CHAPTER 1: Engagement?

1926 Words
NAGDIDILIG ako ng mga bulaklak dito sa garden namin. Lumalago na ang mga bulaklak na tinanim ni Mang Berto, ang mga rosas, gumamela, bougainvillea, sunflower at iba pang bulaklak. Mahilig akong magdilig ng mga halaman namin kapag umaga at hapon, kaya sabi ni Mang Berto sa akin ay mayroʼn daw akong green thumb. Noong una hindi ko alam kung ano ang green thumb, nine years old pa lang ako kaya paano ko malalaman, mabuti na lamang ay sinabi ni mommy sa akin. Kapag may green thumb ka pala ay namumunga ang mga puno, halaman at bulaklak kapag ikaw ang nagtanim at nagdilig sa kanila. Kaya tuwang-tuwa ako nang malaman iyon. “Miss Mallory, magpahinga ka na po. Ako na po bahala rito.” Napatigil ako sa pagdilig nang marinig ko ang boses ni Mang Berto, pinatigil ko siya kanina dahil nakita kong pagod na siya, at saka gustong-gusto ko ring magdilig. Ngumiti ako nang malaki sa kanya. “Tatapusin ko na po ito, Mang Berto, tapos na rin po ako sa homework ko po!” malakas na sabi ko sa kanya. Grade 5 pa lang ako at nasa iisang school kami ng best friend kong si Rain. “Sobrang sipag niyo po talaga, Miss Mallory, kumpara sa pinsan niyong si Miss Via. Sobrang maarte at mapagmataas. Mabuti na lamang nasa kabilang bahay sila nakatira.” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mang Berto. Nasa iisang compound lang kami nakatira. Lupa ito ni lolo sa side ni mommy. Mayaman ang angkan ng mga Hernandez, may business sina lolo na simcard telecommunication and bank, sina dad and mom ang humahawak sa telecommunication and sina uncle Jerry naman sa bank. Iyon ang ginawa ni lolo para hindi mag-away sina mom and uncle Jerry. Kaya ang mina-manage na lamang ni lolo ay ang makipag-kwentuhan kay Lolo Ray, ang lolo ni Rain, ang best friend ko. Napatawa na lamang ako nang mahina sa sinabi ni Mang Berto sa akin. “Ganoʼn naman po talaga si Via simula noong bata pa po, Mang Berto. Masyado lang po siguro na-spoil nina tito and tita po. Lalo naʼt only child lang po siya,” nakangiting sabi ko sa kanya. Narinig ko kay kuya Adam na hindi na raw magkakaroon ng kapatid si Via dahil hindi na pʼwedeng manganak si Tita Victoria. May sinabi siya sa akin... Hindi ko lang matandaan. Pero, once na magbuntis pa siya ay baka mamatay si Tita Victoria. Kaya siguro ini-spoil nila si Via. Kami kasi ay tatlo si kuya Adam ang panganay, ako ang pangalawa at ang bunso namin ay si Asher na five years old. Hindi rin kami masyadong ini-spoil nina mommy at daddy, pantay ang tingin kasi nila sa amin. “Ganoʼn na nga siguro, Miss Mallory. Pero, sana may pagkagalang pa rin siya sa amin kahit trabahador lamang kami rito sa pamilya niyo. Matagal na kaming nagta-trabaho rito simula pa noong bata pa sina Miss Melissa and Master Jerry. Kung naabutan lamang ni Miss Via si Mrs. Hernadez ay pinaluhod na panigurado siya sa butil ng monggo.” Napahinto ako sa pagdilig ng mga bulaklak. Butil ng monggo? Iniisip ko pa lamang ay masakit na panigurado iyon? “M-masaki—” “Miss Mallory, pinapatawag po kayo ng lolo niyo. Pinapapunta po kayo sa office room niya!” Nakita ko si ate Kira, ang isa sa mga kasambahay namin. Nakatira pala kami sa bahay ni lolo mismo, wala kasi siyang kasama at isa rin ito sa pinamana ni lolo kay Mama. Sabi ko nga kanina nasa iisang compound lang kami, nasa kabilang side naman ang bahay nila Via, five minutes away lang. “Ako po, ate Kira? Bakit po?” pagtatanong ko sa kanya. “Wala pong sinabi si Master Jeremiah, Miss Mallory. Pinatawag lang po kayo sa akin,” sagot niya sa akin. Pinatay ko ang ang hose na hawak ko. Binigay ko iyon kay Mang Berto. “Sorry po kung hindi ko natapos ang pagdidilig ko po, Mang Berto! Bukas na lang po ako babawi pag-uwi ko po sa school,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Ako na bahala rito sa mga paborito niyong bulaklak, Miss Mallory!” malakas niyang sabi sa akin kaya ngumiti ako sa kanya at sumama kay ate Kira. “Bakit po kaya ako pinatatawag? May ginawa po ba ako?” pagtatanong ko kay ate Kira nang makapasok na kami sa loob ng bahay. “Pasensya na po, Miss Mallory, hindi ko po talaga alam. Naku, wala naman kayong ginagawang masama. Possible pa ang pinsan niyo, pero kayo? Wala.” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Halos lahat ng mga kasambahay na nagta-trabaho rito ay ayaw kay Via. Kakausapin ko na lamang siya bukas sa school. “Sige po, ate Kira. Magbibihis po muna ako bago ako pumunta sa office room ni lolo. Marumi po ako, eh,” saad ko sa kanya. “Sige po, Miss Mallory, hintayin ko na lamang po kayo rito sa labas ng room niyo.” Tinanguan ko na lamang siya. Pumasok na ako sa loob ng kʼwarto ko at dumiretso sa aking banyo. Naghugas ako ng kamay ko at ang aking mukha. Nagpunas ako at nagpalit ng aking suot na shirt kasi may dumi iyon na lupa. Kaya nang makitang maayos na ako ay lumabas na rin ako at hinatid na ako ni ate Kira papunta sa office room ni lolo. Si ate Kira na ang kumatok para sa akin at pinagbuksan na rin niya ako ng pinto. “Sige po, Miss Mallory, pasok na po kayo. Hindi po ako pʼwedeng pumasok, hintayin ko na lamang po kayo rito,” nakangiting wika niya sa akin. Malaking ngumiti at tumango ako sa kanya. “Salamat po, ate Kira! Pasok na po ako. Paglabas ko po ay magme-meryenda na po ako,” sagot ko sa kanya at kumaway pa bago ako humakbang papasok sa office room ni lolo. Unti-unting nawala ang malaking ngiti ko nang makitang hindi lang pala si lolo ang nasa loob ng office room niya, maging sina mommy, daddy, uncle Jerry, tita Victoria and kuya Adam. Nandito silang lahat kaya nagtataka ako kung anong mayroʼn. “Lolo, bakit niyo po ako pinatawag? May ginawa po ba akong masama?” pagtatanong ko sa kanya. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya kinakabahan ako ngayon. Pinaglaruan ko tuloy ang aking daliri para mawala ang kaba ko, ganito ang ginagawa ko para hindi mapansin ang tingin na binibigay nila sa akin. “Mallory, apo, lumapit ka sa akin.” Napataas ang tingin ko kay lolo at nakita ko ang nakangiting mukha niya. Tumango ako sa kanya at lumakad palapit sa kanya. “Ikaw ang unang apo kong babae, alam mo ba iyon?” nakangiting sabi ni lolo sa akin. Tumango ako sa kanya. February 15 ang birthday ko. Si Via naman August 27. Same kami ng year pero nauna ako ng month kaya ako ang unang apo na babae. “Opo, lolo, kasi po February 15 po ang birthday ko kaysa kay Via na August 27 po. Bakit niyo po sinabi niyon?” takang tanong ko sa kanya. Nakita ko ang mukha nina mommy and daddy na nag-aalala pa rin sa akin. Si uncle Jerry naman ay nakatingin lamang sa akin. Ano ba talaga mayroʼn? “Apo, nagkaroon kami ng kasunduan ni Ray noon. Kapag nagkaroon kami ng anak na unang babae at unang lalaki ay ipagkakasundo naming ikasal silang dalawa pero sa kasamaang palad, parehong dalawang lalaki na panganay ang naging anak naming dalawa kaya hindi nangyari iyon. Kaya ngayon, sa inyong mga apo namin tutuparin ang pangako namin sa isaʼt isa. Si Rey ang unang apong lalaki ni Ray at ikaw naman ang unang apong babae ko... Kaya pinagkakasundo kita sa apo niyang si Rey, Mallory,” paliwanag ni lolo sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni lolo sa akin. Nine years old pa lang ako kaya hindi ko alam talaga ang sinasabi niya. Basta ang alam ko lang ay nangako siya kay lolo Ray, ang lolo ni Rain. “P-pinagkasundo po? A-ano po iyon, lolo?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “M-Mallory!” Nagulat ako nang may yumakap sa akin, nakita ko si mommy na bakas pa rin talaga ang lungkot at pagkabahala sa kanyang mga mata. “Dad, Mallory is only nine years old. Mag-tu-turn to ten pa lamang siya next month. She's to young for that! Tumututol kami ni Arthur!” malakas na sabi ni mommy. “I know, Melissa! Sinasabi ko lang kay Mallory ang mangyayari sa kanya kapag nag-turn na siya ng 18 years old. Mas mabuting mas maaga malaman ni Mallory ang tungkol dito kaysa malaman pa niya kapag nag-turn to 18 years old pa siya,” ma-otoridad na sabi ni lolo kay mommy. Naramdaman ko ang panginginig na kamay ni mommy sa aking braso. “M-mommy, a-are you okay po? A-ano po iyong sinasabi ni lolo? Pinagkasundo po ako kanino?” pagtatanong ko sa kanya. “Apo, pinagkasundo kita kay sa unang apo ng lolo Ray mo na si Rey, ang panganay na kapatid ng matalik mong kaibigan na si Rain. Kayo ang pinagkasundo naming dalawa dahil kayo ang unang apo na lalaki at unang apo kong babae,” sagot ni lolo sa akin. Namilog ang aking bibig dahil sa sinabi niyang iyon. “P-po? S-si kuya Rey?” pagtatanong ko sa kanila. Hindi ko pa nakikita sa personal si kuya Rey dahil simula noong mag-aral siya ay nasa Canada na siya pinatira at tanging si Rain lamang ang nandito kasama si lolo Ray at ang mommy niyang si tita Richelle. Nasa Canada naman ay sina tito Raffy and kuya Rey para asikasuhin ang business nila roon na five star restaurants. Tumango sa akin si lolo at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Humiwalay ako kay mommy sa kanyang pagkakayakap at lumakad palapit kay lolo. “Yes, apo, si Rey ang pinagkasundo ko sa iyo,” nakangiting sabi niya sa akin. Napatingin ako sa tiles nang sabihin ni lolo iyon sa akin. Nararamdaman kong nag-iinit ang aking magkabilang pisngi, maging ang tuktok ng aking tenga. Bakit ganoʼn ang nararamdaman ko ngayon... Kumakabog nang malakas ang aking dibdib. Sobrang lakas na parang gusto ng kumawala sa aking katawan. Baka marinig ni lolo ang kabog nito. “P-paano po kapag ayaw niya sa akin, lolo? Anong gagawin ko?” tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa aking gilid at pinaglaruan ang aking magkabilang daliri habang hinihintay ang sagot ni lolo sa akin. “Magugustuhan ka niya, apo. Wala ni-isang lalaking hindi nagkakagusto sa iyo, Mallory. Masipag, mabait, magalang, matalino at maganda kang bata. Ipakita mo lamang kay Rey kung sino ka talaga. Sa ten birthday mo ay darating siya, okay?” nakangiting sabi ni lolo sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni lolo. Ngumiti akong malaki sa kanya. “Okay po, lolo! I do my best po!” nakangiting sabi ko sa kanya. Ginulo na lamang ni lolo ang aking buhok at nakita ko ang pagtingin niya kay kuya Adam. “Adam, lumabas na kayo ni Mallory. Mag-uusap pa kaming lahat na nandito,” utos ni lolo kay kuya Adam. “Yes po,” sagot niya at lumapit sa akin. “Come on, Mallory.” Tumango aako sa kanya at tinignan si lolo, ningitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Ano pa kaya ang pag-uusapan nila? Tungkol kaya sa business na mayroʼn kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD