NAGING mabilis ang pag-ikot ng kamay ng orasan, hindi ko namalayang isang buwan na pala ang nakakalipas. Isang buwan na ring nakakalipas nang kausapin ako ni Via, until now hindi pa niya ulit ako kinausap lalo na nuʼng inaway siya nina Rain and Asta dahil sa sinabi kong pagkompronta niya sa akin. At, nang pagalitan siya ni Lolo dahil sa pagsisinungaling niya. Mukhang may galit na talaga siya sa akin. Totoo naman ng sinabi kong iyon. “Hoy, Mallo, ang lalim na naman ang iniisip mo. Ano na namang mayroʼn? Magkaaway pa rin ba kayo ni Via?” Tinignan ko si kuya Adam. Pareho kaming nasa library kasama si Asher na abala sa pagko-color ng kanyang coloring book. “Yes po, kuya Adam. Isang buwan na po. And, ilang linggo na lamang din ay birthday ko na po, ʼdi ba? Kinakabahan akong makita si kuya