Chapter 4 -Makalaglag panty daw-

1619 Words
Allison's POV Padabog akong lumabas ng sasakyan ni Kuya David ng makarating kami ng mansion. Nakakainis siya dahil hindi ko na nauunawaan kung bakit lagi na lamang niya kaming pinaghihiwalay ni Hunter. Naiinis ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay ayaw niya akong maging masaya. "Nakakainis!" I stomped my feet and pouted at him as I approached the doorway. "Bakit nakasibangot yata ang Prinsesa namin? Nag-away na naman ba kayo ng kapatid mo ha?" ani ni mommy ng sinalubong kami ni kuya papasok ng bahay. Yumakap ako kay mommy at umiyak ako dito dahil sa inis na nararamdaman ko. Masama namang tinignan ni mommy si kuya, buti nga dahil lagi na lang siyang epal sa lahat ng gusto ko. Hinagod ako ni mommy sa likod at napatingin siya kay Kuya David ng may pag-aalala. Mas lalo akong umiyak at mas nilakasan ko pa para marinig din ako ni daddy at hindi naman ako nabigo dahil humahangos si daddy na lumalapit sa amin. "Anong nangyayari dito ha? Bakit umiiyak ang kapatid mo David? Ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?" galit na ani ng aming ama habang masama ang pagkakatingin niya kay kuya. "Adopted sister, dad!" inis na sagot ni kuya kaya tinitigan siya ng masama ni daddy. Hindi nila kinokontra si kuya dahil alam ko namang ito ang tunay nilang anak at tanging tagapagmana ng mga negosyo nila. Kaya lang naiinis ako dahil pakiramdam ko nasasakal ako kapag nasa paligid ko lang si kuya. Naglakad patungong sofa si Kuya David at pabagsak ang katawan nito na naupo at tinitigan ako ng masama kaya binelatan ko naman ito at isinandig ko pa ang aking ulo sa dibdib ni mommy na tila ba lalo akong nagpapa-awa. Inuwi ko lang 'yan dahil 'yung Hunter na 'yon, kung makapalupot sa baywang niya daig pa ang asawa! Hindi ba at kayo na din ang nagsabi na bantayan ko at protektahan ko 'yang ADOPTEDSISTER ko!" naiinis niyang ani. Pinag-diinan pa nya talaga sa kanila ang salitang adopted sister. Alam ko namang hindi kayang pagsabihan ng aming mga magulang si kuya dahil bali-baligtarin man ang mundo, siya pa rin ang nag-iisang tunay na anak at tagapagmana nga ng mga maiiwan ng mga magulang niya. Wala naman akong habol sa kayamanan nila, masaya na ako at kuntento na ako na nagkaroon ako ng mabuting mga magulang at hindi ko na hinahangad pa ang magkaroon ng higit pa sa tinatamasa ko ngayon dahil sobra-sobra na ang mga ito. "Oh, s'ya tama na 'yan! Pumasok ka na hija sa silid mo at kakausapin lang namin ang iyong kapatid." ani ni daddy kaya mabilis naman akong sumunod at binelatan ko lang ulit si Kuya David ng dumaan ako sa harapan niya. Akma siyang susugod sa akin habang nakabusangot ang mukha niya kaya kumaripas agad ako ng takbo paakyat ng hagdanan dahil baka tamaan na ako sa pogi at halimaw sa kama ng pangit na 'to. Halimaw dahil minsan kong narinig na nakikipasex siya sa isang babae sa silid niya. Ang tukmol at laging iniiwanang bukas ng bahagya ang pintuan niya kapag may kasama siyang babae. Hindi ko alam kung sinasadya nya 'yon pero madalas 'yong mangyari at ako naman, minsan hindi ko matiis at pinapanuod ko sila ng palihim. "David, enough!" ani ni daddy sa kaniya habang tumatakbo ako ng mabilis paakyat sa hagdanan. "Belaaaaat!" malakas kong sigaw dito at nakikita ko ang matinding pagkainis niya sa akin kaya mabilis na akong nakapasok ng aking silid ng marating ko ito. Agad kong hinanap ang aking telepono at tinawagan ko agad ang aking mga kaibigan at si Hunter. Alam kong nag-aalala na sila sa akin dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanila. "Pasensya na kayo ha, nagsungit na naman kasi si kuya kaya ayun inuwi na ako!" nakanguso kong ani sa kausap ko sa telepono. "Hindi ka ba naiinlove diyan sa kuya-kuyahan mo beshie? Grabe kung bakuran ka ah! Saka idagdag pa na sobrang gwapo ha, makalaglag panty. Kung ako sayo, aakitin ko 'yan. Hindi naman kayo magkadugo at kahit inampon ka, hindi kayo magkadugo kaya pwedeng-pwede." ani ni Nicole na sumingit sa pag-uusap namin ni Gweneth. Hindi naman agad ako nakasagot, sa totoo lang ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang pagdaiti ng kaniyang labi sa aking tainga, hindi naman niya ako hinahalikan, idinaiti lang niya ang labi niya sa tainga ko pababa ng aking leeg at tila ba may libo-libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nag-init nga agad ang tainga ko kanina at naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha kaya alam kong namula ang mga pisngi ko kanina. "Hala hindi ka na sumagot diyan! Nai-in-love ka sa kanya noh? Aminin mo 'yan!" ani nila sa akin. "Si kuya magugustuhan ko? Sus! nababaliw na naman kayo! Wala namang gwapo sa mukha ng tukmol na 'yon noh! Mukhang kabute na kapag tinapakan mo durog agad at mapipisak lang." naiinis kong ani na tinawanan naman nila. "Sige na mga beshie at magkita-kita na lang tayo bukas, pakisabi kay Hunter na bukas na lang, kakain naman tayo sa labas hindi ba?" ani ko dito. Pagkatapos ng kaunting goodbyes ay tinapos na rin namin ang aming pag-uusap. Pagkalapag ko ng aking telepono ay nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko. "You are not going anywhere tomorrow, Allison!" napalingon ako sa taong nagsalita kaya sinabangutan ko agad ito. "Nandito ka na naman! Bakit ba lagi ka na lang kontrabida sa buhay ko ha? Paano ka ba nakapasok dito sa silid ko eh kinandado ko 'yan?" singhal ko dito. Nakakinis lagi na lang siyang sumusulpot kung saan-saan. Dahan-dahan naman itong lumalapit sa akin ng nakangisi kaya naman dahan-dahan din akong napapaatras. Napahinto ako sa pag-atras ng maramdaman ko ang drawer sa likuran ko. Inilapit niya ang daliri niya sa mukha ko at marahan niyang hinimas ang pisngi ko at tinitigan ang katawan ko. "Ilang taon ka na ulit?" tanong niya. Napalunok naman ako at hindi ko na magawa pang tumingin sa kanya. "Twenty-one, am I right? Hmmmn, naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo nuon na pagtuntong mo sa edad na 21 ay sisingilin kita sa ginawa mong pambibitin sa akin?" wika niya at ang daliri niya ay bumaba sa cleavage ko at idinaiti niya ang daliri niya sa balat ko. Dinukwang niya ang tainga ko at idinikit niya ang labi niya sa tainga ko na nagbigay ng kakaibang init sa akin na tila ba kinukuryente ang buo kong katawan. "Trust me! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo kapag hindi ka nakinig sa akin," ani niya ng nakangisi sa akin at mabilis na sinunggaban ang aking baywang at pahapit akong inilapit sa katawan niya. Halos magdikit na ang aming mga labi sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin, naaamoy ko ang mabango niyang hininga, ang kabog ng puso ko ay hindi na rin mapalagay. Naramdaman ko ang kahandaan niya na tumutusok sa harapan ko na mas lalo pa niyang idinidikit sa akin kaya halos manginig ang buong sistema ko. "Bitawan mo ako," ani ko dito na halos hindi ko na mabigkas pa. Nginisihan lamang ako nito at pinakatitigan niya ang aking labi kaya naman itinikom ko ang aking bibig na ikinatawa niya ng mahina. Dinilaan niya ang tungki ng ilong ko na ikinagulat ko, at pagkatapos ay binitawan niya ako at naglakad ito patungo ng aking sofa at naupo dito ng hindi naman niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. "Kapag sinabi ko na hindi ka aalis bukas ay hindi ka aalis! Huwag mo akong susubukan Allison." wika niya habang nakatitig sa akin. Nginusuan ko ito at padabog akong naupo sa aking kama. "Bakit ba ganyan ka kahigpit sa akin ha? Sabi mo nga kanina adopted sister lang, so ano'ng pakialam mo sa mga bagay na ginagawa ko ha?" ani ko dito habang salubong ang mga kilay ko dahil sa inis. "Sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo! Bukas hindi ka aalis! Nagkakaintindihan ba tayo?" ani niya sabay tayo at iniwan na ako sa aking silid. Pagkalabas niya ay mabilis kong kinandado ang aking pintuan at sa inis ko ay nagsisisigaw ako ng malakas upang mailabas ko ang frustration na nararamdaman ko. "May araw ka din sa akin bwisit ka!" malakas kong sigaw kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig. Hindi ko maintindihan kung bakit ganuon na lang kahigpit sa akin si Kuya David, pero hindi siya mananalo sa akin dahil sisiguraduhin kong matatakasan ko ang mokong na 'yon bukas. Humiga ako sa aking kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Mabibining katok naman ang nagpabangon sa akin kaya agad kong binuksan ang pinto. "Walang aalis bukas!" ani agad ni Kuya David pagkabukas ko pa lang ng pintuan ko kaya sa sobrang inis ko ay malakas kong isinara ang pintuan ko. "Bwisit ka! Bwisit ka talaga!" malakas kong sigaw na alam kong pinagtatawanan na niya ako ngayon. Nakakainis talaga siya, hindi ako makakapayag na diktahan niya ako. Sisiguraduhin kong matatakasan ko siya bukas. Maaga pa lang ay aalis na ako, lagi naman siyang late kung gumising kaya siguradong pag-gising niya hindi na niya ako aabutan dito. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at nagpatugtog ako ng musika sa aking telepono at ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi naman maalis sa isipan ko kung paano niya idinikit ang labi niya sa tainga ko kanina kaya napahawak ako sa aking tainga at napangiti ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero sa tuwing nadidikit ang katawan ko kay Kuya David, para akong kinukuryente sa buong katawan. Natawa ako ng maalala kong bigla ang sinabi ng kaibigan ko, tama naman talaga siya, makalaglag panty naman talaga si Kuya David. Panty ko nga hinihigpitan ko na lang talaga dahil pakiramdam ko bibigay na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD