Chapter 8

1665 Words
Alexa's POV Day 2 Nagising ako dahil sa labis na lamig. Kaya naman pala ang sakit ng katawan ko, mas matindi pa sa ipo-ipo itong si Mindy kung matulog, hindi ko namalayan na natadyakan na pala ako, nahulog na ako sa kama at nakahiga na ako ngayon sa sahig. Sinipat ko ang oras sa wall clock, alas singko na pala ng umaga at unti-unti nang lumiliwanag, kita ko iyon buhat sa bintana ng aking silid. Puyat si Mindy, hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement, ang totoo ay mas excited pa siya kaysa sa akin, akala mo naman ay siya ang nanalo sa electronic raffle. Dahil hindi na ako dalawin ng antok ay bumangon na ako. Ininat ko ang aking katawan, hindi pala biro ang matulog sa matigas ang higaan, parang nagkabali-bali pa ata ang mga buto ko. Tinapunan ko nang masamang tingin si Mindy. Ang sarap pa ng pagkakatulog niya, paano pa ako makakasingit sa higaan inokupa na niyang lahat? Hay, ang hirap talaga ng may kasamang bata sa pagtulog. Iiling-iling na lumabas ako sa aking silid na gusto kong pagsisihan kung bakit ko pa ginawa, dahil paglabas ko ng pinto ay siya ring paglabas ni Kuya Zandro sa silid niya. Magkatapat lang ang mga kwarto namin. Kumunot na naman ang noo ng masungit kong kapatid ng makita ako. "Bakit ang aga mong nagising?" seryosong tanong niya. "Ah-Kuya, nauuhaw ako, kukuha lang ako ng tubig sa kusina." Palusot ko, hindi ko naman pwedeng sabihin na na-kick out ako sa sarili kong higaan kaya wala na akong matulugan. "Tsh! Baka naman ngayon ka pa lang kasi mag-uumpisang matulog, siguro puro cellphone ang inatupag mo." Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "Naku, hindi Kuya, maaga akong natulog ang totoo nga niyan 9pm pa lang ay tulog na ako. Ikaw nga gising pa, baka ikaw ang nagpuyat, kaka-cellphone mo 'yan Kuya." Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Zandro. "Joke lang Kuya, hindi ka naman mabiro," nakangiting sabi ko sabay peace sign. "Pinapatawa lang naman kita, wala naman kasing bayad ang tumawa at ngumiti, nakakangalay kaya 'yong lagi kang nakasimangot." "I have no time for your lame joke, Alexa. Pagkatapos mong uminom ay matulog ka ulit, walang pasok ngayon, dapat kinokompleto mo ang 8 hours sleep, para hindi ka laging lutang." Napamaang ako sa sinabi ni Kuya Zandro, mangangatwiran pa sana ako ang kaso ay tinalikuran na niya ako at umakyat na sa third floor, kung saan naroon ang attick at ang opisina niya. Tsk. Ang sipag talaga ng Kuya kong magtrabaho. Kaya naman siya na ang CEO sa kumpanya namin ngayon, pero hindi niya pa alam iyon at hindi ko sasabihin sa kaniya kung ano na siya sa future. Bahala siya sa buhay niya, napakasungit kasi niya. - Hay, ayoko na talaga! Ang weird ng mga damit na gustong ipasuot sa akin ni Mindy. Ganito na ba talaga ang fashion ngayon, the more ba na nakalabas ang pusod mo the better? Puro crop top ang damit na pinapahiram sa akin ni Mindy. I can't bare to wear these cutie little dresses, it's not my cup of tea and I have no guts to do so. Masyado na akong matanda para magsuot ng mga ganiyan, mamaya niyan ay ma-bash pa ako. Pabagsak akong humiga sa aking kama kasama ng mga nakatambak na damit sa ibabaw niyon. Ipinadala sa aking lahat ni Mindy iyon, mamili raw ako ng isusuot para sa date namin ng celebrity na 'yon. I need to go to my condo to get my stuff. Marami akong damit doon, mga damit kung saan komportable akong isuot. Nakipag coordinate na sa akin ang management ng D&S Entertainment and all is settled para sa aming date. Ayoko na lang sanang tanggapin, pero hindi daw pwedeng ibigay sa iba yung premyo kahit isinuggest kong instead of me ay si Mindy na lang tutal nag register din naman siya, but they refused my suggestion. Naku naman, paano ba ako makikipag-date sa lalaking mas bata sa akin ng sampung taon? Hindi ko pa nasubukan na makipagdate sa mas bata sa akin. Mangungunsumi lang ako siguro, kay Mindy pa nga lang pundido na 'ko at sa mga classmate kong makukulit, what more kung makasama ko pa sa isang intimate date ang isang 21 years old na celebrity? I'm sure immature pa 'yong mag-isip. Good luck Alexa Clemente. Mabuhay ka - "Alexa ano'ng ginagawa mo? " gulat na tanong ni Yaya Delia sa akin, kasalukuyan akong nasa garahe. Nakuha ko ang susi ng isa sa mga kotse ni Kuya Zandro sa kwarto niya, pinindot ko ang remote at sa limang luxury car na nakaparada sa garahe namin tumunog yung white convertible BMW. "May pupuntahan lang ako Yaya, babalik din ako agad," sabi ko, ngunit nanatili siyang nakasunod sa akin alalang alala ang mukha niya. "Aalis ka sakay ng kotseng 'yan eh, wala ka namang drivers license at higit sa lahat hindi ka naman marunong mag-drive! Ano bang pumasok sa kukote mong bata ka? Kapag nalaman ito ng Mommy at Daddy mo lalong-lalo na ng Kuya Zandro mo tiyak na katakot-takot na sermon nanaman ang aabutin mo sa kanila, " banta pa nito sa akin. "Don't worry Ya' marunong akong mag drive." Assurance ko naman. "Huh! Kailan ka pa natutong mag-drive, hindi ko naman nakitang nag aral kang magmaneho ah?" May bahid pagdududa sa mukha nito. "Marunong ako sabi, tingnan mo pa. Watch and learn, Yaya! " Ang yabang -yabang ko pa habang binubukasan ang pinto ng sasakyan para makapasok. "Alexa! Tumigil ka na! Hindi magandang paglaruan mo ang sasakyan ng kuya mo, napakamahal niyan kapag nasira mo 'yan hindi ko alam kung anong magagawa ni Zandro sa 'yo." Sa itsura ni Yaya Delia ay mas siya pa ang natatakot para sa akin. Tsh! Ang kulit ni Yaya dinaig pa si mommy, kaya ko ngang mag drive, may professional license ako at almost seven years na akong nagda-drive feeling ko nga mas magaling pa ako sa mga car racer eh! Sinimulan ko ng ilagay ang susi sa susian at ini-start ang engine. Oh, sh*t! Ano na nga ba ang susunod na gagawin ko? Bakit ganito? Marunong naman talaga akong mag drive. Nang makagraduate ako at bumukod ay sinikap kong makabili ng sasakyan kahit second hand lang. Nag aral pa nga ako sa driving school, pero bakit ngayon hindi ko manlang magawa na i-start ng tama ang engine? Kaya ko ang automatic and manual driving, marunong talaga akong magmaneho, I swear! I started driving when I was twenty three years old, actually napaka late bloomer ko na nga pagdating doon. Gulong-gulo ang utak ko. Natigil lang ako sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Yaya Delia mula sa bintana ng kotse, pinabababa niya ako. Okay fine, suko na ako! Baka kung ano pa ang mangyari, baka magkamali ako ng tapak at umandar ng mabilis ang sasakyan at bumangga sa kung saan, yari talaga ako nito kay Kuya Zandro. Hindi ko talaga alam kung tama pa ang nangyayari sa akin, pero ang mahalaga ngayon ay kailangan kong makapunta sa aking condo para makakuha ng mga gamit, sa makalawa na ang date ko kay Keith Almonte. Kaya naman napilitan akong bumaba ng kotse. "Magtataxi na lang ako Yaya napag isip-isip ko na tama ka, baka masira ko ang kotse ni Kuya Zandro, pakibalik na lang po ito sa kuwarto niya," sabi ko sabay abot ko ng susi. "San ba talaga ang punta mo?" tanong niya. Haaay! Ang kulit talaga! Sobrang matanda na ako para itrato pa ng ganito, ito ang ayoko kaya nga sinikap kong bumukod agad dahil gusto kong maging independent at magawa lahat ng gusto ko ng walang hahadlang sa akin. "Mag sa-shopping lang po ako," walang ganang sagot ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Yaya Delia, dali-dali akong lumakad palabas ng gate. - Sa labas ng pinto ng aking condo. Ano na naman ba ito? Nakatatlong subok na ako ng pass code ko pero laging denied tama naman ang enter ko ng number. Wala akong maalalang nagpalit ako ng passcode. "Miss, outsider ka noh? Paanong nakapasok ka rito? " Tanong sa akin ng may edad ng babae na nakatira sa katapat ng unit ko, kilala ko ito, siya si Mrs.Santos, ang masungit kong kapitbahay. "Hoh! Naku hindi ho! Ako po ang nakatira sa unit na 'to." Mapanuring tingin ang ipinukol nito sa akin nagsimula sa ulo hanggang paa. "Hindi pamilyar ang mukha mo hija!" "Ako po si Alexa, remember magkapitbahay tayo, Alexa po! Alexa Clemente! " pagpapakilala ko. "Never heard the name. Lalaki ang nakatira sa unit na yan, isang foreigner at bihira lang kung umuwi d'yan. If I were you aalis na ako, or else I call the guard to sue you away, you're an intruder gusto mo bang makasuhan ng trespassing?" Wow! Tinakot pa talaga ako. Ako naman talaga ang may ari ng unit na 'to. Oo hindi pa fully paid pero sa akin pa rin nakapangalan. Pero panong may iba nang nakatira sa aking condo? Hindi talaga ako umalis, sinubukan ko pa uling i-enter ang passcode ko pero sa huli bigo na naman ako. Ang matindi pa nito, nagsumbong na nga ang masungit na si Mrs. Santos, binitbit tuloy ako ng dalawang gwardya palabas ng building. Sa labas ng gusali habang mukhang kaawa-awa akong nakaupo sa gilid ng hagdan ay napapaisip talaga ako. Paanong may iba ng umuokopa ng unit ko, pag-aari ko 'yun, hinuhulugan ko buwan-buwan at ang titulo ay nakapangalan sa akin. Mahigit limang taon na akong nakatira roon. Paano nalang ang mga mamahalin kong sapatos, damit, bag at mga alahas, mga bagay na naipundar ko pati na ang aking sasakyan. Oh! Dyusmiyo! Nababaliw naba ako? Kailangan ko na bang kumunsulta sa psychiatrist? Hindi pa ako umuwi, ayoko pang umuwi. Pupunta na lang muna ako sa mall para bumili ng damit, binigyan naman ako ni Mommy nang allowance iyon na lang ang gagamitin ko. Pambihira naman kasi, bakit kailangan ko pang paghandaan ang date ko sa totoy na 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD