Chapter 07
3rd Person's POV
"Talaga?" tanong ni Jasper habang may ngingata na burger. Nasa classroom sila ngayon kaharap ni Jasper si Fider na napapagitnaan ng mga kapatid niya.
"Binigay ko sa kaniya credit card ko kasi madalas ko naiwawala iyon at isa pa alam ko na ayaw ni Fider gamitin iyong credit card na binigay ni dad. Hindi din pala ginagamit ni Fider iyon," ani ni Jasper. Ngumiwi si Fider at sinabing may allowance naman kasi siya.
"Hindi ka sinuswelduhan ni dad. Lahat ng allowance mo nasa credit card na iyon," ani ni Destiny. Sinabi ni Fider na hindi niya naman gaanong kailangan ng pera. Kumakain naman siya at may tinitirhan.
"Sinabi ni Lucky na ayaw niyang forever nasa mansion ng daddy niya," ani ni Lucky. Napatigil si Fider. Sumagot si Destiny ng same.
"Ha? Eh bakit naman ate? Ayaw niyo na ba sa amin?" tanong ni Jasper. Sinabi nina Lucky na darating iyong araw na bubuo sila ng kani-kanila ng pamilya.
"Siyempre sa pagkakataon na iyon ayaw namin sa mansion," ani ni Destiny. Tumingin si Destiny kay Fider na tila may malalim na iniisip.
"Balak mo ba magtrabaho sa mansion habang buhay?" tanong ni Destiny. Sinabi ni Fider na hindi niya alam. Wala pa siyang ibang iniisip bukod sa makapagtapos.
—
Hanggang sa makauwi si Fider at maihanda ang dinner hindi nawala sa isip ni Fider ang usapan nila nina Destiny noong lunch. Iyong part na ano bang plani ni Fider sa future.
Pagkatapos ng dinner sila na lang ni Jackson ang nasa kusina. Nililinis ni Fider ang lamesa at si Jackson ang naghuhugas ng plato.
Umupo si Fider sa upuan. Tinanong ni Jackson kung bakit mukhang down si Fider.
"May problema sa school?" tanong ni Jackson. Pinatay ni Jackson ang faucet.
"Natural ba na wala akong planos a future sir Jackson? Like graduating na ako at hindi ko pa alam ang gusto ko kuhanin na course," tanong ni Fider. Natawa si Jackson at sinabing natural lang iyon.
"Ganiyan din ako noong kabataan ko tapos kumuha ako ng work na sobrang layo sa kinuha kong course. Natural lang iyon," ani ni Jackson. Sinabi ni Fider na gusto niya kumuha ng course na magagamit niya talaga in future.
"Kahit naman ako na lang mag-isa kailangan ko buhayin ang sarili ko. Ayoko maging pabigat sa inyo habang buhay," ani ni Fider. Lumapit si Jackson at ginula ang buhok ng batang lalaki.
"Kapag narinig iyan ni Paris siguradong magagalit ang mga iyon. Hanggang ngayon ba iniisip mo pa din iyong utang na loob mo sa amin" tanong ni Jackson. Yumuko si Fider. Humila ng upuan si Jackson sa harapan ni Fider at umupo doon.
"Fider, ang ina mo ang pinagamot namin at hindi ikaw. Nakatira ka lang dito ngunit ginagawa mo lahat ng best mo para tumulong sa gawaing bahay at alalayan si Jasper— Fider malaking bagay na iyon para sa amin," ani ni Jackson na kinatingin ni Fider.
"Wala ka dapat bayaran dahil parte ka na din ng pamilyang ito. Masaya kaming nandito ka. Kung usapan din naman na utang loob may kasalanan kami sa iyo. Ang ina mo na ang nagpalaki sa mga anak ko— kaedad mo sina Lucky ibig sabihin hindi ka lumaki sa ina mo at noong baby ka lumaki ka walang ina."
"Malaki ang naging tulong sa amin ng ina mo at binabalik lang namin ang favor. Kung patuloy lang lumaban ang ina mo kahit ilang puso pa willing namin iyon ibigay sa kaniya."
Ngumitibsi Jackson at sinabing magiging mas masaya sina Jackson kung gagawin din ni Fider ang mga gusto nitong gawin at hindi itali ang sarili sa mansion.
"Nasabi sa akin nina Lucky na gusto mo ang basketball. Lumapit din sa akin si Jasper at humiling na magpatayo sila ng basketball court sa ilabas para sa iyo, bumili ng bola at i-pursue ka na maglaro," ani ni Jackson. Napatigil si Fider matapos marinig iyon. Ngumiti si Jackson.
"Hindi kita pini-pressure ngunit gusto ko gawin mo iyong mga bagay na nais mo talaga. Bata ka pa Fider para isipin iyong mga bagay na dapat kaming mga adult ang gumagawa at umuunawa," ani ni Jackson. Lumambot ang expression ni Fider at yumuko. Nagpasalamat si Fider sa lalaki.
Matapos nga ni Fider kausapin si Jackson nalinawan ang isip ni Fider. Siya lang ang nagpapakomplikado ng lahat. Walang ini-expect sa kaniya ang mga Ortega.
Kinuha siya ng mga ito hindi para magbayad ng utang na loob. Mabuti ang mga ito na tao.
Umakyat na siya ng hagdan at tumungo sa room niya. Napatigil si Fider matapos makita si Destiny na may tinitingnan sa table niya.
"Bakit gising ka pa Destiny?" tanong ni Fider. Isinara ni Fider ang pinto. Hawak ni Destiny ang isang picture frame. Litrato nila iyon noong mga bata pa silang lahat.
"Gusto ko lang sabihin na sasama kami sa inyo ni Lucky. Naatasan kami ni Lucky para maging photographer sa mga event ng competition," ani ni Destiny. Napapalakpak si Fider at sinabing maganda iyon.
"Masaya ako dahil—"
Napatigil si Fider matapos lumapit sa kaniya si Destiny at napasandal siya sa pader.
"Bakit ka masaya?" tanong ni Destiny. Alanganin tumawa si Fider at sinabing may kasama sila ni Jasper.
"Ah talaga? Ang babaw naman pala ng kaligayahan mo," ani ni Destiny at nilapit ang mukha kay Fider.
"Kami kasi masaya— maso-solo ka na namin talaga like— wala ng istorbo," ani ni Destiny. Namula si Fider at hindi niya mapigilan na ma-excite. Silang dalawa lang doon ni Destiny at hindi siya normal na lalaki kung hindi siya ma-excite kung may magandang babae ang nasa harapan niya at si Destiny iyon.
Hahalikan siya ni Destiny. Bahagyang binuka ni Fider ang mga labi nang biglang may kumatok sa pinto.
"Destiny Ortega! Tigilan mo muna ang pangha-harassed kay Fider nandiyan ka hindi ba? Labas!"
Napatalon si Fider matapos marinig ang boses ni Dahlia ang isa sa mommy ni Destiny. Gumusot ang mukha ni Destiny at bumulong ng istorbo.
Hinawakan ni Destiny ang door knob matapos lumayo kay Fider na hawak ang laylayan ng suot na damit at pulang-pula.
"What is it mom!" sigaw ni Destiny. Boyfriend niya na si Fider— first kiss nila iyon as a boyfriend and girlfriend ngunit napurnada pa dahil sa ina niyang parang gorilla na nakawala sa hawla.
Ngumisi si Dahlia matapos makita ang expression ng anak. Nag-cross arm si Dahlia at sinabing napirmahan niya na iyong letter galing school na humihingi ng permission about sa pag-alis nga nina Destiny. Inagaw ni Destiny iyong letter na inaabot ni Dahlia.
"Mom! Pwede mo naman bukas ito ibigay diba?" tanong ni Destiny. Nagtaas ng kilay si Dahlia at sinabing gusto niya ibigay iyon ngayon gabi.
"Siya balik na ako sa room ko. Mukhang naka-istorbo ako. Nabitin ka?" tanong ni Dahlia. Agad na sumabat si Fider at sinabi wala silang ginagawa ni Destiny.
"It's okay iho. Boto ako sa iyo. Malaki na kayo," ani ni Dahlia at nag-thumbs up.
"Gumamit lang kayo ng protection. Ayoko maging lola ng maaga at hindi pa kayo tapos mag-aral," ani ni Dahlia at tumawa. Namula si Fider. Binagsakan ni Destiny ng pintian ang ina at sumigaw ng goodnight.
"Destiny! Iha! Galingan mo gumiling ah! Make your mommy proud!"