Medyo nagtagal bago sila nakarating sa banyo dahil naging mabagal lang ang paglakad nila. "Teddy, pwede ka ng umalis kung gusto mo. Salamat ulit ha. Sobrang nakakahiya yung nangyari pero nagpapasalamat parin ako kasi tinulungan mo'ko." Ani Anj matapos itong mabilis na pumasok sa loob ng ladies room.
"I'm glad I could help. Hintayin na kita. Walang magbabantay sa maleta mo, baka may mangyari nanaman." Sabi ni Teddy na naka smile nang kaunti, sandaling natameme si Anj sa ngiting iyon. A smile she isn't familiar with. Mga ngiti na hinding-hindi niya nakita sa kahit na sinong lalake sa kanyang buhay lalo na sa ex niya.
"Wal-wala naman siguro pero si-sige na nga. I'll make it quick."
"Take your time."
Hinintay ni Teddy si Anj sa labas ng comfort room. Sinilip nito ang pangalan na nakalagay sa maleta ni Anj.
Angela Reyes ang buong pangalan na nakasulat sa maliit na papel sa malaking maleta. Bumaling ang tingin nito sa kanyang maleta, nakasulat din ang buo nitong pangalan sa maliit na papel,
Eddy Tashler. Mukhang pang couple ang mga maleta nila, hindi lamang dahil sa magkapareho ang mga ito ng sukat kungdi dahil din sa kulay ng mga ito. Ang kay Anj ay glossy white at ang kay Teddy naman ay matte black. Bumaling ang mga mata ni Teddy nang may lumabas mula sa comfort room.
"Sorry to keep you waiting. Halika na." Ani Anj pagkalabas nito sa banyo. "Anong tinitignan mo?" Patuloy nito. Bahagyang yumuko ang binata at inayos ang name tag sa maleta nito.
"Ah? Yung kasing mga maleta natin parang couple, bagay." Wika nito matapos bitawan ang name tag. Nagpakita ito ng nakakalokong ngiti nang itong tumingala na nagpakiliti sa damdamin ng dalaga.
Hindi nagtagal ang mga ngiti niyang iyon. Dahan-dahang bumagsak ang panga niya nang mapako ang tingin niya sa mukha ni Anj. Nagpalit si Anj ng flowery dress na hanggang sa itaas ng tuhod ang haba at lalong nakadagdag sa porma ng dalaga ang high cut Vans shoes na suot pa kanina ng dalaga. Akma sa maliit na katawan ng dalaga at taas na parang isang bata.
"Halika na! Ano pang sinasabi mo dyan. Amin na yung maleta ko." Naglakad si Anj palapit sa binata at hinablot mula dito ang kanyang puting maleta. "Makibalita na tayo baka maiwan pa tayo ng eroplano, halika na!" Sinadya ni Anj na hablutin ang maleta dito dahil halos matunaw na siya sa titig ng binata. At alam nitong kung hindi siya aalis doon baka makahalata si Teddy na para siyang kinikiliti sa kaloob-looban niya dahil sa papuri na nararamdaman.
Bumalik sa ulirat si Teddy sa pagtaas ng boses na iyon ng dalaga, agad naman siyang sumunod dito pabalik sa lugar nila kanina.
Nagkaroon ng good and bad news tungkol sa flight nila papuntang Maldives. Ang bad news, sa susunod na araw pa sila makakalipad papuntang Maldives. Ang good news naman, binigyan sila ng free hotel accomodation and food bilang compensation sa nangyaring aberya.
○○○
"Ano ba naman 'to? Ayaw ba nila talaga akong paalisin!" Inis na inis bulalas ni Anj habang hinihila ang kanyang maleta na papasok sa hotel. Doon ay sinalubong sila ng hotel staff na may kanya-kanyang hawak na folder. May hawak silang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga guest.
Hirap na hirap si Anj sa paghila sa kanyang maleta. Hindi kasi nito namalayan na nabusalan pala ito ng plastic wrap sa gulong.
Nakuha niya ito nang may nadaan nilang mga bata na kumakain at nagkakalat. Umupo ito upang tignan ang busal ng plastik sa kanyang maleta. Ngunit pagkakita rito ay lalo lamang itong nairita dahil sa hindi lang pala plastik ang naroon, mayroon din itong bubble gum.
"Ayoko na. Kota na ako sa kamalasan!" Ibinaon nito ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Doon nito nilabas ang kanyang inis. Sa kabila ng kanyang nararamdaman at mga taong dinaraanan lamang siya, isang tao ang tumigil.
Navy blue Converse at white shoe lace ang unang nakita nito nang kanyang alisin ang kamay sa mukha. Sumunod ang maong pants nito at green sweater. Ang maliwanag na sinag ng ilaw sa kisame ang tila sinyales na may tulong na dumating mula sa langit. Si Teddy.
"Need help?" Agad na tumayo si Anj na kamuntikan pang ma out of balance dahil sa biglaang pagtayo niya.
"Yes. Again." Nagalinlangan pa itong ngumiti dahil nahiya na sa abalang nagagawa niya sa estranghero.
Wala ng inaksaya pang panahon si Teddy at tinignan ang problema. Binuksan nito ang kanyang backpack at doon kumuha ng paper towels na ginamit upang tanggalin ang madikit na bubble gum sa gulong ng maleta.
"Okay na." Wika nito matapos itapon ang mga naging dahilan ng kanilang aberya.
"Salamat ulit Teddy ha. Pasensya ka na ang dami ko na atang utang sa'yo." Napakamot pa ito sa kanyang batok habang namimilipit ang kanyang paa, mga involuntary movements na gawain ni Anj tuwing siyang nahihiya.
"Wala 'yon. Halika na."
Sa pagdating nila sa front desk, kanilang nadatnan ang nag-iisang hotel staff na mukhang nag-aalala na. Mabilis niyang inasikaso ang dalawang natitirang guest.
"Madam Angela Reyes? Mister Eddy Tashler?"
"Yes." Sabay na sagot ng dalawa.
"Where have you been? I've been looking for you. I started to worry." Nakangiti man ay halatang tensyonado ang empleyado.
"We just ran into trouble. But it's okay now." Ani Teddy.
"Can you lead me to my room please? I'm already having a bad day." Walang ganang wika ni Anj na muling napabaling ng atensyon sa kanyang maleta.
"Well yes. We have one room left for the both of you." Masama man ang balita ay nanatili pa ring nakangiting wika ng empleyado habang nilalaro ang kanyang mga daliri.
"Only one room left?" Tanong ni Teddy.
"For the both of us?" dugtong naman ni Anj.
"Yes. Are you not okay with that? One guest said that it's okay because you are newly wed couple. They ask for extra room that's why you get one room only." Paliwanang ng empleyado na napapalunok na dahil sa hindi maipintang mukha ni Anj.
Umakyat bigla ang dugo sa ulo ni Anj. "You gave them my room? You should've asked me first!"
"You are a couple? With. .with baby." Napapaurong na lang ito sa labis na kaba.
"You have to do fix this. I want my own room." Madiin ang bawat salitang binitawan ni Anj. Kaya naman wala ng nagawa pa ang empleyado at nagbalik sa front desk para humingi ng saklolo.
Padabog na umupo ang galit na galit na si Anj sa waiting area kung saan sila pansalamantalang pinagpahinga. Kinutkot nito ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang kanyang ina. Ilang sandali lang naglabas ng mga mabibigat na hininga si Anj na hindi na naiwasan pa ni Teddy.
"Hey, relax. You can have the room. Hahanap na lang ako ng ibang hotel." Wika ni Teddy sa naluluha ng si Anj.
"Sigurado ka? Peak season ngayon baka wala ka ng mahanap na kwarto." Kahit papaano'y lumiwanag ang mukha ni Anj sa solusyong nilahad ng binata.
Bumalik ang empleyado na medyo dumestansya na kay Anj. "Excuse me Ma'am and Sir. We are really sorry but we only have one room left."
"It's okay. Give her the room. I'll find another hotel." Tumayo na si Teddy ngunit pinigilan siya ng empleyado.
"Sir I'm afraid that is not possible. You see, we already checked on other hotels around this area and they are fully booked as well. Sorry Ma'am and Sir. I apologize for this inconvenience. We are doing everything to come up with a solution." Masusing paliwanag ng empleyado na minamata na ng mga katrabaho niya.
Napapikit si Anj sabay ng malalim na paghinga. Kitang-kita ang ugat nito sa noo na pumuputok na sa galit. "Paalisin mo nga 'yan dito. Isa pa, babatukan ko na 'yan."
Sinenyasan na lang ni Teddy ang empleyado at agad naman nitong umalis.
"Anj?" Inuumpisahan palang ni Teddy agad na siyang inunahan ng kausap.
"No. Sorry Teddy. Madami ka nang naitulong sa 'kin pero pasensya ka na. Hindi ako payag sa gusto nila." Matigas na paninindigan ni Anj.
Muling bumalik ang empleyado para ibalita ang solusyong kanilang naisip.
"Ma'am and Sir, we are going to report this incident to the Airlines. They might have a better options for you."
Mabilis na nagtinginan ang dalawa. Agad na nagtama ang kanilang mga mata na nangusap at nagkaisa sa isang punto. Hindi pwedeng malaman ng Airline dahil baka magkabukuhan.
"Wait!" sigaw ni Anj na nagpatigil sa empleyado.
"We'll take it. Just add another comforter and one more pillow please." Taas kilay at pagtataray pa rin ni Anj.
Muling nakahinga ng maluwag ang empleyado ay mabilis na inasikaso ang dalawa.
○○○