Avannah Sanchez's P.O.V.
"Ano ba naman 'yan, Avannah! Ang paya- payat mo! Para ka ng kalansay! Sayang beauty mo girl!" sambit sa akin ng kaibigan kong si Yvonne.
Sa edad na dose, kung titingnan ay parang sampung taon lang ako dahil sa kapayatan ko. Kumakain naman ako ng tama. Hindi nga lang ganoon kadami dahil pinagkakasya lang ni mama ang perang naibibigay sa kaniya ni papa mula sa pamamasada ng traysikel. Apat kasi kaming magkakapatid at ako ang panganay. Maliliit pa ang mga kapatid ko. Dalawa pa sa kapatid ko ang naggagatas kaya naman talagang hirap kami sa buhay. Mabuti na nga lang talaga at nagpa- ligate na si mama kaya naman hindi na kami madadagdagan pa.
"Hayaan mo na. Kapag lumaki- laki naman ako, magkakaroon din ako ng laman. Alam mo naman 'di ba na hirap kami sa buhay? Pinagkakasya lang ang perang naiuuwi ni papa sa amin. Kaya talagang hindi rin sapat ang nakakain ko. Ang mahalaga, may almusal, tanghalian at hapunan kami. Kahit na hindi ganoon kadami," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya. "Hayaan mo, kapag yumaman ako, tutulungan kita. Kakain tayo ng masasarap. Ako kasi hindi naman talaga kami mayaman eh. Kumbaga, nakaka- survive lang sa araw- araw dahil dalawa lang naman kami ng kapatid. Sakto lang ang kinikita ni papa ko sa pamamasada niya ng jeep," sabi naman sa akin ni Yvonne kasabay ng tipid na ngiti.
"Huwag kang mag- alala, yayaman din tayo. Darating ang araw na mabibili natin ang lahat ng gusto nating dalawa," sabi ko sa kaniya sabay hagikhik.
"Tama! Talagang yayaman tayo!" aniya at saka nakipag- apir pa sa akin.
Ilang sandali pa ng aming pagkukuwentuhan, may tumawag sa akin na isang pamilyar na boses. Pagkatingin ko sa aking likuran, si ninong Raider pala. Ang aking mabait at napakaguwapong ninong.
"Hi, ninong! Bakit po?" tanong ko sa kaniya.
"Nasaan pala ang papa mo?" tanong naman niya sa akin.
"Ay namasada po ng traysikel. Mamaya pa po siya gabi makakauwi mga 10 pm pa po," sagot ko naman sa kaniya.
Tumango- tango siya. "Ah ganoon ba? Iimbitahan ko sana siya bukas sa bahay dahil birthday ni mommy ko. Sabihan mo siya na pumunta, ha? Aasahan kong pupunta siya."
"Sige po, ninong! Sasabihin ko po sa kaniya pag- uwi!"
Malawak siyang ngumiti at saka hinaplos ang aking buhok. Pagkatapos ay may dinukot siya sa kaniyang bulsa at ito ay ang kaniyang wallet. Naglabas siya ng libuhing pera doon at pagkatapos, kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang perang dinukot niya sa kaniyang wallet.
"Para sa iyo ito. Bumili ka ng maraming food mo, okay? Ang payat- payat mo na, Avannah. Hindi na ito magandang tingnan. Sige na, aalis na si ninong. Pakisabi na lang sa papa mo ha?"
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa hawak kong pera. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. Palagi naman akong binibigyan ni ninong Raider ng pera sa tuwing pupunta siya dito. Pero ang binigay niya sa akin ngayon ay hindi biro. Dahil alam kong malaking halaga ito.
"O- Opo, ninong. Salamat po ng marami!" sigaw ko sa kaniya dahil nakasakay na siya sa kaniyang sasakyan.
Kumaway pa siya sa akin bago niya tuluyang pinaandar ang kaniyang sasakyan. Habang ako naman ay mahigpit na hinawakan ang perang ibinigay niya.
"Wow naman! Ang bait talaga ng ninong Raider mo! Ang daming pera niyan, Avannah! Makakabili ka na ng maraming pagkain!" nanalalaking matang sabi sa akin ni Yvonne.
"Oo nga! Sige na, Yvonne, uuwi muna ako sa amin para ibigay ito kay mama!" mabilis kong sabi bago ako kumaripas ng takbo pauwi sa amin.
Nakarating kaagad ako sa bahay dahil ilang bahay lang naman ang agwat ng bahay namin ni Yvonne. Hinihingal pa nga akong napakapit sa pinto ng bahay namin bago ako lumapit kay mama.
"Mama! Ibinigay po sa akin ni ninong Raider. Pambili ko raw po ng pagkain. Hinahanap niya kasi si papa. Ang sabi niya po, imbitahan niya raw bukas si papa sa kanila dahil birthday daw po ng mommy niya," hinihingal- hingal kong sambit kay mama.
Nanlalaki ang mga mata ni mama nang hawakan niya ang perang ibinigay sa akin ni ninong. Binilang niya iyon. At napatingin siya sa akin.
"Sampung libo? Napakalaking pera naman yata ang ibinigay sa iyo ng ninong Raider mo!" bulaslas niya.
Marahan akong tumango. "Oo nga po eh. Kahit ako nagulat. Ang sabi niya sa akin nang ibigay niya po iyan, ang payat ko raw. Kaya bumili raw po ako ng pagkain."
"Okay sige. Magbihis ka. Tulungan mo akong bihisan ang iba mo pang kapatid dahil aalis tayo..Bibili tayo ng maraming pagkain, anak," sambit ni mama sabay buhat sa bunso kong kapatid na dalawang taong gulang pa lang.
Namili kami ng maraming pagkain ni mama. Nagtambak na rin siya ng gatas at diaper para hindi na maubusan si bunso. At nang umuwi si papa kinagabihan, nagulat siya nang makitang maraming tambak na pagkain sa bahay.
"Ma? Bakit ang daming pagkain dito? Nag- grocery ka? Saan galing ang ang pera mo?" tanong ni papa kay mama.
"Sa ninong Raider ni Avannah. Pumunta dito, hinahanap ka kanina. Birthday daw ng mommy niya bukas. Pumunta ka raw," sagot naman ni mama.
"Aasahan niya raw po iyon, papa," singit ko naman sa usapan nila.
Humingang malalim si Papa at saka napahawak sa kaniyang sintido. "Kahit kailan talaga si Raider, palagi na lang siyang nakasaklolo sa akin. Parang nararamdaman niya kung kailan ako gipit na gipit at saka doon siya biglang magbibigay ng tulong. Napakalaki ng utang na loob ko sa kaibigan ko na iyon. Siya iyong bilyonaryong kaibigan ko na hindi nandiri sa akin o tumapak sa pagkatao ko. Siya ang palaging nandyan para sa akin mula noon hanggang ngayon," maramdaming sambit ni papa.
Nilapitan siya ni mama sabay yakap. "Kaya nga sa lahat ng kaibigan mo noon, siya ang tunay. Dahil kahit na walang- wala ka na, hindi ka niya iniwan. Hindi kagaya ng mga kaibigan mo noon na parang hindi ka na kilala. Dahil mga umangat na sila sa buhay kaya hindi ka na nila pinapansin."
Nakatingin lamang ako kina mama at papa.. Naisip ko bigla si ninong Raider. Naisip ko na balang araw ay makababawi rin ako sa kabutihan niya sa amin.
SUMUNOD NA ARAW, dumating ang mayamang kapatid ni papa na si tita Elen. Nagbibigay din siya ng tulong sa amin. Siya ang mapagbigay naming tita. Hindi kagaya ng ibang kapatid ni papa na nilalait siya dahil nga sa kami lang ang mahirap. Si papa lang ang mahirap sa kanilang magkakapatid. Kapapasok ko pa lang sa loob ng bahay nang mapatingin sa akin sina mama at tita Elen. Nakipaglaro kasi ako kay Yvonne sa labas no'ng dumating si tita Elen. Lumapit sa akin si mama at saka hinawakan ako sa dalawang kamay.
"Anak...gusto sana ng tita Elen mo na sa kanila ka muna tumira. Para may kasama siya doon. Nabalitaan mo naman na wala na ang asawa ng tita mo, 'di ba? At wala naman silang anak kaya malungkot ang nanay ni tita mo..." mahinahong sabi sa akin ni mama.
Lumapit naman sa akin si tita Elen. "Ibinigay ko ang lahat ng gusto mo, Avannah. Pag- aaralin din kita. Nang sa ganoon, magkaroon ka ng magandang trabaho kapag nakapagtapos ka. Matutulungan mo pa ang pamilya mo kapag sumasahod ka na."
Napatingin ako kay mama. "Anak ..ayos lang sa akin na kay tita Elen ka na muna. Kasi sa kaniya, makapag- aral ka ng maayos. Hindi ka na hihinto tulad ngayon. Kaya kung papayag ka, Avannah...doon ka muna sa tita mo para may kasama rin siya."
Napatingin ako kay tita Elen na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako bigla ng lungkot dahil mawawalay ako sa pamilya ko..Ngunit naisip ko rin ang sinabi ni tita Elen. Na kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho, matutulungan ko ang pamilya ko. Maibibigay ko na rin ang gusto nila..At magagawa ko pang matulungan si mama sa pagpapaaral ng mga kapatid ko.
"Sige po, mama. Pumapayag po ako. Para po kapag dumating ang araw, makakatulong na ako sa pamilya natin," sabi ko sabay ngiti.
Niyakap ako ng mahigpit ni mama. At narinig ko ang kaniyang paghikbi. "Hayaan mo, anak. Dadalaw- dalaw ka naman dito kapag wala kang pasok. Para kahit papaano ay nagkikita pa rin tayo. Mag- iingat ka palagi at huwag kang magpapasaway sa tita mo, okay?"
Mabilis akong tumango. "Opo, mama...magpapakabait po ako," sambit ko sabay tingin kay tita Elen na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.