"You're fired!" Malakas na sigaw kasunod ng pagbagsak ng folder sa ibabaw ng aking lamesa ang nagpagising sa aking natutulog na diwa.
"Ay! Halimaw!" Napamulat nang malaki ang mga mata ko sabay tingala para mapagsino ang walang pakundangang dragonesa na pumutol sa napaka-boring kong ginagawa.
Ikaw ba naman ang utusan ng superior mo na mag-delete ng mga hindi importanteng email sa kumpanya mula alas otso ng umaga hanggang ngayon na alas tres na ng hapon ay sino ba naman ang gaganahan? Kailangan kong salain at basahin isa-isa ang mga nasa inbox para malaman kung importante ba o hindi ang nilalaman niyon bago ko burahin. Dagdag pang kailangan kong sagutin ang mga inquiries sa email.
Halos malaglag ako sa aking kina-uupuan, nang makilala ko kung sino ang nasa aking likuran.
"Halimaw? Are you referring me as a monster, Ms.Clemente?" Halos umusok na ang ilong ni Mrs. Peralta sa galit.
"Opo! Ay hindi po, Ma'am!" Napatutop ako sa sarili kong bibig.
Haisst! Pahamak na bibig 'to oh!
"Pack your things and get out of my office now!" makapangyarihang utos niya sa akin na may kasama pang duro.
"Pe-pero ma'am, ano po bang ginawa kong kasalanan para sisantehin ninyo ako? Wala po kasi akong maisip na labag sa policy ng company na ginawa ko," naguguluhang tanong ko, hindi naman pwedeng basta ko na lang tanggapin ang pagsisante sa akin nang hindi ko nalalaman ang rason.
"My husband asked for his freedom, sinabi niya sa akin na may nagugustuhan na siyang iba." Biglang naging mahinahon ito, para bang nawalan ng lakas na napakapit pa sa sandalan ng upuan ko.
Litong napa-isip naman ako sa sinabi niya. "Eh! Ma'am, ano naman po ang koneksyon ng away ninyong mag-asawa sa trabaho ko?"
Tsh! Porke ba't mainit ang ulo niya ay sa akin niya ibubunton? Napaka unfair naman nun.
"Malaki... dahil inamin sa akin ng damuho kong asawa na ikaw ang babaeng nagugustuhan niya."
"Huh!" Halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla.
"Seryoso po ba kayo, Ma'am?" Gimbal na tanong ko pa.
Wala naman akong napapansin kay Mr. Peralta, na may gusto siya sa akin maliban na lang sa maganda niyang pagtrato. Hindi lang naman sa akin kun'di sa lahat ng empleyado sa kaniyang kumpanya ay ganu'n naman siya, kaya hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ng asawa niya.
"Sa araw-araw na nakikita ka raw niya ay lalo lang daw nadadagdagan ang pagtingin niya sa iyo. Kaya bago pa tuluyang mahumaling sa'yo ng todo ang magaling kong asawa at manghingi sa akin ng annulment ay uunahan ko na siya."
"ALEXANDRA CLEMENTE...YOU'RE FIRED!!!"
Panay ang bulungan ng mga katrabaho ko habang nakasulyap sa akin, alam kong ako ang pinag-uusapan nila pero deadma na lang. Kasalanan ko bang ipinanganak ako na maganda na kahit sino na lang ay naaakit sa mala-diyosa kong kagandahan? Insecure lang sila sa akin, kaya naman tuwang-tuwa sila na natanggal na ako sa trabaho.
Hay! Akala nila masarap maging maganda hindi rin naman, kung maraming advantage at privilage ang pagiging maganda ay meron din itong disadvantage. Katulad na lang ng nangyari sa akin, kahit na maganda ang performance ko sa trabaho pero dahil nga sa maganda ako ay nate-threaten sila sa akin. Bukod sa iniisip nila na aagawan ko sila ng posisyon sa trabaho, iniisip din nilang aagawin ko pati ang mga boyfriend o asawa nila. Pake ko naman sa kanila, may sarili rin naman akong lovelife.
Hindi na ako nakiusap, hinayaan ko na lang na tanggalin ako sa trabaho. Ano pa ang saysay na ipagpilitan ko ang sarili ko. Hindi rin naman ako magiging masaya at komportable sa trabaho ko kung ayaw sa akin ng mga tao sa paligid ko.
Isa-isa kong nilagay sa box ang mga gamit ko at nang matapos ay umalis na ako sa aming opisina. Hindi ko maiwasan ang malungkot habang binabagtas ang daan palabas ng Peralta Building. Mahigit apat na taon rin akong nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Isa pa naman ako sa pinagpipilian para ma-promote sa posisyon bilang junior executive, kaya lang dahil sa nangyari ay nabalewala na ang lahat nang pinaghirapan ko.
Nang makarating sa parking ay inilagay ko sa compartment ng aking kotse ang mga dala ko. Sa mga oras na ito ay ayoko munang umuwi dahil kapag mag-isa ako ay lalo ko lang maiisip ang masaklap na nangyari sa akin ngayong araw, kaya naisipan kong dumiretso muna sa tirahan ng aking boyfriend. Yes, may boyfriend ako. At the age of thirty two dapat nga ay may sarili na akong pamilya, kaya lang ang boyfriend ko ay hindi pa ready, ni hindi nga niya pinapaalam sa pamilya niya at mga kaibigan na girlfriend niya ako. Okay lang naman sa akin, naiintindihan ko dahil sa trabaho niya. Isa siyang sikat na newscaster at may inaalagaan siyang image. Tinatangkilik siya ng mga tao dahil ang alam ng lahat ay single pa siya.
Kabisado ko ang schedule niya, day off niya ngayon at siguradong sa mga oras na ito ay nasa pad pa siya. Tinawagan ko siya kanina, hindi naman daw siya umalis ng bahay.
Sa kagustuhan kong sorpresahin siya ay hindi ko na ipinaalam ang pagdating ko, alam ko naman ang passcode ng pintuan niya kaya makakapasok ako ng hindi niya namamalayan. Ngunit, imbes na siya ang masorpresa ay ako ang nasorpresa ng malala. Napaawang ang bibig ko nang pagpasok ko sa loob ng bahay ay makita ko ang talipandas kong nobyo na hubo't-hubad at nakapatong sa ibabaw ng isang babae na panay ang ungol at tila ba sarap na sarap sa pagbayo sa kaniya ng demonyitong si Christoff.
Nang mga oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksiyon? Kung magwawala na ba ako o hahayaan ko muna silang marating ang rurok ng tagumpay bago gawin iyon? Baka kasi isipin nila ay masyado naman akong walang puso at hindi ko muna sila hinayaang makatapos.
Tsk! Ano ako baliw? Siyempre, hindi ko gagawin 'yon. Wala silang karapatan na maging maligaya.
Kumukulo ang dugo ko sa galit. Dahil abala sila sa kanilang paglalampungan ay hindi nila napansin ang pagdating ko. Isa lang ang magandang paraan na naisip ko para iparamdam sa kanila na narito lang ako sa tabi at nakikita ko ang kabulastugan nila.
Pumunta ako sa kitchen at hinanap ko agad ang ref. Kumuha ako ng tubig, yung pinakamalamig na tubig sa pitsel ang kinuha ko at pagkatapos ay bumalik ako sa sala. Walang pag-aalinlangan na ibinuhos ko sa mga ito ang tubig na dala ko.
Gulat na gulat ang mga talipandas at napatili pa sa lamig ang bruhang babae. Buhat sa pagkakabaon ng sandata ni Christoff sa pukengkeng ng malanding babaeng iyon ay kusang nahugot ito. Umurong kasi at nanguluntoy ang putotoy niya kaya naman tawang-tawa ako. Hindi ko pinigil ang aking pagtawa. Tumawa ako nang malakas at umalingaw-ngaw ito sa buong bahay.
Sabay na napalingon sa akin ang dalawa.
"Huh...Alexa!" gulat na bulalas ni Christoff.
Tumaas ang isang kilay ko at naningkit ang mga mata ko.
"Oo ako nga! Idinadahilan mo pa ang trabaho mo para lang pumayag ako na huwag ipaalam sa publiko na girlfriend mo ako, iyon pala ay may iba kang rason. Nagpapanggap kang single para marami ka pa ring malokong babae."
"Ang lakas ng loob mong mambabae ang liit naman ng putotoy mong bwisit ka!"
Nanlisik ang mga mata ni Christoff, nagalit siya sa sinabi ko eh totoo naman.
"Alam mo ba kung bakit hindi kita pinapakilala sa publiko bilang girlfriend ko?" tanong nito sa akin.
Napamaang ako. "Hi-hindi, bakit?" balik tanong ko.
"Dahil hindi ako proud sa'yo. Wala kang maipagmamalaki, at your age wala kang na-achieve na maganda sa buhay mo. You're just a simple employee. Wala kang naipundar na kahit na ano, wala kang negosyo, wala kang sariling bahay tapos ang kotse mo hanggang ngayon hinuhulugan mo pa. I hate to say this, but you're a loser, Alexa!"
Saglit akong natigilan. Totoong masakit ang sinabi niya. Nasaktan ako pero hindi ako nagpahalata, inayos ko ang aking sarili at taas noong tumingin sa kaniya.
"Huh! Hindi na baleng loser huwag lang maliit ang putotoy!" malakas na sabi ko sabay walk out.
Hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon niya dahil tumalikod na ako. Hindi naman ako papayag na basta na lang niya akong maliitin. At least kahit na paano ay nakaganti ako sa pangmamaliit niya sa akin.
Expect ko nang hindi niya ako hahabulin, ayoko na rin namang makipag-compromise pa sa kaniya. Ilang beses ko na siyang nahuli na nakikipag-flirt sa ibang babae, ngunit pinalalagpas ko lang, pero ang mahuli siya sa akto ay hindi na katanggap-tangap iyon.
All the while ganun pala kababa ang tingin niya sa akin. Hindi ko siya mapapatawad, never!