Chapter 5

1346 Words
Alexa's POV Day-1 Alexa! Gumising ka na! Malalate ka na, alas siyete na." "Huh" Agh!" Umaga na pala napasarap ang tulog ko grabe! "Huh! Umaga!" Napabalikwas ako nang bangon . "Male-late na ako sa trabaho!" "Anong trabaho ang pinagsasabi mo diyan, estudyante ka palang? Bakit may part time job ka ba?" Nilingon ko ang nagsalita, alanganing napangiti ako sabay kamot ng ulo. Ay oo nga pala, wala na nga pala akong trabaho, isa na pala akong jobless at soon to be homeless kapag hindi ko nagawan ng paraan na mabayaran ang mga pagkakautang ko. Hay, buhay! "Bumangon ka na d'yan, ano ba? Naghihintay na sa'yo ang almusal, gusto mo na naman sigurong makatikim ng sermon sa kuya Zandro mo, noh?" sabi ni mommy na hinatak pa ang kumot ko. "Maligo ka na, bilisan mo lang." Wahhh! Si mommy! Ang mommy ko nandito? Talagang na-shock ako ng ma-realised ko na hindi pala ako nag-iisa sa kwarto ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, nasa isang silid ako na punong-puno ng poster ng mga nag gagwapuhang lalake. Ooops! Teka lang... bakit parang may mali? Seven years na akong naninirahan na mag isa, pero bakit parang nandito ako ngayon sa ancestral home namin? Ito yung kwarto ko nung college pa ako, paanong napunta ako rito? Pag-alis ko ba sa mansyon nila Stella imbes na sa Makati ay sa Quezon City ako dumiretso ng uwi? Pero imposible! Parang may mali talaga rito. "Sumunod ka na sa akin sa ibaba pagkatapos mong maligo, hayaan mo na ang Yaya Del mo na mag ligpit ng mga pinaghigaan mo. Kailangan mong magmadali dahil kung hindi ay male-late ka na sa school." Yaya? Si yaya Del! Tama ba ang dinig ko?Pe-pero three years na siyang patay paanong nandito siya? Tsk!Ano ba talaga ang nagyayari? Bigla akong kinilabutan. Nanaginip ata ako. Kailangan kong gumising! Kaya siguro sa bahay palang nila Stella ay may kakaiba na dahil panaginip lang ito. Sinikap kong kalmahin ang aking sarili palabas na sana ako sa aking kwarto ng mapadako ang mata ko sa body size mirror na nasa gilid ng pinto. Huh! Sino yung nasa salamin? Ako ba 'to? Bakit parang sobrang bata ko namang tingnan? Lumapit pa ako ng todo sa salamin at sinipat ang aking mukha, sa tingin ko bumata ako ng mahigit sampung taon, mukha akong teenager. Asan na ang ashblond kong buhok? Ang tatoo ko sa balikat na pinalagay ko two years ago bakit wala na? Dahil naka sleeveless ako ay kahit anong hanap ko at kapa ay hindi ko na talaga siya makita. "Alexa, halika na, nauna na sa baba si Kuya Zandro. Bakit ka ba hindi ka pa naliligo? Gusto mo nanaman yata na sermon ang almusalin mo." Napakislot ako nang bigla nalang sumilip sa pinto si Ate Cheska at lalo ko pang ikinagulat ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng aking kwarto. Huh! Ang Ate ko! Bakit ganun? Sa pagkakaalala ko ay malusog na siya ngayon matapos niyang manganak ng kambal. Pero ibang Ate Cheska ang nasa harapan ko ngayon, napakaganda niya at seksi. Well, maganda pa rin naman siya kahit medyo nagkalaman na siya. "Ate! Anong diet pills ang ininom mo at pumayat ka ng gan'yan kabilis, nagmukha ka uling dalaga. Teka, nasaan na ang mga pamangkin ko? Nami-miss ko na ang makukulit na batang 'yon." "What? Diet pills? Pamangkin? Nagmukhang dalaga? Bakit? Dalaga pa naman akong talaga ah! Twenty one palang ako, excuse me...napakabata ko pa para mag asawa. Hindi ko pa nga nae-enjoy ang buhay ko, lately ko na lang na-realized na after my break up with Matt ay napaka sarap palang maging single, nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko ng walang iniisip." "Ha! Twenty one ka palang Ate?" "Oo! Bakit ba ang weird mo?" Sumunod ka na nga lang sa baba, tinalikuran na niya ako at akmang lalakad kaya lang ay mabilis ko siyang pinigilan, hinawakan ko ang braso niya kaya napahinto siya at pumihit paharap sa akin. "Pe-pero Ate Cheska, 34 ka na, mag-asawa na kayo ni Kuya Matt, six years na kayong kasal at may anak kayong kambal si Summer at Cloud. Paanong nangyaring naghiwalay kayo at sinasabi mong dalaga ka pa?" Gulong-gulo na talaga ako, nakakabaliw na ang mga nangyayaring ito sa akin at sa paligid ko. Nangunot ang noo ni Ate Cheska. "Ano ba ang pinagsasabi mo d'yan?" Lumapit ito sa akin, hinawakan niya ang leeg at noo ko. Napailing ito. "Hindi ka naman nilalagnat, pero bakit parang nagdedeliryo ka? Tsk! Nanaginip ka pa yata. Ang mabuti pa maligo na para makababa ka na, baka gutom lang 'yan. Sabi ni Yaya Delia hindi ka raw nag nagdinner kagabi. Bababa na ako sumunod ka na." Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas. Napaisip tuloy ako. Twenty one palang si Ate, 'yon ang sabi niya. Dalawang taon ang tanda niya sa akin, kung ganun nineteen years old pa lang ako. Pe-pero imposible, 32 years old na ako, eh. Huh! Kalendaryo-kailangan ko ng kalendaryo! Inilinga ko ang mata sa paligid ng makita ko ang aking cellpone sa na nasa side table ng aking kama ay agad kong dinampot iyon at binuksan. "April 04, 2024, 6:15 Am Thursday." Iyon ang nakalagay na petsa at oras sa cellphone ko. Waaaah! Tama naman nasa year 2024 naman ako pero bakit nineteen pa lang ako eh, 1992 ako ipinanganak. Nanaginip lang ako! Tama! Isa lang itong panaginip! Pero paano ba ako gigising? Habang bumaba ako nang hagdan ay hindi ko mapigilan ang ma-tense. Ang malaking katanungan sa isip ko ay kung bumata ang lahat nang tao rito sa bahay namin ibig sabihin pati si Kuya Zandro ay bumata rin. Bigla akong kinabahan, maisip ko palang na makikita ko na naman ang batang si Kuya Zandro ay nakaramdam na naman ako ng takot. Ang totoo ay mas takot pa ako sa kaniya kaysa kay Daddy. Pagpasok ko sa dining ay natigilan ako, nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako o hindi. "Alexandra... what took you so long? You only have five minutes to eat your breakfast, hihintayin kita sa parking." Halos mahulog ang puso ko nang biglang tumayo si Kuya Zandro. Ang striktong mukha nito na bihira pa sa patak ng ulan ko makitang ngumiti ay talaga namang nagpahina ng mga tuhod ko. "O-okay, Kuya!" tarantang sagot ko. Tiningnan lang ako nito at pagkatapos ay nilagpasan. Lumabas na ito sa dining at ako naman ay nagmamadali nang umupo. "Mommy, dapat binigyan niyo na lang ako ng pang-taxi. Bakit kasi kailangang ihatid pa ako ni Kuya Zandro sa school?" yamot na sabi ko. "Anak, pareho kayo ng way ng Kuya mo, para makatipid sa pamasahe kaya isinasabay ka na niya. Kumain ka na nga at huwag nang magreklamo." Tumingin ako kay Ate Cheska para humingi ng saklolo,gusto ko sanang kumbinsihin niya si Mommy na kausapin si Kuya Zandro, ganitong-ganito kami noon, mauulit na naman ba ngayon? Nagkibit balikat lang si Ate Cheska, wala siyang balak na tulungan ako. Napabuntunghininga ako nang malalim. Sinimulan ko na ang pagkain. Nakakailang subo pa lang ako at hindi ko pa nga nababawasan ang hot chocolate ko ay sunod-sunod na busina na ang narinig ko na nagpagulat sa akin. Grabe naman si Kuya, talagang inorasan pa ako, eksaktong five minutes talaga. "Ipagpatuloy mo na lang ang pagkain sa school niyo, hindi titigil ang Kuya Zandro mo sa pagbusina hangga't hindi ka pumupunta roon," sabi ni Mommy. Huminga muna ako nang malalim bago padabog na tumayo. Wala na akong choice kahit gusto ko pang kumain aya wala akong magagawa, nakakahiya sa mga kapitbahay ang ingay-ingay ni Kuya. Halos patakbo kong tinungo ang aming garahe. Saka lang binitawan ni Kuya ang busina nang makita ako. Pakiramdam ko isa akong bagong tao, lahat para sa akin ay kakaiba. Ito ba ang sinasabi ni Stella na epekto ng pag inom ko ng magic water, naging bata ulit ako bumalik ako sa pagiging teenager? Pero bakit parang ang lahat ay bumalik sa dati. Bumata si Ate Cheska at si Kuya Zandro, pati na rin si Mommy at nabuhay si Yaya Delia, pero nasa year 2024 pa rin ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD