Chapter 3

1322 Words
Isang linggo na simula ng mawalan ako nang trabaho at ngayon ay napakahirap na para sa akin ang maghanap dahil halos lahat ng aplyan ko ay may age limit. Hindi na raw ako bata at mas marami pang mas qualified sa akin. Hello! Kung sa itsura lang naman ang pagbabasehan ay higit na bata akong tingnan kaysa sa aking mga ka-edad. Madalas pa nga akong mapagkamalang nasa mid-twenties palang. Kung pwede lang sanang bumalik na lang ako sa pagiging bata para wala na akong poproblemahin. Hindi ko na iisipin ang mga bills at ang mga pinagkakautangan ko, gaya ng aking car loan at housing loan, pati na ang mga credit cards ko. Titiisin ko na lang na lagi akong api-apihan sa bahay namin dahil ang magaling kong Kuya Zandro at Ate Cheska naman ang laging bida sa paningin nina Mommy at Daddy. Pero iba na ngayon. Sa edad kong ito, dapat ay may sarili na akong pamilya, namumuhay ng masaya kasama ang aking asawa at mga anak. Katulad ng aking mga kapatid na successful na nga sa kanilang family life ay successful pa rin sa kanilang mga chosen career. Gusto ko sanang magpakalango sa alak para kahit saglit lang ay matakasan ko ang aking mga problema, pero ng tumayo ako para pumunta sa kusina ay laking dismaya ko ng sa pagbukas ko ng ref ay wala akong nakitang laman maliban sa isang pitsel ng tubig. Kapos na kapos na ako sa budget. Hindi ko napaghandaan na mawawalan ako ng trabaho kaya hindi ako nakapagtabi. Aaminin ko na na magastos ako at inuuna ko pa ang luho bago mag-ipon, ngayong walang-wala ako ay wala akong mahugot. Waaaahhh! Ano bang kasalanan ko nung past life ko at ganito ang naging kapalaran ko ngayon? Wala na akong ibang maisip kaya naman dali-dali kong kinuha ang susi ng aking kotse . Kailangan ko ng sariwang hangin! Gusto ko rin ng may makakausap dahil kung titig lang ako sa apat na sulok nitong aking condo at iisipin ko kung gaano ako ka miserable ngayon ay baka sa mental hospital na ako pulutin ng mga magulang ko. Makailang buntonghinga pa ang ginawa ko bago i-start ang engine. Wala akong eksaktong patutunguhan. Nag-drive lang ako nang nag-drive. Nang may madaanan akong convenient store ay huminto ako, bumili ako ng dalawang bote ng beer, tumambay muna ako at doon ko ininom ang binili ko. Pagkaubos ko ng alak ay umalis na rin ako at muling bumalik sa sasakyan ko. Wala pa akong balak na umuwi. Hindi ko alam kung saan pa ako pwedeng pumunta. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko alam kung bakit dito ako tumigil. Habang pinagmamasdan ko ang bahay ng aking pinsan at pinaka matalik na kaibigang si Stella ay para bang may ibang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa buo kong katawan. Ipinilig-pilig ko ang aking ulo. Tsh! Ang weird. Sobrang creepy! Alas siyete pa lang ng gabi pero pakiramdam ko ay alas dose na, wala na akong nakikitang naglalakad na tao sa paligid, samantalang napakarami namang bahay akong natatanaw sa lugar na iyon. At saka bakit ba napakadilim? Walang bukas na ilaw bukod du'n sa poste na nakatayo tatlong bahay ang layo sa kinaroroonan ko at panay pa ang kurap nito na para bang anumang oras ay magsisimula na siyang mapundi. Isinawalang bahala ko na lang ang lahat ng kakaiba kong napapansin at kibit balikat na naglakad papalapit sa pinto ng bahay ni Stella para kumatok. Tok...tok...tok! "Insan! Buksan mo 'to, nandito na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!" malakas na sigaw ko.Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik sa aking kalokohan. "Pumasok ka, bukas ang pinto." Narinig kong sabi mula sa kawalan. Huh! Saan nanggaling ang boses na 'yon? Parang nagmula sa kuweba na para bang nag-e-echo pa. "Grrrr!" Napayakap ako sa aking sarili. Ang weird talaga! Yung totoo, nasa isang suspense horror movie ba ako? "Pumasok ka na sabi, eh." May iritasyon sa tono ng boses na nag ba-bounce back sa kung saan. "O-oo na, ito na nga, oh!" Halos hindi ko alam ang gagawin dahil sa pagkataranta makapasok lang sa pinto. Sa kaniyang laboratoryo sa ground floor ng malaki nitong bahay natagpuan ko ang aking pinsan. "Bakit nandito ka?" walang ganang tanong ni Stella sa akin, ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Abala ito sa pagpapakain ng kung ano sa isang kuneho na nasa loob ng isang puting cage. "Grabe! Ikaw na ngang dinadalaw, bakit para bang galit ka pa? Hindi ka ba masaya na nakita mo ako? Hindi mo ba ako na-miss? Ang tagal din nating hindi nagkita, almost six months na. Ang huli ay nung um-attend pa tayo ng birthday ni Lola Violeta." May himig pag tatampo sa tono ng aking boses habang sinasabi ko ang mga iyon. Para naman kasing hindi ako welcome sa bahay ni Stella. "Tsh! Busy ako eh," walang ganang sagot niya. "Huh! Busy? Busy saan? Diyan sa kawirduhan mo?" Tinapunan niya ako ng masamang tingin at pagkatapos ay bumalik na sa kaniyang ginagawa. "Nasaan nga pala sila Tita Susan at Tito Freddie?" Inilinga ko ang mga mata sa paligid para hanapin ang parents ni Stella. "Wala sila, nag European tour." "Wow! Nakabakasyon pala sila," bulalas ko. "Sana makapagbakasyon din ako, kahit sa asia lang muna." "Tsk! Try mo kayang umuwi sa parents mo para magawa mo 'yan." Pinanlakihan ko ng mata si Stella. "No! Over my bootylicious body na uuwi ako sa amin," mariing sabi ko. "Pinaiiral mo na naman ang pagiging independent mo kuno, pero ang totoo naman ay mataas lang talaga ang pride mo. Baka nakakalimutan mo Alexa, thirty two years old ka na, wala na ang edad mo sa kalendaryo. Dumating ka na sa age na 'yan pero wala ka pa ring pinagkatandaan," sermon ng magaling na si Stella sa akin. "Tsk! Ako lang ba ang thirty two years old dito? At saka anong wala na sa kalendaryo? Excuse me, may 32 kaya sa kalendaryo," pabirong sabi ko. "At isa pa sa pagkakatanda ko ay magka-edad lang naman tayo at magkasunod pa ang mga birthday natin, kaya huwag kang mangaral d'yan na para bang may pinatunguhan din na maganda ang buhay mo. Bahala ka na nga kung ano ang gusto mong isipin sa akin. Aakyat muna ako sa taas, nagugutom ako, baka naman may pagkain kayo sa kusina, bigyan mo naman ako ng makakain." "Sige, umakyat ka. Good luck na lang sa'yo kung may makita ka!" Pagtataboy nito sa akin. Hay naku! Gaya ng inaasahan ko wala man lang akong nakitang pagkain sa kusina nila. Kahit isang butil ng kanin ay wala, ni hindi man lang nag-abalang mag grocery itong si Stella. Wala ba talaga siyang pera o tinatamad lang mamili? Ang yaman-yaman, walang pagkain. Kung nagda-diet siya ay sobra naman ata sa diet 'yan, parang magpapakamatay na sa gutom. Laking dismaya ko kung bakit dito pa 'ko pumunta. Gusto ko sana na magpa-deliver na lang ng pagkain, ang problema ay wala nga pala akong kapera-pera. Sa huli pinagkasya ko na lang ang aking sarili sa pagkutkot ng biscuit na nakita ko sa ibabaw ng lamesa. Ewan ko kung ilang araw na ba ito roon? Nag iisa na lang ito at walang ibang kasama. Hindi ko na nga tiningnan ang expiration date at kinain ko na agad. Tsh! Wala man lang panulak? Dapat talaga nag-mall na lang ako, eh. Inilinga ko ang mga mata sa paligid, hanggang mapatigil ang mga ito sa napakalaking refrigerator. Agad akong lumapit para buksan ito sa pag aakala na dito ako makakahanap ng maraming pagkain. Excited na excited ako, ngunit halos malaglag ang panga ko nang sa pagbukas ko ng ref, ang inaasahan kong makikita ay hindi iyon ang bumungad sa akin. Waaaaaaah! Napakalaki ng ref nila pero isang bote ng mineral water lang ang laman! Yung totoo! Dahil kaya sa kaka-world tour nina Tito Freddie at Tita Susan ay naubos na ang kayamanan nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD