Kabanata 3

1238 Words
Avannah's P.O.V. "Grabe! Napakaganda mo na, Avannah! Para kang isang artista o 'di kaya isang model! Dati lang dugyot ka pa at payatot pero ngayon, ibang klase na ang ganda mo!" nakangising sabi sa akin ng kaibigan kong si Yvonne. "Ganoon talaga. Nag- transform ako bigla. Pero ikaw din naman, gumanda ka rin tapos sumeksi ka pa," sabi ko sabay tawa. Humaba naman ang nguso niya. "Parang hindi naman! Nakakainis nga eh. Nagkakatigyawat ako! Kung hindi nga ako nag- i- skin care, baka dumami na ito. Mabuti nga ngayon at naubos na kahit papaano." "Mabuti na lang wala akong tigyawat sa mukha. Tutubo lang sila kapag magkakaroon na ako. Pero mga dalawa o tatlo lang," sambit ko naman sabay haplos sa pisngi ko. "Eh 'di sana all na lang talaga! Ilang taon ka na pala ngayon? Malapit na birthday mo, ha!" "Twenty three na ako ngayon. Pero mukhang teenager pa rin! Char! Hindi ko pa alam kung anong ganap sa birthday ko. Baka kumain na lang kami nila family ko sa labas. Medyo busy pa kasi ako ngayon dahil kapapasok ko pa lang sa isang company. Sikat na kompanya ito.." sabi ko sabay ngiti. Namilog naman ang mata ni Yvonne. "Oh? Sana all talaga! Gusto ko ring makapasok sa ganiyan kaso lagi akong bagsak sa interview! Ang hirap talaga kapag bobo!" sabi niya sabay tawa ng malakas. Siniko ko naman siya. "Grabe ka naman sa sarili mo! Wala namang taong bobo. Siguro talagang mataas lang ang standard nila o may hinahanap sila na sagot at iyon ang gusto nilang marinig mula sa iyo." Umismid naman siya. "Huwag mo na akong utuin pa, Avannah. Iniba mo lang eh pero bobo talaga ako kasi hindi ko nasagot ng maayos." Natatawa akong napailing. "Ewan ko sa iyo! Halika nga kumain tayo ngayon sa labas. Libre kita." Namilog naman ang mata niya. "Oh talaga? Yown! Iba ka na talaga! Mayaman ka na!" Malakas ko siyang tinawanan. Masaya ako dahil kahit ilang taon na ang lumipas, ganito pa rin ang trato namin sa isa't isa ni Yvonne. Parang walang nagbago. Ngayong ako naman ang mayroong trabaho, gusto ko namang bumawi sa kanila. Hindi ko nga alam kung sino ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko dahil bago raw ito. Bumaba na kasi sa dating puwesto ang CEO kaya pinalitan ito kaagad. KINABUKASAN, nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Kahit na medyo inaantok pa ay bumangon na ako. Mag- iisang linggo na ako dito inuupahan kong apartment. Kahit papaano ay nasasanay na ako. Masaya ako kay tita Elen dahil nahanap niya pa ang lalaking magpapasaya sa kaniya. Naisip ko tuloy bigla na magkaroon ng boyfriend pero natatakot din kasi ako. Baka kasi hindi naman totoong pagmamahal ang mahanap ko. Na baka maloko lang ako. Sa panahon pa naman ngayon, maraming lalaki ang gustong gawing parausan lang ang isang babae. Na katawan lang ang habol nila. Na hindi talaga nila mahal ang isang babae. "Hi, Avannah! Good morning!" bati sa akin ni Sheena. "Good morning din sa iyo," ganting bati ko naman nang maupo ako sa table ko. "Naka- ready ka na ba? Mamaya na raw darating ang bagong CEO ng kompanyang ito. At mukhang lahat ng department ay bibisitahin," nakangiwing sabi niya. Umarko ang kilay ko. "Oo ready naman ako. Bakit parang kinakabahan ka yata?" Nagkibit balikat siya. "Wala lang .Kasi 'di ba bumaba ang sales ng mga products natin. Baka sabihin hindi effective ang pagma- market natin kaya hindi ito napapansin ng madlang people." "Loko. Syempre ginagawa naman natin ang lahat para mapansin ang products natin. Siguro, may nakasanayan pang ibang brand ang mga tao. Pero atleast may iilang tao na ang sumusubok sa produkto natin. At naniniwala ako na makikilala rin dito soon dahil talaga namang epektibo ang products natin," nakangiting sabi ko sabay kindat. "Sabagay tama ka. Sige na nga, magtrabaho na tayo. Pero nga pala, hinahanap ka sa akin ni Lorenzo kanina. Tingin ko talaga na- love at first sight sa iyo ang lalaking iyon. Hindi ka na lugi dahil siya na ang head ng isang department dito. Meaning, tumaas ang sahod niya! Kaya kapag nag- date kayo, solid! Siya na lagi ang sagot," aniya sabay bungisngis. Tinawanan ko lang siya. "Hindi ko naman need ng lalaking lagi akong ililibre. Dahil maraming lalaki ngayon ang kayang paggastusan ang isang babae pero niloloko lang pala." Humaba naman ang nguso niya. "Sabagay tama ka. Pero pasado naman ang mukha niya sa iyo?" Tumikhim ako. Guwapo naman si Lorenzo. Matangkad, mestiso, may dimple, matipuno ang katawan at mabait pa. Pero hindi ko siya tipo. Ewan ko ba pero hindi ako attracted sa kaniya kahit na guwapo siya. Mukha siyang mabait kung titingnan. Pero ang hanap ko kasi iyong medyo maangas ang dating. Iyon bang medyo badboy pero maginoo at hindi babaero. "Guwapo naman siya kaso hindi ko siya type. Hindi ako attracted sa dating niya. Parang masyadong mabait. Gusto ko kasi iyon bang medyo maangas. Iyon bang nakatatakot. Na talagang kaya kang ipagtanggol kahit na kanino," sabi ko sabay tawa. Natawa na rin siya. "Ay iyong badboy ang dating? Naku iwasan mo ang mga 'yan dahil mga manloloko ang ganoong lalaki. Masasaktan ka lang. Ikaw din." "Grabe ka naman. May mga badboy naman na nagiging goodboy kapag nahanap na nila ang babaeng magpapatino sa kanila." Malakas siyang natawa. "Mukhang pang telenovela yata ang naiisp mo, Avannah. Hay naku! Bahala ka, ikaw din. Pero wala namang masama kung mangangarap ka ng gising. Malay mo naman talaga biglang dumating sa buhay mo ang lalaking hinahanap mo," sabi niya sabay tawang muli. Naging abala na kami sa trabaho. Ilang minuto ang lumipas, may kumatok sa pinto at pumasok ang head department namin. "Hello everyone. Tumayo ang lahat at i- welcome natin ang bagong CEO ng kompanyang ito. Mr. Raider Monteverde!" Agad akong napatayo kasabay ng panlalaki ng mata ko. Si ninong Raider ang bagong CEO ng kompanyang ito? Kulang na lang ay magningning ang mga mga ng babaeng katrabaho ko dito nang pumasok si ninong Raider. Napakaguwapo ni ninong. Hindi mahahalata sa itsura na may edad na siya. Sa pagkakaalam ko, forty years old na siya sa august pero kung titingnan, mukha siyang nasa 30s. Ganito ba talaga kapag mayaman? Parang hindi tumatanda? Guwapo pa rin? Kinakausap siya ng head department namin at ipinakikita at pinaliliwanag kung ano ang ginagawa namin para sa company. Napalunok ako ng laway nang biglang magtama ang paningin namin ni ninong Raider at nginitian niya ako. Kaya naman napatingin sa akin ang mga katrabaho ko. Bigla tuloy akong nailang at napakamot sa aking ulo. "Sir? Siya po si Ms. Sanchez. New employee po," sabi ng head namin. Bumaling sa kaniya si ninong Raider. "Yes I know dahil siya ay inaanak ko," nakangiting sabi ni ninong Raider bago siya bumaling sa akin. Napaawang naman ang mga bibig ng mga katrabaho ko at lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Bigla tuloy akong nahiya. Lumapit naman sa akin si ninong Raider kaya naman bigla kumabog ang dibdib ko. "Hindi mo sinabi sa akin na dito ka pala nagtatrabaho?" nakangiting sabi niya. "Hi... hindi ko po alam na kayo po pala ninong ang bagong CEO..." nahihiya kong sabi sabay kamot sa ulo. Malawak na ngumiti si ninong Raider dahilan para mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko. "Masaya ako na nandito ka nagtatrabaho. Mukhang gaganahan na akong magpunta dito..." sabi niya sabay kindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD