Chapter 5 -Buntisin daw-

1711 Words
David's POV Maaga pa lang ay nagising na ako, maaga kasi ang trabaho ko ngayon kaya kailangan ko ng pumunta ng aking opisina. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagtungo na agad ako sa unang palapag. Inabutan ko ang aking mga magulang na kumakain na ng agahan at masaya nila akong binati. "Good morning!" nakangiting bati ng aking ina kaya napangiti ako sa kanya. Humalik ako sa kanyang pisngi at tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo. "Coffee?" tanong ng aking ama kaya tumango ako. Inutusan ng aking ama ang kasambahay na bigyan ako ng kape na agad naman nitong sinunod. "Son, pwede mo ba bantayan ang kapatid mo? Kailangan kasi namin ng ama mo na magpunta ng America at matatagalan kami ng ilang linggo, o baka mas matagalan kami at abutin ng buwan. Hindi pa namin alam kung kailan ang balik namin, may problema kasing kinakaharap ang dalawang kumpanya natin duon na pinamamahalaan namin kaya kailangan naming bumalik muna ng America para asikasuhin 'yon. Okay lang ba kung bantayan mo muna dito ang kapatid mo? Kung wala kang oras na mabantayan siya ay isasama na lang namin siya," ani ng aking ina. "Don't worry mom, ako ang bahala sa kanya," ani ko at napangiti na ako sa aking ina. "Kailan ho ang alis ninyo?" tanong ko. "Mamayang gabi na ang alis namin kaya ikaw na muna ang bahala diyan sa kapatid mo," sagot ng aking ama. Natatawa ako sa aking ama sa tuwing sinasabi niya sa akin na kapatid ko si Allison. Hindi ko kapatid si Allison at hindi ako matatanggap na maging kapatid ang babaeng nagpapagulo ng isipan ko araw-araw. "ADOPTEDSISTER, Dad!" ani ko kaya napapailing na lamang sila. Napalingon ako sa paligid dahil hindi ko na naman nakikita si Allison, nuong isang linggo lang ay pinuntahan ko siya sa Batangas sa resort na pag-aari ni Dazzle at pwersahan ko siyang iniuwi. Wala akong tiwala sa Hunter na 'yon at baka mapatay ko pa siya sa oras na idantay niya ang balat niya sa balat ni Allison. "Where's Allison?" tanong ko sa kanila. "Maagang umalis, sinundo ng mga kaibigan niya dahil birthday ni Gwenette. Kasama niya si Ashleigh at si Nicole na nagpunta ng Caramoan Island sa Camarines Sur, sa isa sa ating private Island resort duon. Huwag kang mag-alala dahil may mga kasama silang bodyguards at nanduon din si Hunter." ani ng aking ama. Umakyat na naman ang dugo ko ng marinig ko ang sinabi ng aking ama. Talagang sinasagad ni Allison ang pasensya ko. Alam naman niyang ayaw na ayaw kong makakasama niya ang Hunter na 'yon pero talagang nananadya siya. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagmamadali akong tumayo upang maghanda ako ng aking gamit. Napatingin naman sa akin ang mga magulang ko pero hindi ko sila pinansin. "Saan ka pupunta?" gulat na tanong ng aking ama. "Pupuntahan ko si Allison upang iuwi dito. Ang sabi ninyo ay bantayan ko siya at ako ang bahala sa kanya habang wala kayo. Aalis na kayo mamaya kaya iuuwi ko na siya dito," ani ko at akma na akong hahakbang ng magsalita naman ang aking ina kaya napabuntong hininga ako. "Hayaan mo lang siya duon na mag-enjoy kasama ang kanyang mga kaibigan. Pwede mo naman silang puntahan duon pero huwag mo muna siyang iuwi dahil kaarawan naman ng kaibigan niya. Bantayan mo na lang sila duon habang nag eenjoy sila," ani ng aking ina kaya napaisip din ako. "Okay mom, maghahanda na ako ng gamit ko dahil pupuntahan ko na sila duon gamit ang helicopter," wika ko at napangiti sa akin ang aking ina. "Please, David, don't be too hard on your sister." ani ng aking ina pero dire-diretso na ako sa pag-akyat sa aking silid. MAKALIPAS lamang ng isang oras ay sakay na ako ng aking helicopter. Hindi na ako nagsama pa ng piloto dahil marunong naman akong magpalipad ng chopper. "Here I come, Allison! Masyado talagang matigas ang ulo mo at hindi ka nakikinig sa akin kaya parurusahan kita. Sisiguraduhin ko rin na hindi ka malalapitan ng Hunter na 'yan at baka malunod ko siya sa dagat ng wala sa oras," ani ko habang nagpapalipad ako ng helicopter. Hindi nagtagal ay nakikita ko na ang aming pribadong isla, nakikita ko rin sila Allison na nakatingala at pilit na inaaninag ang dala kong helicopter. Alam kong kapag napalapit na ako ng husto sa kanila ay malalaman niyang ako ito dahil kilalang-kilala niya ang helicopter kong ito. Hindi nga nagtagal ay nakikita ko na ang pagdadabog niya at nagtatakbo pa siya papasok sa loob ng malaking bahay marahil ay para salubungin ako ng masama niyang mukha paglapag ko sa helipad sa rooftop. Pagkalapag ko ay nakatayo na sa may mga upuang bakal si Allison na nakapamaywang pa. Alam kong galit na galit na naman ito dahil hindi niya inaakala na malalaman ko na nandirito siya ngayon. Lagi na lamang niya akong tinatakasan kapag alam niyang lasing ako sa gabi at tatanghaliin ako ng gising. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman imbitado sa birthday ng kaibigan ko kaya umalis ka na!" galit niyang ani pero iniabot ko lang sa kanya ang dala kong bag at pumasok na ako sa loob upang magtungo sa aking silid. "Kuya David!" malakas na sigaw ni Allison ngunit hindi ko siya pinansin at nagtungo lamang ako sa aking silid. May sarili akong silid dito at tanging fingerprint ko lang or pincode ko ang maaaring makabukas nito. Pagpasok ko ng aking silid ay hindi ko ito isinara dahil alam kong kasunod ko lamang si Allison sa likuran ko. Pabagsak akong nahiga sa kama ng padapa at ipinikit ko ang aking mga mata. May trabaho sana ako ngayon pero nandirito ako ngayon dahil sa katigasan ng ulo ni Allison. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ko kaya napangiti ako. Wala siyang kaalam-alam na hindi niya mabubuksan ang pintuan ko mula sa loob kung wala siyang fingerprint access sa room ko. "Kuya David tinatanong kita kung bakit ka nandirito!" sigaw niya pero hindi ko siya pinapansin at nakadapa pa rin ako sa aking kama. Bahala siya, gusto ko lang munang magpahinga dahil inaantok ako. Bigla na lamang niya akong nilundag at naupo siya sa puwitan ko at pinaghahampas niya ang likuran ko kaya sa inis ko ay pumihit ako kaya nakaupo na siya sa ibabaw ko at tapat na tapat pa sa pagkalalake ko. Aalis sana siya pero pinigilan ko siya sabay yapos ko sa kanya at muli akong pumihit kaya nasa ibabaw na niya ako. Pinaghiwalay ko ang mga hita niya at pimagitna ako sabay diin ko ng harapan ko sa kanyang harapan na ikinagulat niya. "Ano ba! Umalis ka nga sa ibabaw ko," ani niya pero ngisi lamang ang sinagot ko habang sige lang ako ng pagdiin sa kanyang harapan. Naka short siya pero naka bra lang siya na pangligo. Kinagat ko ang strap na nakatakip sa dibdib niya hanggang sa matanggal ang pagkakabuhol. Kinagat ko paibaba ang nakatakip sa dibdib niya kaya humantad sa akin ang dibdib niya. Bigla niyang itinulak pero kinuha ko ang dalawang palapulsuhan niya ay idiniin ko ito sa kama. "I've come to take what is rightfully mine," bulong ko at pinakatitigan ko ang malulusog niyang dibdib. "Bitawan mo ako! Sisigaw ako," ani niya pero tinawanan ko lamang siya dahil kahit na magsisisigaw siya ay walang makakarinig sa kanya. "Lagi mo na lang akong binibigyan ng dahilan upang mabaliw ako diyan sa katawan mo. Sinasadya mo ba ang lahat ng ito ha, Allison?" bulong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya idinaiti ko ang dulo ng dila ko sa dibdib niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing mapapalapit ang katawan ko sa kanyang katawan ay para akong nababaliw na hindi ko maunawaan kung bakit. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko bakit hindi ko magawa kay Allison ang mga ginagawa ko sa kanila? "I really want you Allison, but not now," bulong ko at umalis ako sa ibabaw niya. Ramdam na ramdam ko ang galit na galit kong pagkalalake pero kaya ko pang kontrolin. Ayokong magalit sa akin ang mga magulang ko. Pero hanggang kailan ko kayang tiisin ang umiwas? Sa tuwing nawawala siya sa paningin ko ay para akong nababaliw na lagi ko siyang sinusundan at sinisigurado ko na walang kahit na sino ang maaaaring makahawak sa kanya. Why? Dahil akin lang siya. "Lumabas ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo," ani ko at nagtungo ako ng banyo. Makalipas ng ilang minuto paglabas ko ng banyo ay inabutan ko siyang nakahiga sa aking kama kaya napataas ang kilay ko. "Talaga ba na inaakit mo ako?" ani ko. "Hindi lang ako makalabas dahil naka lock!" ani niya kaya napatingin ako sa pintuan. Nilapitan ko ito at ini scan ko ang thumb ko kaya bumukas ito. "Huwag kang masyadong lalapit kay Hunter kung ayaw mong makitang lumulutang 'yan sa dagat ng walang buhay," wika ko. Tumayo siya na masama ang tingin sa akin at padabog na naglakad pero pinigilan ko ang palapulsuhan niya at muli kong isinara ang pintuan. "Ano ba! Lalabas na ako dahil hinihintay na nila ako," wika niya. Nakatitig lamang ako sa napakagandang mukha niya. Sobrang ganda niya at nagpapasalamat ako na natagpuan siya ng aking mga magulang dahil maaaari siyang mapahamak sa lansangan. "Fine! Tandaan mo ang sinabi ko Allison. Sa oras na makita kitang dikit na dikit sa lalaking 'yon, makikita mo siyang lumulutang sa dagat," ani ko at muli kong binuksan ang pintuan at nagtatatakbo na siya palabas. Nakikita ko sa kanya ang galit sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng galit 'yon. Maaaring dahil sinubukan ko siyang halikan o angkinin or galit siya dahil hindi ko itinuloy. "Bwisit ka! Isusumbong kita kay Daddy at Mommy! Humanda ka talaga! I hate you!" malakas niyang sigaw kaya napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ko siyang papalayo. Huminto pa siya at nilingon ako kaya sinigawan ko din siya para patas na kami. "Eh 'di magsumbong ka! Buntisin pa kita diyan, makita mo!" sigaw ko naman sabay tawa ko ng malakas kaya alam kong mas lalo siyang nainis sa akin. "Sira ulo! Manyakis!" sigaw naman niya kaya mas lalo lamang lumakas ang tawa ko. Binabakuran ko ba si Allison? I guess 'yun ang ginagawa ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD