CHAPTER 2: Adam Manriquez

1875 Words
NARINIG ko ang pagsarado ni kuya Adam sa pinto. Napatingin ako roon at nakita ko ang titig na binibigay niya sa akin. “Um, bakit po, kuya Adam? May sasabihin ka po ba?” pagtatanong ko sa kanya. “Are you sure about that, Mallory? About kay Rey?” seryosong tanong niya sa akin. Napatingin ako sa sahig at muling napatingin sa kanya. “Um, b-bakit po? H-hindi po ba dapat ako pumayag sa alok ni lolo sa akin, kuya Adam?” mahinang tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang aking daliri. Nakarinig ako nang malakas na buga mula kay kuya Adam. “Bakit po, kuya Adam? Mali ba talaga ang d-desisyon ko?” Kinakabahan na ako dahil sa reaksyon niya. “Itʼs not a bad decision, Mallory. But, never mo pang nakita si Rey, right?” Tumango ako sa kanyang sinabi. Never ko pa talaga nakikita si kuya Rey. Naririnig ko lamang about kay Rain ang tungkol sa kuya niya hanggang doon lamang. Simula kasi bata siya ay nasa Canada na si kuya Rey kasama si tito Raffy para mag-asikaso sa business nilang Restaurant roon. Tapos, ang kasama naman ni Rain dito sa Philippines ay sina Lolo Ray and tita Richelle, sila naman ang nag-aasikaso ng restaurant and clothing shop nila. “Um, a-ano po ba ang ugali ni kuya Rey, kuya Adam? Friend po kayo, right?” pagtatanong ko sa kanya. Alam ko kasi ay matalik silang magkaibigan bago pumunta sa Canada si kuya Rey. Kaya paniguradong may malalaman ako sa kanya kung ano ugali ni kuya Rey. Tinignan niya ako. “Tahimik lamang siya. Nag-o-observe sa paligid at higit sa lahat, pihikan sa mga taong gusto niyang pakisamahan. Iyon ang ugali ni Rey, Mallory. Magkaiba kayong dalawa,” sagot niya sa akin. “Kaya habang maaga pa, pʼwede kang umatras sa engagement na ito. Ayokong maipit ka sa bagay na pagsisisihan mo.” Napalunok ako sa sinabi ni kuya Adam. Ngayon ko lamang siyang nakitang seryosong magsalita. Malaking ngiti ang binigay ko sa kanya. “Kung magkaiba kaming dalawa, kuya Adam, gagawin ko ang lahat para maging parehas kami. Dadalhin ko siya sa mundo ko na puno nang makulay at saya. Hindi ako aatras sa engagement na ito. Ipapakita ko sa kanya kung sino ako, kuya Adam. Pangako, hindi ako iiyak kapag nasaktan ako. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. Thank you po sa concern niyo!” nakangiting sabi ko sa kanya at kinindatan pa siya. “Sabi nga nila, ang mga Hernandez ay hindi nagpapatalo, Hernandez po ako kahit middle name lamang natin iyon. Oh siya, kuya Adam, mauna na po ako sa iyo! Kakain pa ako ng nilutong saging ni ate Kira. Baka hinihintay na rin ako ni Asher!” malakas na sabi ko pa sa kanya at mabilis na tumakbo pababa sa kitchen. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ako susuko na makilala si kuya Rey. Hindi ko rin hahayaang ma-disappoint si lolo sa akin. Kaya lalabanan ko ang ugali ni kuya Rey. “Ate Mallowy!” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Asher, ang bunsong kapatid namin ni kuya Adam. “Hello, Asher, ate Mallory is here! Naghintay ka ba nang matagal kay ate? Sorry, ha? Kinausap kasi ako ni Lolo kaya natagalan akong bumaba,” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtaas niya ng isang piling ng saging. Pinahihiwatig niyang kumagat ako sa kanyang saging. Kinagatan ko nang maliit ang hawak niyang saging. “Thank you po, Asher,” nakangiting sabi ko muli sa kanya. “Ate pwetty ko!” malakas niyang sabi kaya natawa ako sa kanya. Bulol pa siya magsalita pero kapag lumaki si Asher ay magiging matalino rin siya katulad namin ni kuya Adam. “Miss Mallory, meryenda niyo po.” Napalingon ako sa aking gilid nang makita ang dalawang saging sa plato, may gatas din sa gilid dahil favorite kong sinasawsaw ang pritong saging sa gatas. Masarap naman siya. Try niyo rin. “Thank you po, ate Kira!” nakangiting sabi ko sa kanya at sabay na kaming kumain ni Asher. “Ya Adam!” malakas na sabi ni Asher at nakita ko ang kamay niyang nakaturo sa likod namin. Napatingin ako roon at nakita ko si kuya Adam na lumalakad palapit sa amin. Himala at bumaba siya, kapag ganitong meryenda ay nagpapahatid siya kay ate Jolens room niya. “Hello, Asher! Tumatalas na niyang pananalita mo, ha?” nakangising sabi niya sa bunsong kapatid namin. “Hep, kuya Adam, be gentle kay Asher, okay? Baby pa po siya!” sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng aking kilay, hindi ko alam kung isang kilay lang ba ang nakataas or dalawang kilay. He pointed at me using his index finger at my forehead kaya nangunot ang noo ko sa ginawa niya. “Hey, kuya Adam, donʼt touch me! Isusumbong kita kay mommy!” pananakot ko sa kanya. “Tell to mom, Mallory,” nakangising sabi niya sa akin kaya lalo humaba ang aking labi. Hindi ko na lamang siya pinansin at binalik ang tingin ko kay Asher. “Asher, huwag mong gagayahin ang ugali ni kuya Adam, okay? Masungit!” kausap ko sa bunsong kapatid ko at kumain na lamang ng pritong saging. “Naririnig kita... Ang laki mo na pero weird pa rin ang food mo. Saging with milk powder, Mallory?” Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mata niyang nandidiri sa plato ko ngayon. “What? Hindi ka naman kakain! Kuya Adam, lubayan mo ko! Kanina mo pa ako iniinis, ha?” sabi ko sa kanya at nilayo ang plato ko. Sumandal siya sa kanyang upuan at nakangising tinignan niya ako. “No, Mallory. And, are you sure about kanina?” Ayan na naman siya. “Sabi mo kanina wala naman mali sa decision ko, right?” pagtatanong ko sa kanya at siyang pagtango niya sa akin. “See? Bakit tinatanong mo pa po ulit, kuya Adam?” “Naninigurado lang,” tipid niyang sabi sa akin. Nagngitngit ang aking ngipin dahil sa sinabi niya. Muntik ko na rin mahila ang buhok ko dahil sa kanyang sinabi. “Ayoko kitang kausap, kuya Adam. Hindi ka magandang kausap,” saad ko sa kanya at kumain na lamang ng saging ko habang nilalagyan ng milk powder. Nakarinig na lamang ako ng sipol mula sa kanya. Hindi ko talaga ma-gets ang isipan ni kuya Adam. Nakakaloko kasi siya. Dinner has come. Tahimik ang buong paligid namin, tanging si Asher lamang ang nag-iingay dahil na rin sa pagkain niya. Sina mom, dad and lolo naman ay seryosong kumakain. Gusto kong magtanong kung ano pa ang pinag-usapan nila pagkalabas namin sa office room ni Lolo, pero anong magagawa ng nine years old na bata, right? “Mallory, pagkatapos niyong kumain ni Adam ay umakyat na kayo sa room niyo. May pasok pa kayo bukas. Baka ma-late kayo, okay?” saad ni mommy sa amin. Tinignan ko siya at tumango. “Copy po, mommy.” sagot ko na lamang at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos akong kumain ay umakyat na rin ako kasama si ate Kira. “Ate Kira, magkaaway kaya sina mom and lolo? Hindi sila nag-uusap na dalawa,” pagtatanong ko sa kanya. “Baka pagod lamang po sila, Miss Mallory. Alam niyo naman pong inaasikaso ni Miss Melissa ang TechTalk niyong business. Si Master Jeremiah naman ay inaasikaso naman ang ibang branch ng business niyong telecommunications. Kaya siguro pagod lamang sila,” paliwanag niya sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya. “Okay po. Thank you po sa paghatid sa akin, ate Kira. Tulog na rin po kayo,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Good night din po, Miss Mallory.” balik na sabi niya sa akin at sinarado na niya ang pinto ng kʼwarto ko. Lumakad na ako papunta sa bathroom para mag-brush ng teeth ko. Nakahilamos naman na ako kaya heto na lamang ang gagawin ko then matutulog na ako. Nang matapos mag-sipilyo ay lumapit na ako sa kama. Nakahiga na ako sa malaki at malambot kong kama pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Lolo kanina. Naka-engage ako sa kapatid ni Rain, simula noong baby pa ako. Hindi ko magawang hindi kiligin dahil crush ko ang kuya ni Rain kahit sa video call ko lamang siya nakikita dahil sa Canada siya nag-aaral talaga. Nakikita ko siya kapag nagbi-video call silang dalawa ni Rain. Pero, sa personal? Never ko pa talaga siya nakikita. Siya kasi ang heir ng mga Gilmore, pero iyon nga lang... Paano ako haharap sa kanya ganoʼng hindi ko alam kung anong ugali niya talaga? Si kuya Adam naman ay walang gaanong sinabi sa akin, sinabihan lang niya ako na magkaiba ang mundo namin ni kuya Rey. Iyon lang. Wala man lang siyang binigay sa akin na tips. Friend naman silang dalawa, dabarkads pa nga! Pero, iniisip ko rin kanina na imbis na tumutol ako kanina ay tumango pa talaga ako na malamang naka-engage ako sa kanya. Engaged? Ano nga ba ang engaged? Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kahapon. Patuloy na gumugulo sa isipan ko ang salitang engaged kaya hanggang sa panaganip ko ay nakikita ko iyon. Bumangon na lamang ako sa kama at niligpit ko ito. Tinupi ko sa maayos ang aking kumot at nilagay sa ibabaw ng aking unan. Lumakad na ako papunta sa bathroom ko para makaligo na ako. Marunong na ako maligo mag-isa. Kahit nine years old lamang ako ay kaya ko na ang akin sarili. Binuksan ko na lamang ang shower at nilunod ang aking sarili sa binubuhos na tubig mula roon. Pinatay ko iyon at nag-shampoo at nagsabon na rin sa buong katawan ko. Kiniskis ko ang buong katawan ko lalo na ang aking kili-kili. Nang makita ang buong katawan ko na puno naʼng sabon ay binuksan ko na muli ang shower para mawala ang sabon at shampoo sa aking katawan. Nang matapos akong maligo ay pumunta na ako sa walk-in closet ko. Nakita ko ang uniform kong naka-plantsa na at maayos. Sinuot ko na iyon at inayos ang aking sarili. “Sobrang ganda natin, Mallory. Kailangan natin mag-excel sa school today,” malaking ngiting sabi ko sa aking sarili at lumabas na rin sa walk-in closet ko. Sinuot ko na rin ang aking black shoes at kinuha ang backpack ko. Lumabas na ako sa aking room at nakita ko roon si ate Kira na nakaabang na. “Good morning, Miss Mallory. Sobrang ganda niyo po ngayon,” saad niya sa akin kaya ningitian ko rin siya. “Thank you po, ate Kira. Pero, hindi pa rin ako marunong magtali ng hair ko po. Nagsuklay lang po ako,” sagot ko sa kanya at bumaba na kami. “Tatalian ko na lamang po kayo pagkatapos niyong kumain.” Tinanguan ko siya sa kanyang sinabi. “Iyong usual pong tali, ha, ate Kira? Gusto ko po iyon,” sabi ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay ang trintas sa magkabilang gilid. Ang linis ko kasing tignan kapag ganoʼn ang hairstyle ko. “Sure po, Miss Mallory.” Ngumiting tumango na lamang ako sa kanya at mabilis ba lumakad papuntang dining area namin. Nagugutom na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD