Alexa's POV
"Hoy! Alexa ano ba ang ginagawa mo d'yan halika na!" Aya sa akin ng isang babae na hindi ko mawari kung anong klaseng sense of fashion meron siya, pero masasabi ko namang okay at cute tingnan.
"At sino ka naman?" Nagtatakang tanong ko, I scan her from head to toe. Kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko siya maalala.
"OMG! Hindi mo ako kilala? Niloloko mo na naman ako ano?!" sarkastikong sabi niya at tumabi ng upo sa akin, inihagis sa lamesa ang kanyang pink backpack.
"I'm serious! Hindi kita kilala!" I utter in an exasperated tone.
Sino ba kasi itong batang ito na feeling close sa akin?
"Weeh! Parang gusto ko na tuloy maniwala. Naaksidente ka ba kagabi? Naumpog ba ng malakas sa matigas na bagay 'yang ulo mo at nagka amnesia ka ha, Alexa?"
"Bakit, hindi mo kasi ako sagutin? Sino ka nga kasi!" yamot na tanong ko.
Inaabala niya ang pag memeryenda ko, at naiirita ako sa presensiya niya.
"FYI ako si Mindy Imperial, 3rd year college student of Alekzander University, taking up Civil Engineering. Ang pinakamaganda sa buong campus at nag iisang bestfriend mo." Buong pagmamalaking pakilala niya sa sarili.
"Tsh! Kung ikaw ng pinakamaganda sa eskwelahang ito, eh paano na ang iba?" Maganda naman siya ang cute-cute nga eh, parang ang sarap lang kasing asarin.
"Hmp! May amnesia ka nga, dati kasi gandang-ganda ka sa akin eh!" May himig pagtatampong sabi niya.
Huminga muna ako nang malalim.
"Sino ka ngang ulit?"
"Mindy nga sabi! Hindi ka na nakakatuwa Alexandra Clemente."umismid pa ito.
Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang bell hudyat para sa pagsisimula ng aming klase.
__
Naglalakad ako papunta sa kabilang building para sa susunod kong subject ng may makita akong kakilala pamilyar ang mukha nito sa akin kaya dali-dali akong tumakbo palapit sa kinaroonan niya.
"Stellaaa! Hintayyyy! Pinsan hintayin mo ako!" sigaw ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng ibang estudyante na malapit lang din sa area.
Kunot noong napahinto siya sa paglalakad at pumihit paharap sa akin.
"Hindi porke magpinsan tayo ay hindi mo na ako gagalangin. Kailan ka pa natutong tawagin ako sa pangalan lang? 35years old na ako at ikaw ay nineteen palang dapat tinatawag mo akong Ate." Para siyang isang nanay na nagsesermon sa kaniyang anak kung kausapin ako.
Huh! Ako lang ba talaga ang nagbago?
Pero bakit si Stella 32 years old parin? Ang Kuya at Ate ko ay bumata ulit dapat ay magiging 19 years old din itong pinsan kong ito.
Haaay! Naguguluhan na talaga ako ng sobra-sobra.
"Yung kagabi, 'yung kallos water. Sa tingin ko alam ko na kung ano ang epekto nito sa iinom."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Importante sa akin ngayon ay kung paano akong makakabalik sa dating ako.
Muli ay nangunot na naman ang noo ni Stella. "Ano ba'ng pinagsasabi mong kallos water?"
"Remember kagabi ng pumunta ako sa inyo, ininom ko yung isang bote ng tubig na nasa ref ninyo at ang sabi mo hindi basta-basta tubig iyon kung hindi isa iyong makapangyarihang tubig."
"Wala akong maalalang ganun!" aniya.
"Di ba chemist ka? At nag iimbento ka ng mga gamot? Yung magic water isa yun sa inimbento mo!" Pagpapaalala ko sa kaniya.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Alexa? Hindi ako chemist, isa akong fashion model at nagtuturo ako dito sa school of fashion ng personality development sa mga aspiring beauty queens and models."
Napanganga ako sa sinabi niya.
At ng pasadahan ko ito ng tingin ay lalong napaawang ang bibig ko, ngayon ko lang napansin na ang laki ng pinagbago ng pinsan ko. She usually wear thick glasses napaka manang manamit, sobrang out of fashion pero ang kaharap ko ngayon ay isang napakaganda, seksi at full of confidence na si Stella Mortel.
"Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa klase mo. Mag aral kang mabuti, sundin mo ang parents mo at huwag kang pasaway. Tamang Civil Engineering ang kinuha mong kurso at hindi Marketing Management dahil hindi ka papalarin sa kursong iyon. Binigyan ka na ng pagkakataon na itama ang mga pagkakamali mo, kaya pagbutihan mo na, make your family proud of you this time," makahulugang sabi niya.
"Pe-pero Stella!" Habol ko rito nang magsisimula na siyang lumakad taliwas sa direksiyon ko.
Saglit naman itong huminto.
"Remember, 60 days only!" Ngumiti siya sa akin ng makahulugan sabay talikod.
Waaaaah! Ang weird! Bakit parang wala siyang alam, pero may sinabi siyang 60 days.
Teka! Oo tama! 60 days lang ang epekto ng tubig na iyon at nagsimula na ito ngayong araw.
Tsk. Napakatagal ng 60 days, parang hindi ko na kayang maging ganito ulit kabata.
Hindi ko na ma-adopt ang mga subjects ko, nahihirapan din akong mag adjust sa mga isip bata kong classmates. Higit sa lahat ayoko na ng napapagalitan ako ng parents ko at lalong-lalo na si Kuya Zandro. Kaya nga ako umalis sa amin noon dahil ayoko nang may nagdidikta sa buhay ko. Ayoko nang pinaghihigpitan ako.
I want my freedom back!
Pa'no na? Hihintayin ko na lang ba na matapos ang 60 days? Wala na ba akong pwedeng gawin para bumalik sa dating ako?
Ang huling sinabi ni Stella kanina ay parang echo na paulit ulit nagrereplay sa utak ko.
Ano ba ang dapat kong gawin?
I know I became a failure, at the age of 32 wala akong narating pero may magagawa pa ba ang pagiging 19 years old ko ngayon? Mababago ba nito ang kapalaran ko in the future?
_
Nakauwi na ako nang bahay .
Sinisikap kong maging normal na teenager sa harap ni Mommy.
"How's your study, this past few months we noticed your progress, keep it up anak! "
Waaaah! Ibig sabihin ba nuon nag aaral ng mabuti ang batang ako?
Shocks! Pero kanina sa buong klase ko ni isa man wala akong naintindihan. Kung matalino na ang batang ako, baka bumagsak siya sa klase ng dahil sa akin.
-
Habang nasa loob ako ng aking kwarto ay natawag ng pansin ko ang mga poster na nakadikit sa dingding .
Limang naggagwapuhang lalaki na may iba't- ibang matitingkad na kulay ng buhok ang naroon. Wala akong naintidihan sa mga nakalagay sa poster, dahil nakasulat sa ibang lenguwahe ang mga salitang nakatapat sa bawat isang miyembro. Siguro ay pangalan nila ang mga iyon, ang tanging naintindihan ko lang ay ang tatlong letra na nakasulat sa English alphabet.
"G...K... L. GKL."
At sino naman kaya ang mga GKL na ito?
Nasa malalim akong pag-iisip ng may biglang kumatok .
"Alexa, may bisita ka!" si Nana Delia iyon na bumungad sa pinto ng buksan ko ito.
"Sino? Kunot noong tanong ko na inilinga ang mata sa paligid.
Buhat sa likuran ng aking Yaya ay may lumabas na pilyang babae.
"Ako.Hihihi!"
"Huh. Mindy! Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko, bakit ba kasi nandito ang batang ito?
'May tatapusin tayong project remember!' Kumindat ito sa akin na para bang may gustong ipahiwatig.
"Project? Wala naman tayong project ah!" bulalas ko.
'Hehehe! Meron po kaming project Yaya Delia, nagiging makakalimutin na po talaga itong alaga ninyo." Mabilis na lumapit ito sa akin at kumapit sa aking braso at bahagya pa akong kinurot sa aking tagiliran. Kaya napapiksi ako.
"Araaaay ano ba?!" asar na sabi ko.
"Aray ane be?" maarteng panggagaya nito sa akin, maya'y inilapit ang bibig niya sa tenga ko sabay bulong."Importante ito, this is a matter of life and death kaya makisama ka na lang okay?" Hinila niya ako papasok sa aking kwarto. ''Okay napo kami Yaya Delia babye na po pwede na kayong matulog." Pagtataboy pa niya sa aking Yaya habang binibigyan ito ng napaka cute na ngiti.
"O sige, 'wag kayong magpupuyat ha?Hanggang alas diyes lang ang paggawa ng project tapos matulog na agad," bilin ni Yaya Delia.
"Opo Ya, don't worry!" tugon ni Mindy.
Nang makaalis si Yaya Delia at kaming dalawa na lang sa loob ng silid ay mapanuring tingin ang ipinukol ko kay Mindy.
"Wala tayong project diba?" seryosong tanong ko, gusto kong umamin siya.
Iniwas niya ang tingin sa akin.
"Kyaaaaahhhh! Ang gwapo talaga ng potato ko!" Kilig na hinawak hawakan nito ang isa sa mga poster sa nanakadikit sa dingding at hinimas pa ang mukha ng isa sa limang lalake roon na may makukulay na mga buhok.
"Hoy! Kinakausap kita!Wala tayong project 'di ba?" Hinatak ko ang suot niyang blouse.
Agad naman niyang pinalis ang kamay ko.
"Ano ba CNF yan!" Tumakbo ito papunta sa aking kama at nagdive, kinuha ang comforter ko at nagtalukbong.
Tsh! Ang hirap makisama sa isang bata, batang isip.