05

1177 Words
Chapter 05 3rd Person's POV Literal na napanganga ang kabilang team matapos agawin ni Fider ang bola at tumakbo papunta sa kabilang side ng gymn. Tumakbo ang mga kasamahan ni Jasper kasunod si Jasper na tumatawa. Naagawan kasi ni Fider ang mga kaklase nila na nasa kabilang team. Pinasa ni Fider ang bola sa kagrupo niya na agad nai-shoot ang bola. Napatili ang mga babae dahil doon. Kung patuloy na aagawin ni Fider ang bola at maisho-shoot iyon wala ng reason ang kabilang team para banggain pa si Jasper. Makalipas ang anim na minuto. Nanggagalaiti ang kabilang team— natambakan sila ng 9 points. Walang ginawa si Fider kasi kung hindi agawin ang bola. Hindi nila masabing magaling lang si Fider mag-steal dahil dalawang beses ito gumawa ng 3 points shot. Hindi nila ini-expect iyon sa nerd na kabuntot palagi ni Jasper. "Ano ba naman pinaggagawa mo Jasper? Tumatakbo ka na lang nadapa ka pa. Seriously?" ani ni Fider at hinawakan si Jasper sa braso at inalalayan. Lumapit ang mga miyembro kanina ng team ni Jasper kina Fider. Tinanong ng mga ito si Fider kung gusto nito sumali sa basketball team. "Ang galing mo maglaro kanina. Sayang kung wala ka sa team," ani ng isa sa mga ito. Tumingin si Fider sa mga ito. "Oo nga Fider ang galing mo sa basketball. Nagulat ako kanina ang galing mo maglaro," ani ni Jasper. Sinabi ni Fider na hindi siya mahilig sa sports. "Pag-isipan mo muna please. Sayang ang talent mo," ani ng mga ito. Ngumiti si Fider at sinabing hindi talaga siya interesado sumali sa varsity team. "Tara na Jasper malapit na ang next class," ani ni Fider at hinila na si Jasper palayo doon. Pagkatapos ng klase nila sa araw na iyon. Pinuntahan sila nina Lucky at Destiny. Sinabi nina Lucky na sasabay na sila kina Fider pauwi. Doon kinuwento ni Jasper ang nangyari kanina at kung gaano kagaling si Fider mag-basketball. Tinalo ba naman kasi nito ang ilang player ng basketball team. "Kaso iyon tinurn down niya iyong offer na pumasok sa varsity team kahit iyong professor namin inaaya siya," ani ni Jasper. Tinanong ni Destiny kung bakit ayaw ni Jasper. "Siguradong naglalaro ka din ng basketball before since marunong ka bakit ayaw mo sumali?" tanong ni Destiny. Napatingin si Fider kay Jasper na nilapitan si Desiree na naka-uniform na pang-valleyball. "Hindi ako mahilig sa basketball. Naglaro lang naman ako dahil binu-bully ng mga iyon si Jasper at isa pa— sa academics ako dapat mag-focus hindi sa kung ano pa 'man. Ayoko din makain ang oras ko ng practice," ani ni Fider. Tiningnan ni Lucky at Destiny si Fider. Lahat iyon kasinungalingan. Maaring isa sa reason bakit ito naglaro ay dahil nga kay Jasper ngunit hindi reason iyong focus sa academics. Wala ng oras si Fider, hindi nito pwede pabayaan si Jasper at iyong responsibility nito sa mansion. "Fider." Napalingon si Fider. May tatlong babae ang lumapit sa kaniya. Inayos ni Fider ang salamin at nakita ni Fider na may hawak na sulat ito. "Kay Jasper ba iyan? Hindi ko alam kung tatanggapin niya iyan ah pero ibibigay ko," ani ni Fider. Nilahad niya ang kamay. Hindi iyon ang unang beses na may nagbigay sa kaniya ng sulat na para naman kay Jasper. Namumula ang babae. Kumunot ang noo nina Lucky at Destiny. Sinabi ng babae na hindi iyon para kay Jasper. "Ano— para ito sa iyo," ani ng babae at inabot ang sulat niya habang nakayuko. Nagulat si Fider. Agad na kinuha iyon ni Destiny. I mean hinablot na kinatigil ng tatlong babae. Nakatayo na si Destiny at Lucky sa magkabilang gilid ni Fider. Parang mga ahas na minamarkahan na ang kanilang teritoryo. Inangat ni Destiny ang papel at ngumisi. "Hindi na available si Fider. Kita mo naman dalawa na kami— dadagdag ka pa?" tanong ni Destiny. Nagulat ang tatlong babae. Shocked din si Fider. Naiiyak na nag-sorry ang babae at tumakbo. Nasa gilid sila ng gymn ngayon at sila na lang tatlo ang nandoon. Tiningnan ni Fider sina Destiny at tinanong kung bakit iyon sinabi. "Ha? Bakit? May gusto ka din sa babae na iyon?" tanong ni Lucky. Nanuyo ang lalamunan ni Fider matapos makita niya na sa harapan ang dalawa at tingnan siya ng mga ito muli na parang kakainin siya ng buhay. Walang buhay ang mga mata nito at nakatingin sa kaniya. "Wa-wala— si-sinasabi ko lang na dapat hindi kayo nagsasalita ng ganoon. Madali kayo mami-misunderstand," ani ni Fider. Biglang nanigas ang mga tuhod niya dahil sa tingin ng mga babae sa kaniya. Lumapit ang dalawa— napaatras si Fider hangggang sa tumama ang likod ng paa niya sa pader. "Fider Salvatore, hindi kami iyong tipo na marunong mag-share," ani ni Destiny. Ngumisi si Lucky at hinawakan ang kanang tenga ni Fider. "Wala kaming balak mag-share ng pagkain na hinawakan na namin at nginuya," ani ni Lucky. Sabay na nilapit ni Destiny at Lucky ang mukha nila sa magkabilang pisngi ni Fider. "Naalala mo noong mga bata pa tayo ayaw namin mag-share na dalawa sa mga ate namin ng chicken—kahit iyong buto nginunguya namin dalawa para hindi lang mai-share sa iba." Tumawa si Destiny at ibinaba ang labi sa gilid ng leeg ni Fider na nabato sa kinatatayuan. "Ikaw pa kaya na matagal na namin ni-preserved? Hinihintay at hindi pa binubuksan? No way Fider," ani ni Lucky. Nauutal na sinabi ni Fider na hindi siya pagkain. Sobrang lapit na naman sa kaniya ng dalawa. Hindi niya talaga maintindihan bakit siya ginaganon ng dalawang babae— hindi naman ito ganoon sa ibang lalaki. Hindi lingid sa kaalaman ni Fider na kalahati sa populasyon ng mga lalaki sa university na iyon may gusto sa dalawang babae. Pinagpapantasyahan ang mga ito at nililigawan ngunit in some reason hindi ang mga ito binibigyan ng atensyon ng dalawa. Nagiging ibang tao ang mga ito pagdating sa kaniya. Wala ang mga ito ginawa kung hindi harass-in siya. For god's sake torture iyon para sa kaniya. Hindi na sila mga bata para pagbigyan pa ito ni Fider at hayaan ang mga ito na halikan siya at hawakan. Hindi na sila mga 12 years old na bata na maaring i-reason ni Fider na mga bata pa sila at curious lang ang dalawa. Bahagyang itinulak ni Fider ang dalawa palayo at sinabing itigil na iyon. Inangat ni Fider ang tingin at tiningnan ang dalawa na may matapang na expression. "Hindi ako pagkain na pwede niyo i-preserved, tao ako at hindi bagay na pwede niyo na lang i-claimed. Hindi na din tayo mga bata para halikan niyo ako at hawakan hanggang sa gusto niyo. Isa pa ang mga ganoon na bagay dapat sa taong mahal niyo ginagawa naiintindihan niyo ako?" tanong ni Fider. Hindi siya makapaniwala na sinasabi niya iyon sa mga babaeng hindi naalis sa ranking sa university at triple ang talino kaysa sa kaniya. "Sa tingin mo stupid kami para hindi malaman iyon?" tanong ni Lucky. Ngumisi si Destiny at sinabing ano sa tingin ni Fider ang dahilan bakit nila iyon ginagawa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD