REY POINT OF VIEW
I was here in our library to read some books about my study here in Canada. Simula nang matuto ako magsulat, at magbasa ay nandito na ako, kasama si dad. Sinasanay akong asikasuhin ang business ni grandpa dahil ako ang susunod na magmamana sa business naming Gil Five Restaurants.
Ang mga Gilmore ay angkan na magagaling sa pagluluto, kaya mostly sa mga Gilmore ay Chef, ganoʼn din ang tatahakin kong landas kaya sinasanay ko na ang sarili ko sa mga knife, sa mga pot and sa tamang way ng paghawak ng mga sandok. Lahat ng iyon ay natutunan ko habang nandito ako sa Canada, sa tulong na rin ni dad.
“Young Master Gilmore, pinapatawag po kayo ng dad niyo sa kitchen ngayon.”
I lift my head towards sa pinto. Nakita ko ang kasambahay amping na galing sa Philippines na si ate Ruby. Tumango ako sa kanya. Nilagyan ko ng bookmark ang aking book na binabasa at binaba iyon sa table. Tumayo na ako at dinaanan si ate Ruby. “May bago na naman po bang dish na ituturo sa akin?” pagtatanong ko sa kanya.
“Sorry, Young Master, walang sinabi si Master Gilmore kung bakit kayo pinapatawag ngayon,” saad niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. “Really? So, itʼs urgent, but... Bakit sa kitchen kami need mag-usap?” tanong ko sa aking sarili.
Napabuga na lamang ako at lumakad na muli papunta sa kitchen namin. When I stepped my both feet in our kitchen, naamoy ko agad ang niluluto ni dad, Itʼs paella. One of the best dish we have sa restaurant namin here sa Canada.
“Dad, pinapatawag niyo raw ako sabi ni ate Ruby,” saad ko sa kanya at sinuot ang apron sa aking katawan.
Heto ang number 1 rule sa bahay namin, ang mag-suot ng apron kapag nandito sa kitchen.
“I have something to tell you, Rey... You should know about it too because your grandpa told me that uncle Jeremiah said about it to his first granddaughter," saad ni dad sa akin.
Nakatingin lamang ako sa kanyang sinabi. I don't know what he's talking about. “First granddaughter, dad? Y'all referring to Adam's sister?” tanong ko sa kanya at tinignan ang ginagawa niyang paghiwa sa beef.
“Yes, she is. Ano nga ang pangalan niya?”
I was wondering what the name of Adam's sister was. Hindi ko siya naabutan nang maipanganak siya. Nandito na kami ni dad sa Alberta, Canada when I was six years old.
“Um, I donʼt know, dad. Hindi na rin kami gaano nag-uusap ni Adam,” I answered him.
“Really? I forgot the name, nasabi na ni dad ang name ng apo ni uncle Jeremiah...” Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. “Tignan mo ang social media ni Rain, I know mag-best friend silang dalawa.”
Tumango ako sa sinabi niya at kinapa ang aking ang short na suot ko. Nandoon ang aking phone. Tinignan ko ang facetagram account ni Rain, nakita ko agad ang name niya. “Um, Mallory,” saad ko kay dad.
Tinaas niya ang hawak niyang kutsilyo. “Ah, thatʼs right, Mallory ang name niya... Meaning sa biblical ay tough minded and wild spirit...” sabi niya sa akin.
“Dad, ano pong mayroʼn sa kanya? Ano po sinabi ni grandpa about kay Mallory?” pagtatanong ko sa kanya.
My heart beats faster. I want to know what Mallory has.
Binaba niya ang knife na hawak niya. “Arrange marriage sa pagitan niyong dalawa, Rey,” matalas niyang sabi sa akin.
“Arrange marriage? What do you mean, dad?” takang tanong ko sa kanya.
