Kabanata 4

1513 Words
Avannah's P.O.V. "Hoy, Avannah ikaw na talaga!" sambit ni Sheena nang dumating ako sa opisina namin. Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong ako na talaga?" "Mapapasana all na lang kami sa iyo dahil ninong mo pala ang CEO ng kumpanyang ito na si Mr. Raider Monteverde! Ang hot, guwapo at yummy CEO natin! Alam mo bang sa edad na forty years old ay wala pang girlfriend ang ninong mo? Mukhang pihikan yata sa babae. Kaya marami pa ring babae ang nagpapapansin sa kaniya lalo na dito. Sa pagkakaalam ko, maraming babaeng sikat o anak ng mga mayayamang tao ang nagpapansin sa kaniya. Kahit nga iyong mga nasa edad 20's eh nagpapapansin sa kaniya." Tinitigan ko si Sheena. "Ewan ko rin diyan kay ninong Raider eh. Minsan, narinig ko silang nag- usap ni papa. Naiinis daw si ninong sa mga babaeng nakakalandian niya dahil lahat daw ito ay pera lang ang habol sa kaniya. Kumbaga, naglalandian pa lang sila, kung ano ano na ang hinihingi ng babae. Ang hanap daw ni ninong ay totoong pagmamahal. Iyon bang mamahalin talaga siya ng babae hindi dahil sa kung anong mayroon siya." Lumabi si Sheena. "Sabagay...maraming babae ngayon na yaman lang ang habol sa isang lalaki. Pero minsan kasi kailangan din na may kaya ang lalaking magiging karelasyon mo dahil hindi naman nakakain ang pagmamahal. Hindi ka naman mabubusog sa pagmamahal." "Oo naman. Pero syempre dapat mahalin din ng isang babae ang isang lalaki kahit na naging praktikal siya sa buhay," sabi ko naman. "Pero matanong nga kita, hindi ka ba nagkakaroon ng crush sa ninong mo?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Ha? Wala loka! Kasing edad niya lang si papa. Bale parang pangalawang papa ko na rin siya since siya ay ninong ko." "Talaga ba? Kasi kung iba 'yan, nagkagusto na sila sa ninong nila. Uso na nga ngayon iyong nagkakagustuhan ang magninong. Minsan pa nga mag- uncle eh. Ibang klase rin ang pag- ibig 'no? Pero masarap magmahal ng bawal..." nakabungisngis niyang sabi. "Sabagay may narinig nga akong ganiyan. Pero hindi ko naman maitatanggi na ang guwapo ni ninong. At saka talagang kapag nakikita ko siya, humahanga ako sa kaniya. Pero parang nakakaano naman kapag magkakaroon ako ng crush sa kaniya eh ninong ko siya," sabi ko at saka alanganing tumawa. Tumaas ang kilay niya. "Anong nakakaano? Walang nakakaano diyan dahil hindi naman kayo magkadugo. Mag- ninong lang kayo. At kung iniisip mo ang layo ng edad ninyo, walang masama doon dahil maraming tao na sa ngayon ang nagpapakasal at masayang nagsasama kahit na napakalayo pa ng agwat nila!" Mahina akong natawa. Naiisip ko pa lang na magkakagustuhan kami ni ninong Raider, malabo. Pero kahit noong teenager pa lang naman ako, may paghanga na ako kay ninong. Na naisip ko na magiging masuwerte ang babaeng mapapangasawa niya. Sino ba namang hindi hahanga sa isang katulad niya? Guwapo. Matipuno ang katawan. Mabait at higit sa lahat napakamatulungin. At aaminin ko rin na noong nakatira ako sa bahay ni tita Elen, talagang nagpaganda ako ng husto. Dahil noong nakita ko ang pictures ko, ang pangit ko pala. Ang payat ko. Hindi ganoon kakinis at kaputi ang balat ko. Marami akong peklat. At talaga namang dugyot ako kung titingnan. Ginawa kong ayusin ang sarili ko at pagandahin dahil gusto ko na kapag nagkita kami ni ninong Raider, humanga siya sa gandang mayroon ako. At mukhang nagtagumpay naman ako. Dahil noong magkita kaming muli pagkauwi ko sa bahay namin, kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. Na para bang naestatwa siya sa kinatatayuan niya. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na may paghanga na ako sa kaniya noon pa. Baka kasi mailang siya sa akin lalo pa't ninong ko siya. Na para bang pangalawang magulang ko na siya. At sa tingin ko rin hindi matutuwa si papa kapag nalaman niyang may paghanga ako kay ninong Raider. "Tumigil ka na nga diyan, Sheena. Magtrabaho na tayo. Baka mamaya magalit pa sa atin si head natin dahil puro na tayo chismis," sabi ko sa kaniya bago itinuon ang atensiyon ko sa monitor. Naging abala na kaming lahat sa loob ng opisina. Kaniya- kaniya kaming market ng products namin dahil hindi maganda ang naging sales nito sa nakalipas na ilang buwan. Medyo napapagod na nga ang mata ko dahil nakababad ako kanina pa sa monitor. "Avannah! Tawag ka ni Mr. Monteverde. Doon ka raw pumunta sa office niya," sabi ni Sheena na kararating lang. Kumunot ang noo ko. "Ha? Sinabi niya sa iyo?" Mabilis siyang tumango. "Oo noong makita ko siya sa hallway. Sige na muna, kakain na ako dahil nakakagutom magtrabaho," sabi niya bago binuksan ang dala niyang pagkain. Nagkibit balikat na lang ako bago kinuha ang maliit kong bag na may lamang pampaganda. Nag- retouch ako nang kaunti bago lumabas ng opisina namin. Para naman hindi ako haggard kapag nakita ako ni ninong Raider. Huminga ako ng malalim nang matapat ako sa pinto ng opisina ni ninong Raider. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Bakit kaya ako pinatawag ni ninong? Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Gusto niya lang ba akong makita? Binatukan ko ang sarili ko sa isipin kong iyon. Bakit ba ako nag- iisip ng ganito? At bakit naman ako gustong makita ni ninong Raider? Sino ba ako sa kaniya eh inaanak na lang naman ako? Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. Nagtama ang paningin namin ni ninong Raider nang makapasok ako sa loob ng kaniyang opisina. Napalunok ako ng laway bago ko marahang isinara ang pinto. Pagkatapos ay naglakad na ako palapit sa kaniya at nginitian siya ng alanganin. "H- Hello po M- Mr. Monteverde. Pi...pinatawag niyo raw p- po ako?" magalang at nauutal kong sabi sa kaniya. Mahina naman siyang tumawa. "Ang galang mo naman masyado, Avannah. Parang hindi mo naman ako ninong niyan," sabi niya sabay ngiti. Napakurap ako ng ilang beses. Bakit parang lalong gumaguwapo si ninong Raider ngayon? Ano bang nangyayari sa akin at tila ba hangang- hanga ako sa kaguwapuhan niya simula nang magkita kaming muli? Sabagay noon pa naman talaga ay may paghanga na ako sa kaniya. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil masyado pa akong bata noon. At isa pa ninong ko siya. Kumamot ako sa aking ulo. "Pasensya na po ninong kasi syempre....kayo po ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko kaya dapat lang po na maging magalang po ako sa inyo," sabi ko naman sabay kagat labi. Tumikhim siya. "Hindi mo kailangang maging magalang sa akin, Avannah. Kung ano ang trato mo sa akin kapag nagpupunta ako sa bahay ninyo, ganoon din dito kapag tayong dalawa lang. Siguro puwede kang maging magalang kapag may ibang tao bilang respeto na rin sa akin. Pero ngayong tayo lang naman nandito, huwag ka ng maging magalang. Maupo ka..." Kaagad naman akong sumunod sa kaniya at naupo ako sa harapan niya. "Bakit niyo po pala ako pinatawag?" "Gusto lang kitang makasabay kumain. Napadami kasi ako ng bili ng pagkain. Eh wala naman pala 'yong secretary ko. Absent nga pala siya dahil may sakit. Kaya naisip ko ipatawag ka tutal tanghalian na rin naman. Kumain ka na ba?" Humigpit ang hawak ko sa suot kong skirt Ewan ko ba pero bigla akong kinilig dahil sa pagyaya sa akin ni ninong na kumain kami ngayon ng sabay. "Hindi pa po. Kakain pa lang po sana. Busy po kasi ako sa pagma- market ng products natin kasi hindi po maganda ang naging sales nito noong nakaraang buwan..." sabi ko naman sabay ngiti. Bumuntong hininga si ninong. "Huwag ka na masyadong magpakapagod diyan. Gagawa rin ako ng paraan para maging mabenta ang produkto natin tutal kilala naman ako sa pagiging modelo ko ng mga damit. Sa totoo lang kasi wala naman talaga akong balak na bilhin pa ang kompanyang ito dahil bankrupt na nga ito. Naawa lang ako sa kaibigan ko na dating may ari nito at naawa rin ako sa mga empleyado na nandito dahil mawawalan sila ng trabaho. But I'm thankful na ginagawa mo ang trabaho mo dito ng maayos. Nakakatuwa ka naman agad," nakangiting sabi niya na kung saan labas ang mapuputi at pantay- pantay niyang ngipin. Napakagat labi ako at saka agad na ngumiti. "Salamat po, ninong." "Naisip ko na... baka gusto mong maging secretary ko? Tutal iyong secretary ko ngayon, mukhang magre- resign na siya. Atleast ikaw kilala na kita at mapagkakatiwalaan pa." Namilog naman ang mata ko. "Talaga po ninong?" Nakangiti siyang tumango. "Oo naman. Sasabihin ko sa iyo kung kailan mag- resign ang secretary ko ngayon tapos ikaw na kaagad ang papalit." Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa. Hindi ko akalain na tataas kaagad ang posisyon ko nito. At nakakatuwa pa dahil palagi kong makakasama si ninong Raider. "Sige po ninong..." nakangiting sabi ko. "Sige na kumain na tayo bago ikaw pa ang makain ko..." mahinang sabi niya. "Ano pong sabi ninyo ninong?" kunot noong tanong ko dahil hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Wala, inaanak ko. Ang sabi ko ang ganda mo," sabi niya sabay kindat habang ako naman ay kinilig bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD