Chapter 06
3rd Person's POV
Mukhang nagsawa na si Lucky at Destiny. Hindi na nila nilalapitan si Fider. Hindi na ito hina-harassed either hinahalikan siya.
Tinanong ni Jasper si Fider kung anong problema nito. Wala sa sarili si Fider this past few days.
"Ha? Ayos lang ako. Busy lang ako sa pagpe-prepare ng mga bagahe nating dalawa," ani ni Jasper. Pinayagan kasi sila ng parents ni Jasper na umalis basta iimporma sila palagi at kasama si Fider.
"Sabi ko sa iyo tutulong na ako pero sabi mo huwag na. Gamit ko naman iyon," ani ni Jasper. Lumingon si Fider at sinabing kailangan niya i-make sure na dala lahat ni Jasper ang kailangan niya.
Ngumuso si Jasper at humalumbaba. Maya-maya lunch break na. Biglang tumunog ang speaker at pinatatawag si Jasper sa office.
"Ang pangit naman ng timing nagugutom na ako," ani ni Jasper. Tumayo si Fider at kinuha ang bag niya.
"Bibili ako ng lunch sa baba at bibilhan na din kita hintayin na lang kita dito," ani ni Fider. Tumawa si Jasper at sinabing the best si Fider. Kinuha ni Jasper ang gamit niya.
"Again, call Mr. Jasper Ortega. Go to faculty now."
"Grrr! Nandiyan na!" sigaw ni Jasper na akala mo maririnig ng nasa kabilang linya. Umalis na so Jasper matapos magpaalam kay Fider.
Lumabas na si Fider sa classroom. Napatigil si Fider nang makita niya si Destiny at Lucky. Nanapalibutan ito ng mga lalaki.
Napatingin ang dalawa sa kaniya then umiwas ng tingin. Naiinis si Fider doon ngunit— bumuga ng hangin si Fider.
"Ayaw niyo talaga mag-hang out? Masaya doon at mage-enjoy kayo," ani ng isa sa mga lalaki at hahawakan nito ang buhok ni Destiny nang may humawak sa wrist ng lalaki.
Nagulat sina Destiny at Lucky. Napaayos ang dalawa ng tayo mula sa pagkakasandal sa tailing.
"Ayaw ni Destiny sa lahat ang hinahawakan ang buhok niya," ani ni Fider. Binitawan ang kamay ng lalaki at naiinis na tiningnan ang mga lalaking parang mga bubuyog na umaaligid kina Destiny.
"Umalis ka nga dito nerd sino ka ba?" maangas na tanong ng isa sa mga kaklase ni Destiny.
"Boyfriend nila, may angal ka?" tanong ni Fider at hinila si Destiny at Lucky na hindi pa din maalis ang gulat sa mukha. Tumawa ang mga ito at sinabing nanaginip ng gising si Fider.
Nasa likod sina Destiny at sinamaan ng tingin ang mga lalaki matapos makitang mukhang papatulan ng mga uto si Fider. Nanlamig ang mga ito matapos makita ang expression ng dalawang babae at napaatras.
Hindi pwede mapaaway si Fider dahil sa scholarship nito na iniingatan. Umalis ang mga ito at sinabi ky Fider na hindi pa sila tapos.
Lumingon si Fider kina Destiny na nag-cross arm at umismid.
"Anong sinasabi mo na boyfriend ka namin? Ayaw mo sa amin hindi ba?" tanong ni Lucky na sinegundahan ni Destiny.
"Hindi mo kami gusto," ani ni Destiny. Napasapo si Fider sa noo at hinila na ang dalawa paalis doon. Masyadong maraming tao doon at pinagtitinginan sila.
Lumabas sila ng building at dinala ni Fider sina Lucky sa greenhouse. Walang mga estudyante doon since hindi naman pare-pareho ang oras ng lunchbreak at may maliit na cottage na pwede tambayan ng mga estudyante.
"Look wala akong sinabing hindi ko kayo gusto o ano. Sino bang lalaki ang hindi magkakainteres sa inyo? Maganda kayo, talented tapos matalino— for god's sake," ani ni Fider matapos harapin ang dalawa at hinilot ang sentido.
"Dahil doon feeling ko hindi ako deserved ng atensyon niyong dalawa like bakit ako? Naguguluhan din ako sa inyong dalawa like simula magkakasama na tayo pero hindi niyo nililinaw bakit niyo ginagawa iyon?"
"Imposible na curious pa din kayo hanggang ngayon nasa legal age na kayo at for god's sake hindi na kayo mga bata. Babae kayo at lalaki ako— hindi haist mali at magulo," ani ni Fider. Sinabi ni Fider na naisip niya na kaya niyo ginagawa iyon hanggang ngayon dahil nasanay ang mga ito masyado. Iyong kissed na parang normal lang sa dalawa.
"Hindi ko alam kung sino sa atin tatlo ang idiot at hindi nag-iisip," ani ni Lucky. Napatigil si Fider at napatingin. Ngumisi si Destiny at sinabing sure siya hindi sila iyon.
Naglakad si Destiny palapit kay Fider at ngumisi. Sinabi ni Destiny na ayaw niya ng mga complicated na bagay.
"Isa lang ang gusto namin malaman. Ayaw mo ba kami maging girlfriend?" tanong ni Destiny. Humagikhik si Lucky at niyakap si Fider mula sa likod.
"Gusto kita maging boyfriend Fider. Hindi namin kaya lumayo sa iyo ng matagal," ani ni Lucky at sumiksik sa leeg nito.
"Anong— wait. Kayong dalawa?" tanong ni Fider. Napatigil ang dalawa. Parang nawalan ng kulay ang mukha ng mga ito at tumingin kay Fider.
Tumulo ang luha ng mga ito at tinanong kung isa lang ba ang gusto ni Fider sa kanila.
"Uh— teka huwag kayo umiyak!" nataranta si Fider at hinawakan ang pisngi ng dalawa. Sinabing hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Anong gagawin niya?
"Oo na! Oo na kayo ng dalawa ang girlfriend ko. Wala akong pipiliin hindi ko din gusto ng isa," ani ni Fider. Yumakap sa kaniya si Lucky at Destiny. Minulat ng dalawa ang mata at bahagyang ngumisi.
"Masaya kami— Fider."
Magkasabay na sambit ni Fider. Hindi alam ni Fider kung imagination niya lang ngunit feeling niya nadaya siya doon. Bigla na lang kasi ang mga ito umiyak at iyon ang unang pagkakataon na nakita niya iyong dalawa na umiyak.
"Ha? Wait! Iyong lunch ni Jasper. Hindi pa kami nakain ng lunch," ani ni Fider. Humiwalay ang dalawa. Biglang tumakbo si Fider na kina-pokerface ng dalawa.
"Kung hindi lang natin kapatid si Jasper nilason ko na iyon. Inaagaw niya palagi sa atin si Fider," ani ni Lucky at nag-cross arm. Sinabi ni Destiny na too bad naging kapatid nila si Jasper.
Sinundan nila si Fider papasok ng cafeteria. Bumibili na si Fider ng mga pagkain para sa kanila ni Jasper. Kinuha ni Fider ang wallet niya na may lamang ko limang daan.
"Pocket money? Nasaan credit card na binigay sa iyo ni dad?" tanong ni Lucky. Ibinaba ni Fider iyong 300.
"Hindi ko ginagalaw iyon may allowance naman ako weekly. Scholarship ko," sagot ni Fider. Ibinaba ni Lucky ang credit card niya at sinabing siya na ang magbabayad.
May kinuha din si Destiny na ilan pang order at ibinigay din ang credit card niya. Nanlaki ang mata nu Fider doon.