"You're so impossible, how could you do this to me?"
Hindi niya gustong tingnan ang inis na mukha nito. Nagpanggap siyang nakikinig sa mga pinagsasabi nito ngunit ang totoo ay may nakapasak na blueetooth earphone sa kaniyang tenga. Sanay na siya sa mga sermon at pangaral nito, wala namang bago, paulit-ulit lang kasi ang mga sinasabi nito sa kaniya. Bambi has been his manager since he started acting in show business five years ago.
"Keith, you're deceiving me! Take that thing out of your ears right away, I'm warning you!" banta nito sa kaniya.
Oh! Sh*t he looks like a mess.
He is on the verge of exploding at any moment.
"Okay... okay! I'm doing it now, Calm down." Agad niyang tinanggal ang earphone sa kaniyang tenga gaya ng utos nito.
"So what now?" tanong niya
Inirapan naman siya nito sabay pamewang.
"They are widthrawing their contract, you are no longer the endorser of His and Hers Apparels."
"Really?" natatawang sabi niya. Alam niyang isa lang iyon sa mga taktika nila para takutin siya. Hindi siya natatakot, hinding-hindi nila magagawang paikutin siya sa kanilang mga palad. He knows himself and he knows his worth.
"I will still be the Movie King with or without endorsements. They need me more than I need them," mataas ang kumpiyansa sa sarili na sabi niya.
"Huwag kang tumawa diyan, this is a serious matter. Your being so unprofessional will ruin both you and your career."
"I already signed the contract, they cannot back out just because I don't show up in their presscon."
"Tsh! Kasama yun sa kontrata, Keith, promoting their products in different ways, even attending a press conference. You're not new in this business kaya dapat alam mo yan."
"Okay! I'm sorry, I won't do it again, I promise." Itinaas niya pa ang kanang kamay na para bang nanunumpa para mas convincing.
"Grrr! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo. You consistently make things difficult for me. When will you start taking life seriously? You always give me headaches, just look at me! I appear ten years older than my age, and it's all because of your misbehavior. Maybe I should just give up. Every time you mess up, I think about resigning!" may halong pananakot na sabi nito sa kaniyang alaga.
"No-no-no, you cannot do that Bambi." Agad siyang tumayo at lumapit dito, ginagap niya ang kamay nito para suyuin. "You are a very efficient manager and I don't think there's someone who can replace you. Don't give up on me Bambi." Hinimas himas pa niya ang mga braso nito at saka inakbayan. He's an actor and he know his weakness, kapag ganitong sinusuyo na niya ito ay hindi naman siya nito matiis.
"Hmp! Okay fine." Ang kaninang galit na boses ni Bambi, ngayon ay mahinahon na.
"As usual ako na naman ang maglilinis ng ikinalat mo. I'll talk to the management of H&H Apparels and ask them to re-schedule the press conference, but make sure pupunta ka na or else ipapa-handle ko na ang career mo sa iba, understood?"
"Yes Ma'am" maagap na sagot naman niya, sabay saludo, hindi pa nakuntento, nginitian pa niya ito ng pagkatamis-tamis na sinamahan pa ng kindat.
Umikot ang mata nito at inirapan naman siya. "Hay naku! Keith Almonte how can you be so charming at the same time annoying? Grrrrr..." Nagmartsa ito palabas ng opisina, habang natatawang nailing na pinagmamasdan lamang ng binata ang paseksi nitong lakad.
He was about to leave the
D&S Entertainment, naglalakad siya sa pasilyo at lahat ng mga empleyadong nakakasalubong niya ay bumabati sa kaniya. Karamihan sa mga babae ay hindi mapigilang kiligin, ang iba naman ay lantaran siyang kinukunan ng pictures gamit ang kani-kanilang cellphone.
Paano ba namang hindi He is Keith Almonte isang artista, pinakasikat, in demand at highest paid movie star. Lahat ng pelikula niya ay blockbuster and his latest movie which is "Dare" ay isa nang Highest Grosser Film of All Time, nalagpasan na niya ang mga beteranong actor sa industriya sa dami niyang achievement, considering the fact na twenty one palang siya at five years palang siya sa showbusiness.
He stopped for awhile ng maramdaman niya ang cellphone sa bulsa niya na nagba-vibrate, agad niyang inilabas iyon.
A phone call coming from his girlfriend, Celine. Excited na sinagot niya ang tawag nito.
"Hi Babe!" masuyong bati niya sa kabilang linya.
"Keith, we need to talk," sabi ng kaniyang kausap. She sound so worried, dinig pa niya ang pagbuntong hininga nito ng malalim.
"We're doing it right now, Babe, nag uusap na tayo," papilosopong sagot niya.
"No! This is very important, I want it private."
Napaisip siya.
What is the problem this time?
He heaved a long sigh.
"Okay! Where do you want us to meet?"
"Sa dati pa rin, actually I'm here right now."
Napangiti siya ng pilyo, mukhang seryoso nga ang pag-uusapan nila.
"Okay, give me fifteen minutes."
"Okay, but be sure na walang nakasunod sa'yong paparazzi," paalala pa nito sa kaniya.
"Yeah I know what to do."
"That's good to hear, see you then."
"Okay bye! I love you babe!" pahabol na sabi niya.
"Bye!" sagot naman nito agad nang tinapos ang tawag nang hindi man lang nag I love you back sa kaniya. Pero okay lang, ginagawa lang naman niyang maging sweet dito para makuha niya ang gusto niya.
They're on a relationship for one month now but they kept it secret.
Celine Reyes is an actress, tv host and a model, isa siya sa pinakasikat na artistang babae ngayon. May iba siyang ka-love team kaya ipinagbabawal sa kaniya na makipag relasyon sa iba.
Ang totoo ay hindi naman siya siniseryoso ni Keith. Nahalata lang niya na may gusto ito sa kaniya kaya niya ito niligawan. Wala naman sa kaniya kung malaman ng publiko na may realsyon sila, ito lang si Celine ang maingat na maingat sa career niya. Masisira nga naman siya kapag nalink ang pangalan niya sa ibang lalaki.
Hindi pa naman siya sawa rito kaya wala pa siyang balak na makipaghiwalay. Dahil pareho silang busy sa mga commitment nila ay bihira pa sa patak ng ulan kung sila ay magkita kaya parang balewala rin naman ang relasyon nila.
Nagmamadali na siyang lumakad naghihintay na ito sa kaniya kaya wala na siyang sinayang na oras, lumabas siya ng building at tinungo sa parking ang kaniyang sasakyan.
_
"Let's call it quit, Keith!"
Nangunot ang noo ng binata, kararating lang niya ay iyon na agad ang sumalubong sa kaniya.
"What?" tanong niya dahil baka nagkamali lang siya ng dinig.
"Break na tayo," seryoso ang mukhang wika ni Celine.
Napaangat ang isang kilay ni Keith. Hindi pa niya na-experience na babae ang nakikipag break sa kaniya, dahil palagi namang siya ang nakikipag break sa mga nakarelasyon niya, kapag nagsawa na siya sa mga ito.
"Pinapunta mo ako rito para lang sabihin sa akin 'yan? Bakit hindi mo na lang tinext, hindi naman pala importante," walang ganang sabi niya. Ang buong akala kasi niya kaya nagmamadali pa siyang makipagkita rito ay makaka-iskor siya—magla-loving-loving sila, na matagal na nilang hindi ginagawa.
Ang apartmenr kung saan sila naroroon ngayon ay ang kanilang secret hide out kapag nagkikita sila. Inuupahan ni Celine ang apartment na iyon. Ang dalaga kasi mismo ang nakaisip na kailangan may lugar sila na magagawa nila ang gusto nila na hindi sila nasusundan ng mga makukulit na reporters. Ingat na ingat kasi itong huwag mahuli at maisama sa blind items.
"Huh! Bakit, ganu'n na lang ba 'yon? Siyempre kailangan ko rin sabihin sa'yo ng personal dahil hindi naman basta lang ito."
"O ngayong nasabi mo na, na- break na tayo, o eh di tapos na. Ano pa ba ang gusto mo?"
Napipilan si Celine. "Gu-gusto ko rin kasing ipaalam sa iyo kung ano ang rason ko at bakit ako nakikipag-break."
Iwinasiwas ni Keith ang mga kamay na para bang balewala lang sa kaniya ang sinabi nito.
"Never mind, hindi ko rin naman gustong marinig ang rason mo. Whatever it is, it's your decision. I'm good with it, mabuti pa ngang mag-break na lang tayo, wala rin namang patutunguhan ang relasyon na ito. Kung wala ka nang sasabihin pwede na ba akong umalis? You know my schedule are very hectic, pasalamat ka at nabigyan pa kita ng oras."
Magsasalita pa sana si Celine ngunit tinalikuran na niya ito.
Nakaramdam ng inis ang dalaga, ang buong akala niya ay hahabulin siya ni Keith at hindi ito papayag na mag-break sila, ngunit parang balewala lang dito ang sinabi niya. Ngayon niya napatunayan na hindi pala siya minahal nito. Ang akala niya ay totoo ito sa kaniya. Tama pala ang tsismis na wala itong siniseryosong babae. Ang laki ng panghihinayang niya. Pinagsisihan niya ng husto ang kaniyang ginawang pakikipaghiwalay rito.Napaiyak na lang siya sa labis na pagsisisi.
Samantalang, si Keith matapos na iwan si Celine ay dumiretso na sa kaniyang bahay. Nagtataka siya kung bakit biglang dumating sa tirahan niya ang kaniyang stylist.
"Hey, Mira, what are you doing here? May awards night ba akong pupuntahan, bakit may mga dala kang damit?" takang tanong niya rito. Ang alam niya ay nakabakasyon siya ng tatlong araw, ipinagpaaalam na niya iyon kay Bambi dahil balak niyang pumunta sa Siargao para mag-surfing.
"Nakalimutan mo na ba, bukas na ang "A Date with Keith" makikilala mo na ang makaka-date mo bukas. Mamili ka na sa mga dala kong damit na gusto mong isuot para sa date mo sa iyong fan."
Nangunot ang noo niya.
"Anong date? Wala akong matandaan na gan'yan, may pa-contest pala kayo bakit hindi ko alam?" medyo inis na tanong niya.
Nagkibit balikat naman si Mira. "Ewan ko, wala akong kinalaman d'yan, napag utusan lang ako na bihisan ka bukas para sa date mo. Dumaan lang ako ngayon kasi may pupuntahan din ako malapit lang dito sa area kaya sinaglit na kita. Ang manager mo ang tanungin mo o kaya ang D&S Entertainment."
Hindi na siya nagsalita, kailangang makausap niya si Bambi. Naiinis siya na basta na lang nagdedesisyon ang mga ito nang hindi niya alam.
Agad niyang kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon ang cellphone at diniyal ang numero ng kaniyang manager. Kailangang makausap niya ito at linawin dito ang tungkol sa bagay na iyon.