Raider Monteverde's P.O.V.
"Lito...bakit ka ba ganiyan? Ilang taon na tayong magkaibigan pero nahihiya ka pa rin sa akin?" natatawa kong sabi sa matalik kong kaibigan na si Lito.
Matagal na kaming magkaibigan ni Lito. Simula pa noong high school kami ay magkaibigan na kami. Matalino si Lito at ako naman ay hindi ganoon katalino. Nakakaintindi lang ako ng mga pinag- aaralan namin pero iba ang talino ni Lito. Naging kaklase ko siya dahil scholar siya. Hanggang makapagtapos kami ng high school ay kaklase ko siya pero hindi na siya nag- college dahil nagtrabaho na siya. Hanggang sa makapagtapos ako. Pero kahit na hindi kami masyadong nagkikita ni Lito, hindi ko siya kinalimutan. Talagang ako ang gumagawa ng paraan para makasama siya.
Sa lahat ng naging kaibigan ko si Lito lang ang totoo. Kahit na mahirap lang siya ni minsan ay hindi siya nanghingi ng kung ano sa akin. Talagang kusa akong nagbibigay at talagang inaalam ko kung kinakailangan niya ba ng tulong ko dahil hindi naman siya nanghihingi ng tulong sa akin. Si Lito lang ang nagparanas sa akin kung gaano kasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng totoong kaibigan. Ang mga kaibigan ko noon ay ginawa akong kakumpitensya. Ginawa akong kaaway dahil hindi sila masaya sa mga achievements ko sa buhay. Kaya naman si Lito lang ang itinuturing kong matalik kong kaibigan. Na talaga namang mapagkakatiwalaan ko.
Napakamot si Lito sa kaniyang ulo. "Alam mo naman na hindi talaga ako sanay sa tuwing nagbibigay ka ng tulong sa akin. Kasi kung tutuusin, napakarami mo ng binigay sa akin. Hindi ko na mabilang. Dapat nga hindi mo na ako binibigyan ng kung ano-ano dahil kaibigan lang naman ako at hindi mo ako responsibilidad. At isa pa, talagang nahihiya ako sa iyo."
Mahina ko siyang hinampas sa balikat tumigil ka nga sa mga sinasabi mo, Lito Kapag nainis ako sa iyo sa kagaganiyan mo sa akin, kakalimutan na talaga kitang kaibigan kita," pananakot ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mata niya sabay tawa ng mahina. "Grabe naman 'yon. Huwag naman ganoon, Raider."
Tinawanan ko siya. "Ikaw naman kasi ang kulit mo. Basta huwag kang mahiya sa akin o kaya huwag na huwag ka ng magsasabi pa na nahihiya ka o tatanggi ka sa tulong na bigay ko. Magagalit na talaga ako sa iyo."
Natatawa siyang napailing. "Maraming salamat, Raider dahil kahit kailan hindi mo ako itinuring na iba. Na parang pakiramdam ko nga, kapatid ang turing mo sa akin."
Tinitigan ko siya. "Ganoon naman talaga ang turing ko sa iyo. Matalik kitang kaibigan na parang kapatid ko na rin. Alam mo naman na wala akong kapatid at nag iisa lang ako kaya masaya ako at nakilala kita."
"Siya nga pala....ilang taon ka na nga ulit? Nakalimutan ko na eh," biglang sabi ni Lito.
"Mag- forty years old na ako ngayong darating na August. Bakit mo nga pala naitanong?"
Tumikhim siya. "Naisip ko lang kasi na.... bakit wala ka pang asawa? Kumbaga...bakit hindi ka pa bumuo ng sarili mong pamilya eh tumatanda ka na? Wala ka bang balak na magkaroon ng anak? Gusto mo bang mag- isa ka lang sa buhay? Mahirap din kaya kapag walang anak. Sino magmamana ng kayamanan mo, 'di ba? Mas maganda na may anak ka para sila ang makikinabang ng yaman mo. At masarap sa pakiramdam na mayroong anak."
Bumuntong hininga ako. "Wala kasi akong makitang matinong babae. Lahat ng mga nakakasalamuha ko at nakikilala ko, napapansin ko kaagad at nalalaman ko na pera lang ang habol nila sa akin. Sa totoo lang mahirap na humanap ngayon ng babaeng faithful. Nahihirapan akong hanapin ang babaeng pasok sa standard ko. Mahirap na humanap ng babaeng mahal ka talaga dahil mga mukha silang pera."
Mahinang tumawa si Lito. "Siguro nga sa parte mo mahirap na humanap dahil talagang maraming babae diyan na napakagandang at napaka- sexy pero .ga malalandi. Hindi marunong makuntento sa isang lalaki. Pero sa tingin ko naman mahahanap mo rin ang babaeng magmamahal sa iyo ng totoo. Pero siguro kailangan na ring kumilos at hanapin ang babaeng iyon. Kaysa maghintay ka dahil baka umabot ka na ng singkuwenta anyos, single ka pa rin."
Tinawanan ko siya. "Huwag naman sanang umabot ako sa ganoong edad. Ngayon may kalandian ako kaso inayawan ko rin kaagad dahil humihingi na ng kung ano- ano sa akin Nakakainis! Halatang ginagawa lang ako sugar Daddy. Mga buwisit na babae yan."
Malakas naman na natawa si Lito habang ako naman ay kinukwento ko sa kaniya ang mga babaeng nakalandian ko. Hindi ko naman maitatangging hindi ako pumapayag na hindi ko sila naikakamang lahat. Sila naman ang may mga gusto no'n. Kahit na hindi ko na sabihin, sila na ang kusang nagsasabi sa akin kaya hindi na rin naman ako tumatanggi. Binibigay ko lang ang gusto nila. Sa kanila ako nagpaparaos ng init ng katawan.
"Pero huwag kang mawalan ng pag- asa, Raider. Sa guwapo mong 'yan, imposibleng hindi mo mahanap ang babaeng magmamahal sa iyo ng totoo. Iyong hindi pera ang habol sa iyo. Basta huwag kang mawawalan ng pag- asa," natatawang sabi niya sa akin.
"Mama? Papa?"
Sabay kaming napalingon ni Lito nang marinig namin ang boses ng isang babae sa pinto ng bahay nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang dalagang mayroong napakagandang mukha at napakaganda ng hubog ng katawan. Kitang- kita ang magandang kurba ng katawan niya dahil sa hapit na hapit niyang suot na damit. At nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
"Avannah, anak!" malakas na sabi Lito sabay patakbong lumapit kay Avannah.
"Papa!" malakas naman nasabi ni Avannah sabay yakap kay Lito.
Napalunok ako ng aking laway. Si Avannah? Ang inaanak ko? Siya na nga ba talaga ito? Dalagang- dalaga na siya na akala mo isa siyang modelo. Ibang iba ang itsura niya ngayon kumpara noon na isa lamang siyang payat na bata. Napakaganda ng hubog ng katawan niya. Ang nipis ng kaniyang baywang ngunit malaki ang kaniyang balakang. Malusog din ang kaniyang dibdib, matambok ang kaniyang puwetan, makinis at maputi na ang kaniyang balat. At ang kaniyang mukha maamong nakakaakit.... hindi ko alam kung bakit titig na titig ako sa kaniya ngayon.
"Nasaan po si mama at ang mga kapatid ko?' tanong ni Avannah sa kaniyang ama.
"May pinuntahan lang sila saglit. Hindi ko nga alam kung nasaan kaya nga hinihintay ko sila dito. Kumusta ka naman anak? Dalagang- dalaga ka na. Ang laki na ng pinagbago mo. Tama lang talaga na hinayaan kita doon sa tita Elen mo dahil nabigyan ka niya ng magandang buhay. Masaya ako para sa iyo anak ko," sambit ni Lito sabay haplos sa buhok ni Avannah.
Ngumiti si Avannah. "Ayos lang naman po ako, Papa. Bapakabait po ni tita Elen. Talagang binigyan niya po ako ng magandang buhay. Sa ngayon po, ako naman ang babawi sa inyo. Nag- aasikaso na ako ng malilipatan ko kasi may trabaho na po ako. Nakahanap na po ako ng apartment na matitirahan ko malapit sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya. Si tita Ellen naman po ayos lang sa kaniya na aalis na ako sa bahay niya dahil may bago po siyang nobyo. Bale iyon na po ang nagpapasaya sa kaniya ngayon kaya siguro hindi niya na po ako kailangan. At saka parang sa ibang bansa na sila titira."
"Miss na miss kita, anak. Masaya ako sa naabot mo ngayon. Napakasuwerte ko dahil nagkaroon ako ng mabuting anak na kagay mo, Avannah. Salamat at hindi mo kami kinalimutan," sambit ni Lito at saka niyakap si Avannah.
"Miss na miss ko na rin po kayo papa. Kayo nila mama at mga kapatid ko. At hinding- hindi ko po kayo malilimutan dahil ipaparanas ko pa po sa inyo ang ginhawa. Magtatrabaho po ako ng maayos."
Napabaling ang tingin sa akin ni Avannah. Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko at nakatitig lamang sa kaniya. Bakit ganito ang epekto sa akin ang titig ng inaanak ko? Parang tumatagos sa loob ko ang titig niya. Ilang beses akong napalunok ng aking laway habang nakatingin sa inaanak kong si Avannha.
"Anak, si ninong Raider mo nga pala. Dinalaw niya ako dito. Hindi pa rin siya nagbabago. Talagang napakabuting kaibigan niya pa rin at palaging nandiyan sa oras ng pangangailangan," sabi ni Lito sabay turo sa akin.
Malawak namanng ngumiti si Avannah. At nanlaki ang mga mata ko dahil napakaganda niya. Mas lalo siyang gumanda ngayong nakangiti siya sa akin. Kulang na nga lang ay magningning ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ano bang nangyayari sa akin at parang masyado akong namamangha sa inaanak kong ito?
"Hi po, ninong Raider!" masayang sabi ni Avannah sabay lapit sa akin.
Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang dibdib. Bigla akong nag- init. s**t! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nasisiraan na ba ako? Bakit parang nagkakaroon ako ng kakaibang panghanga sa inaanak kong si Avannah?
"Kumusta po kayo, ninong?" malambing na sabi niya sa akin.
"A- Ayos lang. S- Single pa rin si ninong mo..." nauutal kong sabi.
Napatingin ako sa mapupula at manipis niyang labi na para bang ang sarap halikan. Agad akong tumingin sa ibang direksyon at sak napapikit ng mariin.
"Ninong? Ayos lang po ba kayo?'" tanong ni Avannah sa akin sabay hawak sa aking braso.
Para akong napapaso sa ginawa niyang paghawak sa braso ko kaya naman pasimple kong binawi ang braso kong hawak niya.
"Ayos lang ako, Avannah. H- Huwag mo akong intindihin," sabi ko sabay ngiti ng alanganin.
"Maraminh salamat po pala, ninong sa kabutihan niyo sa pamilya ko. Huwag po kayong mag- alala, makakabawi rin po kami sa inyo..."
"Kahit huwag na, Avannah. Huwag mo ng isipin pa iyon. Masaya ako na nakatulong ako sa inyo..." sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon.
Para kasi akong naaakit sa mapupula niyang labi. Pasimple ko ngang nakurot ang sarili ko nang sa ganoon magising ako sa kahibangan ko ngayon.
"Ah...Lito...aalis na pala ako. May aasikasuhin pa ako," bigla kong sabi sabay tingin kay Avannah.
"Nice to see you again, inaanak. Aalis na si ninong..." sambit ko bago nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay.
Hinihingal pa ako nang makapasok ako sa loob ng aking sasakyan. Napatingin ako sa pagitan ng hita ko kung saan mayroong malaking umbok doon.
"f**k!"
Tinigasan ako sa ginawang pagyakap sa akin ng inaanak kong si Avannah.