CHAPTER 8: CCTV

2217 Words
“Tignan mo ang pinsan mo, Mallory, nauna pang nag-walk out. Ayaw talaga magpalamang, ano?” Hindi makapaniwalang sabi ni Rain sa akin habang napapailing na lamang siya na nakatingin sa dinaanan ni Via. Napangiti na lamang ako sa kanya. “Hoy, tara na, need na rin natin lumakad pabalik sa classroom at baka ma-late pa tayo!” sigaw ni Asta kaya lumakad na rin kami ni Rain pabalik sa classroom namin. “Hay.” Napabuga ako ng aking hininga nang maisip na baka magsumbong si Via mamaya kina uncle Jerry and tita Victoria. Mayayari talaga ako nito. Marunong pa naman gumawa ng kʼwento si Via. Alam ko namang hindi agad naniniwala si uncle Jerry sa sinasabi ni Via pero si tita Victoria, mapaniwalain iyon lalo na kapag sinabi ni Via. Anong sasabihin ko? Paano ko ipagtatanggol ko si Rain once na magsumbong siya? “Hoy, Mallory, tinatawag ka ni Teacher.” Napatingin ako kay Rain nang kalabitin niya ako. Nakita ko ang pagnguso niya sa harap namin. “Si Teacher tinatawag ka. Mag-recite ka raw,” bulong niyang sabi at humarap sa may white board. “Miss Manriquez, pay attention with me!” Dumagundong ang boses ng Teacher namin kaya napatayo ako. Napalunok ako sa kanyang sinabi at tinuro ang white board. Nakita ko roon ang equation na kanyang sinulat. “Answer this, Miss Manriquez!” malakas niyang sabi sa akin kaya tumango ako sa kanya. “4 po ang answer, Teacher,” sagot ko sa kanya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. “Very good, Miss Manriquez! Pay attention, okay? Hindi porket matalino ka pʼwede ka ng hindi makinig sa akin. Kapag ako ang teacher niyo sa harapan ay makinig kayong mabuti!” malakas niya pang sabi. “Yes, teacher!” malakas naming sagot at muli na akong umupo. Hindi na muna ako naging airhead ngayong oras. Hinayaan ko muna ang sarili kong makinig sa lesson niya. Baka mapagalitan na naman ako. “Hoy, best, bakit lutang ka yata kanina? Alam mo namang masungit ang teacher natin kapag mathematics, doon ka pa naging lutang, ha? Sa dami ng subjects,” pagtatanong ni Rain nang umalis na si teacher sa harapan. “Tama iyon, Mallory, mabuti na lamang matalino ka at na sagot mo agad ang tanong. Paano kung mali ang sagot mo, paniguradong standing ovation ka buong class niya,” segunda ni Asta sa akin. Concern sila sa akin, ano? Malakas akong napabuga at tinignan silang dalawa. “Iniisip ko si Via, Rain and Asta... Baka magsumbong siya kay tita Victoria. Alam niyo namang sinusunod ni tita Victoria ang mga sinasabi ni Via kahit hindi naman totoo, right?” ani ko at muli na namang naisip ang scenario na pʼwedeng mangyari mamaya. “Ay, iyon lang pala ang iniisip mo, Mallory. Huwag mong isipin iyon, okay? Ako naman ang kumausap kay Via at hindi ikaw. At saka, totoo naman ang sinabi ko. Hindi sila bagay ni kuya Rey, tututol ako if silang dalawa ang ma-engage sa isaʼt isa. Kaya huwag mong alalahanin iyon. Sumbungera naman talaga ang bruhang pinsan mo. Ngayon pa lang na bata pa tayo, what more pa kaya kapag nag-dalaga iyon? Paniguradong mahaba na ang sungay nuʼn kaya dapat gawin natin ay ipakita sa kanya na superiority tayo kaysa sa kanya! Kaya huwag kang kakabahan kay Via, Mallory, labanan mo siya para masabi niyang hindi ka niya kaya,” mahabang sabi ni Rain sa akin at tinapik ang aking balikat. “Um, ako? Wala na akong sasabihin. Si Rain naman talaga ang may kasa—aray! Totoo naman ang sinabi ko!” Ayan na naman sila nag-aaway na dalawa. Hindi na bago iyon kaya ayokong gumitna sa kanilang dalawa kapag nagtatabi kaming tatlo, baka madamay ako sa away nilang ganyan. Natapos na ang class namin. Tumayo na kaming lahat at binuhat na ang aking backpack. “Uwian na! Three days na lang weekends na ulit~” pakantang sabi ni Asta habang naglalakad na kami sa corridor. “Ayan ang gusto mo ang weekends para makapaglaro ka all day, ano, Asta?” “Two days na nga lang ako nakakapaglaro, pinapakealaman mo pa, Rain! Lubayan mo ko!” Nag-aaway na naman silang dalawa. “Iyong isip mo kasi ay paglalaro na naman ang nasa utak. Mag-aral ka muna para hindi ka mapatayo ng teacher natin,” saad ni Rain. Oo nga pala, napatayo siya sa class naming science. Hindi kasi siya nakikinig kaya nang tawagin siya ay hindi siya nakasagot. Hindi naman namin pʼwede siyang turuan, baka maging kami ay madamay. “Trip lang talaga ako ni teacher na patayuin! Makikita niya bukas makakasagot ako sa tanong niya!” proud niyang sabi sa amin. Napatigil ako nang makita ko agad si kuya Sid, hindi lamang siya ang nakaupo sa bench ngayon maging ang driver nina Rain and Asta. “Miss Mallory,” bati niya sa akin at kinuha ang backpack ko. “Thank you po, kuya Sid. Sasabay po ba sa atin si Via?” mahinang tanong ko sa kanya. Ngumiting umiling siya sa akin. “Hindi po, Miss Mallory. Nasa kabilang side na rin po ang driver niyang Luigi. Si Young Master Adam na lang po ang hihintayin natin,” sagot niya sa akin kaya tinanguan ko siya. Pinagbuksan na niya ako ng pinto sa backseat, bago iyon ay tumingin na muna ako kina Rain and Asta. “See you tomorrow,” nakangiting sabi ko sa kanila. “See you, Mallory!” “Agahan mo pagpasok bukas, best friend!” sabay nilang sabi sa akin at kinawayan din nila ako. Pumasok na ako sa loob ng backseat at hihintayin ko na lamang si kuya Adam. Paniguradong pawisan na naman siya. Ang baho na naman ng kotse. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin nang makita ko na rin si kuya Adam. Pumasok siya sa loob ng backseat at tama nga ang hula ko, pawisan na naman siya. “What? Uulitin ko, Mallory, mabango ako kahit pawisan ako,” sabi niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang magkabilang braso. “Buhat bangko, kuya Adam?” saad ko sa kanya. “Matabil din talaga ang dila mo, ano?” Napanguso na lamang ako sa sinabi niya at bigla niyang tinapat sa ilong ko ang towel niya. “Yuck, kuya Adam! Ang baho! Isusumbong kita kay mommy!” sigaw ko sa kanya. Kinuskos ko ang aking ilong dahil amoy pawis talaga. “Arte mo,” nakangising sabi niya. Ako pa talaga ang maarte, ha? “Hoy, Mallo? Nakita ko kayo kanina, ha? Sa tapat ng building ng grade 4, anong ginagawa niyo roon, ha?” Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ako umimik at tumingin lamang sa bintana. “Huwag mo kong daanin sa silent-silent na iyan, Mallo. Anong ginawa niyo kay Via?” Ngumiti akong tumingin sa kanya. “Um, kinausap nina Rain and Asta si Via, nasabi ko kasi kay Rain iyong usapan namin ni Via kagabi... Kaya ayon, kuya Adam... Kinakabahan ako baka magsumbong si Via kay tita Victoria,” pag-amin kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag-iling niya dahil sa sinabi ko. “Sinaktan niyo ba siya?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Hindi, kuya Adam. Sinabihan lang ni Rain na walang karapatan si Via na pagsalitaan ako na walang karapatan kay kuya Rey. And, ayaw niya kay Via bilang sister-in-law niya... Iyon lang ang sinabi namin,” sabi ko sa kanya. Iyon naman kasi ang totoo. “Iyon naman pala, Mallo, kung hindi niyo naman sinaktan si Via, bakit kayo matatakot?” saad niya sa akin at tinapik ang aking buhok. Lagi na lang heto ang ginagawa niya sa buhok ko, kaya nagugulo, eh. “Miss Mallory, tama ang sinabi ni Young Master Adam sa iyo. Ganoʼn naman talaga ang ugali ni Miss Via.” Napatingin ako kay kuya Sid dahil sa sinabi niyang iyon. Kaya kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Tumango-tango si kuya Adam. “Isipin mo, wala kang kasalanan, kayo nina Rain and Asta, gumanti lang kayong tatlo. Hindi niyo rin naman sinaktan si Via, right? Kaya huwag kang ma-guilty, Mallo. Nandito ako, ang kuya Adam mo,” saad niya sa akin at tinapik muli ang aking buhok. Wala na magulo na talaga. Napangiti ako sa sinabi ni kuya Adam sa akin. Sweet din siya minsan pero minsan lang iyon, katulad nito. “Thanks po, kuya Adam!” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil sa sinabi ni kuya. Oo nga naman wala akong kasalanan. Nauna si Via at gumanti lang kami. Katulad ng sinabi ni kuya Adam sa akin ay hindi ako natakot nang tawagin ako ni Lolo para pumunta sa study room niya. Taas-noo akong naglakad habang papunta roon. Kumatok si ate Kira sa pinto para sa akin at binuksan niya rin iyon, nakita ko sa loob ni Via habang malungkot ang mukha. Hindi ko alam kung ano na namang kʼwento ang sinabi niya kay Lolo. “Mallory, apo, maupo ka rito sa harap ni Via,” malumanay na sabi ni Lolo kaya sinunod ko siya. Naupo ako sa kaharap na silya ni Via na hindi maipinta ang mukha ngayon. Hindi niya maitago ang galit sa akin. “Mallory, totoo ba ang sinabi ni Via na sinaktan niyo siya nina Asta and Rain?” Napatingin ako kay Lolo nang marinig ang sinabi niyang iyon. “Um, hindi po totoo iyon. Kinausap lang po siya ni Rain dahil nasabi ko po sa kanya na kinausap ako ni Via kagabi... Pinagbantaan niya ako na tanggihan ang arrange marriage sa pagitan namin ni kuya Rey. Sabi niya kasi ay siya daw dapat ang nasa pʼwesto ko at hindi ako. Hindi naman daw po ako isang Hernandez dahil middle name ko lamang po iyon at isa akong Manriquez. Pinagsisigawan niya po ako kagabi na hindi ako karapat-dapat at sinasabi niyang tanging six months lamang ang agwat naming dalawa kaya siya na lang daw ang ipa-engage po kay kuya Rey,” sinabi ko lahat kay Lolo ang mga sinabi ni Via sa akin kagabi. “Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka, Mallory! Pinuntahan kita kagabi dahil gusto kitang bati—” “Nagsisinungaling ako?” Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin. “Bakit hindi natin panoorin ang CCTV kagabi, Via? May CCTV sa may Gazebo, ʼdi ba? Para malaman din ni Lolo kung sino ang nagsisinungaling sa ating dalawa,” matapang na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkaputla ng kanyang mukha dahil sa sinabi kong iyon. “P-p-pero, Lolo, nagsasabi ako ng totoo... Sinaktan talaga nila ako kanina, lalo na si Rain!” Iniiba niya ang usapan. “Hindi ka sinaktan ni Rain, Via. Kinausap ka lang din niya. Hindi ka namin tinulak, hindi rin kami masyadong malapit sa iyo nang kausapin ka namin, kaya huwag kang magsinungaling. At saka, bakit iniiba mo ang usapan? Ang sinasabi ko ay ang CCTV sa Gazebo, ʼdi ba? Ayaw mong malaman ni Lolo dahil totoo ang sinasabi ko ngayon,” matabil na sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang umiyak na siya. “Totoo naman ang sinasabi ko, cous! B-bakit ko naman sasabihin sa iyo iyon, ha? Pinangako na nina Lolo at grandpa Ray ang engagement niyo ni kuya Rey, binati lang kita pero ikaw itong pinagtaasan ako ng boses kaya sinigawan din kita. I'm sorry kung iba ang meaning sa iyo nuʼn,” umiiyak na sabi niya sa akin. Nakita ko ang pagpunas niya sa kanyang pisngi na wala namang tumutulong luha. Napailing na lamang ako sa kanya. “Lolo, nagsasabi rin po ako nang totoo. Hindi niya ako binati bagkus nilait niya ako. Ang makakasagot lamang ay ang CCTV.” Tinignan ko si Lolo habang sinasabi ko iyon. “Lolo, hind—” “Enough, both of you! Dalawa lang kayong babae kong apo nag-aaway pa kayong dalawa...” Napatingin siya kay Via. “Pinanood ko na ang CCTV, Via. Totoo ang sinasabi ng pinsan mo. Wala kang karapatan husgahan ang utos ko, maliwanag? Siya ang unang apo kong babae kahit nasa iisang taon lamang ang kapanganakan niyong dalawa, mas matanda pa rin si Mallory ng anim na buwan sa iyo!” malakas na sabi ni Lolo sa kanya. “Lumabas ka na, Via, i-reflect mo niyang ugali mo, maliwanag? Ayoko sa isang Hernandez ay sinungaling.” Napalunok ako sa baritonong boses ni Lolo. Nakakatakot talaga. Tumayo na si Via at yumuko kay Lolo, pero kita ko sa kamay niya ang pagkakuyom doon. “Yes po, Lolo, sorry po ulit,” mahinang sabi niya at lumakad na palabas sa study room. Nang kaming dalawa na lamang ang natira ay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. “Wait, Mallory, sa February 12, uuwian na si Rey at si Raffy dito sa Pilipinas para sa kaarawan mo at para makilala niyo rin ang isaʼt isa. Tandaan mo ang pormal niyong engagement ay kapag tumuntong ka sa edad na 18. Makakalabas ka na rin.” Tumango ako kay Lolo at naramdaman kong pagka-init ng aking magkabilang pisngi. Teka, uuwi si kuya Rey dito sa Pinas para sa akin. Hindi ko mapigilan ang paglaki ng ngiti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD