Chapter 6 -Paglalawayin daw-

1769 Words
────⊱⁜⊰──── Nagising si David at agad niyang hinanap si Allison ngunit hindi niya ito makita sa buong kabahayan. Nagtungo siya sa labas upang hanapin si Allison at nakita nga niya ito na nakaupo sa buhanginan katabi si Hunter kaya tinakbo niya agad ang mga ito. Pagkalapit ni David sa dalawang magkapareha na masayang nag-uusap ay hinaklit agad niya ang palapulsuhan ni Allison at inilayo ang dalaga kay Hunter. Bigla namang napatayo si Hunter at galit na tinitigan si David. Dahil sa masamang tingin ni Hunter kay David ay isang suntok sana ang ipapadapo niya sa mukha nito ngunit humarang bigla si Allison. "Ano ba problema mo?" Galit na sigaw ni Allison. "Ibinilin ka sa akin ni Mommy at Daddy kaya kahit na ano pa ang gusto ko ay ako ang masusunod. Nagkakaintindihan ba tayo?" Galit na sigaw ni David at pahila na niyang ibinalik sa loob ng rest house ang kanyang adopted sister. "Hindi ka na nakakatuwa David! Hindi mo dapat pinapakialaman ang buhay ko!" galit niyang ani. "Too bad, little adopted sister. Mula ng pumasok ka sa buhay namin, may karapatan na ako sayo. Don't forget that." Masama lamang siyang tinitigan ni Allison hanggang makapasok sila sa loob ng rest house. "Umakyat ka na sa silid mo at huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." wika ng binata. Galit naman siyang tinitigan ni Allison at padabog itong umakyat sa itaas. Hindi maipaliwanag ni David ang galit na nararamdaman niya ng makita niya na magkatabi ang dalawa sa labas at masayang nag-uusap. Hindi niya gustong makita na ganuon sila sa isa't isa ng lalaking 'yon dahil hindi niya ito pahihintulutan. Nagpunta si David ng kusina upang kumuha ng beer at pagkatapos ay lumabas ulit siya at pinakatitigan niya si Hunter na nakatayo at kausap ang mga kaibigan ni Allison. Napalingon naman sa kanya sila Nicole at kumaway pa ang mga ito sa kanya kaya tinanguan niya lamang ang mga ito. Si Hunter naman ay nakatitig na kay David kaya nakipaglabanan si David ng masamang titig sa manliligaw ng dalaga. Allison's POV "Ahhhhhh! Nakakainis ka na talaga!" Malakas kong sigaw ng makapasok na ako ng aking silid. Gigil na gigil talaga ako kay Kuya David na lagi na lamang sumusulpot kung saan na parang kabute para sirain ang araw ko. Nag punta ako ng balcony at mula sa balcony ay nakikita ko si Kuya David na nakatayo at umiinom ng beer. Inis na inis talaga ako sa kanya lalo pa at nakikipag sukatan siya ng masamang titig kay Hunter. Napatingin ako kay Hunter na unang nag-alis ng tingin at naglakad palayo kasama ang mga kaibigan ko. Kumaway si Nicole kay kuya at pagkatapos ay tuluyan na silang naglakad palayo. Inis na inis naman ako dahil sarap sakalin ni Kuya David. Nakatitig lamang siya sa mga kaibigan ko na papalayo at nag sipag-langoy na sa dagat. Tumingin naman ako sa may paanan ko at ng makita ko ang tsinelas ko ay dinampot ko agad ito at malakas kong ibinato sa kanya. Tinamaan siya sa likod ng ulo niya kaya bigla niyang nabitawan ang bote ng beer at biglang napatingin sa lugar ko kaya nakaramdam ako ng takot. Huli na para makapagtago ako dahil nagtama na ang aming paningin. Sa takot ko ay bigla akong pumasok sa loob ng makita ko siyang nagmamadaling tumatakbo papasok sa loob ng rest house. Agad kong ikinandado ang pintuan ko at nilagyan ko pa ng silya na iniharang ko sa seradura upang hindi niya ito mabuksan. Malakas at mabilis na tumitibok ang aking puso dahil sa takot ko sa kanya. Biglang kumalampag ang pintuan ko at pumipihit ang seradura nito pero hindi niya ito mabubuksan dahil hinarangan ko ito. "Buksan mo ang pintuan para maipalasap ko sayo ang kaparusahan mo! Allison!" malakas niyang sigaw pero naupo lang ako sa sulok ng kama at nananalangin na huwag sana niyang mabuksan ang pintuan ng silid ko. "Leave me alone!" malakas kong sigaw na naiiyak na ako. "Buksan mo sinabi ito." muli niyang sigaw pero nahiga lamang ako at tinakpan ko ng unan ang mukha ko pero bigla din akong napabalikwas ng nawala ang pagkalampag ng pintuan ko. Bigla akong kinabahan at napatingin ako sa balcony kaya halos tinalon ko na ang pagbaba ko ng kama at mabilis kong isinara ang sliding door at... Boom! Tyempo, kamuntikan ng makapasok si Kuya David sa silid ko. Buti na lang at naging maagap ako at mabilis dahil naisara ko agad ito bago pa man niya mahawakan ang sliding door. Inilabas ko ang dila ko at binelatan ko siya habang kinakalampag niya ang makapal na salaming sliding door ng silid ko na patungo ng balcony. Namaywang ako sa harapan niya at muli kong inilabas ang dila ko at binelatan ko siya sabay kendeng ko. Inakma naman niyang susuntukin niya ang sliding door pero hindi ako natakot dahil sabi ni daddy ay bulletproof ang mga sliding door dito. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa ulo ko na parang sungay at kinendeng ko ang balakang ko sabay belat ko ulit sa kanya. "Hindi ka makakalabas ng silid mo!" malakas niyang sigaw kaya idinaiti ko ang tainga ko at nagpanggap ako na hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Kinuha ko ang isang upuan at inilagay ko sa tapat ng sliding door saka ako naupo at inasar ko talaga siya ng bongga hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Tumunog naman ang telepono ko at isang mensahe ang natanggap ko mula sa kanya kaya binasa ko agad ito. "Tignan mo lang kung makalabas ka sa silid na 'yan, bukas tayong dalawa na lang ang nandirito dahil pauuwiin ko na mamayang gabi ang mga kaibigan mo. Sinabihan ko sila na uuwi na tayo bukas ng umaga kaya sabi ni Nicole ay mauuna na sila mamaya dahil may lakad sila ng maaga ng mommy niya. You are doomed, Allison!" "Argh! nakakainis ka talaga!" sigaw ko at naibato ko ang phone ko na tumama sa wall kaya my god nadurog pa yata. Mabilis ko itong nilapitan pero katulad nga ng inaasahan ko ay nabasag nga ang phone ko at talagang durog ang screen nito. Dinampot ko ito sa sahig at halos maiyak na ako dahil paano ko ngayon matatawagan ang mga kaibigan ko para sabihin ko sa kanila na sasama ako sa pag-uwi mamaya? Nakakainis talaga! Padabog akong nahiga sa kama at kung may sasabihin pa si David ay hindi ko na ito mababasa pa. Bakit kasi nagpunta pa dito ang impaktong ito hindi tuloy kami makapag enjoy tapos nasira pa ang araw namin. Nakakainis at sana mahulog siya mamaya sa balcony. HALOS limang oras na ako sa silid ko at hindi ko na rin naririnig pa ang mga kaibigan ko. Sigurado akong nag send sila sa akin ng mensahe pero hindi ko ito mababasa dahil nabasag ko ang phone ko. Sumilip ako sa glass door at nakita ko si Kuya David sa labas at sa tingin ko ay umiinom ito. Nagmamadali ko namang binuksan ang pintuan ko pero nagtaka ako dahil hindi ko ito mabuksan. Hinila ko ng hinila ang pintuan pero hindi ko talaga ito mabuksan kaya sa inis ko ay pinaghahampas ko ang pinto. "Kuya David! Bwisit ka talaga!" Malakas kong sigaw. Binuksan ko ang sliding door at nakita ko siya na naglalakad papuntang tabing dagat kaya nagmamadali akong bumalik sa loob ng silid at nagpalit ako ng long pants at rubber shoes. Bumalik ako sa balcony at nakatayo na si Kuya David sa harapan ng karagatan habang tinutungga nito ang hawak niyang bote ng beer. Tinignan ko naman ang ibaba, ikalawang palapag lang naman ang silid ko at hindi ito gaanong kataasan. Tinignan ko ang emergency ladder nandirito sa gilid at ibinaba ko ito kaya gumawa ito ng ingay dahil yari ito sa bakal. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ni Kuya David at nakatayo pa rin ito at mukha namang hindi narinig ang ingay na nagawa ko kaya maingat akong sumampa upang makatapak ako sa ladder. Nasa kalahatian na ako ng mapatingin ako sa dalampasigan at wala duon si Kuya David. napatingin ako sa paligid pero wala naman siya kaya nagmamadali akong humakbang pababa upang matakasan ko ang sira ulo kong kuya-kuyahan. Malapit na ako sa ibaba ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko at bigla akong binuhat kaya sa gulat ko ay nakabitaw ako sa ladder. "Huli ka balbon!" Malakas niyang sigaw kaya nagsisigaw din ako at nagpapasag upang makawala sa kanya pero sa laki ng katawan ni Kuya David, alam kong hindi niya ako mabibitawan. "Bwisit ka! Ibaba mo ako, sasama ako pauwi sa mga kaibigan ko sa Manila." sigaw ko sa kanya pero tumawa lamang siya ng malakas kaya mas lalo tuloy akong naiinis. "Wala na sila, tayong dalawa na lang ang nandito kaya humanda ka sa akin dahil parurusahan kita sa ginawa mong pambabato sa akin ng tsinelas kanina." Nakaramdam naman ako ng takot kung ano ang pwede niyang gawin sa akin pero napaisip din ako, kaming dalawa lang ang nandirito, may gawin kaya siya sa akin na magugustuhan ko? Dahil sa naiisip ko ay hindi na ako nanlaban upang ma-curious siya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Binitawan naman niya ako pero hindi ako tumakbo o umiwas sa kanya. Naglakad pa nga ako patungong tabing dagat at habang naglalakad ako ay isa-isa kong hinuhubad ang sapatos ko at sinunuod ko ang pang itaas ko kaya wala akong bra. Pribado ang lugar na ito at isla ito na nasa gitna ng karagatan kaya kahit maghubad ako dito ay walang makakakita sa akin. Para makaganti ako sa ginawa niyang pagpapaalis sa mga kaibigan ko ay paglalawayin ko siya sa katawan ko. Alam kong matagal na siyang may gusto sa akin at kahit itago niya ay nararamdaman ko ito. Kahit anong pigil niya alam ko na hindi niya kinakaya ito dahil matindi ang pagnanasa niya sa aking katawan at nakikita ko 'yon sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Nilingon ko siya at para itong naestatwa na kaya napangisi ako. Hinubad ko ang suot kong long pants ng huminto na ako. Bikining kulay pula na lamang ang natira sa aking katawan at pinag iisipan ko pa nga kung huhubarin ko ba ito, pero huwag na lang at baka hindi na makapag pigil pa ang kuya-kuyahan ko at mawasak pa pempem ko. Hindi pa ngayon, masyado pang maaga dahil kailangan mo munang sakitan ng puson bago mo tuluyang matikman ang matamis kong pempem. Muli akong humarap sa kanya at nagsisimula na itong maglakad papalapit sa akin kaya ngumisi ako at nagtatakbo ako sa tubig at saka ako lumangoy at nagsisigaw. "Ang sarap ng tubig. Ang lamig sa pempem."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD