"O, Keith, you're back!" gulat na bulalas ni Bambi nang makita ang kaniyang alagana pumasok sa loob ng kaniyang opisina. "Bakit may naiwan ka ba?"
Hindi naman pinansin ni Keith ang tanong nito sa kaniya.
"Why you did not inform me na may ganito pala kayong pa-contest?" Inilapag niya ang tarpaulin na nakita niya sa labas ng D&S Building, kung bakit ba kasi hindi niya napansin iyon noong una pa lang.
"I'm the one who's involved here, but you made a decision without my knowing." Halos sumabog na ang ulo niya sa galit.
Tinawagan niya si Bambi ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya bumalik siya sa opisina nito para sadyain ito at makausap na rin ang management ng D&S Entertainment tungkol sa bagay na iyon.
Ang manager niya at ang entertainment company na may hawak sa kaniya ay gumawa ng isang contest para sa mga fans niya, na kung sino ang mabubunot sa electronic raffle ay siyang papalarin na maka-date siya. Okay lang sana kung ipinaalam ng mga ito sa kaniya ang tungkol doon. Nakahanda na sana siya para magbakasyon tapos mapupurnada pa.
Pambihira!
"Do you think kapag inopen namin sa 'yo ang idea na ito ay papayag ka? We know you hate being seen on television."
"Alam niyo naman pala eh, so bakit niyo pa ginawa?" iritadong tanong niya.
"Because it's about time for you to enter the world of small screen."
"Tsh! That's so impossible of you, no way Bambi! No way!" mariing tanggi niya.
"This reality show A Date With A Movie Star will open the eyes of the people that you do really exist! Feeling kasi nila hindi ka talaga tao."
"Oh! Come on Bambi at saan mo naman nakuha ang idea na yan?"
"Sa survey! We asked people kung sino ba ang mas sikat, si Keith Almonte ba o si Ryle Philips." Saglit na tumigil ito sa pagsasalita.
"And then?" Tiningnan niya ito ng masama, ang pinaka ayaw kasi niya sa lahat ay iyong binibitin siya sa usapan.
"80% percent says that it's you."
Nakahinga siya nang maluwag, akala pa naman niya ay naungusan na siya ng lampang iyon.
"But..."
Natigilan siya sa pag-aalangan nito.
Tsk! there he goes again.
"But what?" Asar na tanong niya pero inirapan lang siya nito.
"Say it Bambi!" halos pasigaw nang sabi niya, masyado na siyang naiinip sa pambibitin nito at nauubusan na siya ng pasensiya.
Bambi heaved a long sigh. " Easy, Keith. " Iminuwestra nito ang kamay trying to calm him down.
"Then say it now, I have no time for this sh*t!" ang pinipigilang galit ni Keith ay sumabog na.
"Okay! They say that you're the most popular, but you're so hard to reach. They just saw you in a big screen doing only movies but Ryle is a way different from you, he always have time to his fans and he do everything just to reach out on them, he is very visible."
"Yes, Keith Almonte is the most popular, but Ryle Philips is the notable one."
"They watch your movies but after that they forget about you. If you want to make big on your career then you have to follow us, we know what's good for you."
F*ck! I don't like being compared to others and that Ryle Philips, I hate him! He's doing everything para bumango ang pangalan niya sa publiko, ginagawa niya ang lahat para malagpasan ang kasikatan ko. Even if I don't want too, I have to compete with him not just because of my career that's involved here, but also my credibility as an actor is at stake.
Sa huli ay wala nang nagawa pa si Keith kung hindi ang sundin ang kagustuhan ng management. Hindi siya lumalabas sa telebisyon, puro pelikula lang ang ginagawa niya kaya lang ngayon ay kailangan niyang makipag-date sa isang fan at makipag-inter act dito.
Napurnada ang sana ay bakasyon niya.
-
Kinabukasan ay walang ganang bumangon si Alexa, kung hindi pa siya ginising ni Mindy ay hindi siya babangon. Ang aga-aga ay nasa pamamahay na naman nila ang makulit na dalaga.
"Bakit nandito ka na naman?" yamot na tanong niya.
"Kanina pa kita tinatawagan hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Ngayong araw na ang date mo dapat naghahanda ka na."
"Tsh! Bakit pa, hindi ako interesado, kung gusto mo ikaw na lang ang makipag-date sa lalaking 'yon," balewalang sabi niya.
Sumimangot si Mindy. "Kung pwede nga lang noh, kaya lang ikaw ang nanalo at hindi pwedeng ibigay mo sa iba ang privelage na 'yon. Nakakainis ka talaga, ito ang matagal mo nang gusto pagkatapos aayaw ka."
"Sino ba'ng may sabi na gusto ko? Ang bata-bata pa ng lalaking 'yon, eleven years ang agawat ng edad namin. Para na akong tiyahin niya."
"O, ayan ka na naman, bakit ba ang tanda-tanda nang tingin mo sa sarili mo? Manalamin ka nga at saka mo sabihin na matanda ka na."
Hinatak siya ni Mindy palapit sa body size mirror. Nakita na naman niya ang batang itsura niya. Apat na araw na pala ang nakakalipas simula nang mainom niya ang imbensiyon ni Stella. Ang tagal pa bago siya
bumalik sa dati. Mas gugustuhin pa niya na maging matured ulit kaysa naman lagi siyang kinukulit ni Mindy. Ayaw na rin niyang makasama iisang bahay ang Kuya Zandro niya. Nami-miss na niya ang condo niya at ang sasakyan niya.
"Magpunta muna tayo sa spa, magpa-facial ka at body scrub para naman mamaya kapag nakaharap ka ni Keith ay fresh na fresh ka," aya ni Mindy.
"Bakit pa? Tama na ang itsura kong ito. Hindi ko na kailangan na magpaganda para sa lalaking iyon dahil hindi ko naman gustong kuhanin ang atensiyon niya."
"Hay, ewan ko sa'yo, Alexa! Suko na ako sa kakulitan mo. Mag-aalmusal muna ako sa baba, babalikan kita rito, kailangab nakaligo ka na dahil aalis tayo."
"Aba, ikaw lang ang mag-aalmusal? Paano naman ako? Bahay kaya namin 'to."
"Hindi ka pwedeng kumain, diet ka today, mahirap na baka maging bloated ka, nakakahiya kay Keith, isa pa ang pangit tingnan sa camera. Alam mo bang ipapalabas sa tv ang date ninyo kaya kailangang magandang-maganda ka."
Napasimangot siya. Hindi niya alam kung paano matatakasan ang sitwasyong iyon.
"Sige na, chill ka lang d'yan." Tinapik pa siya sa balikat ni Mindy.
"Teka lang, hindi ba pwede kahit isang tasang hot chocolate lang?"
Umiling si Mindy. "Hindi pwede, matamis 'yon."
"So ano na lang ang kakainin ko?"
"Padadalhan na lang kita ng oatmeal kay Yaya Delia."
"What? Ayoko! Hindi naman nakakabusog 'yon eh," reklamo niya.
"That's the point, 'yung hindi ka dapat mabusog."
"Ewan ko sa'yo Mindy! Hindi ko kayang mabuhay ng hindi kumakain."
"Mamaya sa date ninyo ni Keith kakain naman kayo, doon ka na bumawi."
"Ano? Dinner date pa 'yon at 7pm pa mag-start, anong oras pa lang ngayon?"
"Ayan ang tinatawag na tiis ganda."
"Heh! Kahit anong sabihin mo kakain pa rin ako tumabi ka nga d'yan!" Malakas na hinawi niya si Mindy at nagmamadali siyang tinungo ang pinto, binuksan niya iyon at lumabas.
"Alexa! Hindi ka sabi pwedeng kumain bumalik ka dito!" Hinabol siya nito hanggang sa makababa sila ng hagdan. Sa paghaharutan nila ay hindi nila napansin ang paparating na si Zandro, bumangga si Mindy rito.
Dumilim ang mukha ni Zandro, galit ang itsura nito kaya natakot ang magkaibigan.
"So-sorry, Kuya!" utal na sabi ni Mindy.
"Bahay ito hindi playground. Ang tatanda niyo na naghaharutan pa kayo. Kung gusto ninyong maglaro doon kayo sa labas."
"Kuya naman, nag-sorry na nga yung tao ang dami mo pang sinasabi," inis na wika ni Alexa.
"At kailan ka pa natutong sumagot sa akin? Mas matanda ako sa'yo, remember?" Binalingan siya ng masamang tingin ng kaniyang kapatid.
"Dati 'yon, nong hindi ko pa naiinom ang imbensiyon ni Stella. 32 na ako at ikaw 24 ka pa lang kaya mas matanda na ako sa'yo ngayon, dapat ako na ang tinatawag mong Ate."
Napaawang ang bibig ni Mindy sa labis na pagkabigla, hindi niya akalaing magsasalita ng ganu'n si Alexa sa harap ng masungit nitong kapatid.
"What did you just say?" tanong ni Zandro na hindi nawawala ang kunot ng noo.
"Ah, Kuya Zandro, huwag mo nang pansinin si Alexa,kagigising lang kasi niya baka nananaginip pa. Sige po, pupunta na kami sa dining."
Hinatak ni Mindy ang kaibigan, wala naman nang nagawa si Alexa kung hindi ang sumunod dito.
"Ikaw talaga, bakit mo sinagot nang ganun ang Kuya Zandro mo, gusto mo bang ma-grounded ka? Paano kung hindi ka niya palabasin ng bahay? Paano ka pupunta sa date ninyo ni Keith."
"Okay nga iyon eh, at least may valid reason na ako para hindi na nila ituloy ang walang kwentang date na 'yon."
Hinampas siya sa balikat ni Mindy.
"Sira ka ba? Ang daming gustong makipagpalit ng pwesto sa'yo, tapos ikaw binabalewala mo lang."
"Eh, sa wala nga akong interes sa date-date na 'yan."
"Ewan ko sa'yo, Alex! Kung hindi lang kita kaibigan baka isipin kong napalitan ka ng maligno."
"Maligno ka d'yan, puro ka kalokohan. Nagpapaniwala ka sa mga ganiyan. Panakot lang ng matatanda 'yan dati para hindi na lumabas ang mga bata kapag gabi."
"Ah, basta! Yung sinabi ko sa'yo,sa ayaw mo at gusto makikipagkita ka kay Keith. Itayo mo ang bandera nating mga fans niya."
"Excuse me, hindi ako fan, kayo lang."
Nagpatiuna na siyang pumunta sa dining at iniwan si Mindy na humabol naman sa kaniya. Pagpasok nila ay naroon na ang buong pamilya ni Alexa, pati ang Kuya Zandro nito. Bumati muna si Mindy sa lahat bago naupo. Hindi naman na siya iba sa pamilya, parang anak na rin ang turing sa kaniya ni Mr. and Mrs. Clemente dahil simula highschool ay magkaklase at magkaibigan na sila ni Alexa.