“Miss Mallory, ayos lang po ba kayo? Nakita po namin ni Cali na tumakbo nang mabilis si Miss Via, umiiyak po.”
Napailingon ako kay ate Kira at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. “May hindi po siya naiintindihan, ate Kira... Hindi ko po alam kung alam niyo po ang about sa arrangement na mayroʼn ang mga Gilmore at Hernandez... Pero, ako po ang naka-engage sa unang apo ng mga Gilmore, at iyon ay si kuya Rey po dahil ako naman po ang unang apong babae sa mga Hernandez. Iyon po ang pinag-usapan namin ni Via,” paliwanag ko sa kanya.
Hinawakan ni ate Kira ang kamay ko at maging ang aking pisngi. “Huwag niyong pansinin si Miss Via, Miss Mallory. Alam po namin ang tungkol doon, matagal na ako rito sa mga Hernandez. Hindi mo kasalanan na ikaw ang unang apo kaysa kay Miss Via na lumabas pagkatapos ng six months kaysa sa iyo. Kaya huwag mong intindihin iyon. Kung siya rin ang ipapakasal sa mga Gilmore, hindi rin siya magustuhan ni Young Master Rey,” nakangiting sabi niya sa akin.
Napatingin ako kay ate Kira. “Oo nga po pala, ate Kira, alam niyo po ba ang ugali ni kuya Rey?” Naalala kong nakilala ni ate Kira sa kuya Rey dahil magkaibigan sina kuya Adam at siya, two years lang naman ang agwat nilang dalawa.
Tumango siya sa akin. “Oo naman, Miss Mallory. Hindi ko nga lang sure kung ganoʼn pa rin ang ugali niya, ha? Ilang taon na ba siya ngayon, 16 years old baka nag-iba na rin ang ugali niya. Pero, noong bata pa siya, sobrang masiyahin siya at laging active sa mga laro katulad ng basketball, kaya basketball player ngayon si Young Master Adam dahil iyon ang always nilang nilalaro ni Young Master Rey... Then, tahimik lamang siya at ano pa ba... Hmm... Sobrang mahal niya ang pagluluto, siguro nasa dugo na nila iyon, ang maging talented na Chef,” mahabang sabi ni ate Kira sa akin. “Pero, ang mga ugali na sinabi ko sa iyo ay noong five years old pa lamang si Young Master Rey. Baka nagbago na rin ang ugali niya ngayon, lalo naʼt binata na siya. Ang maganda siguro, Miss Mallory, ipakita mo lamang sa kanya kung ano talaga ang ugali mo. Maraming nagmamahal sa iyo kaya paniguradong mamahalin ka rin niya.” Hinaplos niya ang aking buhok. “Kaya ngumiti ka na, Miss Mallory. Hayaan mo na niyong pinsan mo.” dagdag pa niyang sabi sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya at tumayo na rin sa aking pagkakaupo rito sa Gazebo. “Okay po, ate Kira! Susundin ko po ang sinabi niyo. Ipapakita ko kay kuya Rey ang totoong ugali ko po,” malaking ngiting sabi ko sa kanya at lumakad na kami pabalik sa bahay.
Hindi ko na lamang papansinin ang sinabi ni Via sa akin. Hindi naman siya dapat ang sundin ko, tanging si Lolo lamang. Siya ang nagsabi sa akin na ako ang ma-e-engage kay kuya Rey at hindi siya. Kaya bakit ako susunod sa kanyang utos.
Kinabukasan, maaga akong lumabas sa room ko. Maaga rin akong nagising dahil kahit anong limot ko sa sinabi ni Via ay nilalamon ako. Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinasabi ni Via sa aking isipan kaya iniiling ko na lamang iyon at hindi pinapansin.
“Hey, morning!” bati ni kuya Adam sa akin nang makasabay ko siya sa hallway, nasa iisang side lamang ang aming room, kahilera namin ang theater room.
“Good morning po, kuya Adam! Ang aga niyo pong nagising, ha?” nakangising sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagningkit ng kanyang mga mata sa akin. “Ginalaw yata ni ate Kira ang alarm clock ko. Tsk!” sungit niyang sabi sa akin kaya napangiti na lamang ako sa kanya.
Inunahan ko na lamang siya sa pagbaba dahil paniguradong masungit ang isang ito ngayon. Nang makababa ako sa dining room ay nakita ko si Lolo na nakaupo na sa kanyang upuan.
“Good morning po, Lolo, mom, dad and Asher!” masayang bati ko sa kanila at naupo na sa tabi ni kuya Adam at sa tabi ni dad.
“Good morning, my apo, also to you, Adam,” saad ni Lolo kay kuya Adam na masungit ngayon.
Tinanguan lamang niya si Lolo at nagsandok naʼng pagkain, hindi man lang nagdasal muna. Nang matapos akong manalangin ay kumain na rin ako, akala ko magiging tahimik ang paligid namin pero naging maingay iyon dahil sa business na pinag-uusapan nina mom, dad and Lolo.
“Arthur, kumusta ang AMA Convenience Store mo? Lumalakas ba ang kita?”
Oo nga pala, may convenience store pala kaming business. Business niyon ni daddy, May dalawang branch na kami. Isa rito sa may labas ng village at ang isa ay roon sa may subdivision kung saan nakatira ang loloʼt lola ko sa side ni dad.
“Yes po, dad. Balak ko pong magtayo ng third branch po this year. Pinag-iisipan ko pa po kung saang location ko ilalagay,” sabi ni dad kay lolo.
“Thatʼs good to hear. Huwag niyo rin kalimutan ang business ng family ko, Melissa and Arthur. Ang TechTalk ay ang family business natin kasama ang TechCash na hawak na nila Jerry ngayon,” saad ni Lolo.
“Yes, dad, promise namin palalaguin ang TechTalk na binigay niyo sa amin,” sagot ni mommy.
Telecommunication and bank pala ang pinaka-main business ng mga Hernandez kaya naka-focus sina mom and uncle Jerry.
“Adam, ikaw ang susunod na hahawak sa business natin, okay?” Nakita ko ang pagtango ni kuya Adam.
See, sumusunod siya palagi kay Lolo. Takot din siya mawalan ng mana.
Natapos na rin kaming kumain kaya tumayo na kami ni kuya Adam. “Babye, Asher! See you later!” saad ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Babye, ate Mallowy and ʼYa Adam!” malakas niyang sabi sa amin at kumaway sa amin.
“Galingan niyo sa school, Adam and Mallory,” saad ni mommy sa amin.
Tumango kami sa kanya. “Yes po, mom, dad and Lolo! Bye po!” malakas na sabi ko sa kanila at pumasok na sa loob ng kotse, si kuya Sid pa rin ang nagda-drive sa amin.
“Hey, narinig ko pala mula kay ate Kira na kinausap ka ni Via. Anong sinabi sa iyo?”
Napatingin ako kay kuya Adam dahil sa sinabi niyang iyon. “Um, kinausap lang po niya ako about sa engagement ko kay kuya Rey... M-may crush po ba siya kay kuya Rey?” pagtatanong ko kay kuya Adam.
Nakita ko ang pagsandal niya at tinignan niya ako. “I donʼt know, hindi pa naman kayo buhay dito sa mundong ibabaw noong nandito pa sina uncle Raffy and Rey, right? Six years agwat niyo sa kanya at six years old siya nang umalis dito sa Pilipinas papunta sa Canada, kapapanganak mo pa lamang iyon at nasa sinapupunan pa ni tita Victoria si Via. Kaya hindi ko masasabing may crush siya kay Rey,” mahabang sabi niya sa akin.
“Eh, kung wala siyang crush kay kuya Rey... Ano iyong sinasabi niya sa akin kahapon? Bakit ganoʼn ang rection niya nang malamang ako ang naka-engage kay kuya Rey at hindi siya. Pinipilit niya ako kagabi na tumutol daw ako kay Lolo para siya ang pumalit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kuya Adam. Gulong-gulo ako,” sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya at buhok ko at inipit ang ilang hibla sa aking tenga. “Huwag mo na lamang pansinin si Via. Hayaan mo siyang magreklamo sa iyo, but sa susunod na Kakausapin ka niya ay sabihin mo kay Lolo siya magreklamo at hindi sa iyo, para manahimik siya.” Brutal din talaga magsalita si kuya Adam. Wala sa katawan niya ang salitang gentleman.
“Okay po, kuya Adam,” saad ko na lamang at lumingon ako sa may bintana. Iyon siguro ang best answer na isasagot ko kay Via once na kausapin pa niya ako about sa engagement na iyon.
Nauna akong dumating sa classroom namin. Wala pa sina Rain and Asta. Gusto ko ng i-kʼwento kay Rain ang sinabi ni Via sa akin. Kating-kati na ang labi ko, paniguradong maiinis na naman siya. Ay, palagi naman pala siyang inis kay Via.
“Good morning, best friend kong si Mallory!”
Napalingon ako sa may pinto ng classroom ng marinig ko ang malakas niyang boses. Kumaway ako sa kanyang at ningitian. “Rain, kanina pa kita hinihintay! May sasabihin ako sa iyo, dalian mo!” malakas na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagmamadali niyang paglakad palapit sa akin. “Ano ang sasabihin mo sa akin, Mallory?” Taas-baba ang kanyang kilay nang tanungin niya ako at makaupo sa tabi ko.
“Um, kagabi... Kinausap ako ni Via... Tungkol sa engagement ko with kuya Rey. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, basta sinabihan niya lang ako kagabi na tumutol daw ako at hindi kami bagay ni kuya Rey,” mahinang sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. “What? Inaway ka ng bruhildang pinsan mo? Sinabihan ka rin na huwag tanggapin ang engagement sa inyong dalawa? Ano siya Diyos?” Tumango ako sa kanya. “Sinabi niya talaga iyon? Wow! Hindi kayo bago ni kuya Rey? Sinong bagay para sa kuya ko? Siya? No way! Tututol ako kung siya man ang papalit sa iyo. Ayoko sa kanya. Ayoko siyang maging sister-in-law, Mallory. Gusto ka nga rin ni mommy kaya dapat ikaw ang maging sister-in-law ko!” saad niya sa akin. “Argh, umagang-umaga pinaiinit ng Via na iyan ang ulo ko. Yari siya sa akin mamaya sa recess. Magpaparinig ako sa kanya. Siya mga grade 4 pa lang pero magkakasing-edad lang naman tayong apat pero tayo ay grade 5 na kaysa sa kanya. Paano naman kasi obob siya! Makikita niya ang ganting gagawin ko sa kanya.” Bakas sa boses ni Rain ang inis.
Dapat pala hindi ko na lamang sinabi sa kanya ang tungkol dito.
Mukhang mapapa-guidance pa yata si Rain mamaya.
“Hello, Mallory and Rain! Hindi ako late ngayong araw!” malakas at masiglang sabi ni Asta sa amin, pero agad din siyang napahinto at nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang masungit na mukha ni Rain ngayon. “Oh, bakit ang pangit ng mukha mo ngayon, Rain? Anong mayroʼn, ha?” takang tanong niya at tinuro pa ang kaibigan namin.
“Asta,” madiin na sabi ni Rain sa pangalan niya. Hinawakan pa ni Rain ang balikat ni Asta kaya nagtataka siyang napatingin sa akin.
“Wha-why? May nagawa ba akong masama, Rain? Wala naman, ʼdi ba? Weʼre best friends!” malakas na sabi ni Asta. Para siyang pusa ngayon na nakaharap sa malaking aso. Ganoʼn ang itsura niya.
“Wala naman. But, naiinis ako today... Kailangan nating asarin ang Via na iyon mamaya, okay?” nakangising sabi ni Rain.
Maging ako ay natatakot na rin sa itsura ni Rain ngayon.
“B-bakit? I-Inaway ba kayo ni Via?” takang tanong ni Asta.
“Not me... Si Mallory. Inaway niya ang kaibigan natin kaya kailangan natin gamitin para sa kanya, okay? Gusto mo bang malaman kung ano ang pinag-uusapan namin kahapon ni Mallory?”
Nakita ko ang sunod-sunod niyang pagtango sa sinabi ni Rain. “Yes, pero, sabi niyo girl's talk niyon?”
“Girlʼs talk nga pero best friend ka rin namin, Asta. Para na rin hindi ka na umasa kay Mallory,” nakangising sabi ni Rain.
“Hey, wala akong gusto kay Mallory!” malakas niyang sabi at tinignan niya ako. “Huwag kang maniniwala rito, Mallory, ha? Abnorm—aray! Hindi ka naman mabiro!” Napahawak siya sa kanyang noo dahil pinitik niyon ni Rain.
“Ang pinag-uusapan namin kahapon ay tungkol sa engagement ni Mallory with kuya Rey... Huwag kang sisigaw,” babalang sabi ni Rain sa kanya.
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “S-seryoso?” Tumango ako sa kanya. “Paano kayo na-engage ni kuya Rey ganoʼng nasa ibang bans—”
“Bell na! Umayos ka ng pagkakaupo dʼyan, Asta! Alis, ako dʼyan! Mamaya na natin ituloy ang story na ito at mamaya na natin aawayin ang Via na iyon!” malakas na sabi ni Rain.
“Saglit lang! Huwag kang manulak! Bakit kasi ang bilis mag-bell, ha?”
Napailing na lamang kami kay Asta. Siya itong always dumadating na ten or five minutes na lamang ay start naʼng class.
Sinisisi pa sa bell.