumakad papunta rin kay tita Richelle, babatiin ko siya.
“Good afternoon po, tita Richelle,” nakangiting bati ko sa kanya.
Ngumiti siya pabalik sa akin. “Hello, Mallory. I know narinig mo na ang about sa inyo ng anak kong panganay, right?” nakangiting tanong niya sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Um, opo, tita Richelle. Kahapon lang po sinabi ni lolo sa akin. Kinakabahan po ako dahil sa nalaman ko pong iyon baka po hindi ako magustuhan ni kuya Rey po,” mahinang sabi ko sa kanya at pinaglaruan ang aking daliri.
Napataas ang tingin ko kay tita Richelle nang hawakan niya ang kamay ko. “Donʼt say that, Mallory. Ikaw rin ang gusto kong maging fiancé ni Rey. Paniguradong magugustuhan ka rin ni Rey kapag nakilala ka niya,” nakangiti at mahinahon na sabi ni tita Richelle sa akin.
“Mommy is right, Mallory! At saka, ako ang bahala sa iyo para magustuhan ka ni kuya Rey! Ako ang gagawa paraan para sa iyo!” malakas na sabi ni Rain sa akin.
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. “Thanks po! Gagawin ko rin po ang lahat para mapalapit po ako sa kanya, tita Richelle and Rain!” malaking ngiting sabi ko sa kanila.
Hindi pa rin maalis sa aking labi ang saya dahil sa narinig ko mula kay Rain at kay tita Richelle.
Gusto nila ako para kay kuya Rey.
“Ang laki ng ngiti mo, Mallory?”
Nawala ang aking malaking ngiti nang marinig ang boses ni kuya Adam. Napatingin ako sa kanya at nakita kong naka-suot siyang basketball jersey ngayon. Pawisan siya ngayon habang ang mukha ay hindi maipinta na nakatingin sa akin.
“Bakit tulala ka naman? Tinatanong kita, bakit ang laki ng ngiti mo?”
“Ang baho mo po,” sabi ko sa kanya at lumayo nang kaunti.
Inamoy niya ang kanyang sarili at ngumisi sa akin. “No. Ang bango ko,” sagot niya kaya nangunot ang noo ko dahil sa kanya.
“Stinks! Anyway, kuya Adam, may laro po kayo?” tanong ko sa kanya. “Si Asta kasi ay pinapasali sa basketball club pero ayaw niya dahil nga simula grumaduate ka ay hindi na nananalo ang basketball team ng elementary. Bumababa na ang dignidad ng basketball team.” dagdag na sabi ko sa kanya.
Napasandal siya sa kanyang kinauupuan. “Hindi na always ay dapat manalo. May times na need mo rin dumaan sa dilim... Oh, by the way, nakita ko si tita Richelle, ha? May sinabi ba siya sa iyo kaya ang laki ng ngiti mo?” nakangising tanong niya sa akin at nakatingin pa siya sa akin.
Pinang-ikutan ko na lamang siya ng aking mga mata at dineadma.
“Eh, ano naman kung may sinabi sa akin si tita Richelle, kuya Adam? Wala ka na roon,” saad ko sa kanya at tumingin sa may bintana.
“Tanggap ka ni tita Richelle?” Napatingin ako sa kanyang sinabi. “Tama ako? Mabuti naman kung ganoʼn. At least, kay Rey ka na lamang need mong magpa-impress. But, huwag mong ibebenta ang sarili mo sa kanya, okay? Know your worth, Mallory.” mahabang sabi niya sa akin.
Umuwang ang aking labi dahil sa sinabi ni kuya Adam sa akin. “Kuya Adam, anong nakain mo ngayon? Bakit ganyan ang lumalabas sa bibig mo? May magandang bang nangyari ngayong araw? Naging crush ka rin ba ng crush mo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Napapikit ako nang pitikin niya ang aking noo. Napahawak ako dahil sa ginawa niyang iyon. “Ouch! Kuya Adam naman, masakit kaya!” sabi ko sa kanya.
“Nag-aalala lang ako sa iyo. Kapatid kita kaya mas papaburan kita kaysa kay Rey,” sagot niya at tumingin sa bintana sa may side niya.
“Kahit best friend mo siya?” takang tanong ko sa kanya.
“Best friend pa kaya ang turing niya sa akin? Ilang years naʼng hindi kami nagkikita, right? Kaya ikaw ang matimbang sa akin, Mallory.” Huling sabi niya sa akin at bumaba na siya sa kotse.
Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa bahay, nakauwi na kami.
“Kuya Adam!” malakas kong tawag sa pangalan niya. “Thank you po!” nakangiting sabi ko at kinawayan siya.
Nakita ko ang pagpula ng kanyang magkabilang pisngi at mabilis na tumakbo papasok.
At least, I know na mahal ako ni kuya Adam. Nag-aalala siya sa akin.