1 - Broken Hearts
Walang bituin sa langit at tanging makakapal na ulap at makulimlim na kalawakan ang natatanaw ni Anj mula sa bintana ng eroplano. Kahit first time niyang sumakay dito ay wala siyang pakialam sa biglaang pagbabago ng gravity, dahil mas nararamdaman niya ang sakit na idinulot sa kanya ng ex-boyfriend na iniwan siya at sumama ito sa bading. Lalong naramdaman ni Anj ang sakit dahil sa tingin nito maging ang universe ay nakikisama sa drama ng buhay niya.
Paulit-ulit ang kantang "Mahal ko o Mahal ako" na pinapatugtog niya sa kanyang cellphone habang nakasaluksok ang earphones nito.
Ito kasi ang mga katagang sinabi at ipinaramdam ng ex niya nung huli silang mag kita.
Napapapikit na lang ito at tahimik na sinasabayan ang kanta habang umiiyak ito. Wala siyang pakialam kung pagkamalan siyang baliw. Feel na feel niya ito, na kasabay sa pag lip sync sa kanta, napapakumpas din ang mga kamay nito. Ang importante sa kanya ang mailabas at madama ang sakit na dinaranas nito.
Halos isang oras palang nasa ere ang eroplano nang bigla na lang yumugyog si Anj sa kinauupuan niya. Nakaramdam ng matinding kaba si Anj lalo na ng makita niyang ang ibang pasahero ay nagpa-panic narin.
Hinablot nito ang earbuds sa kanyang tenga at tumayo sa kinauupuan nito. Nakita siya ng flight stewardess at pilit siyang pinakalma at pinaupo. Nagkakaroon lamang daw ng turbulence at hindi magtatagal magiging normal narin ang lahat.
Kahit gustong sagutin ni Anj 'yung babae mas pinili na lang niyang manahimik dahil ayaw niyang mag eskandalo sa loob ng eroplano. Ilang sandali lang at narinig na nila ang boses ng kapitan na nagsasabing nagkaka aberya sila at kinakailangang mag emergency landing sa pinakamalapit na palapagan at iyon ay sa Thailand.
Wala nang nagawa pa ang mga byahero at sumunod na lang. Nilakasan ni Anj ang loob nito at taimtim na nagnobena at paulit ulit na nagdasal ng Our Father para pakalmahin ang sarili.
Halos bente minutos bago makalapag ang eroplano ng ligtas. Dumaan pa ang ilang sandali bago sila tuluyang makalabas ng eroplano. Sinabihan silang maaring tumagal ng kalahating araw ang pag aasikaso sa eroplano, kaya naman binigyan sila ng libreng accomodation.
Ngunit may mga pasaherong nagpalipat ng na lang ng flight upang makapunta sa original nilang destinasyon. Nagkumpulan ang lagpas sa sampung katao sa harapan ng isang babaeng empleyado ng Airport. Halos mabaliw na ito dahil mabilis at sabay-sabay na nagsasalita ang mga galit na pasahero.
Gusto ring magreklamo ni Anj dahil Maldives talaga ang gusto niyang puntahan. Nagisip ito ng paraan upang siya ang unang pansinin ng mga empleyado ng airport.
Napatingin na lang ang mga empleyado at kapwa niya pasahero nang magngangawa siya at kunwaring umiiyak dahil hindi siya makakapunta sa lugar na gustong-gusto niyang puntahan.
"I promised my baby that we will go Maldives!" Nagkunwari itong buntis habang hinahaplos haplos pa ang tiyan nito na kanyang pinaloob. "My doctor said stress is not good for us!" Lalo pa niyang nilakas ang kunwaring pagiyak niya.
Nilapitan siya ng isang lalakeng guard at inalalayan upang mauna sa kinukuyog na babaeng empleyado. "Madam, please try to be calm. We are doing our best to provide the solution to the problem." Anito na may kakaibang accent sa kanyang pagsasalita.
"Can you book me a flight going to Maldives?" Sumegway si Anj at itinigil ang kunwaring iyak.
"We're fully booked madam. I'm sorry." Muling nag-ngangawa si Anj upang makakuha ng simpatya sa kausap maging sa mga ibang pasahero.
Nagulat na lang si Anj nang bigla na lang siyang hinila sa beywang ng lalaking nanggaling sa kanyang likuran na tumabi sa kanya. Naramdaman din ng dalaga na idinikit ng lalake ang malaking maleta nito sa pwetan niya. Halos itulak na ng dalaga ang lalake at bago paman mag alboroto si Anj binulungan na siya nito.
"Play along. You will thank me for this. I promise."
Hindi na naka-react si Anj dahil na mesmerize ito dahil sa malalim at baritonong tinig ng lalaking katabi niya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya na makasing tangkad lang silang dalawa, katamtaman lang ang build ng braso nitong nakadikit sa kanya. Wavy and messy yet sexy ang medium length wavy hair nito. Matagos ang ilong nito na bagay din sa kaunting facial hair na nagsisimula sa jaw area hanggang sa baba nito.
"Is my wife causing you trouble? I'm really sorry she's moody than usual." Ngumiti ito sa kausap kong babae. "We will wait for our plane." Gusto ng kumalas ni Anj sa lalake ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito.
"Pwede mo na akong bitawan." Mahinang bulalas ni Anj habang marahan silang naglalakad palayo sa mga ibang pasahero.
"I think that's not a good idea."
Mabilis na kinalas ng lalake ang kamay nito sa beywang ni Anj saka ito pumunta sa likuran ng dalaga.
"What?! What do you mean?" Hindi agad nakasagot ang lalake na pilit na dumidikit sa likuran ni Anj.
"Meron ka kasing ano, um meron kang," hindi matuloy-tuloy ng lalake ang gusto nitong sabihin.
"Meron ano?" Lalong nagtaka si Anj. "Kinakabahan na ko sa'yo ha! bawal ako ma-stress." Pagkukunwaring muli ng dalaga.
Inilapit ng binata ang bibig nito sa likurang bahagi ng tenga ni Anj. "You're not pregnant." Bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ni Anj sa gulat. "What made you say so?" Nauutal niyang pagsabi.
"Because you have something on you pants." Nahihiyang pagsabi ng binata.
Naalala ni Anj na meron nga pala siya ngayon at pwedeng tagos ng dugo ang gustong sabihin ng lalake. Pasimpleng kinapa ni Anj ang pwetan nito kung saan nakaharang ang lalake.
"O.M.G!" Nakumpira nga niya ang hinala niya.
Napalakas ang boses ni Anj kaya naman napatingin din ang ilang mga tao malapit sa kanila.
"Ba't ngayon mo lang sinabi? Kanina pa ba 'to?" Biglang tanong ni Anj sa kasamang estranghero. Nakita ng dalaga na mukhang nagulat ang lalake sa mga tanong niya. "I'm sorry. Nagulat lang ako. I didn't mean to ask those questions. Just ignore them." Natatarantang tungon ng dalaga. Hindi ito magkanda-ugaga sa pagtakip sa kanyang stain.
"Kanina pa yan, napansin ko lang." Namumulang sagot ng binata.
"Muntikan na pala akong nabuking doon kanina, you really saved me. Thank you." Haharap sana si Anj para makita ng maigi mukha ng kausap pero pinigilan siya nito. "'Wag ka munang haharap." bulong ng lalake na nginitian na lang ni Anj.
"Can I ask you another favor?" Nilakasan na ni Anj ang loob nito dahil wala na itong ibang choice kungdi magpatulong muli sa estranghero. Biglang lumukot sa gulat ang mukha ng lalake.
"If you were gonna ask me to buy you whatever you call those thing you use for that! No way!" Todo tangging sabi ng binata.
"No, no! Of course not. Can you stay behind me hanggang sa ladies room?" Nahihiyang pagsabi ni Anj. Alam nito na maaring hindi pumayag ang lalake dahil walang lalakeng kumportable sa mga 'girl thing' na iyon. Sinulyapan ni Anj ang mga gamit na dala niya na maaring maging last resort niya at magamit kung sakaling hindi pumayag ang lalake.
"Okay sige, tara na. Pinagtitinginan na tayo." Bulong ng binata. Napa buga na lang ng hangin in relief si Anj.
Dahan-dahan silang naglakad papunta sa pinaka malapit na comfort room. Awkward sa pakiramdam ni Anj na may lalakeng nakahawak sa balikat nito at naglalakad sa likuran niya. Para silang nasa linya na silang dalawa lang ang kasama.
"Can I lean more closer to you? Baka kasi may makapansin." Bulong ng lalake. Nakiliti naman si Anj dahil sa mainit-init na hininga ng lalake na dumampi sa likuran ng tenga niya.
"'Wag dyan nakikiliti ako!" Humagikgik at gumalaw na parang butete si Anj. Nakita niyang nakatitig lang sa kanya ang lalake kaya naman umayos na ito. "Sorry. Sige just make sure to cover me."
For a few moments there, panandalian niyang nakalimutan ang pinuproblema niya.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ng lalake na medyo garalgal pa ang boses.
"I'm Anj. Pasensya ka na ha, naistorbo pa kita sa kagagahan ko. Ikaw, anong pangalan mo?" Balik tanong ng dalaga.
"Ang cool ng pangalan mo. Ako si Teddy."
"Cute naman ng pangalan mo."
Parehong gumuhit ang mga maiikli at maaliwas na ngiti sa kanilang mga labi. Na kahit sa kabila ng mga nangyayari sa bakasyon nila at kamalasan ni Anj, nakahanap parin sila ng rason para ngumiti kahit sandali lang.