Avannah's P. O. V. Malungkot kong itinabi ang cellphone ko. Baka hindi raw makauwi ng tatlong araw si ninong dahil may aasikasuhin daw siya. At iyon ay ang pagpapakulong niya kay Divine dahil sa ginawa nito sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa gagawing iyon ni ninong kay Divine. Pero mas matimbang pa rin ang bigat sa aking dibdib dahil galit na galit sa akin si papa. Puro siya message sa akin na umuwi na raw ako at iwan si ninong. At sinabi niya rin na nagpapatulong na siya para hanapin ako. Pahiga na sana ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Pagkatingin ko sa screen, tumatawag sa akin si mama. "Hello ma?" malungkot kong sabi nang sagutin ko ang tawag. "Hello, anak.... kumusta ka? Pasensya ka na ngayon lang ako nakatawag sa iyo. Pinapakalma ko kasi ang papa mo dahil