PUMASOK na rin ako sa loob ng bahay para na rin makapagpalit ako ng damit at makakain ako ng meryenda. Makikipaglaro rin ako kay Asher today. Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko nakikita si Asher.
Ang bunso kong kapatid.
“Ate Kira, si Asher po?” pagtatanong ko sa kanya nang makababa na ako from my room. Nakapagpalit na ako ng aking uniform kaya nakapambahay na ako.
“Um, Miss Mallory, tulog pa po si Young Master Asher,” saad niya sa akin kaya napanguso ako dahil doon.
“Aww. Ano pong ginawa niya maghapon kaya tulog pa rin po siya ngayon?” pagtatanong ko kay ate Kira.
Kinuha ko na itong spaghetti sa plate na binigay niya sa akin. “Dumating po ang instructor niya para sa swimming po kanina, Miss Mallory, kaya tinuruan siyang mag-swimming ngayon. Late na po silang natapos kaya kaka-idlip lamang ni Young Master Asher kaninang 1PM,” salaysay niya sa akin.
Napatango na lamang ako sa kanya at nilagyan nang maraming cheese ang aking spaghetti. “Thank you po sa pagsabi, ate Kira.” Nakita ko ang bitbit niyang tray. “Sige po, ate Kira, hatid niyo na po niyan kay kuya Adam baka nagugutom na rin siya sa room niya,” dagdag na sabi ko sa kanya.
Ngumiting yumuko siya sa akin at lumakad na papunta sa second floor kung nasaan ang room ni kuya Adam. Napatingin ako sa plato kong may lamang ng spaghetti. Anong gagawin ko ngayon pagkatapos kong kumain?
Wala naman akong assignment na need gawin ngayong araw? Mag-a-advance reading na lamang ako sa may library mamaya.
“Nanay Sinang, maraming salamat po sa spaghetti niyo po! Marami po akong nakain, mamayang gabi po ulit,” nakangiting sabi ko sa kanya at nilagay ang pinggan at baso ko sa lababo.
“Wala po iyon, Miss Mallory. Pahinga na po kayo,” tugon niya sa akin kaya ningitian ko lamang siya.
“Mag-aaral pa po ako, Nanay Sinang. Punta na po muna ako sa library. Pakisabi na lamang po kay ate Kira na sa library po ako kapag hinanap po niya ako,” sabi ko sa kanya at lumakad na papunta sa library, nandito lang din naman sa first floor ang library namin. Nasa ilalim ng hagdan ang library namin, spacious. Hindi naman maingay sa loob kapag may umaakyat dahil soundproof iyon.
Bago ako maupo ay kumuha na muna ako na pʼwedeng pag-aralan ngayon. Kinuha ko ang math book na for grade 6 and History book kung saan nandoon ang mga President ng Pilipinas. Nag-umpisa na akong basahin ang dalawang librong kinuha ko.
Napahinto ako sa pagbabasa at pagsusulat nang napansin kong ang bagal ng ikot ng oras. Mag-a-alas tres ʼy kinse pa lamang ng hapon, bakit kinse minuto pa lamang ang lumilipas pero pakiramdam ko ay isang oras na ako nagbabasa. Hindi naman sira ang orasan dahil umiikot ang kamay nuʼn.
Ang bagal umikot ng oras!
Tinabi ko na muna ang math, kinuha ko naman itong history book. Baka nababagot lang ako sa pag-compute ngayon.
"Emilio Aguinaldo, ang kauna-unahang President ng Pilipinas...” basa ko roon at sinusulat ko rin sa papel. “Siya ang president noong—” Napahinto ako sa pagsusulat nang may marinig akong kumatok sa pinto ng library ngayon. Nangunot ang noo ko nang mawala iyon at bumukas ang pinto, nakita ko si ate Kira.
“Sorry po sa istorbo, Miss Mallory. Pero, nasa Gazebo ngayon ang pinsan niyong si Via. Gusto kayong kausapin,” saad niya sa akin.
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni ate Kira. “Bakit daw po gusto niya akong kausapin?” pagtatanong ko sa kanya at tinignan muli ang book na binabasa ko.
“Walang sinabi, Miss Mallory. Inutusan lamang niya si Cali na sabihin sa akin na nasa Gazebo raw siya ngayon at gusto kayong kausapin. Kaya dapat daw pumunta na rin kayo agad doon... Iyon po ang sinabi ni Cali sa akin.”
Napatayo ako sa aking kinauupuan. “Ano na naman kaya ang pakay niya sa akin, ate Kira. Last time na pumunta siya ay umiyak lamang siya dahil nabasag niya ang vase sa garden at gusto niyang sabihin ko kay lolo na ako ang nagsira nuʼn kahit siya naman. Ano na naman kaya ang sasabihin niya?” ani ko kay ate Kira.
Hindi naman kasi siya pupunta rito at hahanapin ako para sa wala. Laging may purpose niyang si Via, iyon ay inisin ako at akuin ang kasalanan niya dahil mas mahal daw ako ni lolo kaysa sa kanya. Pantay-pantay naman ang pagtingin ni lolo sa amin, siya lang naman ang nagsasabing mas matimbang ako.
“Kung ganoʼn ang sasabihin niya sa inyo, Miss Mallory. Umalis na agad kayo. Walang saysay para pakinggan siya,” saad ni ate Kira sa akin.
Si ate Kira ang umaawat kay Via kapag hindi ko na kaya ang ugali niya. Hindi ko rin naman siya masumbong kay lolo dahil naaawa rin ako sa kanya.
Mahina na nga siya sa pag-aaral, tapos pangit pa ugali niya. Naaawa tuloy ako kina uncle Jerry and tita Victoria.
Nasa bungad pa lamang ako ng Gazebo ay nakita ko na agad si Via na nakasimangot doon, naka-krus ang kamay niya sa harap ng kanyang dibdib habang si ate Cali ay nasa gilid niya. Yaya niya si ate Cali, naka-tatlong yaya pa siya bago si ate Cali. Umaalis kasi ang mga nagiging yaya niya. Si ate Kira naman ay yaya rati ni kuya Adam at binigay sa akin para alagaan ako.
“Ano na naman ang pakay mo sa akin, Via?” pagtatanong ko sa kanya nang makatuntong ako sa loob ng Gazebo.
Nakita ko ang mukha niyang masungit. “Maupo ka rito sa tabi ko!” malakas niyang sabi kaya nangunot ang noo ko sa kanya.
“Bakit naman ako makikinig sa iyo? Saka huwag mo kong sigawan, mas matanda ako sa iyo ng ilang buwan!” madiin na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkainis ng kanyang mukha at nagulat ako nang sabunutan niya ang kanyang sarili. “I hate you talaga, Mallory! Ano naman kung mas matanda ka sa akin ng ilang buwan, ha? Ako naman ang Hernandez sa ating dalawa! Ako ang may surname na Hernandez at hindi ikaw! Manriquez ang surname mo at tanging middle name mo lamang ang Hernadez! Kaya dapat ako! Ako dapat ang nasa position mo!” sigaw niya sa akin kaya nagulat kami sa kanyang inasta.
Humarang agad sa harapan ko ni ate Kira dahil nakita niyang may kinuha si Via, isang tsinelas. Tsinelas pa yata niya iyon. Ibabato ba niya iyon sa akin? Subukan niya at hindi ako mag-iisip na ibalik sa kanya iyan.
“Subukan mong ibato niyan sa akin, Via, ibabalik ko niyan sa iyo kahit umiyak ka pa at magsumbong pa kay uncle Jerry. Baka nakakalimutan mong lahat ng sulok sa bahay na ito ay may CCTV kaya maging ang Gazebo na ito ay mayroʼn, tanging si Lolo lamang ay may kayang maka-acces sa mga CCTV. Kaya kahit anong iyak mo once na ipanood namin ang CCTV ngayong araw ay makikitang ikaw ang nauna at hindi kami,” matapang na sabi ko sa kanya.
Ayoko ng maging duwag kay Via. Na once umiyak ay siya dapat ang laging tama.
“Bwisit ka! Papansin ka rin kay Lolo, ano? Apo niya rin ako!” sigaw niya sa akin.
“Wala naman akong sinabing ako lamang ang apo niya, right? Apat tayong apo niya, lahat tayong apat ay may karapatan bilang Hernandez, kahit middle name lang namin ang Hernadez, Via. Pero, ang dugong nakadaloy sa amin ay may Hernadez din, ako nga ang kamukha ni Lola, right?” Hindi pa rin ako nagpapatalo sa kanya. Kailangan ko rin maging matapang kapag kaharap siya.
“Argh! Umalis nga muna kayo, Cali! Ikaw rin!” malakas niyang sabi at tinuro si ate Kira. “Umalis ka rin! Mga katulong lang naman kayo rito, kami ang nagpapasahod sa inyo! Kaya layas! Gusto kong kausapin si Mallory nang mag-isa!” matinis niyang boses sa amin.
Tinignan pa ako ni ate Kira kaya ngumiti ako sa kanya. “Okay lang po ako, ate Kira. Sisigaw na lang po ako kapag kailangan ko po kayo,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumango siya sa akin at lumakad na rin siya kasama si ate Cali na kinakabahan din para sa akin. Hindi naman ako weak na tao, maawain lamang pero pagdating kay Via hindi ako maaawa. Marunong mag-manipula ang pinsan kong ito, isang iyak lamang ay nakukuhang na niya lahat lalo na ang mga taong hindi siya kilala.
“I hate you, Mallory! Tanggihan mo ang alok sa iyo!” sigaw niya sa akin at tumayo siya sa kinauupuan niya kanina. “Ako dapat iyon, naiintindihan mo ba, ha! Ako ang Hernandez at hindi ikaw! Ano naman pake ko kung mas matanda ka sa akin ng ilang buwan! Months lang naman but at least, nasa iisang taon lang tayo pinanganak. Kaya tanggihan mo iyon! Ibigay mo sa akin!” malakas pa rin niyang sabi habang galit na galit na nakatingin sa akin.
Naguguluhan ako sa kanyang sinasabi. Parang sumasakit lamang ang aking ulo sa kanya.
“Teka, Via, ano ba ang pinagsasabi mo, ha? And, hindi ako Hernandez dahil ba surname ko ay Manriquez? Hello, bunsong anak ni Lolo si mommy. Hindi lamang iyon dahil kamukha ko so Lola kaya paanong hindi ako Hernandez, ha?” saad ko sa kanya. Lumapit ako sa kanyang kinatatayuan. “Donʼt be to childish, Via. Hindi bagay sa iyo. Kilala kita simula sa kuko ng paa mo hanggang sa anit ng buhok mo. Kaya huwag kang sumigaw na akala mo ay taga-silbi mo ko. Mag-aral ka na lamang mabuti.” matabil na sabi ko sa kanya.
Totoo naman ang sinabi ko sa kanya.
“Ah! I hate you, Mallory! Mang-aagaw ka! Inagawan mo ko!”
Napapikit at napatakip ako nang aking tenga nang sumigaw siya nang malakas. “Donʼt shout!” malakas na sigaw ko rin sa kanya. “Hindi sa lahat ng bagay ay makukuha mo lahat sa pagsigaw mo, Via!” sermon ko sa kanya.
“Donʼt shout? Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito, Mallory! Inaagaw mo ang lahat sa akin! Ako dapat iyon!” malakas niyang sabi sa akin at dinuro-duro ako.
“Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo, Via! Puro ka inagaw ko, ikaw dapat iyon pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang ibig mong sabihin. Ipaliwanag mo sa akin at hindi iyong puro ka sigaw nang sigaw. Nakakarindi ang boses mo!” paliwanag na sabi ko sa kanya.
Tumayo siya sa aking harapan at tinitigan ako ni Via ngayon. “Okay, fine, sasabihin ko sa iyo dahil patay malisya ka, right?” bungad na sabi niya sa akin. Huminga siyang malalim at matalim akong tinignan sa aking mga mata. “Hindi kayo bagay ni Rey, Mallory. Kaya bumitaw ka sa engagement na iyon. Kami ang bagay!” malakas niyang sabi sa akin kaya nagulat ako sa kanyang inasta.
“What? Hindi naman ako nagplano ng arrangement na iyon, Via. Si Lolo at si lolo Ray ang may gawa nuʼn kaya bakit ka sa akin nagagalit, ha?”
“Alam ko... Kaya ikaw ang tumutol at sabihin kay Lolo na ayaw mo. Ako na lang ang papalit sa iyo!” malakas pa rin niyang sabi sa akin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko...
“See? Ayaw mo rin, right? Kasi gusto mo rin ma-engage kay Rey! Napaka-plastic mo, Mallory!” sigaw niya sa akin.
Hindi ako makatingin sa kanya dahil totoo naman ang sinabi niya. “T-teka, Via, hindi sa ganoʼn—” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.
Napaupo na lamang ako nang makita ang papalayong bulto ni Via. Bakit ba niya gustong pumalit? Ibig bang sabihin ay may gusto rin siya kay kuya Rey?