“Naka-engage ako kay Mallory? Sa kapatid ni Adam? Paanong nangyari iyon, dad?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Nagkaroon ng pangako ang grandpa and uncle Jeremiah noon... Once na magkaroon sila ng panganay na anak na babae at panganay na anak na lalaki ay ikakasal silang dalawa, but both of them, lalaki ang panganay nila. Ako sa grandpa niyo, kay uncle Jeremiah ay si Jerry. Kaya naipasa sa inyong mga apo ang pangako nila... Unang apong lalaki kay dad at unang apong babae kay uncle Jeremiah... In short, ikaw iyon, Rey at si Mallory kay uncle Jeremiah,” mahabang sabi ni dad sa akin.
I couldn't speak and I was trying to process what my dad told me. “B-but, six years ang agwat ng age namin, dad. She's too young for me,” sabi ko sa kanya. “And, isa pa, paano kung ayaw niya sa akin? What should I do?” pagtatanong ko sa kanya.
Alam kong six years ang agwat naming dalawa. Naalala ko ang sinabi ni Adam sa akin, nanganak na si tita Melissa sa kapatid niyang babae at nandito na ako sa Alberta, and I was five years old that time and turning to six years old dahil ang birthday ko ay May 13. Kaya two months lamang ang agwat naming dalawa.
“Whether she likes it or not, she's arranged for you, Rey. Naka-arrange na ang marriage niyo sa isaʼt isa,” sagot ni dad sa akin sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa niya. “Iyon lang ang gusto kong sabihin sa iyo, Rey. And, take note, sa February 12 ay uuwi tayo sa Philippines para umattend sa 10th birthday niya at makilala niyo ang isaʼt isa. Kaya gawin mo ang lahat para mapalapit siya sa iyo. Iyon ang hiling ng grandpa mo sa iyo, huwag mong biguin,” huling sabi niya sa akin, na siyang pagtango ko.
“Copy, dad. Hindi ko bibiguin si grandpa,” saad ko na lamang.
Wala na rin ako magagawa kung ʼdi sumunod sa utos nila. Matagal na iyon plinano kaya dapat sundin ko rin ang arrange marriage na iyon.
Itʼs been a weeks. Nasa isip ko ang sinabi ni dad na naka-engage ako sa kapatid ni Adam. I know na planado na ito nina grandpa and grandpa Jeremiah ever since na ipanganak kami rito sa Mundo. But, hindi ko maisip na ikakasal ako sa kanya. Never ko pa siya nakikita, tanging sa mga picture and video call lamang once na kino-contact ako ni Rain.
I need to know about her. Need kong kausapin si Adam. Nakatitig ako sa aking phone habang nakaharap sa name ni Adam. Itʼs been a while nang huling nag-chat kaming dalawa, one year ago, nagbatian kami ng Happy New Year last year at hindi na nasundan nitong year. Nakakahiya man ako ang unang magcha-chat ay kailangan kong lakasan ang loob ko para makakuha ng ideya about sa ugali ng kapatid niya. Ayoko naman mag-ask kay Rain dahil sobrang daming sasabihin ng isang iyon, pero mas reliable source siya dahil best friend niya si Mallory.
Huminga akong malalim at nag-compose ako ng chat para kay Adam.
Rey:
Hello, Adam, no time no chat! Actually, I want to ask you something... Regarding to your sister, Mallory. I know nalaman mo na rin ang about sa arrange marriage sa pagitan naming dalawa ng sister mo... Kaya gusto kong itanong kung anong ugali ang mayroʼn siya? Thanks, Adam! Sorry if ngayon lang ako nag-chat muli.
I sent it right away.
Nilapag ko ang phone sa side table. Maghihintay ako sa reply niya, sana nga lang ay reply-an niya ako.
Nagbasa na lamang muna ako ng books about cooking. Ito ang ginagawa ko kapag nasa bahay lang ako, walang cooking class, walang school. Ang magbasa.
I saw my phone blink, twice. Binaba ko ang aking book at muling dinampot ang phone kong nasa side table. Napangiti ako nang makita ang reply ni Adam.
Adam:
Hello, Rey, it's been awhile. Yeah, I heard about that, sinabi na ni Lolo sa amin lalo na kay Mallory ang tungkol sa engagement niyong dalawa.
Um, about kay Mallory? Magkaiba ang ugali niya, opposite. Friendly, bubbly, mabait, matalino at higit sa lahat sobrang mahal ang mga halaman at bulaklak Iya, ganoʼn ko ma-i-de-describe ang kapatid ko, Rey.
Kaya in case na wala kang gusto sa kapatid ko. Better to refuse the arrange marriage na mayroʼn kayong dalawa. Ayoko siyang masaktan, lalo naʼt dama kong may crush siya sa iyo kahit sa video call ka lang niya nakilala dahil na rin siguro kay Rain. Payong kaibigan lang, ayokong nasasaktan ang kapatid ko.
Napangisi ako nang mabasa ang chat niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Sobrang possessive pa rin niya pagdating sa kapatid niya.
Rey:
Hello, I know, kaya gusto ko muna siya kilalanin. And, if hindi talaga kami magkakasundo, ako na ang tututol sa arrange marriage na mayroʼn kami. Donʼt worry, Adam, wala akong balak paiyakin ang kapatid mo lalo naʼt alam kong magagalit din si Rain.
Hindi rin nagtagal ay nakakuha muli ako ng reply mula sa kanya. Mukhang hawak niya ang kanyang phone.
Adam:
Thatʼs good to hear, Rey. Oh, by the way, got to go, nag-water break lang kami. May practice pa kami ng basketball. See you soon!
Rey:
I see. See you soon. Break a leg!
Iyon ang huling chat ko sa kanya. Heʼs into basketball pa rin. Pero, ako? Dinala na sa pagiging Chef dahil sa family na mayroʼn ako.
Weʼre opposite, huh? But, I will try to know more about kay Mallory. I wanted to know her a lot. Lalo naʼt malaman kong she loves plants. Magandang combination iyon for us.
February 12, ngayon ang araw ng pag-uwi namin sa Philippines ni dad. Ang bilis ng araw at hindi ko nga namalayan, mabuti na lamang ay nakabili pa ako ng gift for her and pasalubong para kay Rain at sa family nila Adam.
“Rey, are you done? We need to go!”
Narinig ko ang malakas na boses ni dad kaya sumigaw ako nang malakas pabalik sa kanya. “Yes, dad!” Hinawakan ko na ang aking malaking maleta at isang hand carry na bag. Lumabas na ako sa room ko. “Dad, need ko ba talaga? About may engagement?” pagtatanong ko sa kanya.
“Of course, Rey, come on, we should go. Baka mahuli tayo sa flight natin,” saad niya sa akin.
“Ruby, kayo na muna bahala sa bahay, okay? Tumawag na lamang kayo kapag may kailangan kayo, okay?” baritonong sabi ni dad sa tatlong kasambahay namin na maiiwan, sina ate Ruby, ate Cathy and kuya Danilo na siyang driver namin at maghahatid sa amin sa airport ngayon.
“Yes, Master Gilmore. Have a safe flight,” saad ni ate Ruby sa amin.
Sumakay na kami sa kotse para maihatid na sa airport, hindi naman tatagal ng kalahating oras ang byahe namin papunta roon. Kaya ilang saglit lamang ay nandito na rin kami sa airport ng Alberta, nakapag-check in na rin kami at ngayon ay tinatawag na ang flight namin papunta sa Philippines.
Huminga akong malalim dahil pagkatapos ng ten years ay makababalik ulit kami sa Philippines. Sana maging maganda ang pagbalik namin kahit ang purpose ng pagbalik namin ay para makilala ko si Mallory. Napalunok na lamang ako sa iniisip ko, ikakalma ko na muna ang aking isipan dahil ilang oras lamang ay muli ako aapak sa Philippines.