Chapter 9

1311 Words
Tulad ng napag desisyunan ni Alexa ay nagtungo siya sa mall para mag-shopping. Isang kagandahan din talaga ng pagiging bata ay wala kang masyadong po-problemahin lalo na pagdating sa pera dahil ang magulang ang nagpo-provide sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang tanging responsibilidad mo lang ay mag-aral ng mabuti dahil iyon lang ang maisusukli mo sa kanila. Ang kaligayahan lang kasi nila ay iyong makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Hindi niya na-realize ang mga iyon noong bata pa siya, dahil lagi niyang iniisip na hindi siya mahal ng mga magulang niya, lagi na lang kasing ang kaniyang Kuya Zandro at Ate Cheska ang pinapaboran nila. At dinamdam niya iyon kaya nagdesisyon siya na mabuhay na lamang ng mag-isa. Bago mag-shopping ay dumaan muna siya sa powder room para mag-retouch. Wala siyang ideya kung ano na ang itsura niya matapos siyang kaladkarin kanina ng mga gwardiya palabas ng condominium tower. Hindi niya inaasahan na sa paglabas niya ng powder room ay bigla nalang may kung sino na humila sa kaniya. Laking gulat niya ng bigla pa siya nitong kabigin. Hindi s'ya makapaniwala na niyakap siya ng hindi kilalang lalaki. In fairness, ang bango-bango niya. Alam niyang hindi tama, ngunit, bakit ba parang ang sarap sa pakiramdam na nasa mga bisig siya ng lalaking ito? "Gosh!" bulong ng isip niya. "Napa'no ka, teh?" tanong pa niya sa sarili. Itutulak na sana niya ang estrangherong lalaki nang bigla itong magsalita. "Stay still! Please... tulungan mo lang ako ngayon. I'm begging you, hayaan mo muna na ganito tayo," pakiusap nito. Saglit siyang natigilan. Bakit ba parang musika sa kaniyang pandinig ang boses ng lalaking ito? Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa pakiusap ng lalaki. Ewan ba niya, para siyang nahi-hipnotismo sa kakaibang karisma nito kaya naman napapasunod siya sa kahit na anong sabihin nito. Halos limang minuto sila sa ganuong posisyon, nang may marinig siyang nagkakagulong grupo ng mga tao. Parang may hinahanap ang mga ito at hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nang karamihan sa mga ito na may gamit na ibang lengwahe. Tumigil saglit sa tapat nila ang grupo, lalo namang napahigpit ang yakap sa kaniya ng lalaki. Iginiya siya sa dingding at halos magkadikit na ang kanilang mukha sa sobrang pagkakalapit. "Weird! Ano ba talaga ang nangyayari?" Litong-lito na siya. Maya-maya ay lumayo na ang mga nagkakagulo, pumunta sa direksyon na pakaliwa. Iyon ang hudyat upang bumitiw na ang lalaki sa kaniya. Sa pagkakataong ito kahit naka sunglass at baseball cap ay kitang kita n'ya ang mukha nito. Halos malaglag ang panga ni Alexa sa pagkakatitig sa lalaki. "Huh! Totoong tao ba talaga ito? Nananaginip ata ako, baka isa itong anghel na nagpapanggap lang na tao," sabi ng utak niya. Almost perfect sa kagwapuhan ang lalaking kaharap niya ngayon at ang kutis ay flawless. Hiyang hiya si Alexa sa kaniyang sarili, wala man lang kasing ka pores-pores ang mukha ng lalaking ito. Kamusta naman ang mga tigyawat niya na nagustuhan na atang tumambay sa mukha niya? "I owe you one, Miss—" anito na waring inaalam ang kaniyang pangalan. "Alexa," maagap niyang sagot. "Ohhh... what a nice name?" Ngumiti pa ito nang bahagya na halos magpatunaw sa dalaga. Shocks! ang puti ng mga ngipin niya at mapula ang mga labi. Gosh! pati ba naman gums mapula rin? "Ano ba 'yan nasaan ang katarungan?" himutok ng isip niya. "I'm so sorry, Alexa, but I have to go now," paalam nito na inayos pa ng husto ang suot na sumbrero para matakpan ang kaniyang mukha na hindi niya alam kung bakit ba nito pilit itinatago? "Oh... okay," tanging nasabi niya. Ang bilis ng mga pangyayari hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya kung sino talaga ang misteryosong lalaki na iyon at bakit kailangang gawin niya ang ginawa kanina lang? Siya ba ang hinahanap ng mga nagkakagulong grupo na iyon? Granted na nasilayan niya nang saglit ang mukha ng lalaki pero hindi niya matukoy kung sino talaga ito? Parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito pero hindi niya sigurado kung saan niya ito nakita. Matagal nang nakaalis ang estrangherong lalaki ngunit naiwan namang napapaisip pa rin si Alexa. - "He's gone, how can we explain this to the producer of this event? My goodness! Olive give me an aspirin, sumasakit ang ulo ko. He's getting into my nerve!" Halos sumabog na sa galit ang may katabaan, maputi at may makinis na kutis na bading. Hinawakan nito ang sintido habang ang mga kasama naman ay nakamasid lang dito. Nilibot na nila ang buong mall at na-report narin nila sa management ang kanilang hinahanap ngunit kahit i-check sa mga cctv ay hindi nakita ang imahe nito. Nakapagtatakang walang bakas ang kanilang hinahanap na pumasok ito sa loob ng mall na iyon samantalang kitang-kita nila ito kanina. - "Hey, kanina ka pa d'yan bakit hindi ka nagsasalita? Himalang ang tahimik mo ngayon. May problema ka ba?" tanong ni Mindy kay Alexa. Pumasyal na naman kasi sa kanila ang makulit na dalaga at balak na naman mag-sleep over sa bahay nila. Binalingan niya ito ng tingin. "Bakit ba nandito ka na naman, balak mo bang magpa-ampon sa amin? Dito ka na lang kaya tumira," may halong inis na sabi niya. "Kung pwede nga lang dito na ako titira kaya lang may mga magulang ako noh. Gusto ko lang naman malaman kung nakapili ka na ng damit na isusuot mo sa date ninyo ni Keith? Ano nagustuhan mo ba ang mga ipinadala kong damit, bago lahat 'yon at hindi ko pa nasusuot, nakita mo naman may mga tag price pa." "Ayoko ng mga damit mo, bumili ako sa mall kanina.* "Ha! Bakit ayaw mo? Iyon kaya ang mga uso ngayon." "Hindi bagay sa akin, masyado na akong matanda para magsuot ng mga pa-cute na damit. Tsk! Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magsusuot ng mga ganu'n, pang teenager lang 'yon eh," wala sa sariling sabi niya. Napamaang naman si Mindy sa sinabi ni Alexa. "Ano'ng sinasabi mo d'yan? Teenager ja pa naman ah, magkasing edad lang naman tayo, bakit sinsabi mong masyado ka ng matanda? Ipinapaalala ko lang sa'yo baka nakakalimutan mo na na nineteen ka palang." Siya naman ngayon ang napamaang sa sinabi ni Mindy, nawala sa isip niya na hindi na nga pala siya 32 years old ngayon. "Alam mo ilang araw ka nang ganiyan, kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Bakit ka umaarte na parang matanda ka na eh, ang bata-bata mo pa? Ang aga mo namang nag-matured." "Ah, wala kang pakialam!" Hindi siya tumingin dito at nagkunwaring inaayos ang kaniyang higaan. "Teka lang, bakit mo tinanggal ang poster ng mga idol natin?" Nakatingin sa dingding si Mindy kaya napatingin na rin siya. "Ah, ayoko nang maraming poster sa dingding, kapag natutulog ako pakiramdam ko maraming matang nakatingin sa akin at saka sino ba 'yong mga lalaking 'yon? Hindi ko naman sila kilala." "Hay naku, Alexa, parang ibang tao ka na talaga!" "Teka, baka totoo nga ang doppleganger at hindi ikaw kaibigan ko kung hindi ang doppleganger niya. Kaya pala kakaiba ang mga ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw. Sabihin mo, nasaan na si Alexa, saan mo dinala ang kaibigan, ko ilabas mo siya!" Hinarap ni Mindy si Alexa, hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog nang paulir- ulit. Nakaramdam naman ng inis si Alexa. Pinalis niya ang kamay ni Mindy. "Pwede ba tumigil ka na sa kalokohan mo? Walang doppleganger at hindi ako doppleganger. Umuwi ka na nga lang sa inyo, ginugulo mo ang tahimik kong buhay. Alis na alis!" Itinulak niya si Mindy, hindi niya ito tinantanan hangga't hindi napapalabas sa kaniyqng silid. Nang magtagumpay siya ay mabilis niyang isinara ang pinto para hindi ito makapasok sa kwarto. "Alexa! Buksan mo 'to!" malakas na sigaw ni Mindy habang kinakatok ang pinto. Nagbingi-bingihan naman si Alexa at hindi ito pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD