4 - About Love

1351 Words
Binaling ni Anj ang tingin nito kay Teddy na nakayuko lamang at naghihintay na paluin siya nito. Biglang rumehistro ang itsura ng ex niya sa kanyang mga mata. Imbes na galit o inis ang maramdaman nito, pagka miss sa ex nito ang bumalot sa kanyang damdamin. Tumilapon ang unan na nasa pagitan nila kasabay nito ang mahigpit na pagyakap niya kay Teddy na kinagulat ng binata. At dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ng dalaga pareho silang napahiga sa kama. Parang nagslow-mo ang lahat kasabay ng pagtahimik ng paligid. Walang salitang lumabas mula kay Anj. Tanging pagtangis lang kasabay ang mahigpit na yakap nito sa kanya ang bumalot sa kanilang dalawa. Naramdaman ni Teddy ang sakit na nararamdaman ng dalaga na kalakip sa bawat pagbuntong hininga nito. Pinalupot nito ang kanyang mga bisig sa balingkinitan nitong katawan. Iniisip nito na kahit sa ganoong paraan maiibsan ang sakit nitong nararamdaman. They stayed just like that for minutes. Hindi kumakalas ang dalaga kaya naman hindi rin siya mabitawan ng binata. No words were spoken, it was a complete silence, until she realises reality. "I'm sorry." Bulong ni Anj na namamaos na. "Nadamay ka pa tuloy sa kabaliwan ko." Pinilit nitong tumawa kahit halos maiyak na ito sa lungkot at sakit. Bumitaw ito sa pagkakayakap niya sa binata at inayos nito ang kanyang pag-upo. "'Wag kang umiyak, lalo mo lang pinapakita na talunan ka." May pagka inis ang tono ng boses ni Teddy. "I get it! Sinaktan ka niya and so what?! Wala namang forever. Love is just a temporary feeling." May diin sa bawat salitang binitawan ni Teddy. Tumayo si Anj at inumpisahang pulutin ang mga gamit na tumilapon. "Ano? Akala ko ba ako 'tong nagdadrama? Oh ba't parang ikaw 'tong humuhugot ngayon?" Unti-unti ng nakatawa si Anj, making the air feels light again. "Tsk. Sinabi ko lang 'yung totoo. Para mamulat yang singkit mong mata!" Kunot noong pagsabi ng binata na naka-cross arms pa. "Haha epic ka! Alam mo yun? Pero di nga, you really don't believe in love?" Hindi siya sinagot ng binata. "Eh baka naman kaya hindi ka love believer dahil hindi ka pa nai-inlove!" Mabilis na dumako ang tingin ng binata kay Anj na para bang nakikipagaway ito. "Whoa! Easy.. Peace bro. I hate to break this to you ha, but LOVE exist!" Anito na mariin na sinabi ang katagang love. "Nasaktan ka na nga dahil sa love na yan pero naniniwala ka parin? Sabagay 99% ng mga tao believes in love." She cuts Teddy. "And ikaw 'yung natatanging 1% na hindi believer ganon?" Hindi na nakipag debatihan pa si Teddy dahil alam nitong hopeless case ang topic tungkol sa love. Kinalkal na lang nito ang menu na nakapatong sa side table. Habang si Anj naman kinuha ang hand carry nito at sinilip ang cellphone niya. "You know what's real in this world?" Biglang tanong ni Teddy habang nakatitig sa menu. "What?" Sumilip si Teddy at pinako ang tingin sa dalaga. He made sure na naka tuon sa kanya ang atensyon ni Anj. "Pain." Nang marinig ng dalaga ang salitang iyon, nakaramdam ito ng biglaang sakit sa kanyang dibdib. At kahit na isang beses lang ang sakit kakaiba ang iniwan nitong pakiramdam sa kanya. "Grabe Teddy. I don't know what happened to you pero parang mas masakit pa 'yung dinaranas mo kesa sa heartbreak ko!" Pinilit ni Anj na tumawa kahit na makakaramdam ito ng kaba sa kasama. "Wala pa 'yung order natin? Gutom na ko." "Pa'no mo yan ginagawa?" Tanong ni Teddy na ipinagtaka naman ni Anj. "Ang alin?" Ani Anj na bahagyang sumilip mula sa pagkakatitig sa menu. "Yan. Yang pagka bipolar mo. Kanina lang nagdadrama ka tas ngayon ngumingiti ka na." Muntikan nang matawa si Anj sa tanong niyang iyon. Pero nang makita nito na seryoso ang mukha ni Teddy pinigilan niya ang tawa niya. Pinilit nito humanap ng maayos na sagot sa kawawang love non-believer. "Hindi ako bipolar. Let's just say na, I can divert my emotions easily. Change it to something more appropriate." Sagot ng dalaga but he looks unsatified. Bilang nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi ka naniniwala? Osige na nga, mas pinipili kong ngumiti dahil pakiramdam ko pag nakangiti ako, okay ako. Happy?" "Tsk. Natutulog na'ko." He instanly went under the sheets at nagtalukbong ito at tumalikod ito sa dalaga. "Hindi ka na kakain?" She poked him. "Uy. Uy." She pokes her again. " "Ano ba?! Ang gulo-gulo mo!" Padabog nitong tinanggal ang kumot na nakatalukbo sa kanya. "Hindi ka na nga kakain?" Inulit nito ang tanong niya. "Hindi nga." Saka ito nagtalukbong ulit. "Sungit." Bulong nito. Narinig iyon ni Teddy pero pinili na lang nitang 'wag nang sagutin ang kasama dahil mas hahaba pa ang usapan. Lumipas ang ilang minuto na pabaling-baling lang ito sa kanyang pagkakahiga. Kahit na pilit nitong ipikit ang kanyang mga mata hindi ito makatulog dahil pilit na pumapasok sa isip niya si Anj. Pinakiramdaman nito ang dalaga, pero walang anumang ingay o galaw ang maririnig mula dito. Marahan niyang ibinaba ang kumot mula sa kanyang ulo at sinilip ang kasama. Nakaupo ito sa sofa at tila nakapikit na. Dahan-dahan itong tumayo sa kama at nilapitan ang dalaga. Ang maamong mukha ni Anj ang naaya sa binata upang mas lumapitnpa ito dito. Nakakadagdag sa ganda nito ang marahang paghulog ng kanyang mahabang buhok sa gilid ng kanyang mukha. Mapula-pula ang kanyang labi na akma sa simple at halos walang kolorete niyang mukha. Ngunit mabilis na umurong si Teddy nang gumalaw ng kaunti si Anj. Iminulat nito ang kanyang mga mata at mabilis na inayos ang pagkakaupo. Guarding herself. "Lumapit ka ba sa 'kin?" anito na pilit inaalala ang mga nangyari bago ito napapikit. Iling lang ang naging sagot ni Teddy na ikinubli ang ginawa. Ilang sandali lamang dumating na ang kanilang order. Magkahiwalay na kumain ang dalawa, na minsan minsa'y nag-uusap. May mga pagkakataon na magnanakaw ng tangin si Teddy sa dalaga. Mukha itong mahinhin pero kung kumain parang maton. "May problema ba kuya?" Mataray na wika ni Anj na diretso ang tingin sa binata. "Wala. Dahan-dahan ka baka mabulunan ka." Muling bumalik sa pagkain si Teddy na tila nawalan sa mood dahil sa inasal ni Anj. Huminga ng malalim si Anj at inisip ang mga naging reaksyon patungkol sa kasama. "Pasensya ka na ah. Sobrang moody ko kasi tapos dami ko pang kamalasan. Sa'yo ko tuloy napapasa." Ngiti lamang ang naging sagot ng binata. Natapos ang ilang sandali. Nilabas na rin nila ang kanilang mga pinagkainan at nagpahinga na ulit. Muling umupo si Anj sa sofa at inobserba ang binata. Sa mukha palang nito mukhang babaero. Ang mga pormahan niyang pa-nice boy look, ito ang mga lalakeng iniwasan ni Anj noon. "Can I ask you something?" Seryoso ang tono ng pananalita ni Anj. "Bakit kayong mga lalake pa fall?" "Kayo rin naman ha!" Nagtaka man sa biglaang topic ng dalaga ay sumagot pa rin ito. "Mas kayo! Pa cute kayo eh! Liligawan niyo kami tas paiibigin tas pakikiligin tas iiwanan!" Taas kilay na reklamo ni Anj. "Hoy! Kayo kaya 'tong magpapaganda, magpapasexy, magpapacute tas bigla na lang naming malalaman na ginagawa niyo lahat ng yun sa lahat ng lalakeng makilala niyo! Hindi niyo kami nasisisi!" Confident na pagsabi ni Teddy. "Hoy! hoy! 'Wag mong nilalahat!" "Totoo naman! 'Wag mo ring lahatin mga lalake!" Natigil ang kanilang pagbabangayan dahil may taong galit na galit na hinampas ang pintuan ng kanilang kwarto. Iba ang lenguahe nito kaya hindi nila ito naintindihan. "Ikaw kasi ang ingay mo." Bulong ni Anj nang tumigil ang galit na humahampas sa pintuan. "Tch. Kasalanan ko na naman." Tuluyan ng tumalikod at huminga si Teddy sa pagkakataong iyon. "Papatunayan kong mali ka." Bulong ni Anj bago ito tuluyang pumasok banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD